You are on page 1of 2

PANIMULA O INTRODUKSYON

Sigurado ka na ba sa kursong iyong pinili?


Ito ang madalas na tinatanong sa atin ng ating mga magulang, guro, at kaibigan/kaklase
bago tayo tumungtong sa kolehiyo. Pagka-gradweyt natin sa sekondarya isang malaking hamon
na naman para sa atin ang pagpapatuloy ng ating pag-aaral sa kolehiyo at kaakibat sa hamong ito
ay ang pagdedesisyon sa kung anong kurso ang ating pipiliin.
Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang estudyanteng magtatapos sa
sekondarya ay ang pagdedesisyon sa kung anong kurso ang nais niyang piliin o kunin sa
kolehiyo. Sapagkat, ang desisyon na iyon ay makakaapekto sa magiging buhay ng magaaral pagkatapos ng kolehiyo. Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa ating buhay at
kinabukasan. Kaakibat nito ang pagpili ng kursong tatahakin natin sapagkat ito ang magiging
kaakibat natin sa ating kinabukasan. Kaya napakahalaga na pag-isipan natin kung tama ba o
hindi ang ating kursong pinili.
Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay hindi parating madali para sa mga estudyanteng
magtatapos pa lamang ng pag-aaral sa sekondarya. Maraming mga mag-aaral sa sekundarya ang
madalas na nagkakaroon ng problema sa pagpili ng kanilang kursong kukuhanin sa kolehiyo, lalo
na ang mga mag-aaral na nasa kanilang ika-tatlo o ikaapat na taon.
Karamihan sa mga mag-aaral ay sinisigurado na kung anong kurso ang kanilang
kukuhanin kapag tumungtong sila ng kolehiyo ngunit mayroong mga maaaring maging hadlang
at makaapekto sa desisyon na ito. Una ay ang kanilang pinansyal na katayuan. Ayon kay
Sandman (2014), animnapung porsyento ng mag-aaral na nakapasa sa gusto nilang eskwelahan
ay piniling pumasok sa iba na mas mababa ang kanilang magagastos. Sinisigurado ng isang magaaral kung ang kukuning kurso ba ay kayang masuportahan ng magulang at kayang tustusan ang
mga gastusin ng kurso.
Isa ring nakakaapekto ay ang pamilya na malaking epekto sa ginagawang desisyon ng
mga mag-aaral. Ayon kay George-Jackson (2012), pumapangalawa ang mga magulang kasunod
ng pansariling kagustuhan sa nakakaimpluwensya sa mag-aaral sa kanyang pipiliing kurso.
Ang mga kaibigan na madalas kasama ng mga kabataan kung kaya naman ang mga
desisyon na dapat nilang gawin ay naiimpluwensyahan ng mga ito. Ayon kay Dr. Casey (2008),

malaking impluwensya sa paggawa ng desisyon ng mga kabataan ang kanyang mga kaibigan.
Ayon naman kay Laitsch (2006), naapektuhan ng mga kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral na
maaaring sa negatibo o positibong paraan.
Iniisip rin ng mag-aaral ang kasiguraduhan ng magiging trabaho nito sa hinaharap. May
mga mag-aaral din na kumukuha ng kursong gusto talaga nila ayon sa personal na interes. Ayon
kay Reynolds (2011), madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang pinipiling kurso sa
personal na interes.
Minsan humahantong ang mga mag-aaral sa puntong hindi nila matukoy kung ano ba
talaga ang kanilang gustong kuning kurso kung kaya naman nagkakaroon ng mga problema dahil
hindi sigurado ang mag-aaral sa ginawang desisyon. Isa sa mga problemang ito ay ang paglipat
ng isang estudyante sa ibang kurso.
Sa kadahilanang ito, nabuo ang pag-aaral na ito upang matukoy at masuri ang mga salik o
dahilan ng paglipat ng isang Medical Technology student sa ibang kurso. Ang pag-aaral din na
ito ay maaaring makatulong upang malaman natin ang mga salik na mas nakakaapekto sa
paglipat ng isang estudyante.

You might also like