You are on page 1of 34

KALIDAD NG MODULAR DISTANCE LEARNING BILANG PARAAN NG PAG-AARAL NG

BAITANG 11 MULA SA MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG BATANGAS SA

TAONG PANURUAN 2020-2021: BASEHAN PARA PAGBUO NG MUNGKAHING

MODALITY PLAN.

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa mga Kaguruan ng Mataas na Paaralang Pambansang

Batangas (Senior High School) Lungsod ng Batangas

Isang Pananaliksik ng mga Mag-aaral mula sa STEM 2

Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kinakailangan sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Dolojan, Lian Garn L.

Cueto, John Philip F.

Abdon, Janna Marii V.

Mayo 2021

i
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtugon sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pag-aaral at pananaliksik na pinamagatang

bisa ng modular learning bilang paraan ng pag-aaral ng mga studyante mula sa Baitang

11 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas sa taong panuruan 2020-2021 ay

isang komprehensibong pananaw na inihanda at iniharap ng mga mananaliksik ng grupong

PUHON na binubuo nina:

Lian Garn L. Dolojan

Janna Marii V. Abdon

John Philip F. Cueto

Tinatanggap mula sa Kagawaranng Filipino, Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas,

bilang isang paraan sa paglinang ng pagkakatuto at isa sa mga pangangailangan ng

asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Gng. Diona C. Gualter


Gurong Tagapayo
SERTIPIKO MULA SA LUPON NG EKSAMINER
PAGPAPASALAMAT

Labis ang pagpapasalamat ng mga mananaliksik sa mga nakilahok at nakibahagi sa

isnigawang pag-aaral, sa kanilang ginampanang mga tungkulin na naging basehan para sa

pakabuo ng pananaliksik na ito.

Sa gurong tagapangasiwa na si Gng. Diona C. Gualter, na walang humpay ang

pagsisikap upang matugunan ang kanyang papel bilang guro sa asignatura kinabibilangan.

Malaki ang utang na loob ng mga mananaliksik sa kanyang pagsuporta, paggabay, pag-unawa,

at pagsakripisyong ibinabahagi higit na’t ang kalagayan ng edukasyon ay tilang kumikilos laban

sa kanilang pabor.

Sa mga magulang at mga katiwala na nauunawaan ang mga pangangailangan ng

kanilang mga mag-aaral alang-alang sa pagkabuo ng pananaliksik na ito.

At higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na nagbigay ng probisyon, lakas, kaalaman,

lalong lalo na sa mabuting kalusugan at proteksyon sa mga mananaliksik, maging sa kanilang

mga mahal sa buhay, laban sa pandemyang COVID 19 habang isinasagawa ang pananaliksik

na ito.

PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay inihahandog para sa mga mag-aaral, maging sa mga guro,

na naranasan ang mga hamon ng panibagong sistema ng edukasyon dulot ng pandemyang

COVID 19. Sa pagsisikap ng pananaliksik na ito upang malinang ang pagkamabisa ng nasabing

sistema, ang pananaliksik ay inihahandog din para sa kinabukasan ng edukasyon sa bansa.


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
TITULO i

DAHON NG PAGPAPATIBAY ii

SERTIPIKO MULA SA LUPON NG EKSAMINER iii

PAGPAPASALAMAT iv

PAGHANDOG iv

TALAAN NG NILALAMAN v

KABANATA

1. ANG SULIRANIN NG PAG-AARAL

Pamimula 1

Balangkas Konseptwal 3

Paglalahad ng Suliranin 4

Saklaw, Delimitasyon, at Limitasyon ng Pag-aaral 5

Kahalagahan ng Pag-aaral 6

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit 7

2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura 9

Kaugnay na Pag-aaral 11

Sintesis 13
3. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Instrumentong Ginamit

Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos

Kagamitang Pang Istadistika


KABANATA 1

ANG SULIRANIN NG PAG-AARAL

Panimula

Karapatan ng bawat bata at kabataang Pilipino ang magkaroon ng kalidad na

edukasyon; gayundin na may pananagutan ang pamahalaan upang ito ay ihatid sa

kanila. Ngunit, dahil ng mga komplikasyong dala ng pandemyang nararanasan, ang

kalidad ng edukasyon ay kumurba sa dati nitong anyo at nagkaroon ito ng bagong

kahulugan para sa mga guro at mag-aaral ng kasalukuyan.

Simula noong mabilis na pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa

Pilipinas noong kalagitnaan ng Marso 2020, ang kalagayan ng edukasyon sa bansa ay

isa sa mga mahahalagang bagay na tinalakay nang matagal. Isang katangian ng

COVID-19 ay ang kakayanan nitong makahawa sa pamamagitan ng harap-harapang

interaksyon sa mga indibidwal na possibleng mayroong sintomas ng Covid, halata man

o hindi. Ito ang dahilan kung bakit hindi pinapayagan ang Department of Education

(DepEd) na ipagpatuloy ang face-to-face classes: ang ating karaniwang paraan ng

pagtuturo ay nakasentro at umiikot sa dinamikong interaksyon ng guro sa kanyang mga

studyante at bisebersa(Malik, 2012), kaya malalagay sa panganib ang kanilang

kalagayan kapag itutuloy ang face-to-face sa panahon ng pandemyang tulad ng Covid.

Kaya habang iniintay ang pangmasang produksyon ng bakuna laban sa COVID-

19 para sa mga Pilipinong mamamayan at mag-aaral, inilunsad ng DepEd ang Distance

Learning, isang alternatibong paraan ng pag-aaaral kung saan ang mga mag-aaral at

guro ay malayo sa isa’t isa habang isinasagawa ang instruksyon, upang matugunan ang

pangangailangang pampaaralan ng mga bata at kabataang Pilipinong nagpasyang na

ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa panahon ng pandemya.


Partikular ang paraang printed modular learning sa mga pampublikong paaralan

dahil ayon sa DepEd, ito ang learning modality na sinang-ayunan ng karamihang mga

magulang (8.8 na milyong mga magulang); sinundan ito ng blended learning (3.9

milyong magulang); online learning (3.8 milyon); educational TV (1.4 milyon); radio-

based instruction (900,000 mga magulang); at mga bukod pang modaliti na hindi tiniyak

(500,000 mga magulang). (Magsambol, 2020)

Kabilang ang Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas sa mga paaralang

gumagamit ng modular learning bilang modaliting paghatid ng pag-aaral. Nang

nagsimula muli ang panibagong taon ng panuruan, naka imprenta ang mga learning

materials na inihatid; ito ay pinalitan ng digital sa kalagitnaan ng taong panuruan nang

nagkaroon ng mga tablet na mula sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Batangas,

para maipahiram sa mga mag-aaral. Subalit, sa nasabing paaralan, mayroong mga

pagkukulang ang ganitong paraan, at hindi direktang napapanagutan ang karamihan sa

mga pangangailangan ng mga mag-aaral, partikular na sa mga mag-aaral na nasa

Grado 11.

Bunga nito, ang mga mag-aaral nitong panibangong sistema ng edukasyon ay

naglayong gumawa ng isang pag-aaral upang mapatunayan ang kalidad at

pagkamabisa ng modular distance learning bilang ang alternatibong paraan sa paghatid

ng de-kalidad na eduksyon sa mga studyante, partikular na sa mga nasa Baitang-11 ng

Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas sa taong panuruan 2020-2021, at batay

sa resulta ay makabuo ng isang mungkahing modality planning na higit na

makakatulong sa mga mag-aaral, magulang/pamilya, at guro na lubhang naapektuhan

ng suliraning tinatalakay.
Balangkas Konseptwal

Mahalagang isaalang-alang ang dahilan kung bakit kailangang ituloy ang akademikong

pag-aaral kahit sa panahon ng isang pandemya. Binanggit ni Education Secretary Leonor

Briones (2020, tulad ng binanggit sa Ramos, 2020) na [hindi makapag-iintay ang edukasyon]

para bumalik sa normal ang mga sitwasyon ng bansa. Ayon kay Ilhan Ozturk (2001), ang

edukasyon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pag-unlad ng isang bansa. Walang bansa

ang may kakayanang magkaroon ng ekonomikal na kaunlaran na hindi namuhunan sa kanyang

mga mamamayan. Kaya kung pinayagan ng DepEd ang sinasabing academic freeze,

nangangahulugan ito na ihihinto o babagal ang kaunlaran ng isang bansa. At ang Pilipinas

bilang isa sa mga bansang umuunlad o third world country, krusyal na dapat ituloy ang mga

progreso ng edukasyon para mapanatili ang kaunlaran ng bansa.

Subalit, ang de-kalidad ng ating edukasyon ang sasalamin sa kaunlaran ng ating bansa.

Ang paraan, pamamahala, kaligiran, at distribusyon ng edukasyon ang siyang magpapatibay sa

kalidad nito. Dahil ang panibangong sistema ng edukasyon ay wala pang konkretong resulta na

mapagbabatayan, ang mga sumusunod ang magsisilbing balangkas na pagkukunan ng datos:

Input Process Output

Antas ng Pagtangkilik ng
mga Mag-aaral at/o
Magulang sa Modular Pakikipanayam Makabuo ng isang
Leearning mungkahing modality
Talatanungan planning
Kalamgangan at Kasahulan Dokumentari- Analisis
ng Modular Learning
Obserbasyon

Figure 1
Paglalahad ng Suliranin

Ang tinutuunang pansin ng pag-aaral na ito ay; una, mapatunayan ang kalidad at

pagkamabisa ng modular learning; pangalawa, mabigyang pasin ang sektor ng lipunan

na lubhang nahihirapan alang-alang sa edukasyon at kaunlaran ng bansa: huli,

makagawa ng isang mungkahing modality planning na maaayon sa resulta ng

pananaliksik na ito. Sasagutan rin ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

1. Ano ang antas ng pagtangkilik ng mga mag-aaral at/o mga magulang sa modular

learning ngayong ito ay nasaksihan na kumpara noong una, bago pa ito mapili bilang

ang modaliting pinili para sa pag-aaral?

2. Ano kalamangan (advantages) at kawalan (disadvantages) ng modular learning;

 Kung mas madami ang kalamangan (advatages), ano ang mga paraan para ito

ay mapaundlad pa?

 At kung mas madami ang kawalan (disadvantages), ano ang mg paraan upang

mapunan at masolusyonan ang mga ito?

3. Ano ang posible at maimumungkahing plano ang makakatulong para lubos na maging

mabisa ang paghatid ng de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral (kung

isinasaalang-alang na pinagbabawal pa rin ang face-to-face na paraan ng pag-aaral sa

mga susunod na taong panuruan)?

Gagamitin ang mga tanong na ito upang makabuo ng kaligaran para sa pag-aaral, at

para makabuo ng mahahalagang pagbabatayan sa pag-interpreta ng mga

impormasyong may kinalaman sa pananaliksik na ito.


Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral mula sa ika-11 na Baitang ng

Mataas na Paaraang Pambansa ng Batangas sa taong panuruan 2020-2021. Ang kanilang mga

palagay at opiyon ukol sa kalidad ng modular learning, bilang alternatibo sa karaniwang

pagtuturo, ang magiging isa sa mga pangunahing pagkukunan ng datos at impormasyon para

sa pag-aaral at pananaliksik na ito.

Binubuo ang Grado 11 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas ng

(number) na mag-aaral: 77 mula na studyate sa STEM, na studyate sa ABM, at

(number) na studyate sa HUMSS. Subalit, hindi kinakailangan ang buong bilang nga

mga mag-aaral para sa bilang ng mga respondent. Para mapanatili ang katangiang

kwalitatibo ng pag-aaral, ang piniling bilang ng mga mananaliksik ay hindi lalabis sa 10

mga respondent mula sa bawat seksyon ng Grado 11 ng paaralang nabangit, kaya ang

inaasahang kabuoang bilang ng mga mag-aaral ay hindi hihigit ng 30 bilang mga

respondent. Kalahok rin sa pag-aaral na ito ang mga guro na nangangasiwa sa mga

studyanteng nag-aaral sa Grado 11 ng nabanggit na paaralan dahil sila ang nakakabatid

sa mga gawa ng kanilang mga studyante, at maging ang mga magulang o katiwala dahil

sa sila ang harap-harapang nakikipagsalamuha at nakakapansin sa pag-aaral ng

kanilang mga anak. Ang piniling bilang para sa mga kalahok na guro at

magulang/katiwala ay hindi lalabis ng 20 bilang mga respondent: sampo mula sa mga

guro, at sampo mula sa mga magulang/katiwala.

Limitado din ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral mula sa ika-11 na Baitang

ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas. Ang resulta ng pananaliksik na ito sa

kalidad ng modular learning ay totoo sa Grado 11 ng Mataas na Paaralang Pambansa

ng Batangas sa taong panuruan 2020-2021. Walang direktang implikasyon ang pag-

aaral na ito para sa ibang Grado mula sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas;
sa mga Grado 11 na nasa labas ng paaralan; sa mga paaralang gumagamit ng modular

learning; at sa mga paaralang nasa loob ng Lungsod ng Batangas. Ang isa pang

limitasyon ng pag-aaral ay tinutuunan lamang ang kalidad ng paraang modular learning

sa Pilipinas nang panahon ng pandemyang COVID-19. Ang iba pang modaliti na

nakapaloob bilang distance learning— tulad ng online learning, blended learning,

educational TV, atpb.— ay hindi pinanagutan ng resulta ng pag-aaral na ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral at pananaliksik sa Kalidad ng Modular Learning bilang Paraan ng Pag-

aaral ng mga Mag-Aaral mula sa Baitang 11 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas

sa Taong Panuruan 2020-2021: Basehan Para Pagbuo Ng Mungkahing Modality Plan ay

mahalaga para sa mga sumusunod:

Mag-aaral

Sa mga mag-aaral na nasa Grado 11 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas

ng taong 2020-2021, ang pananaliksik ay mahalaga upang malinang ang de-kalidad ng

edukasyon na natatanggap sa paraang modular. Mailalahad ng pag-aaral ang iba’t ibang

sitwasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pagsisikap para matamo ng de-kalidad na edukasyon,

at maimummungkahi ang isang modality plan isinasaalang-alang ang kanilang mga palagay

tungkol sa modular learning.

Guro at Magulang

Sa mga gurong nangangasiwa at mga magulang o katiwala, ang pananaliksik ay

makakapagbigay ng kabatiran sa kalidad ng modular learning at kung papano natututo

ang mga studyante sa ganitong paraan kumpara sa tradisyonal na pagtuturo.

Isasaalang-alang sa gagawing mungkahing modality plan ang sarili nilang kapakanan at


kapakanan ng kanilang mga studyante tungo sa pagkakagawa ng isang epektibong

modality plan na mayroong miyutwal na pagsisilbi.

Kagawaran ng Edukasyon at Iba pang Isteykholder

Sa mga kagawaran ng edukaksyon at iba pang mga pampamahalaang isteykholder ng

edukasyon, ang resulta at ang mabubuong pagplaplano ang pangunahing kahalagahan na

dapat nilang linangin at ikonsidera sapagkat ang de-kalidad ng edukasyon ay nakasalalay sa

kanilang desisyon at pamamahala.

Sa mga Mananaliksik

Sa mga susunod na mga mananaliksik, ang pag-aaral ay maaaring maging

pundasyon at kaligirang impormasyon para sa kanilang isasagawang pananaliksik na

mayroong kaugnayan sa modular learning o sa partikular na modaliting ginamit sa

panahon ng pandemyang COVID-19.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Binigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na mga katawagan ayon sa pagkakagamit

nito sa pag-aaral para mapanatili ang kaninawan at pagkakaintindi sa mga nilalaman ng pag-

aaral.

Academic Freeze - ang pagkansela ng pormal na pag-aaral sa gitna ng krisis ng

COVID-19 sa bansa.

Corona Virus Disease 2019 (Covid-19) - Isang matinding sakit na nagpapahirap

sa mga tao na makahinga na sanhi ng isang coronavirus, may kakayahang makabuo ng

matinding sintomas at sa ilang mga kaso ng pagkamatay, lalo na sa mga matatandang


tao at mga may pinagbabatayanang mga kondisyon sa kalusugan. Orihinal na nakilala

ito sa Tsina noong 2019 at naging pandemya noong 2020.

Distance Learning - paraan ng pag-aaral kung saan ang mga lektura at klase ay

isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng internet para makipag-ugnayan, nang

hindi kinakailangang dumalo ang mag-aaral sa isang paaralan.

Face-to-face classes - paraan ng pagtuturo kung saan ang nilalaman ng kurso at

materyal sa pag-aaral ay itinuro nang personal sa isang pangkat ng mga mag-aaral.

Learning Materials - anumang mga materyales na at mga mapagkukunang

pantao at hindi pantao na maaaring magamit ng isang guro sa pagtuturo at pag-aaral

upang matulungan makamit ang nais na mga layunin sa pag-aaral.

Learning Material (Digital) - ang mga materyal sa digital na pagkatuto o mga e-

Learning na materyal ay mga materyal sa pag-aaral na na-publish sa digital format.

Kasama rito ang mga e-textbook, e-workbook, pang-edukasyon na video, e-test, atbp.

Learning Modality - ang mga pamamaraan o pathway kung saan nagbibigay,

tumatanggap, at nag-iimbak ng impormasyon ang mga indibidwal.

Modular Learning - isang uri ng pag-aaral na gumagamit ng self-learning

modules (SLM’s) batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCS) na ibinigay

ng DepEd. Ang mga modyul ay may kasamang mga seksyon sa pagganyak at

pagtatasa na nagsisilbing isang kumpletong gabay ng kapwa guro at mga mag-aaral na

nais na kakayahan.

Printed Modular Learning - nagbibigay naman ito ng indibidwal na tagubilin na

nagbibigay-daan sa mga nag-aaral na gumamit ng mga self-learning module (SLM) na


naka-print o digital na format / elektronikong kopya, alinman ang naaangkop sa mag-

aaral.
KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura, kaugnay na pag-

aaral, at ang sintesis ng pananaliksik sa bisa ng modular learning bilang paraan ng pag-aaral ng

mga studyante mula sa baitang 11 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas sa taong

panuruan 2020-2021.

Kaugnay na Literatura

Sa proseso ng paggawa ng pananaliksik tungo sa kredibilidad at katuparan nito,

isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang mga akda at literatura mula sa mga taong bihasa sa

kanilang larangan. Ang mga akdang ito ay sinaliksik para makabuo at mabigyang kahulugan

ang mga suliranin na may kaugnayan sa bisa ng modular learning bilang paraan ng pag-aaral.

Instruksyong modular

Ayon kay John Hughes (1962, tulad ng binanggit sa Balderas, 2012), ang

instruksyong modular ay isang pang-indibidwal na instruksyon na nagbibigay ng mga

batayan sa kung papaano makikipag-ugnayan ang mga mag-aaral sa paksang pag-

aaralan. Sa ganitong paraan, inaasahan ang mga mag-aaral na tumugon at makipag-

uganayan sa programang panturo na nasa modyul ayon sa kanilang kakayanan ng

pagkatuto.

Winika naman ni Sam Duker (1972, tulad ng nabanggit sa Balderas, 2012), ang

modular na instruksyon ay nakatuon sa mga kakayanan at sa indibidwal na pagkatuto

ng mga mag-aaral para umodyok ang kanilang interes sa paksang kailangan nilang pag-

aralan. Ang dami at bilis ng kaning pagkatuto ay dapat tumugma sa kanilang kakayahan

at motibasyon, at hindi para sila ay ikumpara sa ibang mag-aaral.


Modular Learning sa Pilipinas

Gaya ng binaggit sa panimulang pahina, sinang-ayunan ng 8.8 milyong mga

magulang ang printed modular learning sa isinagawang surbey ng DepEd para malaman

ang modaliting gagamitin ng mga paaralan sa bansa. (Magsambol, 2020)

Subalit, ang mga inaasahan ng bansa sa modular learning ay hindi naging

positibo maging ang pagtanggap ng mga mamamayan nito nang nagsimula ang

iskwelahan. Ayon kay Estrada (2021), ang plano ng DepEd sa modular learning

approach ay mayroong mga pagkukulang mula sa simula. Sa dami ng mga studaynte,

lalung-lalo na sa mga pampublikong paaralan, mahirap silang bigyan ng sapat at patas

na atensyon. Ang mga guro rin ay nahihirapan at nagpupumilit sa pag-abot ng kanilang

makakaya para makatulong sa kanilang mag-aaral, ngunit hindi sila nagtatagumpay

dahil sa mga sanhing ekonomikal at sosyal na kanilang hinaharap ng dahil sa

pandemya.

Nagpatuloy pa siya sa pagpapaliwanag ng mga realidad ng modular learning:

una, ang mga modyul ay hindi mga kapalit ng mga guro pagdating sa mga

personalisadong pagpapaliwanag at pananaw sa isang leksyon; pangalawa, ang mga

halimbawa ay limitado at hindi pare-pareho ang pagpapaliwanag na nakapaloob sa mga

modyul para sa iba’t ibang paaralan; pangatlo, nakahiwalay ang mga mag-aaral na

walang handang internet connection at mga gadyet, at marahil ay hindi nila nakikilala

ang kanilang mga kamag-aral maging ang kanilang mga guro; at pang-apat, may

kakulangan o ultimong walang feedback o puna ang mga mag-aaral pagdating sa

kanilang mga gawa kung ang kanilang ito ba ay wasto. Samakatuwid, ang modular

learning approach ay nagiging isang walang katapusang daloy ng mga gawain para sa
mga mag-aaral at mga guro na walang paraan para malaman ang pagiging epektibo

nito. (Estrada, 2021)

Kaugnay na Pag-aaral

Kahalagahan ng Edukasyon

Ipinaliwanag ni Ozturk (2001) na ang edukasyon ay ang pundasyon ng kaularan,

ang batayan kung saan nabubuo ang kagalingang pang-ekonomiya at panlipunan ng

isang bansa. Walang bansa ang nakakamit ng patuloy na pang-ekonomiyang pag-unlad

nang walang malaking pamumuhunan sa kapital ng tao. Mahalaga ang pamamahagi ng

edukasyon; ang hindi pantay na edukasyon ay may kaugaliang magkaroon ng isang

negatibo epekto sa per capita income sa karamihan ng mga bansa. (comparison to the

study)

Sa pagpapaliwanag naman ni Bhardwaj (2016) sa kanyang pag-aaral sa

kahalagahan ng edukasyon sa holistikong pananaw, ang edukasyon ay ang daan tungo

sa kaalaman, sariling pangangalaga, at tagumpay. Ang edukasyon ay hindi lamang

isang plataporma para magtagumpay, pero ito rin ay karunungan sa sosyal na pag-

uugali, kalakasan, katangian at sariling pagrespeto.

Ang mga pag-aaral na nakasaad ay nagpapaliwanag sa kahalagahan ng

edukasyon sa personal na buhay at sa kanlaran ng isang bansa. Lahat ng tao ay may

karapatan sa mga nabanggit na kahalagahan, kaya’t bawat bansa ay may kanya-

kanyang paraan ng paghatid nito. Maraming mga paraan ng paghatid o pagtuturo nito.

Sa pag-aaral ni Malik (2012), ang kanyang tinalakay ay ang tradisyunal o lecture method

at ang modular approach.


Konteksto ng Mabisang Modyul

Binanggit ni Quina (1989, tulad ng binanggit sa Malik, 2012) na ang lecture

method ay isang mabisang paraan ng paghahatid ng impormasyon sa anumang paksa,

kung saan ang impormasyon ay hinahatid sa oral na paraan (Hunter, 1982; tulad ng

binanggit sa Malik,2012). Maaaring mapatunayan ng mga lektyur na napaka epektibo

nito sa paglikha ng interes sa isang larangan, at ito rin ay nakakatulong sa pagturo sa

isang malaking klase.

Ang modyul naman ay isang yunit ng pagtuturong gawain at pag-aaral na bilang

ang aproksimang oras para ito ay aralin. Ang modyul ay pansarili lamang kahit na ang

ilang kumbinasyon ng mga modyul ay maaaring magpakita ng isang progresyon sa

pamamagitan ng kurikulum (Moon, 1988; tulad ng binanggit sa Malik, 2012).

Mayroong mga prisipyo sa paglikha ng isang modyul: ang dibisyon o paghahati

ng isang paksa sa loob ng mga maliliit na hakbang, ang aktibong partisipasyon ng mga

mag-aaral, ang agad na feedback, at ang indibidwal na bilis. Ang mga prinsipyong ito ay

ang mga isinasaalang-alang sa paglikha ng isang partikular na modyul sa isang paksa

upang ito ay lubos na epektibo sa pag-aaral ng studyante. (Malik, 2012)

Subalit, ang konteksto ng modyul na binabanggit ay mga espesyalisadong mga modyul

na ginamitan ng masusing pag-aaral at pilosopiya ng mga nag-akdang tagapangasiwa para sa

kanyang nilalaang mga studyante. Ang sitwasyon sa pananaliksik na bisa ng modular learning

bilang paraan ng pag-aaral ng mga studyante mula sa Baitang 11 ng Mataas na Paaralang

Pambansa ng Batangas sa taong panuruan 2020-2021 ay bukod ang konteksto dahil ng ang

modyul na tinutukoy ay generalisado ang pagkakalikha, subalit ang mga pag-aaral ay mga

mahahalagang pagbabatayan sa layunin ng pag-aaral na ito na malinang ang pagkamabisa ng

modular learning bilang paraan ng pagtuturo sa kasalukuyang pananahon.


Sintesis

Batay sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura, ang modular learning ay isang

mabisang paraan ng pagtuturo sa kontenteksong ito ay ginawa sa isang

espesiyalisadong aplikasyon na angkop sa isang mag-aaral , sa isang klase o maging

sa isang paaralan; dapat isinasaalang-alang ang indibidwal na kakayanan ng mga mag-

aaral sa pagbuo ng isang module. Ang isang kawalan sa modular learning na nasa

Pilipinas ay ang koseptong nakalimutan— o hindi na inabala— na isaalang-alang ang

indibidwalisayson at pagkatangi-tangi ng mga mag-aaral. Dulot nito, ang mga mag-aaral,

magulang, at guro ay nasa kasahulan para lamang sa kapakanan ng kaunlaran.

Bunga ng lahat nito, ang mga nabanggit na pag-aaral ay mayroong kinalaman at

kahalagahan sa pananaliksik upang malaman ang de-kalidad na edukasyong natatamo

sa modular learning at para makapagbigay ng isang komprehensibong mungkahi sa

modality plan na nakabatay sa resulta ng pananaliksik na ito.


KABANATA 3

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral,

paglalarawan, at paglalahad sa mga hakbang na isinakatuparan sa pagsusuri kung may

bisa nga ba ang modular learning bilang paraan ng pag-aaral ng mga studyante mula sa

baitang 11 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas, taong 2020-2021.

Disenyo Ng Pananaliksik

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong disyenyo ng isang

kwalitatibong pananaliksik. Ayon sa mga mananaliksik, ang disenyong ito ay angkop

para sa paksang kanilang pinili sapagkat wala pang gaannong kaalaman ang

nakapaloob sa bisa ng modular learning sa Mataas na Paaralang Pambansa ng

Batangas. Pati sa disenyong diskriptib, mas mapapadali ang pagkalap ng mga datos at

mas malinaw at komprehensibo ang mabubuong paglalawaran ng mga mananaliksik

tungkol sa paksa. (decriptive explanation from author only one)

Mga Kalahok Sa Pag Aaral

Ang mga nakilahok sa pag aaral ay mga estudyante na mula sa Grado 11 ng

Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas. Ang mga respondent ay binubuo ng mga

piling estudyante na nag mula sa HUMSS, ABM at STEM na istrand, at mga guro at

magulang. Ito ay dahil sa nais makalap ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga

nasabing respondent ukol sa pananaliksik o sa pag-aaral na ito.

Binubuo ang Grado 11 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Batangas ng

(number) na mag-aaral: 77 mula na studyate sa STEM, (number) na studyate sa ABM,

at (number) na studyate sa HUMSS. Ngunit, ang bilang ng mga mag-aaral na magiging


respondent ay hindi lalabis ng 10 na studyante mula sa bawat istrand ng Mataas na

Paaralang Pambansa ng Batangas, sa kabuoang bilang na 30 mga mag-aaral para

maging mga respondent.

Kalahok rin ang mga Gurong nangangasiwa maging ang mga magulang o

katiwala ng mga mag-aaral dahil sa kanilang kabatiran sa kaagayan ng kanilang mga

mag-aaral. Ang piniling bilang para sa mga kalahok na guro at magulang/katiwala ay

hindi lalabis ng 20 bilang mga respondent: sampo mula sa mga guro, at sampo mula sa

mga magulang/katiwala.

Walang kinakailangang edad o seksuwalidad sa pagpili ng mga respondent.

Instrumentong Ginamit

Sa pakuha ng mga impormasyon ukol sa paksang Bisa ng Modular Learning ng

pag-aaral ng mga studyante mula sa Baitang 11 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng

Batangas, taong 2020-2021, ginamit ng mga mananaliksik ang Ramdom Sampling kung

saan ang pagpili ng mga respondent ay malaya at sapalaran mula sa isang

espesipikong populasyon o grupong kinabibilangan.

Gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan para makapag-surbey sa mga

opinion ng mga mag-aaral, guro, at magulang o katiwala. Nagsagawa ang mga

manaliksik ng isang deskriptibong serbiyon upang makalikom at matamo ang mga datos

na kakailanganin. Dito, binibigyang pansin ng mga mananaliksik ang mga opiniyon at

palagay ng mga piniling respondent na tumugon sa talatanungan, bilang pangunahing

datos na nakalap.Maaaring nagsagawa rin ang mga mananaliksikng mga panayam mula

sa nabangit na respondent para magkaroon pa ng isang malaim na pananaw tungkol sa

paksa.
KABANATA IV

Paglalahad, Pagsusuri, at Pagpapakahulugan ng Datos

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pag papakahulugan ng mga datos

na nakalap tungkol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral . Nilalaman ng bahaging ito ang

mga nalikom na datos ng mga mananaliksik na tumutugon sa nabanggit na mga suliranin sa

unang bahagi ng pananaliksik na ito. Batay sa isinagawang pag-aaral na may paksang “ kalidad

ng modular distance learning bilang paraan ng pag-aaral ng Baitang 11 mula sa mataas na

Paaralang pambansa ng Batangas” ang mga sumusunod ay presentasyon ng mga datos na

nakalap:

Ang bawat talahanayan ay nag sasaad ng bilang ng mga tugon o saloobin ng bawat

respondente ayon sa isinagawang sarbey. Nakasaad din dito ang porsyentong nakamit ng

bawat tugon.

I. Propayl ng mga respondente

I.1 Kasarian. Ang Talaan Bilang 1 ay nagpapakita ng katayuan ng mga respondente

ayon sa kasarian.

Talaan Blg. 1

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa kasarian

Kasarian Bilang nga mga taga tugon Porsyento

Babae 20 20%

Lalaki 20 20%

Kabuoang bilang 40 40%


Sa kabuoang 40 mga respondente ay nag tala ng 20 na babae o 20% at gayundin sa

mga lalaki na nag tala ng 20 o 20% ang tumugon sa pag-aaral na ito. Nangangahulugan

lamang ito na pantay lamang ang bilang ng mga respondente ang nag laan ng oras upang

masagutan ang talatanungan.

I.2 Klasipikasyon ng mga Respondente. Ang Talan Bilang 2 ay naglalaman ng

klasipokasyon ng mga respondente na tumugon sa pagaaral na ito.

Talaan Blg. 2

Distribusyon ng Respondente ayon sa Klasipikasyon

Respondente Bilang nga mga taga tugon Porsyento

STEM

(SCIENCE TECHNOLOGY 15 15%

ENGINEERING AND

MATHEMATICS)

1&2

ABM

(ACCOUNTANCY BUSINESS 10 10%

AND MANAGEMENT)
1&2

HUMSS

(HUMANITIES AND SOCIAL 15 15%

SCIENCE)

1-3

Kabuoang bilang 40 40%

Ipinapahayag naman ng talaang nasa itaas na may 15 bahagdan ang mga mag-aral mula

sa STEM ,gayun din sa HUMSS na may 15 bahagdan na mga mag-aaral ang nagsagot sa

intrumentong ginamit samantalang may 10 bahagdan lamang ang mga nagmula sa ABM ang

nagsagot nito.

Talaan blg. 1

1.Ano ang opinyon mo sa makabagong paraan ng pag-aaral?

Tugon / Sagot Bilang ng mga tugon o sagot Porsyento

Madali 0 0

Mahirap 38 38%

May roon itong maganda at hindi 2 2%

mgandang epekto
Makikita sa Talahanayan , Lumalabas na ang pangunahing opinyon ng mga mag-aarala

patungkol sa opinyon nila sa makabagong paraan ng pag-aaral ay mahirap kungsaan 38 o 38%

ang mga respondenyeng nag sasabi . Sakabilang banda may roong 2 o 2% ng mga

respondente aymay opinyong "may roon itong maganda at hindi magandandang epekto".

Samantalang walang respondente ang may opinyon na madali ang makabagong paraan ng

pag-aaral.

2. Ano-ano mga suliranin na kinaharap ninyo mga mag-aaral sa biglaang pagbabago ng

paraang ng pagkatututo at kung pano mo it nalampasan para maging mabisa ang modular

learning?

Tugon / Sagot Bilang ng mga tugon o sagot Porsyento

Walang sapat na pamamahala 16 16%

ng oras

Mahinang Internet connection 6 6%

Madaming pinapagawang 8 8%

aktibidades

Hindi maintndihang gawain 10 10%

Mula sa labing anim na respondente, 16% ang nag sabing wala silang sapat na

pamamahala ng oras (time management). 10% naman ang nag sabing hindi mainyindihan ang
gawain. Sa kabilang banda, walong respondente naman ang nag sasabing madaming mga

ipinapagawang aktibidades. At may anim naman na nag sabing mahina ang kanilang internet

connection.

3. Ano sa palagay mo bilang mag-aaral ang advantages at disadvantages ng modular

learning?

Tugon / Sago Bilang ng mga tugon o sagot Porsyento

advantages at disadvantages

- Hndi na kina kailangang

pumunta sa school para mag-


12 12%
aral.

- Kakaunti ang natututunan

- Patuloy parin ang ang mga

estudyante sa paraan ng

pagkatuto

13 13%
- Maraming distraksyon sa pag-

aaral

- Makakagamit ng Gadyet upang

mapabilis ang paraan ng

pagkonekta sa mga guro at mga

kaklase
- May mga negatibong epekto sa 15 15%

kalusugan tulad ng kulang sa

tulog at sobrang exposure sa

radiation

Mula sa talahayan, lumalabas na ang pangunahing ideya ng mga respondente ay ang

advantages at disadvantages ng modular learning ay "- Makakagamit ng Gadyet upang

mapabilis ang paraan ng pagkonekta sa mga guro at mga kaklase

- May mga negatibong epekto sa kalusugan tulad ng kulang sa tulog at sobrang exposure sa

radiation, na mayroong 15%, pumapangalawa dito ay - Patuloy parin ang ang mga estudyante

sa paraan ng pagkatuto

- Maraming distraksyon sa pag-aaral

Na mayroong 13% . At pang huli ang

- Hndi na kina kailangang pumunta sa school para mag-aral.

- Kakaunti ang natututunan

Na may 12 %.

4. Nakatulong ba ang modular learning sa iyong pag - aaral tungo sa career na pipiliin mo?

Tugon / Sagot Bilang ng mga tugon o sagot Porsyento


Oo 6 6%

Hindi 34 34%

Pinapakita sa ika apat na talahanayan na 34% ang hindi sang ayon kung nakatutulong ba

ang modular learning sa pag-aaral tungo sa career na pipiliin. Sa bila namang banda ay may

6% ang sumasangaayon dito.

5. Bilang ang unang batch ng mga studyanteng nakaranas ng distance learning, ang

proseso ba ng paraang modular ay may lugar pa para mag-improve?


Tugon / Sagot Bilang ng mga tugon o sagot Porsyento

Oo, Kung may sapat na

kagamitan ang mga studyante ,

may sapat na internet connection

at sa pamamagitan ng pag-aayos 13 13%

ng proseso ng pagtuturo ng

bawat paaralan

Oo, Sa pagkakaron ng mga

events o pampaaralan na
8%
contests/aktibidad na mahahasa

ang mga talento ng mga mag- 8

aaral

Wala, kasi nga kakaunti lang

yung natutunan ng mga mag-


10 10%
aaral

Wala, sapagkat mas kailangan

ng mag aaral ang face to face


9 9%
learning kaysa modular Learning

Mula naman sa pang huling Talahanayan, Ipinapakita na ang pangunahing paraan upang

ma improve pa ang ang modular learning "Oo, Kung may sapat na kagamitan ang mga studyante ,

may sapat na internet connection at sa pamamagitan ng pag-aayos ng proseso ng pagtuturo ng bawat

paaralan" Na may 13%. At samangalang may 8% naman sa "Oo, Sa pagkakaron ng mga events o

pampaaralan na contests/aktibidad na mahahasa ang mga talento ng mga mag-aaral" . Sa kabilang


banda ay 10% naman sa "Wala, kasi nga kakaunti lang yung natutunan ng mga mag-aaral" at 9% naman

sa "Wala, sapagkat mas kailangan ng mag aaral ang face to face learning kaysa modular Learning".
KABANATA V
Bibliography
Balderas, D. (2012, August 22). Modularized Instruction in Philippine Schools. Retrieved May 5, 2021,
from Hub Pages: https://discover.hubpages.com/education/Modularized-Instruction-in-
Philippine-Schools

Bhardwaj, A. (2016). Importance of Education in Human Life: a Holistic Approach. International Journal
of Science and Consciousness, 23-28.

Estrada, L. P. (2021, January 12). [OPINION] Are self-learning modules effective? Retrieved May 7, 2021,
from Rappler: https://www.rappler.com/voices/imho/opinion-are-self-learning-modules-
effective

Magsambol, B. (2020, July 30). 8.8 million parents prefer modular learning for students – DepEd.
Retrieved May 5, 2021, from Rappler: https://www.rappler.com/nation/deped-says-parents-
prefer-modular-learning-students

Malik, S. K. (2012). Effects of modular and traditional appraoches o students' general comprehension.
Elixir Social Studies 42 , 6228-6231.

Ozturk, I. (2001). The Role of Education in Economic Development: A Theoretical Perspective. Journal of
Rural Development and Administration, Volume XXXIII, No. 1, 39-47.

Ramos, C. M. (2020, June 11). PH can ‘never attain full readiness’ but education ‘cannot wait’ — Briones.
Retrieved May 5, 2020, from Inquirer: https://newsinfo.inquirer.net/1290257/ph-can-never-
attain-full-readiness-but-education-cannot-wait-briones

Tadalan, C. A. (2021, Febuary 11). Coronavirus pandemic highlights failures of Philippine education.
Retrieved May 7, 2021, from Buisness World: https://www.bworldonline.com/coronavirus-
pandemic-highlights-failures-of-philippine-education/

You might also like