You are on page 1of 1

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagpili ng Kursong Kinuha ng mga

Mag-aaral sa Kolehiyo

Kabanata 1

Panimula
Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahalagang desisyon sa buhay na
dapat isaalang alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang usapin dahil ito
ang umpisa ng kanilang buhay para sa hinaharap. Ang mga magulang ay may
mahahalagang papel sa desisyon ng anak lalo na kung ang kinabukasan ng anak
ang pag-uusapan. Kung anong kurso ang pipiliin ay dapat masinsinan itong
pinag-uusapan ng isang anak at ng kanyang mga magulang.
Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng
estudyante. Kaakibat nito ang pagpili ng kursong tatahakin sapagkat ito ang
magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharap na pamumuhay. Sa
unang taon ng isang estudyante sa kolehiyo ay isang mahalagang panahon para
isipin kung tama ba o hindi ang kursong kanilang napili.
Ayon kay Bautista (2014). Tinutukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro.
Dapat isipin ng bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit nga ba siya
nasa paaralan. Karaniwan na naririnig sa mga magulang na ang edukasyon ang
tanging yaman na maibibigay sa atin at hindi ito makukuha ng sino man.
"Ang bawat isang mag-aaral habang nag-aaral ay lumilikha ng mahiwagang susi
ang mahiwagang susi na siyang magbubukas ng pintuan ng magandang buhay na
hindi lamang nakalaan para sa sarili kundi sa pamilyang pinagmulan, sa kapwa,
sa bayan". Valledor (2014)
Ang pag-aaral ang daan upang makabawi sa pinaghirapan ng magulang dahil
ito ang magiging daan tungo sa magandang kinabukasan. Ang pag-aaral ah
maihahalintulad sa kayamanan na hindi basta maagaw ng sinuman. Ang
makapagtapos ng pag-aaral ay isang tropeyo na maihahandog ng mag-aaral sa
kanilang magulang bilang pasalamat sa pinaghirapan nito na makapagtapos ng
pag-aaral ang kanilang anak.

You might also like