You are on page 1of 4

MGA AWTPUT PARA SA PAGSULAT NG

PANIMULANG PANANALIKSIK
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | Ikalawang Markahan

Gawain blg.: Petsa ng pagsusumite: 12/09/2021


Pangkat blg.: 6 Baitang at Pangkat: 11 STEM-Archimedes
Pangalan ng mga miyembro: Guro: G. Bryan R. Capangpangan
 Erika Balanrayos
 JohnRoe De Jesus
 Lance Santiago
 Trichia Polyn Fuentes
 Joana Marie Amaris

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGPILI NG KURSO SA KOLEHIYO NG


MGA GRADE 12 SA PAARALAN NG MNHS

INTRODUKSYON
Panimula

Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang batang magtatapos


sa sekondarya ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang nais nyang tahakin o
kunin sa kolehiyo. Ang dagdag na dalawang taon sa sekondarya ay makakatulong sa
paghahanda base sa hahakbangin nilang kurso at bago sila magkolehiyo, masasabi
nating mayroon na silang mga napag-isip-isipang mga gusto o interes sa isang kurso
kaya sila nandiyan sa kanilang mga sariling strand gaya ng : STEM, ABM, HUMSS, o
GAS.

Maraming salik ang pwedeng makaapekto sa pagpili ng kurso ng bawat mag-


aaral. Pwedeng ito ay dahil sa magulang. May mga magulang na kung anong gusto
nila ay yun ang kukunin na kurso ng kanilang mga anak at may iba rin halimbawa ay
nasa pamilya nila ang pagdodoktor, kailangan lahat ng miyembro ay maging doctor
kahit na ang iba ay gusto ng engineering o ibang kurso ang gusto nilang kunin. Ang
iba naman ay dahil sa mga kaibigan o mga taong nakapaligid sa kanila. Halimbawa ay
dahil ayaw mong mahiwalay sa kaibigan mo, kukunin mo ang kursong kukunin nya
kahit na ito’y hindi mo gusto.

Masarap pag-aralan ang kursong gusto mo at naaayon sa kakayahan mo dahil


mas magagawa mo ng tama na maayos ang bawat aktibidad na ipapagawa sa iyo. Ang
kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang napiling kurso sa kolehiyo at isa in
ito sa mga bagay na dapat nilang isaalang-alang. Ngunit minsan ay mayroong
pagkakataon na ang mga mag-aaral ay nalilito at nalilihis ang napag-aralan sa
kukuhaning kurso sa kolehiyo.

|Komunikasyon at Pananaliksik – Pangkatang awtput


Maraming mga negatibong epekto ang mangyayari kapag ang isang mag-aaral
ay kumuha ng kursong lihis sa kung anong pinag-aralan noong siya ay senior high
school pa lamang. Kaya napakaimportante na dapat tama o angkop ang pipiliing
kurso sa strand na pinag-aralan, dahil na rin ito ang layunin ng K-12 program ng
Kagawaan ng Edukasyon (DepEd) na hinahanda ang mga mag-aaral sa tatahakin na
kurso sa kolehiyo.

Ayon sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang “MOTIVATING


THE LOW-ACHIEVING TEEN”, sinabi na ang mga kabataan ay kinakailangang
malinaw na makita ang kanilang layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula
sa mga magulang at guro. Ayon kay Steve Mueller, 2010. Sinabi na mas magiging
pokus ang mga mag-aaral at magkaroon ng konsentrasyon kung magiging
determinado. Dahil ang pagkakaroon ng paraan upang maging determinado sa
pagaaral ay lubos na makatutulong kung nakararamdan ng prokrastinasyon sa
panahon ng iyong pag-aaral. Ayon kay Mary Joy M. Bautista, 2014 na pimagatang
“Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo”, tinukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro. Dapat
isipin ng bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit nga ba siya nasa
paaralan .

Sa pagbuo ng pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga estudyante ng Grade


12 sa paaralan ng MNHS na sila ang magiging taga sagot sa mga talatanungan o
sarvey kwestyuner na aming inihanda. Ang mga respondent na ito ay mula sa strand
na ( stem, humss, abm ) Pinili ang mga kalahok na ito dahil sila ang nasa sitwasyon
ng nasabing pag aaral na mag di-desisyon sa pagdating nila ng kolehiyo na pipili sa
tamang kursong kanilang naisin.

Ang pananaliksik na ito ay isang daan para sa mga estudyanteng nahihirapan


sa pagpili ng tamang kurso para sa kanila. Kabilang na rito ang pagbibigay ng mga
hakbang na makakatulong sa kanila sa pagtahak ng pagpili ng kurso. Isa sa pagpili
ng kurso ang tulay sa ating pagtagumpay. Sa pag aaral na ito ay matutulungan kang
makapag desisyon kung tamang kurso ba ang iyong pinili at nauugnay ito base sa
kakayahang iyong taglay.

KAUGNAY NA PAGAARAL- https://pdfcoffee.com/salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-mga-mag-


aaral-ng-fatima-ng-ng-kanilang-kurso-pdf-free.html

|Komunikasyon at Pananaliksik – Pangkatang awtput


PAMAGAT

SURVEY QUESTIONNAIRE
Mahal na respondent: maalab na pagbati. Kami ay mag aaral ng Grade 11 Stem
na kumukuha at nagsusulat ng pampanahong papel hinggil sa pananaw at damdamin
ng mag aaral ng Grade 12 student mula sa strand na Stem Humms Abm at Gas
hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo. Inihanda namin
ang talatanungan na ito upang makapangalap ng datos na kailangan sa aming

|Komunikasyon at Pananaliksik – Pangkatang awtput


pananaliksik. Maaring sagutan ng may katapatan ang mga sumusunod na tanong na
may konpidensyal. Maraming salamat.

-Mananaliksik

Pangalan: Edad:
Strand/seksyon: Kasarian:

1. Ano ang iyong basehan sa pagpili mo ng iyong kurso?


2. Mahalaga ba sayo ang pagpili ng kurso?
Oo Hindi
3. Madali ba para sa iyo pag desisyunan ang pagpili ng kurso?
Oo Hindi
4. Kung ikaw papapiliin? Mas gugustuhin mo bang pag-isahin na lang mga
strands at ituro ang mga components nito para mapadali ang pagpili ng kurso
dahil wala na limitasyon? Bakit?
Oo Hindi
5. Ikaw ba ay kabilang sa mga katutubong Pilipino? Kung OO Tukuyin…
6. Nakaaapekto ba ito sa pagpili mo ng iyong strand at kurso?
7. Nakaaapekto ba ang iyong pagiging katutubo sa pagpili ng iyong kurso para sa
kolohiyo?
8. Mayroon bang mga balakid sa pagpili mo ng iyong kurso?
9. Iba ba ang iyong ginagamit na diyalekto sa paaralang iyong pinapasukan? Kung
OO Tukuyin…
Nakahahadlang ba ito sa iyong pag-aaral at pagpili ng iyong kurso? Kung OO
bakit?
10.Para sayo, bakit mahalaga na dapat may kaugnayan ang kukunin mong strand
sa pinili mong kurso?

Lagda

|Komunikasyon at Pananaliksik – Pangkatang awtput

You might also like