You are on page 1of 6

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa,dahil dito nakasalalay ang kinabukasan


ng bawat tao at kung ano ang kahihinatnan nito dito sa mundo,at ito ang ating sandata
upang magkaroon ng maganda at payak na pamumuhay. Maraming paraan upang
makamit natin ang isang mabuting hinaharap.Ang paghahanda para sa ating kinabukasan
ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay.

May mga hadlang din na maaaring pumigil sa ating pagtatagumpay. Kaya nararapat
lamang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malampasan ang
mga ito,at ang pagkamit ng tagumpay ay kailangan ng buong determinasyon,tiwala sa
sarili,malasakit sa kapwa at pananalig sa Diyos at marami pang mga katangiaan na dapat
taglayin upang malampasan ang mga pagsubok na darating at matagumpay na makamit
ang magandang bukas.

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang


mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay
na natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga
pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang pratikal na
edukasyon na naka base sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na
piloting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan
bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English, at mga
bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ay nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng


isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mayayaman ng isang lipunan ay hindi
magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging
mahirap para sa kanila na abutin ang pagunlad. Marapat lamang na maintindihan na ang
edukasyon ay siyang magdadala sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagaybagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan, ito ang
nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa
ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabuti at magandang pangyayari sa ating mundo
at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan naming mga kabataan sapagkat ito ang aming
magiging sandata sa buhay sa aming kinabukasan. Ang aming kabataan ay siyang estado
kung saan namin hinahasa ang aming mga isipan at damdamin sa mga bagay na
kailangan namin sa aming pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang
nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa kanyang buhay,
pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang huhubog ng mga kaisipan sa isang
matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang
daigdig at malaman ang layunin nito.

Ang kabatan at nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa


pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga
paaralan. Ito ang aming magiging armas upang maharap naming ang mga bagay na
kaakibat sa aming magiging kinabukasan, at dahil kami ang pag-asa, nararapat lamang na
ibigay sa amin ang lahat ng edukasyon na kailangan naming upang maabot naming ang
mga pangarap na nais naming matupad.

Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang batang magtatapos sa


sekondarya ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang nais niyang tahakin o kunin
sa kolehiyo. Sapagkat, ang desisyon na iyon ay makakaapekto sa magiging
buhay nila pagkatapos ng kolehiyo.

Ayon kay Rodman Webb at Robert Sherman (1989) Ang salitang career ay
maaaring tumukoy sa isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ng isang
indibidwal. Ang dalawang kahulugan ng salitang ito at nagbibigay liwanag na
ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-iisipan at binubuo
ayon sa sariling kagustuhan at pangangailangan ng lipunan.

Samakatuwid, iba-iba ang batayan ng bawat indibidwal ukol sa kung anong


karera ang nais niyang tahakin.
Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang
bokasyon - bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ng
mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bayan.
Maraming suliranin ang maaaring kaharapin bago maging isang maging
matagumpay na guro. Ngunit ito ay hindi isang hadlang upang matigil ang iyong
minimithing tagumpay. Ito ay magsisilbing isang magandang pagsubok sa iyong karera sa
pagiging isang mahusay at butihing guro. Kung ikaw ay may tiwala sa iyong sarili at may
pananalig sa Diyos, agad mong malalagpasan ang suliranin at pagsubok na hinamon sa
iyong pagiging mahusay na guro.
Ayon sa diksyunaryong Webster, ang guro ay isang tao na magtuturo o magbibigay
instruksyon.
Subalit, higit pa sa kahulugang iyon ang pagiging isang guro. Ang guro
ay isang misyonaryo; halintulad ng Poong Maykapal na may awtoridad na gumawa ng
espesyal na gawain para sa ikauunlad ng isang indibidwal na puno ng sensiridad,
pagmamalasakit at pag-unawa. (Lorda Bacoco Dunemdez, 1996)
Sa kabila ng katotohanan na ang pagiging guro ay hindi isang propesyon na
magpapayaman sa isang indibidwal, may maga kabataan pa ding tulad ko ang nagnanais
na maging guro o kumukuha ng kursong Edukasyon bunsod ng ibat ibang kadahilanan.
Sa mga nasabing kadahilanang ito, Ako, ang mananaliksik ay gumagawa ng pagaaral ukol sa mga dahilan ng mga mag-aaral sa unang taon sa pagkuha ng kursong
Edukasyon sa Imus Institute.

Paglalahad Ng Suliranin/Layunin
Ang pangunahing layunin ng mananaliksik ay upang malaman ang mga dahilan ng
mga mag-aaral sa pagkuha ng kursong Edukasyon. Kung ang kanila bang mga dahilan ay
may mahalagang pagkakaiba sa pagkuha ng kursong Edukasyon kapag pinangkat ayon sa
kasarian at programang kanilang pinili.
Layunin din ng mananaliksik na alamin kung ano ang mga suliranin ng mga mga
mag-aaral na kumuha ng kursong ito. At ang panghuli ay nais alamin ng mananaliksik
kung ano ang mga mungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa suliranin na kanilang
hinaharap sa pagkuha ng kursong Edukasyon.
Nais ng mananaliksik na malinawan ang mag-aaral sa pagkuha ng kursong
Edukasyon sa kolehiyo ng Imus Institute. Sa kadahilanang hindi biro ang pagkuha ng
ganitong kurso. Dahil bilang isang mag-aaral ng kursong Edukasyon, nais ng
mananaliksik na malaman ang mga opinyon o kadahilanan ng kapwa nya mag-aaral.
Ang mananaliksik na ito ay nagnanais na makapaglahad ng sagot sa mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang dahilan ng mga mag-aaral sa pagkuha ng kusong Edukasyon?

2. May mahalagang pagkakaiba ba ang mga dahilan ng mga mag-aaral sa


pagkuha ng kursong Edukasyon kapag pinagkat ayon sa kasarian at
programa?
3. Anong mga suliranin ang hinaharap ng mga mag-aaral na kumukuha
ng kursong edukasyon?
4. Ano ang mga mungkahing solusyon sa mga suliranin na hinaharap ng
mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Edukasyon?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Sa pagsusuri na isinasagawang ito ay ipapakita ang mga dahilan ng mga mag-aaral
sa unang taon sa pagkuha ng kursong Edukasyon sa Imus Institute. Ipapakita rin ang mga
kaibahan ng kanilang mga dahilan sa pagkuha ng kursong Edukasyon. Ang mananaliksik
ay magsasagawa ng isang sarbey.

Depenisyon ng Termino
Career - ay maaaring tumukoy sa isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na
buhay ng isang indibidwal, maaaring tumukoy sa isang linya ng trabaho o sa kurso ng
propesyunal na buhay ng isang indibidwal.
Guro - ay isang tao na magtuturo o magbibigay instruksyon.
Propesyon ay isang bokasyon na naitatag sa isnag espesyalisadong pagsasanay na pangedukasyon, na ang layunin ay ang makapagbigay ng malayuning payo at paglilingkod sa
ibang mga tao, para sa isang tuwiran at tiyak na kabayaran, na nakahiwalay nang buo
magmula sa inaasahan ng ibang pagkakamit na pangnegosyo.
Propesyunal - ay ang tao na binabayaran upang magsagawa ng isang espesyalisadong
pangkat ng mga gawain at upang makumpleto ang mga ito para sa isang kabayaran.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

You might also like