You are on page 1of 11

Pfizer-BioNTech: Bakuna Laban sa Pandemya

Ni:Kyla Pamadico

Sa pagdami ng mga nagpopositibo sa sakit na COVID 19 sa iba't-ibang parte ng


mundo at matagal na paghihintay,sa wakas nagkaroon na rin ng bakuna laban
dito.Nagsimula ang iba't-ibang bansa ng pag-aaral hinggil sa covid-19 upang
makapagbuo ng isang bakuna at isa na dito ang Unated Kingdom (UK),na
nakapagdevelop ng Pfizer-BioNTech nagsagawa sila ng clinical trial at naging
matagumpay ito kaya't pinayagan Ng World Health Organization (WHO)na isagawa ang
human trial sa ilang taong nagvoluntry na bakunahan nito,naging matagumpay din
ito.Pinayagan ng WHO na ibakuna na ito sa mga mamamayan ng iba't-ibang bansa na
nakapagtala ng mga kaso ng covid-19 kasama na ang Pilipinas.Nauna ng magbakuna sa
UK at ilang mga mayayamang bansa sa Southeast Asia,inaasahan naman na darating ito
sa ating bansa sa kalaghatian ng susunod na taon(2021). Ang pagkakaroon ng bakuna ay
nagbigay ng pag-asa sa mga tinamaan ng sakit na ito gayun na din sa ating mga
frontliners na talaga namang lubha nang nahihirapan hindi lang sa physical kundi maging
sa emotional.Mayayakap na ng ating mga magigiting na frontliners ang kani-kanilang
mga mahal sa buhay,mayayakap na natin ang ating mga mahal sa buhay ng walang
pangamba at takot na baka mahawa tayo,na baka makahawa tayo ng sakit na ito.
Maraming bagay ang mababago tulad na lamang ng paraan ng pag-aaral ng mga
estudyante ngayon,ang modyular o online class ay mapapadali lalo sa pagkakaroon ng
bakuna dahil magiging face-to-face na ang klase,lalong matuto ang mga estudyante.At
habang wala pang dumadating na bakuna sa ating bansa mas makakabuting sundin na
muna natin ang ipinapatupad na health protocol ng ating gobyerno ang pagsusuot ng
face mask,face shield,at ang pagpapanatili ng social distancing kung lalabas ng bahay.

Bakuna Laban sa Pandemya

Ni:Kyla Pamadico

Sa pagdami Ng nagpopositibo sa sakit na covid-19 sa iba't-ibang parte ng mundo


at matagal na paghihintay,sa wakas nagkaroon na rin ng bakuna laban dito.Nagsimulang
mag-aral Ang iba't-ibang bansa hinggil dito upang makabuo ng bakuna.Sa buong
mundo,higit sa 50 bakuna sa covid-19 ang sinusuri sa mga tao.Ngunit kakaunti lamang
ang nakapagsimula ng malakihang(phase 3)mga clinical trials sa Estados Unidos upang
tinggan kung gaano ka-epektibo ang mga nasabing mga bakuna. Naging bahagi nito ang
Unated Kingdom (UK)na nakapagdevelop ng bakunang nagngangalang Pfizer-
BionTech.Nagsagawa sila ng clinical trials (phase 1-3)at naging matagumpay ito kaya't
isinagawa na nila ang human trial sa ilang mga taong nagvoluntry na mabakunahan nito
at naging matagumpay din naman ito.Pinayagan ng World Health Organization (WHO)
na maibakuna ito sa mga mamamayan ng mga bansang nagtala ng kaso ng covid-19
kasama na ang Pilipinas.Nauna nang magbakuna sa UK at iba pang mayayamang bansa
sa Southeast Asia,inaasahan naman itong darating sa ating bansa sa kalaghatian ng
taon(2021). Ang Russia na nakapagdevelop naman ng Sputnik V,kagaya ng Pfizer-
BioNTech nagsagawa din sila ng clinical trials (phase 1-3) at human trials,naging
matagumpay ito kaya't pinahintulutan na itong ibakuna ng WHO sa mga bansang
nagkaroon ng covid-19 kasama na ang Pilipinas. Ang Sinopharm na nagmula sa bansang
unang nakapagtala ng kaso ng covid-19,ang China.Nagsagawa sila ng clinical trials (phase
1-3)at human trial,naging matagumpay naman ito kaya't pinayagan din ng WHO na
maibakuna sa mga mamamayan ng iba't-ibang bansa kasama na ang
Pilipinas.Inaasahang darating sa bansa ang 20M doses ng bakunang ito sa pagpasok ng
first quarter ng taong kasalukuyan(2021).Bukod dito nadevelop din ng China ang Sinovac
na nagsagawa din ng clinical trial at human,naging matagumpay din ito at binigyan ng
pahintulot WHO na maibakuna sa mga mamamayan ng mga bansang nakapagtala ng
kaso Ng covid-19. Ang Astrazenica ng Unated States of America(USA) na nagsagawa din
ng clinical trial at human trial.Binigyan ito ng Emergency Use Authorization (EUA) sa
kanilang bansa at iba pang bansa(hindi dito sa Pilipinas) kaya't maaari itong maibakuna
sa mga mamamayan nila. Moderna na nagmula sa bansang India,nagsagawa sila ng
clinical trials at human trials at naging matagumpay Ito.Pinahintulutan din ng WHO na
maibakuna sa mga mamamayan ng maraming bansa.Inaasahang mayroong darating na
10M doses sa ating bansa. Kinakailangan ng bawat isa na mabakunahan ng dalawang(2)
doses na may ilang linggong pagitan.Kapag nagkaroon ka na ng covid-19 ay
kinakailangan mo pa ring magpabakuna dahil hindi pa natin alam kung hanggang kailan
ka protektado kaya't mahalaga na mayroon kang bakuna para palakasin ang iyong
immunity. Ang pagkakaroon ng bakuna ay nagbigay ng pag-asa sa mga tinamaan ng sakit
na ito gayun na din sa ating mga frontliners na talaga namang lubha nang nahihirapan
hindi lang sa physical kundi maging sa emotional.Mayayakap na ng ating mga magigiting
na frontliners ang kani-kanilang mga mahal sa buhay,mayayakap na natin ang ating mga
mahal sa buhay ng walang pangamba at takot na baka mahawa tayo,na baka makahawa
tayo ng sakit na ito. Maraming bagay ang mababago tulad na lamang ng paraan ng pag-
aaral ng mga estudyante ngayon,ang modyular o online class ay mapapadali lalo sa
pagkakaroon ng bakuna dahil magiging face-to-face na ang klase,lalong matuto ang mga
estudyante.At habang wala pang dumadating na bakuna sa ating bansa mas
makakabuting sundin na muna natin ang ipinapatupad na health protocol ng ating
gobyerno,ang pagsusuot ng face mask,face shield,at ang pagpapanatili ng social
distancing kung sakaling lalabas ng bahay.

"Edukasyon sa kabila ng Pandemya"

Ni: Camille Prado

Ang edukasyon ang isa sa itinuturing na pangangailangan ng mga kabataan dahil


ito ang bagay na maaring makapagtawid sa atin sa tagumpay at makaahon sa kahirapan
ng buhay. Edukasyon ang makapagsusulong sa atin upang makamit ang mga mithiin sa
buhay kayat ito ang pinakaunang pangangailangan ng mga kabataan lalong lalo na sa
panahon ngayon. Bagamat may hindi magandang nangyayari ngayon sa mundo na
madaling nakapukaw sa kalagayan natin na hindi inaasahan, "ang pandemya" o ang sakit
na ngayoy kumakalat8 ("Covid 19"). Ang Covid 19 ay isang grup9 ng sakit na mabilis
makahawa at ito ay nagmula sa Wuhan China. Sa sakit na ito marami ang naapektuhan
sa ating pamumuhay gaya na lamang sa trabaho, negosyo, at lalot higit ay sa edukasyon.
Ngayong pandemya marami ang mga magulang at mga estudyante na nagtatanong.
"Paano na nga ba ang edukasyon ngayong may pandmya, matitigil ba ito o hindi? Ilan
lamang ito sa mga tanong ng sangkatauhan. Ang sagot naman ng DePed o Department
of education " Unang una hindi dapat mawala ang edukasyon sa lipunan".Marami ang
paraan upang maipagpatuloy ang pagaaral. Naglatag ito ng iba’t ibang estratehiya at
pamamaraan sa Inter-Agency Task Force (IATF) na kanila namang isinumite sa
Malacañang upang mapag-aralan ang mga panukala ng DepEd, na kaakibat sa layunin
nitong “Sulong Edukalidad, Walang Maiiwan”.Dahil sa masusing pag-aaral na ipinakita at
ipinaliwanang ni DepEd Sec. Leonor T. Briones, napapayag nila ang pamahalaan.Sa
kabila nito ang ibat ibang ahensya ng gobyerno katulad na lamang ng DePed ay gumawa
ng paraan upang ang mga pampublikong serbisyo ay maipagpatuloy. Bagamat ang
community quarantine ay ipinairal o pansamantalang pagpapanatili sa loob ng bahay
dahil sa kumakalat na sakit masusing pinagaralanng gobyerno at ipinaliwanag ni Sec.
Leonor T. Briones ang paraan ng pagaaral ngayong new normal. Ngayong pandemya
ipinairal ang online classes. Sa online class malaki ang papel ng internet upang
matulungan ang mga magaaral na nagoonline class, hindi lamang sa online class pati na
rin sa ibat ibang estratehiya ginagamit ang internet. Ang isa pang paraan ng pagaaral
ngayong new normal ay ang tinatawag na "MODULAR DISTANCE LEARNING" na
isinasakatuparan ngayon ng Pakiing National High School na isa sa mga paaralan sa
Pilipinas na nakasubok ng masidhing pangyayari dulot ng Covid 19.Ang modulardistance
learning ay isang paraan ng pagaaral ngayong may pandemya. Marami ang proseso sa
paraang ng pagaaral na ito. Kumuha ng module mula sa division office at nagprint ng
mga kakulangan ang ating mga guro. Matapos ang mga proseso ng pagprint ng mga guro
ito ay ipamamahagi sa mga magulang ng mga batang nagaaral. Matapos ang isang
linggong pagsasagot ng module ay isusumite ito sa guro at kukuha na muli ng bagong set
o grupo ng module. Ang isa pang paraan ng pagaaral ay ang BLENDED LEARNING na
kung saan ito ay isang paraan na maaring dalawa ang isinasakatuparan na paraan, online
classes at modular distance learning man ang ginawa upang makaraos sa edukasyon
kasabay ng pandemyang nararanasan natin ngayon. Ang edukasyon sa new normal ay
maiuugnay sa salitang hamon, sakripisyo, at pagpupunyagi. Hamon, sapagkat hindi
lamang ang mga mag-aaral ang makadarama nito ngunit pati ang mga magulang, guro,
ang mismong paaralan, at lahat ay makararamdam ng hamon. Sakripisyo, dahil lahat ng
mga tao ngayon ay nagsasakripisyo maitawid lamang ang edukasyon ng mga kabataan
ngayon. Hindi lamang mag-aaral, magulang, at ang mga guro ngunit maging ang
sambayang may malasakit para sa edukasyon. Pagpupunyagi, dahil sa hamon na ating
sinusunong ngayon, kinakailangan lamang na magpunyagi ang lahat upang maitawid ang
edukasyon ng mga kabataan ngayon dahil sa huli lahat tayo ay apektado kung wala
tayong gagawin. Walang mag-aaral na magkapagtatapos kung wala tayong gagawin.
Walang magiging susunod na mga propesyonal kung wala kilos na magagawa. #Handang
Isip Handang Bukas #Sulong Edukalidad Walang Maiiwan

ANXIETY DULOT NG PANDEMYA

Ni Ghezle Anne S. Roldan

Ang Anxiety Disorder ay isang grupo ng karamdamang pang-kaisipan (Mental


Disorder) kung saan ang tao ay nakakaramdam ng pagkabalisa, kaba o nerbiyos
(nervousness) sa mga bagay na maaring nakikita o nararanasan sa totoong buhay, o mga
bagay na paulit-ulit nilang naiisip.
Maraming mga karamdaman na kabilang sa grupo ng Anxiety Disorders. Ang mga
halimbawa ay: Social Anxiety (Takot na makisalamuha sa ibang tao o mag-tanghal —
halimbawa: mag-recite sa harap ng klase); Phobia (nakaka-paralisang takot sa isang
bagay — halimbawa: Phobia sa paglangoy); o Panic Disorder (sobrang balisa o kaba na
umaatake na lang bigla).

Ngayong panahon ng pandemya marami sa atin ang nakakaranas ng anxiety


disorder o pagkabalisa. Noon pa man ay meron nang mga tao na nakararanas ng anxiety
disorder ngunit ngayong nagkaroon ng pandemya karamihan sa mga mamayan ay
nakadarama na din ng pagkabalisa. Hindi natin maiiwasan ang mabalisa lalo na ngayon
sa panahon ng pandemya at may virus na hindi natin nakikita. Marami sa mga
mamamayan ngayon ay nakadarama na din ng pagkabalisa dahil nagaalala sila para sa
kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay. Natatakot tayo na mahawahan din sila ng
COVID-19 gaya ng iba.

Meroong mga nababalisa dahil wala na silang trabaho hindi nila alam kung saan
sila makakakuha ng pera para ipang bayad sa mga bayarin at gastusin nila sa kanilang
tahanan. Ang iba namang mga estudyante ay kinakabahan sa kanilang mga grado kung
ito ba ay magiging mataas o mababa. Samantalang ang ibang estudyante ay nababalisa
kung kailan sila makakapasok sa paaralan. Meroon din namang iba na nagaalala sa mga
maaari pang mangyari sa kasalukuyan at kung paano nila ito mapapaghandaan. Marami
din ang mga nababalisa dahil sa mga sunod-sunod na kalamidad na ating nararanasan.

Ganun pa man ay kailangan natin alagaan ang ating kalusugan at ang ating
kaisipan upang ating mapagtagumpayan ang bawat pagsubok na dumadating sa ating
buhay. Dapat din tayong sumunod sa mga patakaran na ipinapatupad ng kagawaran ng
kalusugan at ng ating pamahalaan lalo pa at meroon na namang bagong variant ng
COVID-19 na kumakalat na mula sa London na nadiskubre ng mga eksperto. Kahit na
marami tayong pagsubok na hinaharap ay huwag parin natin kalimutan na
magpasalamat sa Diyos dahil palagi pa rin niya tayong ginagabayan.

2020: Isang Masilamuot na Taon

Ni: Rheden Padilla


Simula pa lamang ng taong 2020 ay marami nang kalamidad at suliranin ang
dumating sa ating bansa. Ang taon na inaasahan natin na swerte at kagasanahan sa atin,
subalit sa halip na swerte at kasaganahan ang dumating, ang taong ito ay nagmistulang
simula ng kamalasan at paghihirap, dahil simula pa lamang ng unang buwan ay
nagsimula na ang kamalasan nitong hatid sa ating mga kababayan sa probinsya ng
Batangas nan nagalburoto itong muli, dahil ditto ay nagsilikas ang mga tao dito at
pumunta sa kabilang lalawigan. Kasunod na nga nito ay ang banta ng pagkalat ng sakit
na nanggaling sa China na tinawag na COVID 19 na hanggang ngayon ay atin paring
suliranin. Nagdesisyon ang Pangulo na magdeklara ng mandatory community quarantine
sa buong pulo ng Luzon. Dahil ditto ay nagsara ang mga malls at iba pang industriya, na
nagging sanhi ng pagdami ng mga nawalan ng trabaho. Halos lahat ay nanibago at
natakot dahil sa naturang sakit dahil wala itong sinasanto, kahit na mayaman ka o di
kaya’y mahirap ay kakapit at kakapit parin ito sa iyo lalo na kung di ka nag-iingat. Dahil
sa banta ng COVID 19 ay natigil ang pasok sa mga paaralan. At upang maipagpatuloy ito
ay kailangan ng ilang buwan upang maipagpatuloy ito kahit na maraming mga
pagbabago ang kailangang ipatupad katulad na lang ng mode of learning kung noon ay
face to face ngayon ay naging blended learning na. Ang blended learning ay sinasaluob
ang mga klase ng pagtuturo na maaaring gawin ngayong nasa gitna tayo ng pandemya
ito ay ang online learning, distance learning, modular at iba pa. Dahil nga dito ay
kinailangan ng ilang buwan upang mapaghandaan ang nasabing pagbubukas o
pagbabalik ng pasok sa paaralan. Bagama’t ilang buwan na din ito pinaghandaan ay
hindi pa rin ito naging madali. Napakalaking hamon nito lalong lalo na sa mga mag-aaral
dahil limitado pa rin ang kaalaman nilang umunawa ng mga aralin at mapagnilayan ito
dahil sanay na ang mga mag-aaral na may nagpapaliwanag at nagpapaunawa ng mga
dapat unawain sa mga aralin na siyang ginagawa ng guro noong face to face, datapwat
andyan ang kanilang mga magulang upang gabayan sila ay hindi pa rin natin matatanggi
na higit o mas mainam kung isang guro ang magpapaliwanag sa atin dahil sila ang may
mas higit na kasanayan upang magpaunawa nito. Isa ring naging malaking hamon ditto
ang limitadong internet connection lalong na sa mga bundok at liblib na lugar na syang
kinakailangan upang maipasa o makipag-usap sa mga guro patungkol sa mga di
nauunawaang mga aralin. Bukod dito ay ang mga bagyong mistulang sunod-sunod na
rumagasa ditto sa ating rehiyon pati na rin sa Bicol Region. Dahil na din sa pandemic ang
pagdiriwang natin ng Pasko ay nagbago, kasama na diyan ang pagbabawal sa mga mass
gathering, at pagpapatupad ng social distancing at pagpapairal ng community
quarantine. Ngayong malapit nang matapos ang taon na nagmistulang bagong pag-asa
dahil sa mga malapit nang matapos na bakuna na panlaban sa sakit na COVID 19. Lubos
akong umaasa na sana pagkatapos ng masalimuot na taong ito ay muli nating masilayan
ang isang liwanag na nagbibigay satin ng kaligtasan at pag-asa.

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya

Ni: Marinel Oballa

Noon ang buhay natin ay masagana dahil malaya tayong nakagagawa ng mga
bagay na kailangan nating gawin tulad ng paghahanap buhay, pag-aaral, pakikipag-
kapwa tao at pakikipag sapalaran sa lahat ng aspeto ng buhay. Maaari tayong mamasyal
sa kung saang lugar na gusto natin. Maraming mga oportunidad na makakuha ng
magagandang trabaho. Nabibigyan ng sapat ang mga pangangailangan sa pang araw-
araw at iba pa. Naipalabas ng pag-asa ng paggamit ng kanilang edukasyon upang
suportahan ang kanilang mga pamilya at kumonidad, ang mga hindi kapani-paniwala na
mga mag-aaral na ito ay nagpapatuloy.

Ngunit tila nagbago ang lahat ng dumating sa ating buhay ang tinatawag na
COVID 19. Ano nga ba ang COVID 19? Ang Coronavirus ay ang mga tinatawag na pamilya
ng virus na nagdudulot ng sakit mula sakaraniwang sipon hanggang sa mas malubhang
sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory
Syndrome (SARS). Na sa panahon ngayon an gating bansa ay kumakaharap sa pandemya
na nagpabago sa buhay ng bawat tao. Ito ay naging isang malaking hamon sa lahat, dahil
naapektuhan dito ang pamumuhay, hanap buhay, kalusugan, edukasyon, at
pakikipagsalamuha sa ibang tao. Tila nagbago bigla ang ihip ng mondu para sa mga mag-
aaral. Noong nagsimula ang panibagong taong panuruan nitong Oktobre 5, 2020 ay
hindi ito tulad noong nakaraang taon dahil ito ay ginaganap sa sariling tahanan ng mga
mag-aaral at hindi sa paaralan. Tutok lamang ang mga estudyante sa kanilang mga aralin
sa loob ng bahay dahil sa pandemya. Kung kaya’t marami ang nahihirapan sa ganitong
sitwasyon, dahil may ilan sa mga aralin na hindi alam o hindi maintindihan, ngunit
gumawa ng paraan ang mga guro binigay nila ang kani-kanilang numero upang
makapagtanong sa kanila ang mga estudyante.

Bago pa man ang sandaling ito, napakaraming mag-aaral ang kailangang


mapagtagumpayan ang mga nakakasindak na hadlang upang ma-access at ma-navigate
na mga institusyong mas mataas ang edukasyon. Ang mga mag-aaral na mga bata ay
nagbalanse ng kanilang pag-aaral kasabay ng pangangalaga ng kanilang mga magulang.
Marahil talagang mahirap ang sitwasyon sa panahong marami ang mga naging stress o
nabalisa ng dahil sa pandemic reality na pinalaki lamang ang mga hamong ito. Sa laban
na ito, kinakailangan lamang nating magsumikap at magsakripisyo upang matiyak ang
kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at mga magulang. Harapin natin ang “bagong
normal” ng may kahabagan, sensibilidad, at pagiging makabayan upang ang paraan ng
pag-aaral ay hind imaging isang pasanin para sa mga magulang, mga anak at guro ngunit
isang pag-asa sa gitna ng krisis. Sa kabila ng mga hamon na tatahakin, sisiguraduhin
natin na magkakaroon ng balanse sa pagitan ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon at
pag-aaruga sa bawat isa. Sa pamamagitan ng ganitong klaseng patakaran ng pag-aaral
matitiyak natin na ang lahat ay nasa ligtas. Na kahit marami mang hamon ang
nakapaligid sa atin hindi ito magiging hadlang para itigil o ihinto ang pag-aaral upang
makamit ang nasimulang pangarap para sa kinabukasan.

Hirap na Naranasan Ngayong Pandemya

Ni: Trisha Mae Permijo

Sa mga panahong wala panh pandemya ang mga tao ay malayang nakakalibot sa
iba’t ibang lugar. Ang mga trabahador ay normal ang suweldo o kita, maayos ang
kanilang pagtatrabaho at walang sagabal. Ang mga estudyante ay normal na pumapasok
sa kani-kanilang paaralan. Normal na tinuturuan ng mga guro ang kanilang estudyante.
Ang mga bata sa kalye ay malayang naglalaro ng sama-sama . At ang ibang mga tao ay
malayang nakikisalamuha sa ibang tao pero bigla na lang dumating ang hinaharap natin
ngayon. Ito ang nag papahirap sa mga pamilya, guro estudyante, at mga tao. Ang mundo
ay parang nawalan ng kulay na tila ang mga tao ay walang gana. Nagkagulo ang mga tao
dahil sa sakit na nakabalot ngayon. Ang mga trabahador na dating maayos at normal ang
kita ngayon kailangang bawasan. Dahil bawala ang magkakasalamuha ng walang suot na
face mask. Ang mga estudyanteng maayos na pag-aaral ngaun sila ay nasa kani-kanilang
tahanan nagsasagot ng mga binigay sa kanila ng kanilang guro. At ang normal na
pagtuturo noon ngayon nasa kanilang bahay na lang nakatutuk sa cellphone o computer
nakikinig sa kanilang guro na nagtuturo sa online. Dati na ang mga batang nasa kalye
ngayon naman nasa kanilang tahanan na lang nanonood ng TV at tahimik dahil bawal
sila lumabas. Ang mga tao ngayo ay nasa kanilang bahay nalang kapag lalabas sila
nakasuot ng face mask at bawal magdikit dikit. Ang ibang tao ngayong pandemya ay
kinakapus dahil nga saw ala silang mga trabaho dahil ang mga pinapasukan nila
kailangang magbawas ng tao. Kaya nagtitipid nalang sila. At ang mga batang nag-aaral sa
kanilang bahay ang iba ay nahihirapan at sumusuko na pati ang kanilang mga magulang
ay nahihirapan na din. Dahil ang ibang mga magulang ay hindi nakatapos sa pag-aaral sa
mga paaralan, madaming tao ang hirapan ngayon dahil sa pandemya ang iba gusto nang
sumuko pero nagtitiwala sila sa Diyos. Dumadalangin at nananampalataya, naniniwala
sila na may katapusan din ang pandemyang ito.

“Tuloy pa rin ang Buhay”

Ni: Norhine M. Roldan

Hindi inaasahanng lahat,

Talaga nga namang nakakagulat,

Nang COVID 19 ay nabuo,

Nagbago ang mundo.

Ang maingay na lansangan,

Tila nakakabingi na sa katahinikan,

Mga tao’y nasa sariling bahay,

Takot mabawian ng buhay.

Marami nang buhay ang nasawi,

Matamis na ngiti ay napawi sa labi,

Marami ang pamilya na nagkawalay,


Ngunit tuloy parin ang buhay.

Ilang beses mang malugmok,

At paulit-ulit na masubok,

Handa pa rin tayong lumaban,

Tuloy pa rin ang buhay.

Sumapit man ang gabing kay dilim

Asahang may araw pa ring sisilay

Lagging manalangin ng taimtim

At ituloy pa rin ang buhay.

Pagitan

Ni: Marinel Oballa

May mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan

Na pati ang tadhana tayo’y pinaglalaruan

Sa mga panahong ang hirap paniwalaan

Ngunit pag-ibig natin ang nagsisilbing kapangyarihan

Mahirap maniwalang ganito tayo

Na pilit nating nilalabanan ang suliraning ito

Na kahit pilit tayong pinaglalayong mundo


Sa distasyang nagsisilbing harang sa ikaw at ako

Ngunit pipiliin ko pa rin ang sumpaang ating binuo

Kahit magkalayo tayo

Linya ba ang kailangang magtakda

Kung saan tayo maaaring magkita

Na sa bawat hakbang ng madla distansya’y nangunguna na naging sandata

Sa kalaban natin na hindi nakikita

Alam kong hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito

Na nagmamahal habang may pagitan pa tayo

Na kahit gusto kitang hilahin palapit sakin ay pinipigilan ko

Na kahit gusto kong yakapin ka ay iiwasan ko

Dahil hindi pa maaari, magtitiis ako para sa ikakabuti mo

Pagitan na kahit sino’y gusto ng mawala

Pagitan na gusto na nating masira

Pagitan na hindi natin Makita

Ngunit hadlang para hindi tayo magkita

Kaya lalaban ako ,

Dahil pagmamahal lang ang tatalo sa pagitang ito.

You might also like