You are on page 1of 9

ANTAS NG KALAGAYAN NG PAGNANAIS NA MAKATAPOS NG KURSONG BATSILYER NG

EDUKASYON SA SEKUNDARYA NA NAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO SA PANAHON NG


PANDEMYA NG BSED IIIA-FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN
QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022 UNANG SEMESTRE

AZENNETH ROWY B.

BSED FILIPINO lllA

2021-2022

UNANG SEMESTRE

SA PATNUBAY NI:

GNG. MITZI G. CANAYA, EdD

KABANATA 1

PANIMULA

Ang makapagtapos ng pag-aaral ay isang malaking tagumpay na makakamit sa buong buhay ng


isang tao, subalit ito ay isang malaking pagsubok at maraming balakid na kailangang harapin bago pa
man makamtan. Sa kabila ng kahirapang kinahaharap at pinagdaraanan sa buhay ng bawat isa
marami parin ang nangangarap na makamit ang rurok ng tagumpay at umangat sa buhay.

Ayon nga kay George Washington Carver, “Ang edukasyon ay ang susi na magbubukas patungo
sa tagumpay”. Subalit marami na ngayong kabataan ang huminto dahilan sa pandemya na
kinakaharap naten ngayon.Ibat ibang mga suliranin sa buhay ang kanya kanyang pinagdaraanan
dahil sa hirap ng buhay. Meron pa din namang nagpupursigeng iahon at sikaping matapus ang pag
aaral. Kaakibat ng mga kabataan ngayong nasa kursong sekondarya ang hirap ng dinaranas, kasabay
ang kahirapan sa pakikipagkumonikasyon dahilan sa malalayong lugar gawa ng pandemya.

Dahil sa pandemyang ating kinakaharap ngayon patuloy parin naming kapwa ko mag aaral tinatahak
ang sekondarya kahit dumaranas ng kahirapan sa pang araw araw na buhay.Pinipilit makatapus ang
bawat isa sa kursong aming pinasuk.Hinaharap mga pagsubok upang makamit ang rurok ng
tagumpay ,dahil ang kahirapan ay hindi hadlang upang di makatapos sa pag aaral.
Tunay nga na ang maayos na edukasyon ang pamana ng mga magulang na hindi mananakaw
ninuman.Hindi lahat ng tao ay may kakayahang makakuha ng maayos at pormal na edukasyon lalot
higit ngayong may pandemya.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.Kung
wala nito,at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at
matatag na pundasyon ng edukasyon,nagiging mahirap sa kanila na abutin ang pag unlad .Marapat
lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa mga kabataan ng inaasam na
mga mithiin.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kapwa ko kabataan sapagkat ito ang aming magiging
sandata sa buhay sa kinabukasan.Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa
isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa buhay,pagkatalo at komunidad na
ginagalawan.Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa .

BATAYANG KONSEPTWAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang antas ng kalagayan ng pagnanais na


matapos ng kursong batsilyer ng ed/ukasyon sa sekundarya na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa
Panahon ng pandemya ng BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.Ang
pananaliksik na ito ay maaaring magbigay tugon sa mga nagnanais na makatapos dahil sa panahon
ng pandemya.

Konseptwal na Balangkas

INPUT PROSESO AWTPUT

Mga mag aaral na Kalagayan ng pagnanais na Podcast na nagbibigay ng


may kursong batsilyer makatapos sa kursong inspirasyon upang mag aral ng
ng edukasyon sa sekundarya kinukuha; Mabuti ang mga mag aaral sa
na nagpapakadulabhasa -paniniwala kabila ng dinaranas na
Filipino sa panahon ng
-kilos pandemya.
pandemya ng BSED III-A
Filipino sa panahon ng -gawi
Quezonian Educational College
Inc. Atimonan Quezon
Demograpikong profayl

-Kasarian
-Edad
-tirahan

LAYUNIN NG PAG AARAL


Ang pag aaral na ito ay naglalayong matugunan ang antas ng kalagayan ng nagnanais na
makatapos sa pag-aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya na nagpapakadalubhasa sa
Filipino sa Panahon ng pandemya ng BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE
INC. ATIMONAN QUEZON AKADAMEKONG TAON 2020-2021

Sisikapin ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na katanongan .

1. Ano ang kalagayan ng pagnanais na makatapos sa kursong kinukuha sa paniniwala ng mga BSED
FILIPINO IIIA?

2. Ano -ano ang kalagayan ng pagnanais na makatapos sa kursong kinukuha sa kanilang kilos?

3. Ano-ano ang kalagayan ng pagnanais na makatapos sa kursong kinukuha sa kanilang gawi?

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mananaliksik upang malaman ng mga pagnanais na


makatapos sa pag-aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya na nagpapakadalubhasa sa
Filipino sa panahon ng pandemya ng BSED IIIA-FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE
INC. ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON 2020-2021. Sa pag-aaral na ito maaaring
makinabang ang mga sumusunod:

A. Mga Mag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral sa mga mag aaral sapagkat malalaman dito kong ano ano ba sa
mga nagnanais na makatapos sa pag aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya
nasa Filipino sa panahon ng pandemya .

B. Mga Guro

Ang mga pag aaral na ito ay nakatutulong sa mga guro upang malaman nila ang pagnanais na
makatapos sa pag aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya nasa Filpino sa panahon ng
pandemya.

C. Kagawaran ng edukasyon

Maaaring baguhin ng nasabing ahensya ang mga sistemang kanilang ipinapatupad sa pag aaral sa
panahon ng pandemya sapagkat hindi lahat ng mag aaral ay magkakatulad ng katayuan sa buhay.

D.Paaralan

Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa pamamagitan ng pagbabago ng


ilang sistema sapagkat mahalagang isialang alang din ng paaralan ang mga kalagayan at katayuan at
kakayanan ng mga mag-aaral habang nag-aaral.

E. Mga magulang

Isa sa maaring makinabang sa pag-aaral nito ay ang mga magulang sapagkat sa pamamagitan ng
pag-aaral na ito malalaman nila ang mga gawi, paniniwala at kilos ng kanilang mga anak sa pag-aaral
sa panahon ng pandemya.

Saklaw at limitasyon
Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa kung ano ang antas ng kalagayan ng

pagnanais na makatapos sa pag-aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya na

nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Panahon ng pandemya ng BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN

EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON AKADAMEKONG TAON 2020-2021.Nililimitahan

ang antas na kalagayan na ito sapagkat tanging mag-aaral lamang ng BSED IIIA-FILIPINO ang

respondent ng pag-aaral.Hindi na sasaklawin ng pag-aaral na ito ang persepsyon ng mga guro at

magulang tungkol sa sistema ng pagkatuto ng kanilang estudyante at mga anak sa panahon ng

pandemya. . Upang makuha at malaman ng mananaliksik ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto

ng mag-aaral sa panahon ng pandemya magsasagawa ito ng isang sarbey sa mga mag-aaral mula

BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON

AKADAMEKONG TAON 2020-2021.

Depinisyon ng mga Katawagan

Salik na Nakaaapekto sa Pagkatuto- Ang pag-aaral na ito ay ginagawa upang mapakita ang

pananaw ng mga mag-aaral sa kursong Batsilyer ng edukasyon BSED FILIPINO IIIA sa antas ng

kalagayan dahil sa pandemya.

Panahon ng Pandemya- Isang pangyayari na naging sanhi upang mabago ang lahat ng sistema sa
mundong ating ginagalawan sa panahon ngayon.

Mga mag-aaral sa BSED FILIPINO IIIA- Pangkat ng mga mag-aaral sa Quezonian Educational College
Inc. na siyang magiging responde sa nasabing pag-aaral.

Quezonian Education College Inc.- Paaralan kong saan magmumula ang respondante ng pag-aaral.

Taong Panuruan 2021-2022- Taong panuruan na kung saan ang mga mag-aaral ay nag-aaral sa kani-
kanilang mga tahanan dahil sa pandemyang Covid-19.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL
Mga Kaugnay na Literatura

Isa sa pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang mag-aaral na nais magtapos sa kolehiyo


ay ang pagpili ng kursong kukunin sapagkat mahalagang isaalang-alang ang ilang mga bagay lalo na
sa panahon ng pandemya. Ang desisyon na ito ay maaring makaapekto sa magiging buhay sa
hinaharap, kaya karamihan sa mga mag-aaral ay sinisigurado ang kursong kanilang tatapusin. Ayon
kay George Jasckon (2012), pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng pansariling kagustuhan
sa nakakaimpluwensya sa mag-aaral sa pagpili ng kurso. Sa isang sanaysay na naka upload sa
internet sinabi ni Angeline Capati Reyes (2021).

Sa blog ni Jesse Guevara, 2011 na pinamagatang “Anong Motibo Mo” nakasaad na


mayroong limang hakbang sa motibasyon ito ay ang mga sumusunod: (1) Atensyon o pagpansin, na
sinasabing ang pag-ibig ay nagsisimula sa atensyon; (2) Panahon, ganito din sa relasyon, kapag wala
kang panahon dito, kusa itong mapapanis at lilipas; (3) Masigasig, wika nga, “kapag may tiyaga, may
nilaga”; (4) Koneksyon, ang pangunahing sangkap o elemento ng kaligayahan, kahalagahan, at
tagumpay ay nakapaloob lamang sa kapangyarihan.

Ayon kay Dhawan (2020) sa panahon ng krisis na ito ay ang mas mainam na lunas ay ang pagpatupad
ng online learning mode.

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan sa pagtuturo,huwag nating kalilimutan ang
malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral(Melchor
Felonia 2021).

Banyagang Artikulo

Sa artikulo na isinulat ni Jayaram V, 2012 na pinamagatang “Ang Kapangyarihan ng


Determinasyon”. isinaad na madami na ang sumuko habang ang ilan ay kaya pang labanan hanggang
sa katapusan. Maaari kang magkamali ang mga ito ay madalas na para sa matigas ang ulo o suwail,
kung itutuloy nila ang kanilang mga layunin sa pagbalewala sa kanilang pag aaral hindi kaagad
makatatapos, kailangan lang ay determinasyon.

Sinusuportahan naman ito ng artikulo ni Vercide(2020) tungkol sa kung gaano ka -epektibo


angmakabagong paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral o tinatawag na E-LEARNING.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon naman sa pag-aaral nina Ceniza, et.al, 2012 na isinagawa sa Pamantasang Centro
Escolar at pinamagatang “Comparison of Motivational Status, Atribution , and Academic
Performance of 2nd year and 4th year Regular and Irregular BS Tourism Students of Centro Iscolar
University”, natuklasan nila na may impluwensiya ang pagkakaroon ng motibasyon, enerhiya,
panloob at panlabas na pagpapalagay ng abilidad, pagsisikap, swerte at hamon sa bawat isa ay
nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Ayon naman sa pananaliksik ni Lorenzo, (2012) na isinagawa sa University of Perpetual Help
System Dalta at pinamagatang “CHOOSING A RIGHT COURSE” natuklasang ang pagpili ng kurso sa
kolehiyo ay mayroong mga pangunahing pagsasaalang-alang. Una, ang Interes. Ito ang pinaka
batayan sa pagsasaalang- alang sa pagpili ng pangunahing kolehiyo o kurso, at siyempre kung ano
ang gusto, dahil kaakibat dito ay ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagaaral. Pangalawa, ang iyong
kakayahan, sa pagpili ng isang kurso ang pangunahing.kailanganin ay ang pagiging pursigido at
pagtatasa ng iyong mga kakayahan at mga talento.

Sa pananaliksik nina Cruz, et.al, (2011) na isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar at


pinamagatang “The Relationship Among Academic Self- efficacy, Academic Procrastination, and
Academic Performance”, natuklasan na ang mga respondenteng kasalukuyang dumadaan sa
pagdadalaga at pagbibinata ay nasa proseso pa ng paghuhulma ng determinasyon sa sarili. Lumabas
sa pag-aaral na ang pangangailangan sa determinasyon sa sarili ng mga estudyante ay dapat
makamit upang malaman ang kanilang academic self- efficacy, mabawasan ang prokrastinasyon, at
upang paghusayin ang kanilang akademikong pagganap.

Ayon kay George_Jackson (2012),pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng pansariling


kagustohan sa nakakaimpluwensiya sa mag aaral sa kanyang pipiliing kurso.

KABANATA III
MITODOLOHIYA

Uri ng pananaliksik- Ang ang uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ito ay deskriptibo sapagkat

saklaw nito ang kasalukuyang, kalagayan o sitwasyon sa paligid. Sisikapin ng mananaliksik na alamin ang mga

antas ng kalagayan sa panahon ng pandemya sa BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL

COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON AKADAMEKONG TAON 2020-2021.

Lunan ng pag-aaral
Mga kalahok

Instrumentong Pampananaliksik

Mga Teknik sa pagtuturo

Istatistikal Tritment ng mga datos


Uri ng Pananaliksik

Lunan ng Pag-aaral

Mga Kalahok

Instrumentong Pampananaliksik

Mga Teknik sa Pagtuturo

Istatistikal Tritment ng mga Datos

Pagkatapos masagutan ng mga respondente ang talatanungan, ang kanilang mga naging tugon ay
kukunin ang kabuuan. Ang mga nabuong resulta ay gagamitan ng pormula weighted mean upang
makuha ang tamang porsyento sa sagot ng mga respondent.
PORSYENTO = BILANG NG MGA SUMAGOT

KABUUANG BILANG NG RESPONDENTE

WM = 3(n) + 2(n) + 1(n)


N
Kung saan ang:
WM = Weighted Mean
n = Bilang ng mga sumagot
N = Kabuang bilang ng respondent

Iskala Kahulugan
2.34 – 3.00 Lubos na Sumasang-ayon
1.67 – 2.33 Sang-ayon
1.00 – 1.66 Hindi-Sang-ayon

You might also like