You are on page 1of 5

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Pag-aaral

Sa isinagawang pag-aaral, nakalikom ang mga mananaliksik ng mga impormasyon

o literatura na may kanilang paksa na patungkol sa implikasyon ng pagpili ng major sa

T.L.E ng Mag-aaral sa Baitang 9 at 10 ng Sta. Teresa College SY 2019-2020. Nahahati

ito sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay nag binubuo ng mga literaturang lokal at

banyaga at ang iaklawang bahagi ay binubuo ng lokal at banyagang pag-aaral.

Lokal na Literatura

Base sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang “MOTIVATING

THE LOW-ACHIEVING TEEN”, Sinabi na ang mga kabataan ay kinakailangang ma-

linaw na makita ang kanilang layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula sa

magulang at guro.

Batay naman sa artikulo ni Ramos (2013). Ang pagpili ng major ay hindi madali sa

mga kabataan dahil dito nababase ang kanilang kinabukasan.

Ayon sa ulat ni Sagani Cruz (2014), na dapat tandaan na ang mga asignaturang ito

ay may ibat ibang nilalaman, namalalaman depende sa mga sirkumstansya ng mga

mag aaral ng paaralan at ng sirkumtansya ng mga mag aaral ng paaralan at ng nakata-

taas na edukasyon institustion na kung saan ang mga mag aaral ay maaring mag en-

rol. Ang ideya na ang “isang sukat akma sa lahat” ay nai-inabandunang sa pamamagi-

tan ng Department of Education (DepEd). Ang isang pulutong ng pasobra ay ibinibigay

sa Junior High Schools, dahil ang pangunahing tanging dahilan ay upang ihanda ang
mga estudyante para sa kanilang buhay sa hinaharap. Ito ay hindi gumagawa ng ka-

hulugan sa lakas ng isang mag-aaral upang sundin ang isang paunang natukoy na ku-

rikulum kung siya ay may isang bagay sino pa ang paririto sa isip para sa kanyang

sarili.

Banyagang Literatura

Ayon kay George-Jackson(2012), pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng

pansariling kagustuhan na nakakaimpluwensya sa mag-aaral sakanyang pipiliing major.

Marami sa atin ang nahihirapan sa pipiliin nating kurso sa kolehiyo. Maraming bagay

ang ating isinasaalang-alang o binibigyang katuturan at kahulugan kaya tayo hindi

makapamili nang maayos. Mayroon din namang ilang mga bagay na lubusang maka-

katulong sa atin sa pagpili ng major. Madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang

pinipiling major sa kanyang personal na interes. Una na sa mga dahilan ang pera. Ang

pera kadalasang pinaka importanteng bagay na ating isinasaalang-alang. Hindi natin

makuha ang ating gusto dahil hindi to kayang bayaran ng ating mga magulang dahil

narin sa kagupitan ng buhay ngayon. Mas uunahin na muna ang mga pangunahing

pangangailangantulad ng pagkain, damit, bayad sabahay at kuryente bago ang pag-

aaral. Ito na rin marahilang dahilan kung bakit maraming kabataan ngayon ang hindi

nakakapag-aral. Pangalawang dahilan ay ang ating mga magulang. Hindi nagkaka-

pareho ang ating gusto sa gusto ng ating mga magulang . Nalilito tuloy kung susundin

ba natin ang ating puso o susundin natin ang ating mga magulang. Hindi pa naman huli

ang lahat. Mayroon pa namang mga paraan upang makapamili tayo nanmaayos. Heto

ang ilang mga gabay sa pagpili. Una , kungdi natin talaga kaya ang mahal na major ,
meron pa namang magagandang major na mura lang. Subukang pumasok sa scholar-

ship na meron ang paaralan. Kung susuwertihin baka makalibre ka pa kung makapasa

ka sa pagsusulit. Mag-usap kayo ng inyong magulang kung ano ba talaga ang maka-

kabuti sa inyo. Pumili ng major na kaya mong intindihin ng mabuti o hindi ka mahihira-

pan. Ilan lang yan sa mga gabay sa pagpili ng mabuting major. Lagi lang nating

tandaan na kailangan nating mag-aral nang mabuti para sa ating magandang kinabu-

kasan.

Ayon naman sa artikulo ni Berbano (2014) isa sa maraming problema na kinaka-

harap ng mga estudyante ay ang kanilang mga propesor. Maaring maging suliranin ay

ang pagkuha ng hindi nais na major ng isang estudyante. Ayon sa sakanya, minsan ay

napipilitan lamang kunin ng mga estudyante ang kursong ito dahil sa kagustuhan ng

magulang o kaya naman ay naiimpluwensyahan ng mga kaibigan o kawpakamag-aral.

Ito ay nagdudulot naman sa problemang kawalan ng estudyante ng interes sa kanyang

major. Ang pagpili ng major ay napaka importante sa buhay ng isang tao dahil ito ang

magsasaad ng landas na tatahakin hanggang sa pagtanda.

Ayon kay Patricia Vizara (2015), may mga mag-aaral din na humahantong sa

puntong hindi nila matukoy kung ano ba talaga ang kanilang gustong kunin kung kaya

naman nagkakaroon ng problema dahil hindi sigurado ang mga mag-aaral sa gina-

gawang desisyon.
Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pananaliksik ni Marie Grace S. Cabansag, Ph. D. Ang resulta ay

nagpapakita ng magandang maidudulot sa maraming mag-aaral at tumutugon sa pro-

gramang k - 12 bilang isang Paraan sa paghahahnda ng mga mag-aaral upang maging

mahusay at mapataas ang porsyento na magkaroon ng magandang trabaho at para rin

magkaroon ng magandang trabaho lalo na sa ibang bansa. Batay sa programang k - 12

tinitingnan holistic development na ang mga mag-aaral ay kinakailangan magkaroon ng

kasanayan sa buhay na malaki ang maiiaambag sa pang ekonomiya ng ating bansa.

Banyagang Pag-aaral

Ayon rin sa pag-aaral ni Pasaquian (2014), ang dahilan muli ay ang pagpwersa ng

magulang o ng mga tao sa paligid kaya nagagawang makapag desisyon ng hindi na-

man talaga nais kunin.

Sabi sa Kabanata II ng isang banyagang pag-aararal, isa sa mga sanhi ng takot ng

mga mag-aaral sa sipnayan ay hindi dahil sa asignatura kung hindi dahil sa mga guro.

Kinakabahan silang mag presenta ng kanilang mga solusyon sa harap ng kanilang

klase dahil ayaw nila mapahiya, lalo na kung mahirap iyong kanilang pinagaaralan.

Maliban sa mga guro, isa pang dahilan ng kanilang takot ay ang kanilang mga magu-

lang. Dahil Ito sa kagustuhan ng mga magulang na maganda ang mga marka na maku-

kuha ng kanilang mga anak.

Ayon sa pag-aaral na ito, may mga mag-aaral na may roong takot sa pag-aaral.

Subalit sinasabi dito na dapat tulungan ng mga magulang at mga guro ang mga mag

aaral upang maalis ang kanilang takot sa mga asignaturang ito. Tinukoy rin dito ang
mga mga dahilan kung bakit ang mga mag-aaral ay may takot sa mga asignaturang

nabanggit. At mayroon pang tinukoy dito tungkol sa mga magagandang resultang dulot

ng pagtulong ng mga magulang at guro sa mga mag-aaral.

You might also like