Takot at pag-aalala,ang ilan lamang sa mga emosyong maaaring nararamdaman ng
karamihan dahil sa isang batas na nilalayong ipatupad ng pamahalaan.Ito ay ang Sim Card Registration Act, ang pangalan pa lamang ng batas na nagdudulot ng takot sa madla. Privacy, ito ang unang mawawala kapag naipasa ang batas na ito, mawawalan ng seguridad ang mga impormasyong dapat ay pribado lamang. Ang mga itinatagong sikreto ay maaaring mabunyang sa buong mundo ng walang pakundangan. Panganib, ito ay lalong magdudulot ng pangamba sa mga tao sapagkat ang kanilang impormasyon ay lahad sa madla, maaaring manakaw ang kanilang pagkakakilanlan na isang napakamaling bagay. Kasindak-sindak na baka sa susunod ay ikaw na ang makulong sa pagkakasalang hindi mo naman ninais at ginawa, na nangyari lamang dahil sa pagiging publiko ng mga mahahalagang impormasyon. Hindi pa naman ito naisasabatas ay nagdadala na ito ng pagkabalisa at kapahamakan sa nakararami, sigurado ba ang lahat na may mananagot kung ito'y mangyari? Sino ang magbabayad sa kasalanan ng iba kung ang impormasyon mo ang ibedensiya ng lipumpon. Ano ang magiging katayuan ng batas na ito sa Pilipinas, makatutulong ba ito sa nakararami o isa itong banta at perwisyo dahil sa nilalaman ng nasabing batas? Kung tutuusin ay mas lamang ang magiging pinsala nito kumpara sa tulong na magagawa nito sa lipunan, ang Pilipinas ay hindi pa handa pagdating sa mga ganitong pagbabago. Baka ang inaakala nating magbibigay proteksyon at dagdag seguridad ay maging dahilan pa ng mas malaking suliranin na hindi naman masisigurong masusulosyunan. PagHEALom Airah Mae A. Udan COVID-19, isang salita na kumitil ng maraming buhay sa mundo. Isang sakit na siyang nagpahirap sa bawat mamamayan sa paraang tuloy-tuloy na paglaganap sa bawat bansa. Hindi man natin nakikita ngunit ang kapangyarihan nito'y napakabagsik sapagkat apektado ang lahat, mahirap man, may kaya, o maski mga mayayaman. Sa pagdating ng COVID-19 sa mundo, partikular na nagmula sa bansang Tsina, mga mamamayan sa mundo ay nabahala. Ubo, sipon, pagkapagod, at pagkawala ng panlasa o pang- amoy, mga pangkaraniwang sintomas ng lumalaganap na sakit. Kaya't kung mayroon ka nito, tiyak na mahuhusgahan ka ng ibang tao. Pandemya ay nagsimula sa ating bansang Pilipinas noong buwan ng Marso taong 2020, sunod-sunod ang mga hindi inaasahang pangyayari. Ang ating ekonomiya ay bumagsak, maraming imprastraktura ang nagsara, tumaas ang bilang ng naghihirap, marami ang nawalan ng trabaho, marami ang nawalan ng mahal sa buhay, at pag-aaral ng bawat mag-aaral ay naapektuhan. Dalawang taon nang patuloy na kumakalat ang sakit. Sumabay pa rito ang mga iba't ibang trahedyang nakasisira ng mundo gaya na lamang ng digmaang naganap sa bansang Russia at Ukraine. Tunay na mas lalong humirap ang buhay sapagkat pagtaas ng presyo ng gasolina ay natamo. Gayunpaman, sa kabila ng mga negatibong nagaganap sa ating mundo, hindi pa rin matatawaran ang pagkakaisa ng lahat. Sa loob ng dalawang taon, mayroon nang bansa ang nag-"COVID free" dahil sa kanilang pagkakaisa at pagmamalasakit sa bawat-isa. At sa loob din ng dalawang taon na ito, unti-unti nang nakababangon ang mga naghirap sa pasimula ng pandemya. Hybrid Learning, isang programang nagpapahiwatig na humihilom na ang edukasyon na ‘di tulad noong nakaraang taon ay online class at pagmomodule ang tanging naging daan upang malampasan ang taong panuruan. Sa pamamamagitan HyLearn na ito, may ilang mag-aaral na maaari nang pumasok sa paaralan at ang iba namang may ayaw pumasok sa paaralan ay maaari pa ring dumalo sa online class. Sa kabila ng lahat ng paghihirap sa nagdaang dalawang taon, nagiging maluwang na ang ibang mga lugar sa ating bansa. Unti-unti nang bumabalik sa dati ang lahat na kung dati’y walang katao-tao at walang masyadong kotse ang dumadaan sa kalsada na ngayon ay nagsisiksikan at nakikipag-agawan na ang mga tao sa jeep sapagkat ang work from home noon ay nagiging onsite na. Naging mahirap man ang buhay noong umpisa ng pandemya, ngunit nararamdaman ko na unti-unti na ring humihilom ang mundo sa pandemya dahil tayo ay mga madirigma. Mandirigmang lalaban at hindi aatrasan ang anumang kalabang ihaharap sa atin, nakikita man ito ng ating mga mata o hindi. Tuloy lamang ang laban upang mawakasan ang paghihirap bigay ng kalaban!
Padyakan ang Problema
Airah Mae A. Udan Parami na nang parami ang bilang ng mga siklista lalo na ngayong panahon pa rin ng pandemya. Ngunit sa kabila nito, ligtas nga ba ang mga siklista sa mga daanan dahil sa sunod- sunod na aksidenteng nangyayari sa ating bansa? O ‘di kaya'y sila'y nakasasagabal sa ibang motorista ng daan? Aksidente, isa sa kinababahala ng nakararami ngunit hindi ito mangyayari kung isasa- alang-alang ng lahat ang pag-iingat at pagsunod ng batas sa kalsada dahil ako, bilang isang bagong siklista, ay may layuning makarating sa nais na paroroonan gayundin ay ma-ehersisyo ang aking katawan. Oo, nakapapagod ang pagpadyak ng bisikleta ngunit sa kabila nito, marami naman itong benepisyo sa ating katawan gaya ng nadadagdagan nito ang ating cardiovascular fitness, nadadagdagan ang lakas at flexibility ng ating katawan, nababawasan din nito ang lebel ng ating stress, at higit sa lahat pinalalakas nito ang ating mga buto sa katawan. Gayunpaman, kahit nasa kalagitnaan pa rin tayo ng pandemya, nararapat lamang na sumunod tayo sa mga health protocols at batas pangkalsada. Ang pagsusuot ng tamang pananamit sa pagbibisikleta ay kailangan din upang tayo maging ligtas sa pakikipagsapalaran sa kalsada. Patag na daanan at matarik na daanan, ang dalawang daanan tungo sa destinasyong nais puntahan ng mga siklista. Patag na daanan, ito yaong daanan na kung saan gusto ng bawat siklista sapagkat walang kahirap-hirap sa pagpadyak na siyang hindi kailangan ng buong lakas upang malampasan ang patag na daanan. Matarik na daanan, ito naman yaong daan na siyang nagpapahirap sa mga siklista ngunit sa huli, sila ay masisiyahan sapagkat ang daanang ito ay pa- ahon at pasulong. Ang panahon ngayon ay maihahalintulad natin sa matarik na daan dahil naniniwala ako na sa pag-ahon ng bawat siklista, ay matatamo natin ang tuwa sa pagsulong sa huli. Pag-ahon na gaya na lamang tuwing may matarik na daan kailangan nating maglaan ng oras, magpahinga, mag-ipon ng lakas dahil hindi mo ito malalampasan kung ikaw ay susuko kaagad. Gayundin ang panahon ngayong pandemya, sa pag-ahon ay maihahalintulad sa problema ngayong panahon na pandemya habang ang pasulong ay unti-unti nang nasosolusyunan ang problema na siyang ikinatutuwa ng marami. Hindi maikakaila na maraming siklista ang may layunin sa kanilang katawan o buhay. Hindi matatamo ang aksidente kung lahat ay mag-iingat at sumusunod sa mga batas pangkalsada. Sa buhay, ating ipagpatuloy ang pag-ahon dahil ito ay may kapalit na positibong pangyayari sa hinaharap.
Kinakaya at Patuloy na Kakayanin
Angelica Mae A. Yap Sa isang iglap biglang nagbago ang lahat. Dahil sa nakakahawang virus na kumakalat biglang nagbago ang buhay ng mga tao. Virus na nag dala ng pandemya sa bansa. Maraming nahirapan at naapektuhan isa na diyan ay ang edukasyon ng mga kabataan. Isa ang mga estudyante sa naapektuhan at nahirapan na makasunod at matuto sa bagong paraan ng pagkatuto. Paano nga ba makakaya at patuloy na makakaya ng mga estudyante ang pag aaral sa pamamagitan ng “Online Learning”? Napakaraming mga kabataan ang natigil sa pag aaral dahil sa biglaang pagbabago ng pamamaraan ng pag-aaral. Kung noon ay face-to-face, ngayon ay online learning na ang ating paraan ng pagkatuto kung saan gumagamit tayo ng mga app tulad ng Google meet, Google classroom, messenger at iba pa na nakakatulong sa ating edukasyon sa panahon ng pandemya. Mahirap man ngunit kailangan natin magkaroon ng mga mahusay na gawi sa pag-aaral at pamamaraan ng pag-aaral upang tayo ay talagang. Mayroong iba’t ibang mga pamamaraan ang puwede nating gawin upang tayo ay patuloy na matuto at makapag aral sa pamamagitan ng “Online Learning”. Isa na riyan ay ang pagkakaroon ng isang iskedyul. Mahalaga na mayroon kang iskedyul na sinusundan sa araw-araw. Kung kailan at anong oras ang iyong klase, kailan ang mga deadline ng iyong mga gawain. Maari kang gumamit ng isang kalendaryo kung saan nakalagay ang petsa kung kailan ang pasahan ng mga gawain. Ito ay upang hindi ka mataranta na parang may sakuna. Alam mo kung kailan ka papasok sa klase at kailan ka magpapasa ng mga gawain at proyekto. Ang pagkakaroon ng time management ay isa rin sa maaring makatulong sa isang mag-aaral. Sa paggamit sa iyong oras nang balanse maiiwasan mo ang magkaroon ng mga overdue. Kailangan mong maunawaan kung paano magkaroon ng time management upang magkaroon ng sapat na puwang para sa iyong mga online na klase at sa iba mo pang mga responsibilidad. Maging matalino ka sa pagdedesisyon tungkol sa kung paano mo gugulin ang iyong oras at siguraduhing maglaan ng panahon para sa iyong pag-aaral. Kung hindi mo matutunan kung paano pamahalaan ang iyong oras, hindi mo magagawa ang mga bagay nang maaga at mahusay. Alam nating mahirap at magulo mag aral kung wala tayong sariling pwesto. Ang pagkakaroon ng isang lugar kung saan maaari kang mag-aral nang mapayapa at tumutok sa iyong mga gawain sa paaralan ay isa ring malaking. Isang lugar kung saan payapa at walang distraction. Kung mayroon ka nito ay maari itong makatulong upang ikaw ay makadalo at makinig ng mabuti at matuto sa iyong klase. Maari rin itong makatulong na ikaw ay maging produktibo at mas mabilis mong maisagawa at matapos ang iyong mga gawain at takdang aralin at nang sa gayon ay magkaroon ka pa ng oras para sa iba pang mga gampanin. Iba’t ibang pamamaraan ang meron tayo na maaari nating gawin upang magpatuloy sa pag-aaral at matuto. Natural lang ang mahirapan subalit huwag tayong susukong sikapin na matuto at kayanin. Ang mahalaga ay gumagawa tayo ng paraan at binubuhos natin ang lahat ng ating makakaya siguradong malalagpasan at mapagtatagumpayan natin ang ating pag-aaral sa kabila ng hirap na ating pinagdadaanan. Huwag nating hayaan na matalo tayo sa labang ito. Sabi nga nila “Ang sumusuko ay ang siyang natatalo”. Magtiwala tayo sa ating sarili at sa Panginoon. Huwag tayo basta-bastang sumuko dahil lang sa pagbabago. Patunayan natin na kaya nating harapin ang mga paghihirap kahit na mga mag-aaral pa lamang tayo. Kung kaya nila, kaya mo rin!
Corona para sa Virus
Angelica Mae A. Yap Sa mga nagdaang panahon, marami pagbabago ang naganap sa ating paligid. Napakabilis nang mga pangyayari. Nagkakaroon ng mga pagbabago na nag dala ng pangamba sa ating lahat subalit nag udyok din ito na tayo ay maging matatag at magtulungan. Isa na diyan ay ang hinaharap ng ating bansa na COVID-19 Pandemic. Ang pagkalat ng COVID-19 virus na ito ay naghatid ng pangamba sa bawat isa sa atin. Noong una, karamihan sa atin ay ipinagsawalang bahala lamang ngunit kalaunan ay halos hindi sila mapakali sa kung ano ano ang mga dapat gawin para lang makaiwas sila at ang kanilang pamilya mula sa virus na ito. Kahit ako at ang aking pamilya ay nangamba at hindi inakala na napakalaking pagbabago ang maidudulot nito sa ating mga buhay. Maihahalintulad natin ang naranasan at patuloy nating naranasan dahil sa virus na ito sa isang series na pinamagatang “All of us are Dead”. Katulad sa series, ang ating bansa ay may kinakaharap na pandemya kung saan ang isang nakakahawang sakit ay kumakalat. Nagsimula lang ito sa isang tao hanggang tuloy tuloy nang dumami ang mga nahawaan. Nakaranas ng paghihirap at pangamba ang ating mga kababayan. Sila ay nakaramdam ng pagkalungkot, pagkalito, pagkayamot, at pagkabalisa. Napakaraming naapektuhan ng pandemyang ito tulad na lamang ng mga negosyo, trabaho, kalusugan, kaligtasan, at edukasyon ng ating mga kababayan. Maraming negosyo ang biglaang bumagsak. Nalugi at nag hirap ang karamihan sa mga ito kaya naman may mga napilitang mag sara at ipatigil ang kanilang pinagkakakitaan. Dahil doon ay maraming mamamayan ang naapektuhan din. Marami ang natigil o natanggal sa kani-kanilang mga hanap-buhay. Dahil sa kawalan ng trabaho, maraming mga pamilya ang nakakaranas ng kahirapan. Mayroong mga pamilya na kung noon ay tatlong beses kumakain sa isang araw, ngayon ay isa o dalawa na lamang. Mayroon namang mga tumutulong at nagbibigay relief goods. Subalit kung wala ay pagtitipid at pagtitiis ang tanging paraan nila para makaraos sa isang araw. Nakakalungkot mang isipin ngunit nagkakaroon ng mga kaguluhan at hindi pagkaka unawaan kung saan may mga tao na gumagawa ng masama sa iba para lang sila ay makaligtas at makaiwas sa virus. Wala silang pakialam kung may maapakan man silang ibang tao. Kayang kaya nila na manakit at isakripisyo ang kapakanan ng iba para sa pansarili nilang kaligtasan. Katulad sa series, ang ating mga kababayan na nagkaroon ng COVID-19 virus ay itinataboy na parang mga aso. Nagkaroon ng diskriminasyon sa mga taong ito. Para silang mga aswang na kinatatakutan ng lahat. Kahit makasama lamang sa iisang lugar ay hindi sila sang-ayon. Sa sobrang takot at panggamba na mahawaan sila ay iiwasan at tataguan nila ang mga ito hangga’t maari. Mayroon pa rin namang mga mabubuting tao ang natitirang sa mundong ito. Mga tao na handang tumulong at mag sakripisyo para sa iba. Tulad na lamang sa series, ang mga nakaligtas ay handang iligtas ang iba pang mga estudyante. Kung sa series ay mga estudyante ang ganoong klase ng tao, sa ating bansa naman ay ang mga frontliners. Handa nilang isugal ang kanilang mga buhay para maisalba mula sa virus lahat ng kanilang makakaya. Gayunpaman, sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdadaanan, mayroong iba’t ibang mga aral na ibinigay ang hamon ng pandemya sa atin. Tinuran tayo nitong maging matatag at matapang sa pagharap sa mga hamon sa buhay, maging mabuting mamamayan at maging maparaan sa buhay. Tinuro rin ng pangyayaring ito na mahalagang maalagaan natin ang ating mga sarili ng tama upang hindi tayo madaling dapuan ng ano mang sakit. Higit sa lahat, itinuro nito kung gaano kahalaga ang pagtutulungan at pagbabayanihan sa lahat ng oras lalo na kung mayroon tayong pinagdadaanan na problema. Ang sabi nga nila “Ang mabigat ay gumagaan kapag may pagtutulungan.” Kayang kaya natin lampasan at pagdaanan ang mga problemang hinaharap at haharapin pa ng ating bansa kung tayo ay magkakaisa at magtutulungan. Malulutas at malulutas natin ang lahat ng paghihirap ng ating bansa kung handa tayong lumaban at sumabak sa giyera na handa at sama sama. Kung ipapairal natin ang ganitong gawi, siguradong ang mga darating pang suliranin ay madali na lamang nating masosolusyunan at mapagtatagumpayan. LABAN LANG, TULOY PA RIN! Hannah Ekliesha M. Malagsic Kasabikang ‘di maipaliwanag, kasiyahang hindi maipinta. Lalagyang puno ng mga pagkain, inumin at kung ano-ano pang pwedeng ibaon. Tawanan at abot-tengang ngiti. Ilan lang ‘yan sa ating mga nadarama habang tinatahak ng sasakyan papunta sa destinasyong paroroonan. Ngunit ang lahat ng ito ay naglaho na parang bula simula nang tumama ang pandemya rito sa ating bansa. Ang kasabikang nadarama ay napalitan ng kalungkuta’t pangamba. Ang dating nakagawian ay nawala na at mukhang malabo pang maibalik ng sariling lugar ang sarili niyang ganda at sigla. Nagsimulang tumama ang pandemya sa Pilipinas, dalawang taon na ang nakalipas. Alam nating lahat na nalugmok ang ekonomiya ng bansa lalo na sa usapang turismo. Nagkaroon ng mga pagbabawal na makapasok ang mga taga-ibang bansa o maski ang mga taga-ibang lugar at tila dadaan ka muna sa butas ng karayom bago tuluyang makapasyal at limitado pa rin ang mga galaw. Ika-sampu ng Pebrero ngayong taon ay muli nang nagbukas ang turismo para sa mga dayuhang turista. Kanya-kanya na sila ng lipad papunta sa ating bansa at kasabay no’n ang pagdiriwang ng mga sikat na pasyalan lalo na sa Boracay, Palawan at iba pa. Sa wakas at sa muli, magpapakitang gilas na ang ganda ng tanawin dito lalo na ang pinong-pinong buhangin at asul na dagat ng Pilipinas. Click! Click!—mga tunog na hudyat ng pagkuha ng larawan. Pinaghalong pagod at saya ang nadarama sa kabila ng paglalakbay galing sa delubyong naranasan ng lahat. Ang kasabikang nadama ay napunan na, kasabay ang paglitaw ng ngiti sa ating mga labi sa unti-unting pagbabalik ng turismo ng ating bayang sinilangan. Hindi man ngayon, balang-araw ay mababawi rin natin ang nawala sa ating turismo. Para saan pa kung tinawag tayong mga ‘Pilipino’ ngunit mabilis namang sumuko? Kaya halina’t lumaban at tuloy lang!