You are on page 1of 2

Nakakabigla ang mga pangyayari dahil noong december 2019 ay nagkaroon ng newly discovered virus

na pinangalanang coronavirus disease (covid 19), Ito ay nagsimula sa Wuhan, China na unti onting
kumalat sa buong mundo at makalaunan ay dineklarang pandemic. Nagkaroon ng unang kaso ang
Pilipinas noong January 2020 isang female Chinese national. Inanunsyo ng pamahalaan sa buong Luzon
at ilang lugar sa Visayas at Mindanao ang pagpapatupad ng Enhance community quarantine simula ng
nagkaroon ng contact tracing ang sakit na covid 19. Maraming tao ang nawalan ng trabaho lalo na ang
mga mahihirap na umaasa lang sa pangaraw araw na trabaho gaya na lamang ng panlilimos,
pamamasaba ng jeep, trycle, pedicap at kung ano pa, at ang panlilimos. Maswerte na ang mga taong
nagkaroon ng trabaho work from home pero ang mga kagaya nilang mahihirap ang pinakanaapktuhan
ng pandemic na ito.

Bilang estudyante mahirap ang nararanasan naming lalo na kung paano mairaraos ang semester na ito.
Maaaring swerte pa kami dahil may stable internet kami at kayang makapagpasa ng mga gawain sa
tamang oras. Pero paano naman ang mga estudyanteng walang stable internet connection at walang
trabaho ang mga magulang o estudyante? Sila rin ay isa sa mga pinakanaapektuhan ng pandemic na ito.
Na iniisip pa kung saan kukuha ng pangload o gagamitin na lang ba upang may makain sa isang araw.

Mahirap dahil hindi ka pwedeng lumabas ng bahay dahil hindi natin alam kung may dala dalang sakit ang
mga taong makakasalamuha natin. Mahirap dahil kailangan magsuot ng mask, dumistansiya sa ibang
tao, huwag humawak ng kung ano ano sa labas, at iwasang hawakan ang mata, bibig,at ilong. Mahirap
dahil makakalabas ka lang kapag kailangang bumili ng basic necessities at may takdang oras lamang ito.

Malalagpasan ng bansa natin to kung lahat ng tao ay nagtutulungan at sumusunod sa mga batas na
iniatas sa lugar nila. Walang nanlamang sa kapwa at hindi natin alam kung nangungurakot o kung sino
ang nangungurakot. Pero naniniwala ako na malalagpasan natin ito at mapapabilang rin ang bansa natin
na covid free.

Ang history ay ang pagaaral sa nakaraan. Dito may makukuha tayong impormasyos o dagdag kaalaman
na magagamit natin sa ating hinaharap. Malaking silbi sa history ang pandemic na ito lalo na kung
mapagtatagumpayan natin ito. Maaring magamit nila ito kung magkakaroon ng pandemic sa hinaharap
ulit. Halimbawa na lang SARS at ebola na maiituturing na pandemic. Maaring gamitin itong
impormasyon ng mga nananaliksik at mga sciencetist bilang isang references sa paghahanap ng lunas sa
covvid 19. Isa ito sa mga hakbang para makahanap at makagawa ng lunas sa sakit na ito. Maaring sa
ngayon ay wala pang lumas pero maraming researchers sa iba’t ibang lugar sa mundo ang naghahanap
at gumagawa ng gamot sa lumalaganap na sakit ngayon.

Ang history ang isa sa susi para makasurvive sa pandemic na ito. Magagamit natin ang history dahil
malalaman natin ang kung paano nabuhay ang mga tao noon sa panahoon ng nagkaroon ng pandemic.
Isang sagot upang mabuhay sa panahon ngayon na ginamit ng mga tao noon ay ang pagtatanim. Ito ay
isa sa mga ginamit ng mga tao noon upang mabuhay at mapawi ang gutom nila. Maari tayong magtanim
ng mga gulay at prutas para makaligtas. Maraming prutas at gulay ang kayang mabuhay sa panahon
ngayon at kahit sa maliliit na paso. Sa ganitong paraan ay makakaligtas tayo sa kagutuman at hindi na
kailangan gumastos pa ng Malaki.

Sa aking magiging anak, apo, at sa susunod na henerasyon hindi ko ikekwento ang naging experience ko
sa pandemic na ito, bagkus tuturuan ko sila kung ano ang dapat nilang malaman sa mga nangyayari at
ano ang mga dapat nilang gawin, at sasabihin ko lamang sa kanila na maging handa anomang oras at
panahon. Maging handa sila lagi sa mga bagay na hindi natin aakalain o aasahan. Sumunod lagi sa mga
alituntunin na ipamamalakad ng siyudad at para rin ito sa inyong kapakanan. Sa panahon ng pamdemic,
maging matipid sa pera at kagamitan at huwag bumili ng kung anu anong hindi kailangan sa pang araw-
araw dahil hindi natin alam kung kalian ito matatapos. Magipon ng pera para sa worst case scenario sa
pandemic na ito. Halimbawa na lamang na kung matanggal sa trabaho at hindi alam kung kailan
matatapos ang pandemic at kung kailan makakabalik sa trabaho. Laging iisipin na ang kalusugan ang
dapat unahin sa panahon na ito, huwag lumabas ng bahay kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan
at baka hindi niyo namamalayan ay dala dala niyo na pala ang sakit na kumakalat.

Sa panahon ngayon masasabi nating malawak na ang kaalaman sa siyensya at dumarami na ang mga
makabagong teknolohiya na mayroon tayo ngunit wala pa ring natutuklasang gamot simula noong
kumalat ang virus na ito. Ang pandemya na nararanasan natin ngayon ay maaraming pagdala ng takot,
kaba, at kaalaman sa susunod na henerasyon. Takot at kaba dahil hindi natin alam kung makakahanap
ba ng gamot sa pandemic na ito at kung babalik ba sa normal ang lahat. At kaalaman dahil gaya nga ng
sinabi ko maaari nila itong magamit bilang kaalaman sa susunod na henerasyon.

You might also like