You are on page 1of 2

Bilang isang indibidwal, ang tao may mga pinipiling pangarap at layunin na

gustong matamasa at abutin. Pinipili ang pangarap na gustong matamasa dahil sa iba't
ibang rason tulad ng pang personal, sosyal, trabaho, propesyon ,at dahil sa pag nanais
ng magandang kinabukasan. Ang mga haharapin at mga pag dadaan sa pag hubog ng
mga sarili bilang mga epetibong indibidwal sa ilalim ng mga napiling landas at
propesyong nais gampanan ay maluwag na niyayakap at tinatanggap ng tao.
Isa ang pagiging guro sa mga propesyong dumadaan sa masusing pag aaral
at pag sasanay upang maging epektibo. Likas sa ating makita ang mga guro bilang mga
propesyonal na indibidbuwal ng luipunan at buong mundo. Ang kanilang propesyon ang
pundasyon nag patuloy na pag lago ng bawat tao sa larangan ng edukasyon.
Pinapangarap ng ilan ang propesyong ito dahil sa ito ay isang tiyak na kapaki
pakinabang na propesyong may malaking amabag sa Lipunan sa bawat indibidwal,
ngunit, alam ba nila ang mga mga kondisyon at mga pamantayang dapat maging
basehan upang maging isang ganap na propesyonal na tagapag turo?
Ang pagtahak sa landas ng pagiging guro ay puno ng mga akademikong hamon
na maaaring magkaruon ng epekto sa lakas ng loob ng mga indibidwal. Ang pagharap
sa mataas na antas ng kasanayan, ang pangangailangan na patuloy na pag usbong sa
mga bagong kaalaman, at ang responsibilidad na maging tagapag-akay ng edukasyon
para sa mga kabataan ay ilan lamang sa mga aspeto na maaaring magdulot ng kaba at
magpababa ng lakas ng loob ng isang guro.Bilang isa estudyanteng nangangarap ba
maging Haligi ng karunungan at kaalaman, dapat nating maintindihan ang kalikasan ng
landas na sya nating inaasam na marating
Ang pagtatamo ng pangarap na maging guro ay may kaakibat na mga
hamong pang-akademiko na maaaring magkaruon ng malalim na epekto sa
kumpiyansa ng mga nagbabalak na maging guro. Hindi sa simpleng paraan at mga
gabay hinuhubog at sinasanay ang mga indibidwal na nag nanais maging guro. Bilang
isa sa importanteng propesyong, masusing sinasanay ang mga nag aaral ng pagiging
guro na humarap, mag salita, lumahok, makibagay at maintindihan ang ibat ibang ugali
ng bawat indibidwal na kanilang makakasalamuha mula sa pag aaral hanggang sa
pagiging isang ganap na edukador. Ang pagsusubok ng mataas na pamantayan sa
edukasyon, ang pangangailangan na makisabay sa mabilis na pag-unlad ng
teknolohiya, at ang pagharap sa iba't ibang uri ng mga mag-aaral ay ilan lamang sa
mga aspeto na maaaring magsilbing hamon sa kumpiyansa ng mga guro sa hinaharap
Ang kompyansa sa sarili ay parte ng araw araw na pamumuhay ng tao pag
dating sa usaping pakikipag ugnayan sa ibat ibang uri ng indibidwal. Ang kumpyansa
rin ang syang basehan ng kakayanan ng bawat isang haraping and pang araw araw na
pag tahak sa kanilang mga pinapangarap na propesyon, ito ay maaring magtulak sa
kanila upang maging progresibo o kaya naman ay maka apekto sa kanilang
interaksyong sa kapwa tao.
Ang pagiging guro ay isang gampaning kinakailangan ng mataas na
kompyasa, hindi para subukin ang kalikasan ng isang tao pagdating sa pakikipag inter
aksyon bagkus at para maunawaan ng lahat na ang kompyansa ang syang nagiging
daan upang ang isang guro ay maging ganap na epektibo. Sa pamamagitan ng mataas
n kompyansa, Malaya at malinaw na naibabahagi ng mga guro ang mga karunungang
dapat makuha ng mga mag aaral. Bilang isang mag aaral na tinatahak ang propesyong
ito, Dapat masanay ang isang indibidwal na pataasin ang kanyang komplyansa sa
pamamagitan ng mga pag sasanay at mga aktibidad na may kinalaman sa nasabing
pamantayan sa pagiging guro Ang kompyansa.
Maraming pag aaral ang isinagawa ng patungkol sa dalawang salik na ito
upang magbigay ng mahahalagang impormasyo na makatutulong sa mga tao na
maintindihan ang kaligiran ng mga ito, ang ipekto nito sa isang indibiduwal, at ang
epekto nito sa propesyong tinatatahak ng bawat indibiduwal.
Ang kompyansa at ang usaping akademiko ay hindi na lingit sa mga mag
aaral. Ito ay likas na mag kakaiba sa bawat mag aaral. Ang dalawang salik na ay
direktang naka aapekto sa bawat isang estudyante. Maraming studyante ang
nawawalan ng kompyansa dahil sa pag kakaroon ng problema sa usaping akademiko.
Nagiging dahilan ito ng pag Baba ng tiwala sa sarili nila na makasabay sa kapwa nila
mag aaral na may mataas na kapasidad pag dating sa usaping akademiko. Bilang mga
mag-aaral na nag nanais maging guro, ang hamong pang akademiko at ang epekto nito
sa kompyansa ay kailangan malaman ng bawat mag aaral upang lubos na maunawaan
ng isat isa ang repleksyon nito sa kalikasan ng pagiging guro bilang isang mahalagang
propesyon.
Ang pag aaral na ito ay pinili at masusing pinag usapan upang makapag hatid
ng mga imporsyon at mga datos na kailangan malaman ng mga studyante pag dating
sa epekto ng hamon ng akademiko sa kompyansa ng mga mag aaral na nag nanais
maging guro, mag bigay ng suwestyon at mga rekomendasyong maaaring makatulong
sa pag resulba ng usaping ito at maaring maging gabay ng bawat mag aaral na ang
nanais maging guro tungo sa pagiging epektibo sa pinili na tahaking propesyon.

You might also like