You are on page 1of 1

Kaligtasan Para sa Magandang Kinabukasan

Sa panahon ngayon ng pandemya, ang kaligtasan natin ay nanganganib. Ang bilang ng nahahawaan at
namamatay sa virus na ito ay palaging tumataas, pero ang bilang rin ng gumgagling ay tumataas rin. Ang
sakit na ito ay walang pinipili kahit sino kapa, kaya napakahalaga na alagaan natin ang ating sarili at ang
mga tao na nasa palagid natin. Kahit na bata pa tayo at medyo mas malakas ang immune system natin
kaysa sa mga matatanda, hindi parin tayu dapat maging kampanti kasi maari parin tayu maapektuhan
nito o kundi kaya maging carrier ng sakit na ito. Dahil diyan, dapat rin nating alalahanin ang ating
kaligtasan bago ang lahat. Mahalagang unahin at gawin nating prayoridad ang ating kaligtasan mula sa
laganap at nakamamatay na virus na ito.

Lahat ang naapektuhan sa pandemyang ito, pero sa tingin ko isa sa mga naapektohan talaga nito ay ang
kabataan. Dahil sa pandemya, ang ibang kabataan ay hindi na makapag-aral o di kaya makaaral sila pero
nahihirapan naman dahil sa kakulangan ng kagamitan. Ang ibang kabataan rin ay wala ng halos makain
kasi ang kanilang mga magulang ay nawalan na ng trabaho. Pero kahit ano pang sitwasyon ang meron
tayu ay dapat parin natin alagaan ang ating kalusugan dahil ito lang ang tanging meron tayu na
nakakapagpapabuhay sa atin habang ang mga pagsubok na ito ay panandalian lamang. Kung
magpapadala tayo sa mga pagsubok na ito , paano nalang tayong mga kabataan na tigurian na pag-asa
ng ating bayan? Ang unahin muna natin sa panahon ngayon ay ang ating kalusugan.

Bilang isang kabataan ang magagawa lang natin para magkaroon ng magandang kalusugan ay kumain ng
maayos at masustansiyang pagkain kung meron, matulog ng maayos, at hindi magpapa-stress sa mga
pagsubok na hinaharap. Isa rin sa magagawa natin bilang isang kabataan ay mag-aral ng mabuti at
sumunod sa mga patakaran na ipinatupad ng gobyerno kasi napoprektahan pa natin ang ating sarili,
napoprotektahan rin natin ang ating pamilya at ang ibang tao. Dahil palagi tayong na sa mga bahay
natin, magagawa rin nating tumulong sa mga gawaing bahay para ma-eerhisyo ng kaunti ang ating
katawan. Pwede rin natin gamitin ang oras na ito upang matoto ng mga bagay-bagay na hindi itinuturo
sa paaralan katulad ng pagluluto, drawing, ibang lingwahe at iba pa para hindi tayo mabagot na siyang
nakakasira sa ating pangkaisipan na kalusugan. Marami tayong magagawa sa ating pananatili sa bahay,
hindi natin namamalayan na mas napapahalagahan na pala natin ang oras natin sa ating pamilya at sarili.
Ang pandemyang ito ay nagging daan na rin naman upang magawa natin ang mga bagay gaya ng pag-
aalaga sa sarili. Marami tayong nagging realisasyon sa pandemyang ito at isa ang kahalagahan ng ating
kaligtasan sa mga iyon. Dahil diyan, importanteng pahalagahan natin ang ating kaligtasan sapagkat sa
pamamagitan ng pagiging ligtas ay nakakatulong rin tayo kahit papano sa pagkawala ng pandemyang ito.

You might also like