You are on page 1of 2

TEKSTO A

PANAHON NG PANDEMYA

Isa sa pangyayaring sumubok sa katatagan at pananampalataya ng mga Pilipino ay ang pagkalat ng nakahahawang sakit
na COVID 19. Maraming namatay, nawalan ng trabaho at higit sa lahat naghirap dahil sa pandemyang ito. Ano nga ba
ito? Sino ang posibleng maging biktima at paano ito magagamot?

Ang COVID 19 ay ang sakit na dulot ng bagong coronaviruses. Ang coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus
na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus (SARS-CoV). Ayon sa DOH ang
coronavirus ay maaaring kumalat sa hangin sa pamamagitan ng pag-ubo/pagbahing at personal na pakikipag-ugnayan o
sa paghawak ng mga kontaminadong bagay at paghawak ng bibig, ilong o mata. Kasama sa mga sintomas ang lagnat,
pagkapagod, ubo at pananakit ng kalamnan o katawan. Ang sakit ay maaaring lumala kagaya ng hirap sa paghinga at
mga komplikasyong mula sa pulmonya. Wala pang bakuna at gamot para sa Covid 19. Gayunman, maaaring gamutin ang
mga sintomas ng sakit na ito. Ang mga pasyente ng Covid 19 ay dapat magpahinga ng lubusan, kumain ng malulusog na
pagkain at bawasan ang stress.

TEKSTO B

KAGANDAHAN NG KAPALIGIRAN

Sa abot ng ating matatanaw, kagandahang likha ng Diyos ay ating mamamalas. Ang paggising sa bawat araw ay
nagsisilbing paalala nang pagmamahal niya sa atin dahil sa kagandahan ng paligid na kanyang ipinagkatiwala.

Kapag pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kanyang nilikha, ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na humanga. Mula sa
payapa at bughaw na kalangitan, napakagandang ulap na kung iyong titigan ay nagiging mga bagay na siyang
nakapagpapangiti sa atin, sa mga maaliwalas at nagbeberdehang mga puno sa kagubatan na siyang pinagmumulan ng
presko at sariwang hangin, mga bukiring pinalilibutan ng mga punong nagtatayugan at hitik na hitik sa mga bunga ng
mga prutas na ating kinagigiliwang tikman. Mga bulaklak na makukulay at mahahalimuyak ang bangong gustong-gusto
ng kababaihan. Nakaka-inlove na mga tanawing kapag iyong napuntahan at nadayo ay tiyak na iyong babalik-balikan.
Napakaganda ng likha mo O Diyos!

Habang pinagmamasdan ko ang mga likhang ito ng Diyos, aking nasabi “Hindi maramot ang Diyos, mapagbigay siya at
maalaga sa ating mga tao”, dahil kahit saan tayo lumingon, binigyan tayo ng karapatang kainin ang mga makakaing
matatagpuan sa paligid, hinahayaan tayong pagmasdan at puntahan ang mga tanawing kay ganda at higit sa lahat
ipinagkaloob ito sa atin ng Diyos ng libre. Bilang pasasalamat sa ating Poong Maykapal, tayo ay may malaking
responsibilidad sa ating kapaligiran na alagaan at pakamamahalin ito.
TEKSTO C

PAGGAMIT NG GADGETS: Nakasasama ba o Nakabubuti sa Kabataan?

Sa paglipas ng panahon, parami nang parami at palawak nang palawak ang mga naiimbentong mga makabagong
teknolohiya para sa mga tao. Isa sa nahuhumaling sa mga imbensyong ito ay ang kabataan. Sinasabing napadadali ang 13
pagre-research ng mga takdang-aralin, at napagagaan nito ang pag-aaral ng kabataan. Ano nga ba ang dulot nito sa mga
kabataan? Ito ba ay nakabubuti o nakasasama? Sa isang ulat-balita ng GMA News TV “Balitanghali” isang child
psychologist na si Dra. Rizason Tian-Ng ang nagbigay ng pahayag na “hindi dapat masanay ang mga bata sa “digital
world” na “instant” ang lahat. “Halimbawa ang paggamit ng ipad instant. “Pag pindot niya may change of scene o my
command na nagagawa. Iba ‘yan sa real world. Sa real world, dapat matuto tayong maghintay, matuto tayong mag-
taking turns”, paliwanag ng doktora.

Para sa akin, ang sobrang paggamit ng gadgets ay may malaking epekto sa isip at katawan sapagkat mayroon itong
radiation nakakaapekto sa pag-iisip o di kaya’y nakasisira ng mata at nakakisisira ng gana sa pagkain. Ito rin ang maging
dahilan ng pagbaba ng marka sa mga bata. At maaring hindi na nasusunod ang utos ng magulang dahil mas inuuna ang
paggamit ng gadgets.

Bukod sa hindi magandang epekto sa ugali ng mga bata, ang babad na paggamit ng internet ay may peligrong hatid na
malantad sila sa mga litrato, video at web links na hindi naaayon para sa mura nilang edad. Samakatuwid, kung may
naidudulot na kabutihan ang paggamit ng gadgets ay may malaking naidulot din itong kasamaan. Kaya sana subaybayan
ng mga magulang ang kanilang mga anak at limitahan ang oras ng paggamit ng internet o gadgets.

You might also like