You are on page 1of 1

Nagsimula ang pagbubukas ng klase mula ika-24 ng Agosto hanggang ika-lima ng Oktubre taong 2020 kung

saan ito ay inanunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon noong Agosto 12, 2020. Mahirap tanggapin na isa sa mga
pagbabagong mararanasan natin ay ang pagkakaroon ng tinatawag na “new normal”.

Kung saan nabago ang mga nakagawian natin kabilang ang pamamaraan ng ating pag-aaral maging ang
paraan ng ating pakikipag-salamuha sa ating mga kapwa estudyante. Napakaraming naging epekto ng
pagkakaroon ng pandemya hindi lamang sa bansang Pilipinas kung hindi maging ang ibang mga bansa sa
larangan ng edukasyon. Iba-t iba ang naging pananaw ng bawat isa ngunit ang pagbabagong ito ay hindi
magiging isa sa dahilan o hadlang upang hindi natin maipagpatuloy ang pagkatuto at pagkakaroon ng bagong
kaalaman. Hindi lahat ng Pilipinong estudyante ay may kakayahang makakapag-aral sa gitna ng pandemyang
ating nararanasan. Ito ay isang katotohanang napakasakit isipin sapagkat lahat ng kabataan ay may karapatang
makapag-aral kahit na tayo ay may pandemyang kinakaharap. Sa panahon ng pagkakaroon ng pandemya,
hindi maiiwasan na magkaroon ng maraming negatibong epekto ito para sa mga mag-aaral. Dulot ng teenage
pregnancy, problema sa pamilya, child abuse at child labor ay mas dumami ang mga hindi na nakapagpatuloy
sa kanilang pag-aaral dahil dito. Bunga nito mas mahihirapan nang i-monitor ang pisikal, mental at emosyonal
na kalusugan ng mga mag-aaral.

Ang pagbibigay ng sapat na suporta para sa mga estudyante sa panahon ngayon ng pandemya ay higit na
mahalaga sapagkat ito ay makakatulong para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Isa sa mabisang paraan upang
ang mga estudyante ay maramdamang may pakialam ang kanilang mga guro sa kanilang emosyonal na
nararamdaman ay ang pag-tiyak na sila ay nakakamusta at nagagabayan nang maayos. Ang simpleng
pagkamusta ay magdudulot ng malaking tulong para sa mga estudyanteng nakakaranas ng pagkakaroon ng
hindi na sapat na atensyon sa kanilang mga magulang. Ito rin ay magsisilbing inspirasyon para sa kanila
upang magpatuloy at makayanan ang kanilang nararanasan. Ang paninigurado na lahat ng mga mag-aaral ay
nabibigyan ng sapat na atensyon sa kanilang mga ginagawa ay isa ring paraan. Ang edukasyon ang higit na
kailangan ng bawat isa kaya ang pagdedesisyon na magpatuloy sa pag-aaral sa gitna ng pandemya ay isang
pagpapatunay na hindi magiging dahilan ang pandemya upang tayo ay huminto sa pag-aaral. Ang pag-aasam
nating matapos ang pandemyang ito ay ating makakamtam kung tayong lahat ay handang magtulong-tulong at
magkaisa para sa magandang kinabukasan nga mga mag-aaral sa Pilipinas.

You might also like