You are on page 1of 1

Charlene Y.

Sanchez
ABM 12 - A
Topic: Mauudlot na Graduation rites ng mga magsisitapos sa JHS at SHS

“Pinagpictorial pero hindi pinagraduate”, sigaw ng mga kabataan sa social media. Nang dahil sa
banta ng COVID – 19 minabuti munang pansamantalang itigil ang mga pampublikong pagtitipon tulad ng
misa sa simbahan, mga pulong at ang pinakahihintay ng mga mag-aaral na pagtatapos ngayong taon.
Nasa ika-dalawang linggo na tayo ng enhanced community quarantine. Marami ang apektado lalo na ang
mga kababayan nating kinakailangang magtrabaho sa araw-araw upang mapunan ang pangarawngaraw
nilang pangangailangan. Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng tao na nagpositibo sa nasabing virus higit na
naghigpit ang pamahalaan at posibleng madugtungan pa ang nasabing home quarantine sa buong
Luzon. Binulabog ng balitang hindi muna papayagan ang mga pagtitipon tulad ng graduation o
pagtatapos hanggat hindi pa maayos ang estado ng ating bansa sa kinakaharap na krisis ngayon. Bilang
isang mag-aaral masakit mang tanggapin ngunit mas makabubuti para sa lahat kung hindi na muna
magkakaroon ng pagtatapos ngayong taon kaysa ilagay natin sa panganib ang ating mga sarili. Mas
makabubuting sumunod nalang tayo kung ano ang nararapat at kung ano ang makakatulong upang
tuluyan nang mapuksa ang pandemic na ito.

Ayon sa DepEd, ang bawat paaralan ay nararapat na magdeklara ng petsa sa loob lamang ng
April 13-17,2020 kung nais padin nilang magkaroon ng pagtatapos ang bawat estudyante alinsunod sa
binigay na hakbangin ng DOH, ngunit mukhang malabong mangyari ito dahil bagamat matatapos na sa
April 12, 2020 ang nasabing enhanced community quarantine hindi parin tayo nakakasigurado kung
maayos na ba ang kalagayan ng ating bansa sa panahon na ito at maaari ding humaba pa o mas tumagal
pa ang pagdedeklara ng home quarantine sa buong Luzon. Marami ang nagsasabing handa silang
maghintay hanggang sa maging ayos na ang lahat sa kadahilanang ayaw nilang lumipas ng ganon-ganun
na lamang ang isa sa pinakaimportanteng araw bilang mag-aaral pero hindi tayo nakasisigurado kung
kailan magiging ayos ang lahat. Maaaring anim na buwan pa ang hihintayin upang maisaayos ang lahat o
di kaya ay isang taon. Walang makapagsasabi kung kailan lalo na at tuloy tuloy padin sa pagtaas ang
bilang ng kaso ng COVID – 19 at mabagal ang pag-usad ng bilang ng mga nakarecover.

Gragraduate tayo ngunit hindi ngayon. Mas marami pa tayong dapat isipin sa panahon ngayon
kaysa mainis o magalit sa pamahalaan dahil sa pagpapahinto ng mga pagpupulong. Isa din ako sa libu-
libong estudyante na pinakahinihintay ang pagtatapos dahil minsan lang ito sa buhay ng isang mag-aaral
ngunit sa tuwing nakikita ko ang hirap ng ating mga frontliners upang mapigilan ang pagkalat ng virus
hindi ko maiwasang maisip kung kakayanin pa ba nila kung tuluyang dadami ang bilang ng mga positibo.
Tayo din ang mahihirapan, handa akong isakripisyo ang isang araw na importante sakin para sa
kapakanan ng lahat.

“Pinagpictorial pero di pinagraduate”, sigaw ng mga kabataan sa social media, “Wala mang
graduation pero nakatulong sa nation” sigaw ko naman. Hindi man ako makakapagmartsa at hindi
makakaakyat sa entablado suot ang aking toga pero nang dahil sa isang araw na pinili kong isipin ang iba
alam kong sa ganung paraan nakatulong ako upang makabangon ang ating bansa.

You might also like