You are on page 1of 1

Daga, paniki at maliliit na garapata, ilan lamang ito sa mga hayop na pinaghihinalaang

sanhi ng kumakalat ngayong sakit na kayang kumitil ng buhay ng milyong-milyong katao. Sa


hindi inaasahang pagkakataon ay muli na namang sumiklab ang isang pandemya na tumama sa
malaking bahagi ng mundo. Ang naturang virus na ito ay lumitaw noong Disyembre 2019 na
ngayon ay kumakalat sa ibat-ibang parte ng mundo kabilang na ang Pilipinas. Ang virus na ito ay
kalauna’y kinilala bilang Corona virus disease 2019 o COVID-19.

Ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa kinahaharap na pandemya ng ating lipunan ay


mahalaga. Tila hindi naging handa ang lahat sa biglaang pagdating ng isang sakit na lubhang
mabilis na makahawa na maaaring kumitil sa buhay ng sinumang tatamaan nito. Sa
pagkakataong ito ay napakahirap ng pakikihalubilo sa mga taong nasa palagid mo kahit na ito ay
lubhang malapit sayo kung kaya’t nagbigay ng mga alituntunin na dapat sundin upang makaiwas
sa pagkakahawa-hawa ng naturang sakit na ito. Dahil bago lamang ang sakit na ito, ang mga
awtoridad at eksperto ay patuloy pa rin sa pag-aaral kung ano ang kalikasan nito at paano ito
nagsimula nang sa gayon ay mabilis silang makatuklas ng bakunang maari nilang magamit sa
pagsugpo sa pandemyang ito.

Sa tala ng DOH mahigit tatlong daang libo na ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong
Pilipinas na sa pagdaan ng mga araw ay nadadagdagan pa rin ito na siyang lubhang nakakatakot
o nakakabahala. Dahil dito, mabilis na nagbago ang sitwasyon dito sa Pilipinas kaya nagging
limitado ang galaw ng mga tao. Gayundin ay lubhang naapektuhan ang mga negosyo at ibang
trabaho na hindi maaring makapagpatuloy bunga ng patuloy na pagdami ng mga taong
tinatamaan ng sakit na ito. Sa parte naman ng Barangay Olympog, lunsod ng Heneral Santos ay
nakapagtala din ng mahigit dalawampu’t siyam na katao sa araw-araw ang napapadagdag sa mga
kaso ng nagkakaroon ng COVID-19.

Ang COVID-19 ay talagang nagkaroon ng malaking epekto sa ating bansa. Ilan na dito
ang lubhang pagbaba ng ating ekonomiya sapagkat napakaraming negosyo at trabaho ang natigil
dahil dito. Sa panahon ngayon, ang natitira na lamang na dapat gawin ng bawat isa ay ibayong
pag-iingat at pagsunod sa mga alituntunin upang ng sa gayon ay makaiwas sa pagkakaroon ng
sakit na ito. Ito ay makakatulong hindi lamang para sa iyong sarili ngunit sa mga taong
nakapaligid sa iyo.

You might also like