You are on page 1of 20

ANTAS NG KALAGAYAN NG PAGNANAIS NA MAKATAPOS NG KURSONG BATSILYER NG

EDUKASYON SA SEKUNDARYA NA NAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO SA PANAHON NG


PANDEMYA NG BSED IIIA-FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN
QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022 UNANG SEMESTRE

AZENNETH ROWY B.

BSED FILIPINO lllA

2021-2022

UNANG SEMESTRE

SA PATNUBAY NI:

GNG. MITZI G. CANAYA, EdD

KABANATA 1

PANIMULA

Ang makapagtapos ng pag-aaral ay isang malaking tagumpay na makakamit sa buong buhay ng


isang tao, subalit ito ay isang malaking pagsubok at maraming balakid na kailangang harapin bago pa
man makamtan. Sa kabila ng kahirapang kinahaharap at pinagdaraanan sa buhay ng bawat isa
marami parin ang nangangarap na makamit ang rurok ng tagumpay at umangat sa buhay.

Ayon nga kay George Washington Carver, “Ang edukasyon ay ang susi na magbubukas patungo
sa tagumpay”. Subalit marami na ngayong kabataan ang huminto dahilan sa pandemya na
kinakaharap naten ngayon.Ibat ibang mga suliranin sa buhay ang kanya kanyang pinagdaraanan
dahil sa hirap ng buhay. Meron pa din namang nagpupursigeng iahon at sikaping matapus ang pag
aaral. Kaakibat ng mga kabataan ngayong nasa kursong sekondarya ang hirap ng dinaranas, kasabay
ang kahirapan sa pakikipagkumonikasyon dahilan sa malalayong lugar gawa ng pandemya.

Dahil sa pandemyang ating kinakaharap ngayon patuloy parin naming kapwa ko mag aaral tinatahak
ang sekondarya kahit dumaranas ng kahirapan sa pang araw araw na buhay.Pinipilit makatapus ang
bawat isa sa kursong aming pinasuk.Hinaharap mga pagsubok upang makamit ang rurok ng
tagumpay ,dahil ang kahirapan ay hindi hadlang upang di makatapos sa pag aaral.
Tunay nga na ang maayos na edukasyon ang pamana ng mga magulang na hindi mananakaw
ninuman.Hindi lahat ng tao ay may kakayahang makakuha ng maayos at pormal na edukasyon lalot
higit ngayong may pandemya.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.Kung
wala nito,at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at
matatag na pundasyon ng edukasyon,nagiging mahirap sa kanila na abutin ang pag unlad .Marapat
lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa mga kabataan ng inaasam na
mga mithiin.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kapwa ko kabataan sapagkat ito ang aming magiging
sandata sa buhay sa kinabukasan.Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa
isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa buhay,pagkatalo at komunidad na
ginagalawan.Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa .

BATAYANG KONSEPTWAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang antas ng kalagayan ng pagnanais na


matapos ng kursong batsilyer ng ed/ukasyon sa sekundarya na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa
Panahon ng pandemya ng BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.Ang
pananaliksik na ito ay maaaring magbigay tugon sa mga nagnanais na makatapos dahil sa panahon
ng pandemya.

Konseptwal na Balangkas

INPUT PROSESO AWTPUT

Mga mag aaral na Kalagayan ng pagnanais na Podcast na nagbibigay ng


may kursong batsilyer makatapos sa kursong inspirasyon upang mag aral ng
ng edukasyon sa sekundarya kinukuha; Mabuti ang mga mag aaral sa
na nagpapakadulabhasa -paniniwala kabila ng dinaranas na
Filipino sa panahon ng
-kilos pandemya.
pandemya ng BSED III-A
Filipino sa panahon ng -gawi
Quezonian Educational College
Inc. Atimonan Quezon
Demograpikong profayl

-Kasarian
-Edad
-tirahan

LAYUNIN NG PAG AARAL


Ang pag aaral na ito ay naglalayong matugunan ang antas ng kalagayan ng nagnanais na makatapos
sa pag-aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa
Panahon ng pandemya ng BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
ATIMONAN QUEZON AKADAMEKONG TAON 2020-2021

Sisikapin ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na katanongan .

1. Ano ang kalagayan ng pagnanais na makatapos sa kursong kinukuha sa paniniwala ng mga BSED
FILIPINO IIIA?

2. Ano -ano ang kalagayan ng pagnanais na makatapos sa kursong kinukuha sa kanilang kilos?

3. Ano-ano ang kalagayan ng pagnanais na makatapos sa kursong kinukuha sa kanilang gawi?

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mananaliksik upang malaman ng mga pagnanais na


makatapos sa pag-aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya na nagpapakadalubhasa sa
Filipino sa panahon ng pandemya ng BSED IIIA-FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE
INC. ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON 2020-2021. Sa pag-aaral na ito maaaring
makinabang ang mga sumusunod:

A. Mga Mag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral sa mga mag aaral sapagkat malalaman dito kong ano ano ba sa
mga nagnanais na makatapos sa pag aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya
nasa Filipino sa panahon ng pandemya .

B. Mga Guro

Ang mga pag aaral na ito ay nakatutulong sa mga guro upang malaman nila ang pagnanais na
makatapos sa pag aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya nasa Filpino sa panahon ng
pandemya.

C. Kagawaran ng edukasyon

Maaaring baguhin ng nasabing ahensya ang mga sistemang kanilang ipinapatupad sa pag aaral sa
panahon ng pandemya sapagkat hindi lahat ng mag aaral ay magkakatulad ng katayuan sa buhay.

D.Paaralan

Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa pamamagitan ng pagbabago ng


ilang sistema sapagkat mahalagang isialang alang din ng paaralan ang mga kalagayan at katayuan at
kakayanan ng mga mag-aaral habang nag-aaral.

E. Mga magulang

Isa sa maaring makinabang sa pag-aaral nito ay ang mga magulang sapagkat sa pamamagitan ng
pag-aaral na ito malalaman nila ang mga gawi, paniniwala at kilos ng kanilang mga anak sa pag-aaral
sa panahon ng pandemya.
Saklaw at limitasyon

Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa kung ano ang antas ng kalagayan ng

pagnanais na makatapos sa pag-aaral sa kursong batsilyer ng edukasyon sa sekundarya na

nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Panahon ng pandemya ng BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN

EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON AKADAMEKONG TAON 2020-2021.Nililimitahan

ang antas na kalagayan na ito sapagkat tanging mag-aaral lamang ng BSED IIIA-FILIPINO ang

respondent ng pag-aaral.Hindi na sasaklawin ng pag-aaral na ito ang persepsyon ng mga guro at

magulang tungkol sa sistema ng pagkatuto ng kanilang estudyante at mga anak sa panahon ng

pandemya. . Upang makuha at malaman ng mananaliksik ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto

ng mag-aaral sa panahon ng pandemya magsasagawa ito ng isang sarbey sa mga mag-aaral mula

BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON

AKADAMEKONG TAON 2020-2021.

Depinisyon ng mga Katawagan

Salik na Nakaaapekto sa Pagkatuto- Ang pag-aaral na ito ay ginagawa upang mapakita ang pananaw

ng mga mag-aaral sa kursong Batsilyer ng edukasyon BSED FILIPINO IIIA sa antas ng kalagayan dahil

sa pandemya.

Panahon ng Pandemya- Isang pangyayari na naging sanhi upang mabago ang lahat ng sistema sa
mundong ating ginagalawan sa panahon ngayon.

Mga mag-aaral sa BSED FILIPINO IIIA- Pangkat ng mga mag-aaral sa Quezonian Educational College
Inc. na siyang magiging responde sa nasabing pag-aaral.

Quezonian Education College Inc.- Paaralan kong saan magmumula ang respondante ng pag-aaral.

Taong Panuruan 2021-2022- Taong panuruan na kung saan ang mga mag-aaral ay nag-aaral sa kani-
kanilang mga tahanan dahil sa pandemyang Covid-19.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL
Mga Kaugnay na Literatura

Isa sa pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang mag-aaral na nais magtapos sa kolehiyo


ay ang pagpili ng kursong kukunin sapagkat mahalagang isaalang-alang ang ilang mga bagay lalo na
sa panahon ng pandemya. Ang desisyon na ito ay maaring makaapekto sa magiging buhay sa
hinaharap, kaya karamihan sa mga mag-aaral ay sinisigurado ang kursong kanilang tatapusin. Ayon
kay George Jasckon (2012), pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng pansariling kagustuhan
sa nakakaimpluwensya sa mag-aaral sa pagpili ng kurso. Sa isang sanaysay na naka upload sa
internet sinabi ni Angeline Capati Reyes (2021).

Sa blog ni Jesse Guevara, 2011 na pinamagatang “Anong Motibo Mo” nakasaad na


mayroong limang hakbang sa motibasyon ito ay ang mga sumusunod: (1) Atensyon o pagpansin, na
sinasabing ang pag-ibig ay nagsisimula sa atensyon; (2) Panahon, ganito din sa relasyon, kapag wala
kang panahon dito, kusa itong mapapanis at lilipas; (3) Masigasig, wika nga, “kapag may tiyaga, may
nilaga”; (4) Koneksyon, ang pangunahing sangkap o elemento ng kaligayahan, kahalagahan, at
tagumpay ay nakapaloob lamang sa kapangyarihan.

Ayon kay Dhawan (2020) sa panahon ng krisis na ito ay ang mas mainam na lunas ay ang pagpatupad
ng online learning mode.

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan sa pagtuturo,huwag nating kalilimutan ang
malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral(Melchor
Felonia 2021).

Banyagang Artikulo

Sa artikulo na isinulat ni Jayaram V, 2012 na pinamagatang “Ang Kapangyarihan ng


Determinasyon”. isinaad na madami na ang sumuko habang ang ilan ay kaya pang labanan hanggang
sa katapusan. Maaari kang magkamali ang mga ito ay madalas na para sa matigas ang ulo o suwail,
kung itutuloy nila ang kanilang mga layunin sa pagbalewala sa kanilang pag aaral hindi kaagad
makatatapos, kailangan lang ay determinasyon.

Sinusuportahan naman ito ng artikulo ni Vercide(2020) tungkol sa kung gaano ka -epektibo ang
makabagong paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral o tinatawag na E-LEARNING.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon naman sa pag-aaral nina Ceniza, et.al, 2012 na isinagawa sa Pamantasang Centro
Escolar at pinamagatang “Comparison of Motivational Status, Atribution , and Academic
Performance of 2nd year and 4th year Regular and Irregular BS Tourism Students of Centro Iscolar
University”, natuklasan nila na may impluwensiya ang pagkakaroon ng motibasyon, enerhiya,
panloob at panlabas na

pagpapalagay ng abilidad, pagsisikap, swerte at hamon sa bawat isa ay nakakaapekto sa


akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Ayon naman sa pananaliksik ni Lorenzo, (2012) na isinagawa sa University of Perpetual Help


System Dalta at pinamagatang “CHOOSING A RIGHT COURSE” natuklasang ang pagpili ng kurso sa
kolehiyo ay mayroong mga pangunahing pagsasaalang-alang. Una, ang Interes. Ito ang pinaka
batayan sa pagsasaalang- alang sa pagpili ng pangunahing kolehiyo o kurso, at siyempre kung ano
ang gusto, dahil kaakibat dito ay ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagaaral. Pangalawa, ang iyong
kakayahan, sa pagpili ng isang kurso ang pangunahing.kailanganin ay ang pagiging pursigido at
pagtatasa ng iyong mga kakayahan at mga talento.

Sa pananaliksik nina Cruz, et.al, (2011) na isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar at


pinamagatang “The Relationship Among Academic Self- efficacy, Academic Procrastination, and
Academic Performance”, natuklasan na ang mga respondenteng kasalukuyang dumadaan sa
pagdadalaga at pagbibinata ay nasa proseso pa ng paghuhulma ng determinasyon sa sarili. Lumabas
sa pag-aaral na ang pangangailangan sa determinasyon sa sarili ng mga estudyante ay dapat
makamit upang malaman ang kanilang academic self- efficacy, mabawasan ang prokrastinasyon, at
upang paghusayin ang kanilang akademikong pagganap.

Ayon kay George_Jackson (2012) pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng pansariling
kagustohan sa nakakaimpluwensiya sa mag aaral sa kanyang pipiliing kurso.

KABANATA III
MITODOLOHIYA

Uri ng pananaliksik- Ang ang uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ito ay deskriptibo sapagkat

saklaw nito ang kasalukuyang, kalagayan o sitwasyon sa paligid. Sisikapin ng mananaliksik na alamin ang mga-

antas ng kalagayan sa panahon ng pandemya sa BSED IIIA- FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL

COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON AKADAMEKONG TAON 2020-2021.


Lunan ng pag-aaral - Isinasagawa ang pag-aaral na ito sa Quezonian Educational College Inc.
Atimonan, Quezon sa ilalim ng kursong edukasyon naniniwala ang mananaliksik na makakatulong
ang mag-aaral ng QECI sa ginagawang pag-aaral.

Mga kalahok - Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa BSED FILIPINO IIIA ng
Quezonian Educational College Inc. Atimonan Quezon taong Panuruan 2021-2022.

Instrumentong Pampananaliksik- Ang instrumento na ginamit ng mananaliksik ay pagbuo ng


Talatanungan o Questionnaire Ito ang mabisang paraan upang makuha ang mga datos sa kanyang
kinakailangan sa lalong madaliang panahong.

Mga Teknik sa pagtuturo-


Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya”. Nilalayon
ng sulatin na ito na maibahagi ng guro ang ilan sa mga karanasan at pamamaraan ginagamit sa
pagtuturo lalo na sa panahon ng pandemya. Paano nagagawang positibo ang pagtuturo sa kabila ng
hamon ng isang kalidad na edukasyon. Posible ba ang mga inilahad na kagamitan ng guro bilang
pamamaraan ng pagtuturo. Makikita ang apat na makrong kasanayan, pagtuturo ng talasalitaan,
panitikan at ang pagtataya ng pagkatuto sa asiganaturang Filipino na binigyang karanasan ng guro at
teknik mula sa mga dalubhasa sa edukasyon. Malalarawan ang karanasan ng guro simula hanggang
sa kasalukuyang pagtuturo. Maaaring ang mga naitala ng guro rito ay hindi lubusang
napagtagumpayan ngunit pinagsusumikapan ito na mapaghusay umisip ng mga estratehiya sa
pagtuturo upang lubos na makamtan ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Magkaiba man ang
karanasan ng pagkatuto ng mag aaral sinisikap na maabot at mataya ang karunungan sa tulong at
gabay na nagmumula sa mga magulang.

Istatistikal Tritment ng mga datos- A. Weighted Mean Distribution


Matapos masagutan ng mga respondente ang talatanungan, ang kanilang sagot ay kukunin ang total. Ang
mga nabuong resulta ay gagamitan ng sumusunod na pormula upang maipakita ang tamang porsyento at
weigthted mean ng nasabing sagot ng mga repondente.

PORSYENTO = BILANG NG MGA TUMUGON

KABUUANG BILANG NG RESPONDENTE

WM = 3(n) +2(n) + 1(n)


N
Kung saan ang:

WM = Weighted Mean
n = Bilang ng tumugon
N = Kabuuang bilang ng mga respondente

KABANATA IV
Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos

Sa bahaging ito ilalahad at tatalakaying ng mananaliksik ang mga resulta ng pag-


aaral batay sa mga layunin ng pag-aaral ng matatagpuan sa kabanata 1. susundan ito ng
pagpapaliwanag sa mga itinalang datos sa tsart at bibigyan ng interpretasyon ayon sa
resulta ng pagsusuri ng mananaliksik.

Demograpikong profayl

Distribusyon ng mga edad sa mga Respondante

EDAD FREQUENCY PORSIYENTO


20-23 12 88%
24-26 8 12%
Kabuuang bilang 20 100%
Mahihinuha na ang bilang ng tagsagot batay sa 20 respondante, Edad 20-23 ay may
pinakamaraming bilang at pinakamataas na porsiyento 88% sumunod naman ang edad na
24-26 na may pinqkaunting bilang na 8 na may 12% porsiyento .

Kasarian ng mga tagatugon

KASARIAN
BABAE 12(6 % ) LALAKE 8(40%

Kasarian ng mga tagatugon

Batay sa pigura makikita ang kabuuang bilang ng mga tumutugon ay dalawampo at animnapung
bahagdan dito ay mga babae na siyang may malaking bahagdan at apat napu ay lalaki.

A. Ano ang iyong mga natutunan sa antas ng kahalagahan ng pag-aaral sa paniniwala sa


panahon

ng pandemya?

PANINIWALA WM QD
R
1.Dahil sa pandemya tumaas ang aking tiwala sa sarili. 3.43 Sumasang-ayon 1
2.Naipamalas ko ang aking sariling kakayahan sa paglikha ng 3.17 Sumasang ayon 2
bagay bagay
3.Tumaas ang lebel ng aking pakikipag kapwa sa panahon ng 3.14 Sumasang ayon 3.5
pandemya.
4.Dahil sa pandemya naisip ko kung gaano kahalaga ang 3.14 Sumasang ayon 3.5
edukasyon.
5.Dahil sa pandemya natuto akong mag tiyaga 3.03 Sumasang ayon 5

6.Dahil sa pandemya natuto akong magbigay sa kapwa ko 2.97 Bahagyang sumasang 6


mag-aaral na nangangailangan. ayon

7.Dahil sa pandemya naisip ko ang kahalagahan ng mga guro 2.91 Bahagyang sumasang 7
ayon
sa pag-aaral
8. Naniniwala ako na kaya kong panatilihin ang aking mga 2.57 Bahagyang sumasang 8
grado kahit may pandemya. ayon

9. Naniniwala ako nahindi ako susukuan ng aking mga 2.49 Bahagyang sumasang 9
magulang sa pagsuporta sa pag-aaral kahit sila ay nahihirapan ayon

na
10.Naniniwala ako na kaya kung magtapos ng pag-aaral kahit 2.29 Bahagyang sumasang 10
may pandemya ayon

2.94 HS
Grand Mean
Legend:

4.01-5.00- Lubos na sumasang-ayon WM-Weighted Mean


3.01-4.00- Sumasang-ayon QD- Qualitative Description
2.01-3.00- Bahagyang Sumasang-ayon R- Ranggo
1.01-2.00- Hindi Sumasang-ayon
00.00-1.00- Lubos na hindi Sumasang-Ayon

Pinapakita sa talahanayan bilang 1 ang pagtatasa sa mga problemang kinakaharap ng mga

mag-aaral sa BSED FILIPINO III-A. Ito ay mayroong grand mean na 2.94, nangangahulugan

ito na ang mga estudyante ay bahagyang sumasang-ayon.

Ang problemang nangunguna ayon sa mga tagasagot ay ang ga sumusunod: nahihirapang

unawain ang kahulugan ng mga malalalim sa salita sa panitikan (wm=3.43), higit na

binibigyang atensyon ang makabagong kagamitan kaysa sa paglinang ng mga salita

(wm=3.17), limitado ang kaalaman sa bokabolaryo sa asignaturang Filipino (wm=3.14),

nahihirapang gumamit ng alternatibong salita o pamalit salita sa mga mahihirap na salita

upang mas maunawaan ang mensahe ng mga panitikan (wm=3.14), walang sapat na panahon

upang pagbuhusan ng sapat na pag-aaral ang paglinang ng ga salita (wm=3.03).

Samantala, ang pinakamababang problema ayon sa mga tagasagot ay ang mga

sumusunod: walang sinusundang proseso sa paglinang ng talasalitaan (wm=2.97), ang mga

salitang ginagamit o nababasa ay hindi kayang mabigyang kahulugan kapag ginamit sa


panitikan (wm=2.91), madalang magbasa ng aklat sa Filipino kaya’t hindi pamilyar sa

malalim na salita (wm=2.57), kawalan ng interes unawain ang talasalitaan (wm=2.49), hindi

mabigyang kahulugan ang mga salita kung kaya’t hindi maipagpatuloy ang paglinang

(wm=2.29).

Ayon sa pagaaral nina Beck, McKeown, at Kucan (2013) ang kaalaman sa talasalitaan

kasama ng kritikal na kasanayan sa pagbasa, tulad ng kaalaman sa bawat tunog ng letra,

pagkabasa, kaalaman sa marpolohikal (Bowers, Kirby, Deacon, 2010), pag nagsimula na ang

pormal na instraksyon sa pagbabasa (Moran, Moir 2018). Ipinahiwatig ng pag-aaral na

mahalaga ang paggamit ng mga talasalitaan, malinaw na instraksyon sa mga estratehiya ng

pagkatuto, at sapat na oras upang maktuto ang mga estudyante na malapit sa puwang ng

talasalitaan sa mga estudyante, lalo na sa ikalawang linggwahe (Ganske, 2018).

Kaya naman ang instraksyon sa talasalitaan ay binubuo ng mahalagang bahagi sa

pagbabasa at sa isang programa tungkol sa linggwahe. Ipinahiwatig ng mga mananaliksik na

mahalaga ang pagkatuto ng talasalitaan sa isang linggwahe.

B.Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa kilos ng pag-aaral sa panahon ng pandemya?

KILOS WM QD R
1. Dahil sa pandemya naging limitado ang aking paggalaw Lubos na sumasang
4.4 1
ayon
2. Dahil sa pandemya madalas mahina ang aking enerhiya 4.26 Lubos na sumasang- 2
sa pag-aaral ayon
3. Dahil sa pandemya nahihirapan akong kumilos sa labas 4.23 Lubos na sumasang- 3
ng bahay dahil sa banta ng Covid 19 Virus ayon
4. Dahil sa pandemya natuto akong kumilos mag-isa 4.88 Lubos na sumasang- 4.5
ayon
5. Pinag sasabay ko ang trabaho at pag-aaral sa panahon 3.88 Sumasang-ayon 4.5
ng pandemya
6. Dahil sa pandemya nahihirapan akong kumilos at mag 3.82 Sumasang-ayon 6
concentrate
7. Dahil sa pandemya madalas akong late sa pagpapasa 3.74 Sumasang-ayon 7.5
ng mga gawain sa school.
8. Dahil sa pandemya nagkaroon ako ng sapat na oras 3.74 Sumasang-ayon 7.5
para makatulong sa gawaing bahay.

9. Dahil sa pandemya natuto akong kumilos at magbahagi 3.63 Sumasang-ayon 9


ng aking sariling kaalaman sa kapwa kapwa ko mag-aaral

10. Dahil sa pandemya nagbago lahat ng aking mga kilos 3.4 Sumasang-ayon 10
Sumasang ayon
GRAND 3.89
MEAN

Legend:
4.01-5.00- Lubos na sumasang-ayon WM-Weighted Mean
3.01-4.00- Sumasang-ayon QD- Qualitative Description
2.01-3.00- Bahagyang Sumasang-ayon R- Ranggo
1.01-2.00- Hindi Sumasang-ayon
00.00-1.00- Lubos na hindi Sumasang-Ayon

Pinapakita sa talahanayan bilang 2 ang mga estratehiyang ginagamit upang

matugunan ang mga problema sa paglinang ng pandemya Ito ay mayroong grand mean na

3.89, nangangahulugang sumasang-ayon ang mga tagasagot sa mga estratehiyang ginamit.

Ang estratehiyang nangunguna ayon sa mga tagasagot ay ang mga sumusunod:


nabibigay ng dagdag kaalaman tungkol sa pandemya (wm=4.4),

Dahil sa pandemya nagkameron nnag dahilan kung bakit mahina ang aking enerhiya sa pag

aaral (wm=4.26), dahil sa pandemya nahihirapan akung kumilos gumalaw sa banta nang

umusong sakit sa bansa (wm=4.23).

Sa pagkakaroon nang sakit sa ating bansa maharaming naherapan sa pag-aaral una pagkilos at

pagalaw at pagpasa nanag gawain sa school. (wm=3.74), sa pagkakaroon nang sakit sa ating

bansa natoto akung magbahagi nang aking kaalaman sa kapwa ko mag-aaral (wm= 3.63), Ang
pagkakaroon nang nausong sakit sa ating bansa nabago ang aking pagkilos o pagalaw dahilan sa

inaasahang sakit na pandemya. (wm=3.4).

KABANAT V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng
mga mag-aaral sa panahon ng pandemya Taong Panuruan 2021-2022 Ginamit ng
mananalliksik ang disenyong deskriptibo sa pag-aaral na ito at ang mga kasagutan ng mga
respondente ay sinuri sa paraang weigthed mean, matapos masuri napag-alaman ng
mananaliksik ang mga salik na nakaaapekto sa aspetong pinansyal, interes, at
kagamitan/gadyet sa pag-aaral sa panahon ng pandemya.

A. Kongklusyon
Batay sa mga mananaliksik, karamihan sa mga mag-aaral sa panahon ng pandemya mula sa
BSED III A ng QUEZON EDUCATION COLLEGE INC ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG Taong
Panuruan 2021-2022.

 Ang mga mag-aaral dumaranas ng ibat- ibang pagsubok sa panahon ng pandemya

 Ang mga mag-aaral sa ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG Taong Panuruan 2021-


2022 ay lubos na sumasang-ayon sa salik mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto sa
panahon ng pandemya.

 Ang mga mag-aaral sa ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG Taong Panuruan 2021-2022


ay labindalawa (12) mula sa dalawampu (20) na respondente ang wala at kulang ang
kagamitan para sa pag-aaral sa panahon ng pandemya at nahihirapang sumabay sa
bagong sistema ng pag-aaral.

B. Rekomendasyon
Batay sa resulta ng pag-aaral inirekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod sa:

 Ipagpatuloy ang pag-aaral kahit may pandemya.


 Pang-unawa sa pagsubok na pinagdadaanan ng pamilya sa panahon ng pandemya.
 Patuloy suportahan at hikayatin ang mga anak na mag-aaral kahit may pandemya upang
makapag tapos ng pag-aaral.
Gumamit ng mga kagamitang panturo sa paraang hindi mahihirapan ang mag-aaral

TALAAN NG SANGGUNIAN
Bowers, P.N.; Kirby, J.R. (2010); Deacon, S.H. The Effects of Morphological Instruction on
Literacy Skills: A Systematic Review of the Literature. Rev. Educ. Res., 80, 144–179.

Beck, I.L.; McKeown, M.G.; Kucan, L. (2013). Bringing Words to Life: Robust Vocabulary
Instruction; The Guilford Press: New York, NY, USA.
Moran, E.E.; Moir, J. (2018). Closing the Vocabulary Gap in Early Years: Is 'Word Aware' a
Possible Approach? Educ. Child Psychol. 35, 51–64.
Ganske, K. (2018) Word Sorts and More: Sound, Pattern, and Meaning Explorations K–3,
2nd ed.; The Guilford Press: New York, NY, USA.
George-Jackson, Ph.D., is an IES Postdoctoral Research Fellow in Mathematics Education
and an Adjunct Assistant Professor at the University of Illinois at Urbana-Champaign.

Angeline Capati-ECOSYSTEM Engagement program manager


https://www.linkedin.com/in/angelinecapati

S Dhawan - Journal of educational technology systems, 2020 -


journals.sagepub.com
Educational institutions (schools, colleges, and universities)
Melchor felonia (2021) mga pamamaraan at pagtuturo ng filipino sa panahon nang demya
melchor.felonia@email.lcup.edu.ph

Vercide (2020) https://thelookout.com.ph/article/online-classes-epektibo-nga-ba-para-matuloy-


ang-pasukan

Nina ceniza ET ALL (2012)https://www.slideshare.net/JMEsguerra/salik-sa-pagkakaroon-ng-


motibasyon-at-determinasyon-sa-napiling-kurso-ng-mga-magaaral-ng-pamantasang-centro-escolar

Lorenzo (2012) isinagawa sa University of Perpetual Help System Dalta at pinamagatang


“CHOOSING A RIGHT COURSE

Jayaram V (2020) https://www.casemine.com/judgement/us/61e908cfb50db931edead8a3


Muling mapapansin na ipinapalagay ang tuwirang ugnayan ng wika at kaisipan bilang
pananaw ukol sa sikolohiya ng mga Pilipino— ang parehong ideyang ipinapalagay nina Ceniza,
Gonzalez, Timbreza, at Mercado. Marahil mabibilang ang akda ni Enriquez, at mga katulad
Apendiks
PERSONAL INFORMATION

Age : 21
Date of Birth : August 20.2000
Place of Birth : San Francisco quezon
Gender - Famale
Civil: : Single
Citizenship : Filipino
Religion : Roman Catholic
Father’s Name : Ruelito E Rowy
Mother’s Name : Nora B Rowy

EDUCATIONAL ATTAINMENT:
Tertiary QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC ATIMONAN QUEZON (2022
-up to present)
Secondary: Pagsajahan national high school

Pagbati,

Ako si AZENNETH BAYUGO ROWY mag-aaral mula sa pamantayan ng na kumukuha ng


kursong Batselyer sa Sekondarya ng Edukasyon Medyor sa Filipino ay kasalukuyang
gumagawa ng tesis na may pamagat na ANTAS NG KALAGAYAN NG PAGNANAIS NA MAKATAPOS
NG KURSONG BATSILYER NG EDUKASYON SA SEKUNDARYA NA NAGPAPAKADALUBHASA SA
FILIPINO SA PANAHON NG PANDEMYA NG BSED IIIA-FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL
COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022 UNANG SEMESTRE

Kaugnay nito, humihingi po ako ng pahintulot na bigyang bisa ang papel na ito na maari
kong gamitin na instrumento saakin.

Tanggapin ninyo ang aking taos pusong pasasalamat.


Gumagalang,

AZENNETH BAYUGO ROWY


Mananaliksik

Pagtibay:

MITZI G. CANAYA, EdD


Tagapayo sa Pananaliksik
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC ATIMONAN
QUEZON

Ika-05 ng febrero=(2022)
Uri ng Pananaliksik

Lunan ng Pag-aaral

Mga Kalahok

Instrumentong Pampananaliksik

Mga Teknik sa Pagtuturo

Istatistikal Tritment ng mga Datos

Pagkatapos masagutan ng mga respondente ang talatanungan, ang kanilang mga naging tugon ay
kukunin ang kabuuan. Ang mga nabuong resulta ay gagamitan ng pormula weighted mean upang
makuha ang tamang porsyento sa sagot ng mga respondent.

PORSYENTO = BILANG NG MGA SUMAGOT

KABUUANG BILANG NG RESPONDENTE


WM = 3(n) + 2(n) + 1(n)
N
Kung saan ang:
WM = Weighted Mean
n = Bilang ng mga sumagot
N = Kabuang bilang ng respondent

Iskala Kahulugan
2.34 – 3.00 Lubos na Sumasang-ayon
1.67 – 2.33 Sang-ayon
1.00 – 1.66 Hindi-Sang-ayon

You might also like