You are on page 1of 2

Talumapti

KASALUKUYANG MGA PANGYAYARI SA BANSANG PILIPINAS

Kasalukuyan tayo ay patuloy na humahaarap sa hamon ng pandemya.Umaasa sa pagbabago na dala ng


mga bakuna.

Noong ika -1 ng marso taong 2021 ng simulang umarangkada ang pagpapabakuna sa bansa laban
sa covid-19. Sinimulan bakunahan ang mga frontliners, at mga sinior citizen upang mapanatili ang
kanilang kaligtasan at mahikayat ang bawat mamayan na magpa bakuna kontra covid-19. Sa paglipas ng
ilang buwan, noong ika-9 ng oktubre ay binuksan na din ng pamahalaan at kawani ng kalusugan ang
pagpapabakuna sa mga kabataan na 12-17 taong gulang. Bakit kaya kailngan ng tao magpabakuna? Ano
ang maaaring epekto nito sa ating bansa at kalusugan? Ano ang magiging dulot ng pagpapabakuna ng
mga kabtaan sa pag-aaral?

Ipinabatid ng pamahalaan at kawani ng kalusugan na ang bakuna ay libre at snisigurado na it’y


ligtas para sa lahat ng may edad 12 pataas. Ngunit kahit na ito’y libre hindi pa rin naging madali ang
kamapanya sa pagpapabakuna, ito’y dahil sa marami sa atin ang natatakot dito, at sa walang
kasiguraduahan kung ano ang magiging dulot nito sa ating katawan.

Ipinabatid ng kawani ng kalusugan na kinakilangan ng bawat tao na nasa wastong edad na


magpabkuna, upang pabagalin ang pagkalat ng covid-19 dahil Ipinapakita na ang mga bakuna sa covid
19 ay makakatulong na mabawasan ang pagkalat ng virus, at ito’y maaring masilbing panaga natin.

Sa pagpapabkuna hindi miiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang epekto sa ating mga kalusugan
at pangangatawan. Sinasabihan ng mga bakuna para sa COVID-19 ang ating katawan na gumawa ng
antibodies na magpoprotekta sa atin mula sa virus na COVID-19. Tinatayang 20 porsyento sa mga tao
ang may mga side effect. Karamihan ay banayad hanggang katamtaman, at nagtatagal ng isa hanggang
tatlong araw . Ang mga side effect ay karaniwang nangangahulugang gumaganaang bakuna upang
bigyan ng istimulasyon ang iyong immune system. Kabilang sa mga karaniwang side effect ang:

 pamumula, pananakit, pangangati o pamamaga sa bahaging tinurukan

 lagnat

 pananakit ng ulo

 pagod

 pananakit ng kalamnan

 pananakit ng kasu-kasuan

 panginginig

 pagkaalibadbad at/o pagduduwal

Masasabi na Malaki ang epekto o dulot ng pagpapabakuna sa ating bansa , dahil ito;y naging
simula upang bumalik sa dati ang ating mga pamumuhay at unti unti nitong binibigyan ng pag-asa ang
ang ating ekonomiya na makabawi at bumalik sa bagong normal.
Malaki ang naging hamon ng pagpapabkuna hindi lamaang sa ibat’t ibang kawani , dahil malaking
hamon din ang ginawang desisyon ng kagawaran ng edukasyon sa pag lunsad na VacctoSchool, dahil
sinambit na magkakaroon lamang ng face to face ang bawat paaralan kung ang mga mag -aaral ay
makikiisa sa pagpapabakuna kontra covid -19. Ngunit iba iba ang naging tugon ng mga mga-aaral lalo na

ng mga kabataan sa pagpapabakuna, maraami ang tumugon dahil sa kagustuahan ng pumasok sa


skwelahan, at marami din ang tumanggi dahil sa takot. Gayunpaman nagpapatuloy ang kampanya upang
mahikayat ang lahat at upang masimulan ang pagbabago sa paraan ng pag-aaral sa ating bansa.

Pang huli, Binago ng COVID-19 kung paano tayo namumuhay. Inalisan tayo ng Kalayaan na gawin
ang ating mga Gawain. Inalisan tayo ng trabaho, nawalan tayo ng mahal sa buhay, pinahirapan tayo sap
ag-aaral, at binigyan tayo ng matindiing kahirapan. Kung kaya’t gayun na lamang ka halaga ang
pagpapabakuna , ;kung gusto natin ng totoong kslsyssn simulan natin sa ating mga sarili, huwag matakot
at mnagamba dahil sinisigurado ng mga eksperto na ligtas ang mga bakuna, kinakilngan lang natin ay
magtiwla at manalig sa may kapal na hindi nya tayo pababayaan. Hindi man sapiltan ang pagpapabkuna,
ngunit hinihikayat ang lahat na makiisa para sap ag-usad ng tunay na pagbabago sa ating bansa at ma
sulusyunan ang ibat ibaang paghihirap na ating dinadanas.

You might also like