You are on page 1of 2

Gordora, Priya Vida

BSED-Social Studies
Pagpili ng kursong edukasyon:
Isang hamon at isang mahabang paglalakbay
Bago pa man dumating sa kolehiyo ay marahil malalimang pag-iisip at
pagpapasya na ang ginugol sa pagpili ng kursong tatahakin. Sa pagpili ng
kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng damit na iyong
susuotin, kung hindi ay nakabatay sa iyong interes sa buhay, kakayahan,
talento at abilidad sa buhay. Ang pagmamahal sa trabaho na iyong pipiliin ay
isa rin sa mga salik na dapat pakatandaan Kung mahal mo ang isang bagay at
magaling ka sa paggawa nito, mas madali mong matutunan at maaaring
maging mahusay dito. Ito ay magbibigay sa iyo ng kasiyahan sa iyong trabaho
at magiging mas magaan ang iyong pagtatrabaho. Isa ang kursong edukasyon
sa mga ito na nangangailangan ng masusing pagpapasya dahil nakasalalay
dito ang buhay ng ibang tao dahil sa maaaring impluwensiyang hatid sa tao.
Sa pagpili ng kursong edukasyon dapat isaalang-alang ang maraming
aspeto kagaya na lamang ng pagpapanatili ng dignidad at pagiging propesyonal
sa lahat ng ginagawa. Ang pagpili ng kursong edukasyon ay dapat na isang
proseso na nagbibigay importansya sa interes, kakayahan, at mga layunin ng
estudyante. Mahalagang isaalang-alang ang mga pangmatagalang layunin at
pangarap sa buhay upang ang kurso ay maging tugma sa kanilang plano.
Kung ang kursong napili ay nagpapakita ng potensyal na nagbibigay kasiyahan
at pag-asa para sa kanila, mas malamang na maging matagumpay at masaya
sila sa kanilang karera. Nagsisilbing modelo ang mga guro sa labas at loob
man ng paaralan kaya ganoon na lamang ang pagkakaroon ng mataas na
pagtingin sa mga ito. Nilalayon mong humulma ng mga bata sa hinaharap
upang maging isang produktibong mamamayan ng isang bansa at
kapaki-pakinabang. Bilang isang guro sa hinaharap, maaaring hindi maging
madali ang pagiging isang halimbawa lalo na sa mga pagkakataon na
kailangan mong mamili sa pagiging praktikal o mananatili ka pa ring
propesyonal. Kaakibat ng pagiging isang guro sa hinaharap ay ang mga hamon
sa pagharap sa iba’t-ibang klaseng pag-uugali ng mga bata na marahil ay
sumubok sa pasensyang mayroonka. Sa kabila ng pagiging isang halimbawa
dapat ay hindi mawaglit sa isip mo na isa kang guro na tinitingala ng mga
batang umaasa sa iyo at sa mga araling ituturo mo.
Dapat din bigyang-diin na ang pagpili ng kursong edukasyon ay isang proseso
na maaaring baguhin at mabago. Hindi ito isang permanenteng desisyon, at
may mga pagkakataon upang mag-shift ng kursong kung kinakailangan.
Maraming tao ang nagiging matagumpay sa larangan na hindi naman
direktang kaugnay sa kanilang natapos na kurso. Ang karanasan,
determinasyon, at pag-aaral ay maaaring magdala sa kanila sa kung saan nila
nais mapunta. Sa pagpili ng kursong edukasyon, mahalagang isaalang-alang
ang sariling pangarap, kakayahan, interes, at layunin. Dapat ding maging
handa sa mga hamon at pagsubok na maaaring dumating sa proseso. Sa
pagkakaroon ng tamang pagmamalasakit at pagsisikap, maaaring
matagumpay na makamtan ng bawat estudyante ang kanilang mga pangarap
at magkaroon ng matagumpay na kinabukasan sa larangan na pinili nila.
Kung saan man tayo dalhin ng ating desisyon, mahalaga na maging bukas sa
pagbabago at pag-unlad. Ang kursong pinili natin ay maaaring maging
pundasyon, ngunit tayo pa rin ang magtataguyod ng ating mga pangarap at
tagumpay. Sa pagharap sa mga pagsubok at hamon, huwag tayong matakot
magkamali at magbago ng landas. Ang bawat karanasang ito ay magiging
bahagi ng ating paglalakbay tungo sa tagumpay at kaganapan.

You might also like