You are on page 1of 4

Filipino

Sanayang Papel

Ikatlong Markahan - Linggo 7

SANAYSAY/PAGGAMIT NG TUWIRAN
AT DI-TUWIRANG PAHAYAG SA
PAGHAHATID NG MENSAHE

- Rochelle Ann Pallones


(Subject Teacher)

- Zyra Jean D. Dacles


Grade 10 – Pythagoras (STE)
(Student)
Pagkakaisa: Wakasan ang Pandemya

Sa pagdating ng virus na ito makikita na napakalaki ang naging epekto


hindi lamang sa ekonomiya, trabaho, pati narin sa ating mamamayang Pilipino.
Ayon sa World Health Organization (WHO), mayroong 3,679,629 na
kumpirmadong kaso ng Covid-19 at 59,343 na napatay noong Enero 3, 2022
hanngang ngayong Abril 4, 2022, dahil sa lumulubo at patuloy na pagkakaroon
ng kaso kahit na patuloy ang pagbabakuna sa ating mamamayan. Batay sa
pinakitang datos, kahit na patuloy parin ang bakuna upang mabawasan ang
kaso, patuloy pa ring dumadami ang kaso. Ang totoo niyan ay ang pagkagutom
at pagkawala ng trabaho ng karamihan ang dahilan kung bakit dumadami ang
kaso, dahil mas pinipili nilang magtrabaho kahit na alam nilang maaaring sila
ay mahawa sa virus na ito.
Sa tingin ko, mawawakasan nating ang pandemyang dulot ng virus na ito
sa pamamagitan ng pagkakaisa. Ang pagtupad sa mga polisiya o health
protocols upang tayo ay makaiwas sa virus na ito ay dapat sundin. Alam kong
hindi madali ang buhay natin ngayon, ngunit upang maibsan ang ating
paghihirap, kailangan nating alamin ang nangyayari at kung ano ang ating dapat
gawin upang hindi na lumubo ang kaso ng virus na ito. Huwag tayong mag-
alinlangang tumulong lalo na sa mga frontliners na alam kong nahihirapan
ngayon. Sa totoo lang, mahirap wakasan ang pandemyang ito dahil sa mga hindi
disiplinadong mamamayan. Patunay ito na kahit anong gawin ng pamahalaan
kung may mga hindi disiplinadong mamamayan hindi natin mawawakasang
itong pandemya.
Ang paglutas sa ating suliranin ay nangagailangan ng maraming kamay.
Hindi isa, hindi dalawa, kundi ilang kamay sa abot ng makakaya. Sa katunayan,
ang simpleng pagsuot ng PPE o Personal Protective Equipment katulad ng
medical masks, face shields, hand gloves, at iba pa ay malaking bagay na at
maaaring makatulong upang mabawasan ang kaso ng virus na ito. Ayon sa
National Library of Medicine, ang pagsusuot ng PPE ay nagpapababa ng kaso
ng virus na ito. Ang palagiang paghugas ng kamay at katawan ay nakababawas
sa tiyansang mahawaan ng virus na siyang malaking ginhawa para sa ating mga
frontliners.
Alinsunod sa health protocols, pagsanay sa sarili ng social distancing ay
isa ring tulong na maari nating gawin para sa ating kapakanan at kapakanan ng
iba. Kung ikaw naman ay may kakayahan makatulong pinansyal, lalong-lalo na
sa mga taong walang-wala at kapos sa pera ngayong pandemya, huwag mag-
atubiling magbigay ng tulong. Idagdag pa natin ang tulong na maibibigay gamit
ang social media. Maaring nating gamitin ang platapormang social media upang
magbahagi ng mga balita tungkol sa virus at magbigay ng mga kaalaman sa
ibang tao. Sa mga ganitong paraan, kahit malaki man o maliit lamang, ikaw ay
nakatutulong kahit na sa kapanahunan ng pandemya. Samakatuwid, laging
tandaan, “A thousand hands can solve thousands of problems”. Tayong lahat ay
magkaisa at wakasang itong pandemya.

TUWIRANG PAHAYAG:
 Ayon sa World Health Organization (WHO), mayroong 3,679,629 na
kumpirmadong kaso ng Covid-19 at 59,343 na napatay dahil sa lumulubo
at patuloy na pagkakaroon ng kaso kahit na patuloy ang pagbabakuna sa
ating mamamayan.
 Batay sa pinakitang datos, kahit na patuloy parin ang bakuna upang
mabawasan ang kaso, patuloy pa ring dumadami ang kaso.
 Alinsunod sa health protocols, pagsanay sa sarili ng social distancing ay
isa ring tulong na maari nating gawin para sa ating kapakanan at
kapakanan ng iba.
 Sa katunayan, ang simpleng pagsuot ng PPE o Personal Protective
Equipment katulad ng medical masks, face shields, hand gloves, at iba pa
ay malaking bagay na at maaaring makatulong upang mabawasan ang
kaso ng virus na ito
 Ayon sa National Library of Medicine, ang pagsusuot ng PPE ay
nagpapababa ng kaso ng virus na ito.

DI-TUWIRANG PAHAYAG:
 Sa tingin ko, mawawakasan nating ang pandemyang dulot ng virus na ito
sa pamamagitan ng pagkakaisa
 Sa totoo lang, mahirap wakasan ang pandemyang ito dahil sa mga hindi
disiplinadong mamamayan.
 Ang totoo niyan ay ang pagkagutom at pagkawala ng trabaho ng
karamihan ang dahilan kung bakit dumadami ang kaso, dahil mas pinipili
nilang magtrabaho kahit na alam nilang maaaring sila ay mahawa sa virus
na ito.

You might also like