You are on page 1of 1

‘‘Nararapat Bang Ikunsidera Ang Pagpapaliban ng Pagbukas ng

Klase sa Agosto? ’’

Magandang Umaga sa inyong lahat! Ako si Mercy Mission ang


magtatalumpati patungkol sa ‘‘Nararapat Bang Ikunsidera Ang Pagpapaliban ng
Pagbukas ng Klase sa Agosto? ’’.
Bawat mag-aaral ay gustong pumasok sa paaralan upang mag-aral at
gustong makapagtapos. Sa kabila ng ating kinakaharap ngayon, maraming mag-
aaral ang naaapektuhan sa pandemya na tinatawag nating COVID-19. At isa ako
sa mag-aaral na lubos na naaapektuhan.

Ako ay naniniwala na dapat ikunsidera ng ahensya o DEP-ED ang


pagpapaliban ng klase sa Agosto. Dahil hindi pa nabibigyang bakuna o gamot
ang krisis na ating kinakaharap ngayon. At uunahin muna natin ang ating
kalusugan bago tayo magpatuloy sa ating pag-aaral. Dahil ang kalusugan ng
bawat indibidwal ay mas mahalaga kaysa sa ibang bagay dahil kung malusog ka
ay mapapatuloy mo ang mga pangarap mong gawin sa buhay. At lalo na ngayon
na ang ating kalaban ay hindi makikita. Mas malaking krisis ang kakaharapin
kung itutuloy ang pagpasok sa Agosto lalo pa’t ngayon pa lamang halos tayo
nagsisimula sa isinasagawang COVID-19 testing. At hindi madali ang
pagsasagawang COVID-19 TESTING na iyon. At kung magbukas man ang
pasukan sa Agosto alam naman natin na hindi masunod ang social distancing.
Maaaring ang interaksyon ng mga estudyante at guro mula sa paaralan, sa mga
pampublikong sasakyan at sa ating tahanan o komunidad, kung saan ay maaari
tayong mahawaan ng nakamamatay na virus.

Kung kaya’t sa ngayon ay uunahin muna natin ang ating kalusugan at ang pang-araw-
araw nating kabuhayan dahil ito ang mas pangunahing pangangailangan sa lahat ng tao.

Muli ako si Mercy Mission ang nagtatalumpati patungkol sa ‘‘Nararapat Bang


Ikunsidera Ang Pagpapaliban ng Pagbukas ng Klase sa Agosto? ’’.

You might also like