You are on page 1of 19

1

FILIPINO K11: AUDIO – VIDEO SA DISTANCE LEARNING


MODALITY

Isang Proposal na Papel


Bilang Pagtamo sa Gawaing Kailangan sa Kursong
Mga Lawak sa Pananaliksik FT 602
Sa Unibersidad ng Cebu Technological Main Campus,
R. Palma St. Lungsod ng Cebu

Ipinasa ni:

Bb. Merie Grace N. Rante

Ipinasa kay:

Doc. Imelda J. Villarin

May 2022
2

TALAHANAYAN
Pamagating Suliranin………………………………………………………………1
Talahanayan………………………………………………………………………...2
Kabanata 1
Ang Suliranin at Kaligiran Nito…………………………………………...3
Introduksyon
Rasyonal na Pag-aaral……………………………………………………….3
Kaligirang Teoritiko- Konseptuwal………………………………………….5

Konseptwal Framework……………………………………………………...9

Ang Suliranin

Paglalahad ng Suliranin……………………………………………………..10

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………..11

Ang Methodolohiya ng Pananaliksik

Desinyo ng Pag -aaral………………………………………………………12

Daloy ng Pag-aaral…………………………………………………………12

Kalipaligiran/Lokal ng Pag-aaral…………………………………………..13

Paraan ng Pagpili ng Respondante…………………………………………14

Instrumento ng Pananaliksik……………………………………………….14

Proseso ng pagkalap ng mga Datos………………………………………...14

Istatistikal na Pagsusuri ng mga datos……………………………………...15

Prosidur na Pagpupuntos……………………………………………………15

Sagunian

Mga Kinililalang Gawain (MLA)………………………………………….16

Kurikulum Vitae…………………………………………………………………. 17
3

KABANTA 1
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Rasyonal na Pag – aaral

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga kasalukuyang bansang nagdurusa sa gitna ng

pandemya, isang matinding hamon ang kasalukuyang sitwasyong kinatatayuan ng mga

mamamayan ng bansa at isa sa mga nahihirapan dito ay ang mga estudyante at guro dahil

sa kagyat na pagbabago sa mga nakagawian na moda ng pag-aaral at isa na dito ay ang

pagpapatupad sa mga paaralan ng Distansyang Pamamaraan (Distance Learning).

Ang Distance Learning ay isang pamamaraan ng pagtuturo na hindi tradisyunal

kung saan ang pagtuturo ay nakabasi sa isang pamamarang Audio- Video sa Distance

learning Modality. Dahil dito, Nilalayon ng pananaliksik dulot ng pagbabago ng panahon

ang pagpapatupad ng pamamaraan na ito ay makapagbibigay ng magandang epekto sa

performans ng pag-aaral ng mga mag-aaral ng Lagtang Night High School. Kaagapay

nito ang pagpapatupad ng Distance learning sa paaralan kung saan ang Audio – Video na

pamamaraan ay ang gagamitin bilang batayan kung ang performans ng pagkatuto ng

mag-aaral sa Asignaturang Filipino ay mayroong epekto sa kanilang pag-aaral. Sa

pamamaraang ito ay gumagamit ang mga mag-aaral ng iba’t ibang paraan para

matugunon ang pangangailanagn nila sa paaralan katulad ng Internet Access, Electronic

Devices at kakayahan ng mga magulang upang matustusan ang pangangailangan ng mag-

aaral. Ang paggamit ng Distance Learning sa mga paaralan ay pinabuluhan ng

Departemento ng Edukasyon kaagapay ang DepEd Order No.018, s. 2020. Dail na rin ito

sa maraming pagbabagong nangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga

pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap

ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng Pandemyang. Sa paglabas ng Public Health


4

Emergency na dulot ng COVID-19 ay nananawagan sa Departamento ng Edukasyon

(DepEd) na maging makabago at mapamaraan sa paghahatid ng kalidad, naa-access, may

kaugnayan, at mapagpalayang edukasyon. Bilang tugon sa emerhensiyang ito, binuo ng

DepEd ang Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) upang matiyak na ang

mga pagkakataon sa pag-aaral ay naibibigay sa ating mga mag-aaral sa ligtas na paraan,

sa pamamagitan ng iba't ibang paghahatid ng pagkatuto. Alinsunod dito, ang

Departamento, sa pamamagitan ng mga Tanggapan ng Dibisyon ng Rehiyon at Mga

Paaralan nito ay nagsasagawa ng madalian at kinakailangang pag-unlad, paggawa, at

pagbibigay ng mga mapagkukunan ng pag-aaral, alinsunod sa mandato nito.

Ang pagsunod sa mandatong ito ay maaring pagkaapekto sa performans ng ma-

aaral dahil sa hindi ito nakasanayan pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

Asignaturang Filipino. At ito ay sinangayunan ni Geiser at Santelices (2007), na ang

akademikong performans ng mga mag-aaral ay naaapektuhan ng ilang mga mga salik,

tulad ng puntong pagpasok, kalagayan pang-ekonomiya at kaligirang pampaaralan. Sa

puntong ito, Ipinaliwanag ni Education Undersecreatary Doisdado San Jose Antonio na

magpapatupad ang kanilang kagawaran ng iba’t ibang paraan para maihatid sa mga

estudyante ang kanilang aralin sa darating na pasukan. Ang pagbubukas ng paaralan ay

hindi nangangahulugang tradisyunal na pag-aaral ng harapan sa silid-aralan inihanda ito

upang hindi mahinto sap ag-aaral ang kabataan na hatid ng pandemya sa bansa. Kaya

naghanda ang DepEd ng Learning Delivery Modalities (LDM) para sa taong 2020-2021.

Isa sa mga ito ang Learning Delivery Modalities na idinisenyo ng Kagawaran ng

Edukasyon. (Halaw sa isang artikulo sa ABS CBN News ,2020)


5

Sa kabila ng mga pagsubok at sa mga hamon na tatahakin, ang Kagawaran ng

Edukasyon ay nangangakong magkakaroon ng balance sa pagitan ng ng pagbibigay ng

kalidad ng edukasyon sa bawat isa. Mahalaga ang kalidad ng Edukasyon, hindi lamang

susi sa tagumpay kundi sa marami pang bagay. Ang kaalamang natututuhan natin sa

paaralan ay nagbubukas at nagmumulat sa kaisipan tungkol sa mga bagaybagay na

nangyayari sa kapaligiran at nagbibigay ng pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala sa

atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng buto. Edukasyon din ang

magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan at ang kaakibat na

mga pananagutan. Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Maaari nating

sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang paraan ng pagtuturo ng

mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik ang maaaring maging hadlang

para sa matagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos pa ring mas nakakaapekto ang paraan

kung paano nailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga leksyon sa kanya ayon sa

napiling estilo nito.

Kaligirang Teoritiko- Konseptuwal

Ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang

kilos at gawa ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang

kapaligiran. Natural lamang sa isang bata na matutunan ang isang wika sapagkat ang

bawat nilalang ay biniyayaan ng kakayahang pagkatuto subalit ito may malaking

kaugnayan sa kanyang kapaligiran. Makaiimpluwensiya sa isang bata ang kanyang

nakikita sa paligid araw-araw na kung saan gagayahin niya ito at maging isang faktor sa

paghubog ng kanyang pagkatao. Ika nila ang mga bata o mga mag-aaral ay isang great

imitator.
6

Kaya ang mananaliksik ay gumamit ng Teoryang Behaviorist kung saan

nagbibigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa

pagtuturo. Kapag pinag-uusapan ang katagang “Behaviorism” o di kaya’y “neo

behaviorism” kadalasang iniuugnay ito sa isang sikat na psychologist at behaviourist na si

B.F. Skinner, gayunpaman, ang “behaviourism” ay nagsimula noong 1900 at binigyang

paliwanag noong 1920 ng isang sikat na Amerikanong sikolohistang siJohn Watson at

Ivan Pavlov.

  Ang mga behaviorist ay naka depende lamang sakapansin-pansin na kaugalian

para matuto. Hindi nila binibigyang diin ang mental naaspeto ng mag-aaral, dahil para sa

kanila ang pagkatuto ay nagaganap kapag angtiyak na saligan ay naabot (Ebert & Culyer,

2011).Para sa mga behaviorist, ang pagkatuto ay nagmumula sa obserbasyon ng kultura

ay nagmumula sa ating kapaligiran. Nakita sa pag-aaral na ang paraan ng mgabehaviorist

napaka epektibo sa paggawa ng positibong kaugalian halos sa lahat ng kapaligiran ng

pagkatuto. Ang paraang ito ay positibong naka aapekto sa performans ng mag-aaral

(Watrin & Darwich, 2012). Ayon sa behaviorism , ang psychology ay isang agham at ito

ay agham ngkaugalian wala itong kinalaman sa agham ng kaisipan. Sa madaling salita,

sinasaadsa behaviorism na ang ating isipan ay hindi tumutulong sa isang tao na matamo

ang kaalaman. Ang behaviorism ay malawak na ginagamit bilang basehan sa philosophy

of a science of behavior. Lalo na, sa larangan ng sikolohiya, ipinaliwanag ng

behaviorismna ang responses ng tao ay katulad lamang sa stimuli sa kapaligiran at

maoobserbahan o masusukat na responses sa stimuli behaviorism: structuralism;

behaviorism na gumagamit ng cognition; social learning theory, dagdag sa

methodological behaviorism; at radical behaviorism.


7

Dahil sa mga kadahilanan ito na maadapt ng mga kabaatan basi kung paano sila

turuan ay lumabasa ang Distance Learning na pagtuturo sa paaralan sa panahon ng

pandemya. Ang pagbubukas ng distance learning sa Pilipinas para sa mga pampublikong

paaralan ay naunang itinakda noong ika-24 ng Agosto 2020 ng kagawaran ngunit ito ay

iniurong sa ika-5 ng Oktubre 2020 ng Department of Education (DepEd) na inaprubahan

naman ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga suliraning umusbong ng mga

panahong iyon na naaayon naman sa (Republic Act No. 11480) batas na nagbibigay ng

awtoridad kay Pangulong Duterte na magtakda ng bagong petsa ng pagbubukas ng

eskuwela sa ilalim ng state of emergency o state of calamity. Sa Pilipinas ito ay nahahati

sa dalawang uri: Online delivery mode at Correspondence mode. Sa ilalim ng Online

mode maaring asynchronous (email, recorded na bidyo, pagsusulit, digital na dokumento)

at synchronous (video chat, text chat, video conferencing) na paraan ng pagtuturo ang

gamitin, ito ay para sa mga mag-aaral na may kakayahang gumamit ng internet. Ang

Correspondence mode naman ay kung saan binibigyan ang mga estudyante ng modyul na

kinakailangan nilang sagutan at ipasa ayon sa itinakdang dedlayn ng kanilang paaralan,

ito naman ay para sa mga mag-aaral na walang kakayahang maka-access ng internet o

walang magamit na gadyet. Dulot ng COVID 19 pandemic, humigit kumulang 25

milyong estudyante mula sa pampubliko at pampribadong paaralan ang napilitang

mapasama sa moda ng pag-aaral na distance learning upang maipagpatuloy ang kanilang

naudlot na pag-aaral at dahil na rin sa kagustuhan nilang huwag mapag-iwanan. Ang

pagsasagawa nito ay mayroong mga benepisyo ngunit mayroon ding mga suliraning

kinakaharap sa paraan ng pagtuturo na ito. Simula ng nag-umpisa ang distance learning

ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas, umulan ng halohalong opinyon at batikos


8

mula sa mamamayan ng naturang bansa ang gobyerno at Departamento ng Edukasyon.

Sa paglipas ng panahon, iba’t ibang karanasan at suliranin na ang nakaharap ng mga

mag-aaral sa distance learning na kasalukuyang pinapatakbo bilang sistema ng edukasyon

sa Pilipinas sa taong pangakademikong ito, mayroong mga sobrang nahihirapan at

mayroon din namang kinakaya naman. Sa mga susunod na pahina ay mas bibigyang diin

ang mga samu’t saring karanasan ng mga estudyante sa distance learning ngayong nasa

gitna ng krisis ang Pilipinas bunsod ng COVID 19.

Sa istilo ng pagtuturo na distance learning sa Pilipinas, sadyang hindi maiiwasan

ang distraksyon paminsan-minsan lalo na at naka-online ang mga estudyante, madali

lamang para sa kanilang mabuksan ang ibang tabs na walang kinalaman sa pag-aaral, isa

pa ay hindi ito malalaman ng kanilang guro bunsod nito ay nahahati ang atensyon ng mga

mag-aaral sa halip na ang pokus lamang dapat nila ay nakatuon sa pag-aaral. Higit pa

roon, ang ibang mag-aaral ay hindi lamang pag-aaral ang buhat-buhat sa kanilang mga

balikat. Ang ibang mag-aaral ay may mga responsibilidad din sa kanilang mga tahanan na

dapat nilang tugunan kung kaya’t kung minsan ay nahihirapan silang balansihan ang oras

na dapat nilang ilaan sa mga ito. Ang mga mag-aaral ay nakararanas din ng pagka-pagod

kahit na sila ay nanatili lamang sa kanilang mga bahay dahil sa sitwasyong kinatatayuan

ngayon ng Pilipinas ng bunsod ng COVID-19 at dahil na rin sa stress na dulot ng tambak

na gawaing pang-eskuwela at bigat ng ekspektasyon na kung minsan ay umuupos ng

paunti-unti sa sigla at motibasyon ng mga estudyante.

Ang distance learning ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng

computer, smartphones at internet o kilala rin bilang online distance learning,” paliwanag

ng opisyal. Ang modular na Pag-aaral ay isang uri distance learning na ginagamit ang
9

Self-Learning Modules (SLM) base sa Most Essential Learning Competencies (MELC)

na ibinigay ng DepEd. Ito ay naglalaman ng pagganyak at pagtatasa na nagsisilbing isang

kumpletong gabay ng guro at mag-aaral na nais matamo ang kakayahan. Susubaybayan

ng mga guro ang pag-usad ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbisita sa bahay

(pagsunod sa mga social distancing protocol), at mga tugon, at gagabay sa mga

nangangailangan ng espesyal na pansin. Manlangit et.al, (2020) Kinikilala ang

pangangailangan na palawakin ang mga pagpipilian sa edukasyon para sa mga mag-aaral,

ang mga unibersidad ay nagsimulang maging inobatibo, lumikha ng mga bagong paraan

upang maibukas ang mga degree at bumuo ng mga di-linear, modular career at daan

tungo sa pagkamit ng edukasyon. Sa pamamagitan ng istilong ito ng modular na

edukasyon, maaari matuto ng mga bagong kasanayan at kaalaman sa maliit na mga tipak-

na nagpapakita ng napakalaking halaga anuman ang iyong nasimulan, natamo, o mag-

explore ng mga bagong karera nang hindi inilalagay nang matagal ang mga gawain,

Yoyce, (2020).

Ayon naman kay Ambayon, (2020) sa modular na pagtuturo, natututo ang mga

mag-aaral sa kanilang sariling hakbang o pamamaraan. Ito ay nakakatulong sa mga mag-

aaral upang mabigyan ng mahabang pagkakataong masagot ang mga gawain. Sa paraang

ito ng pagtuturo kailangang bigyan ng sapat na pagsasanay ang mga guro tungkol sa kung

paano gagamitin at ipapatupad sa loob ng klase.


10

Antas 1. Konseptwal Framework

Performans Level
ng Mag-aaral sa
DISTANCE Audio-Video Pagkatuto ng
LEARNING na Modality Asignaturang
Filipino.

Paglalahad ng Suliranin

Pag-aaral na ito ay naglalayon na tasain ang performans ng mga mag-aaral sa

Filipino k11 sa Lagtang Night High School Lagtang Lungsod ng Talisay, Lalawigan ng

Cebu, gamit ang Audio -Video na pamamaraan sa pagdaraos ng Distance Learning

Modality, sa taong panuraan 2022-2023, bilang gabay sa pagpapayaman ng Modyul sa

Filipino 11.

Nilalayon nitong masagot ang mga sumusunod:

1. Ano ang propayl ng mga respondante batay sa mga sumusunod na aspeto?

1.1 Internet Access,

1.2 Electronic Devices,


11

1.3 Buwanang kita ng mga magulang?

2. Ano ang makabuluhang pagkakaiba ng pretest at posttest sa paggamit ng

Audio – Video na pamamaraan sa pagkatuto ng mag-aaral sa Filipino 11 sa

pagdaos ng Distance Learning Modality?

3. Ano ang antas ng pag-unawa ng mag-aaral sa pagkatuto gamit ang Audio-

Video na pamamaraan ng Distance Learning Modality sa pagtuturo sa Filipino

11? Haypotesis(optional)

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makatutulong sa mga

sumusunod:

Sa mga Administrador – makatutulong ang pananaliksik na ito upang

magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang maari nilang maibahagi sa mag-aaral tungo sa

wastong pag-aaral gamit ang Distance Learning lalong lalo na sa Audio- Video na

modality upang mas mapausbong ang peformans ng mag-aaral sa pagkatuto ng

Asignaturang Filipino at upang mahikayat din nila ang mga mag-aaral na mag-aral ng

mabuti kahit sa panahon ng pandemya.

Sa mga Guro – magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin upang mas

mapaigting ang pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng

Distance Learning at ng sa gayon ay magdudulot ito ng pagtaas ng performans level ng

mag-aaral sa paaralan.

Sa mga Magulang – bilang mga magulang at bilang unang guro ng kanilang mga

anak ay makakapag-isip-isip ng mga bagay na maipapayo at maitututlong sa kanilang

mga anak lalo na sa financial na aspeto at kasabay din ng paggabay ng mga magulang sa
12

magandang paraan upang mas mapaigting pa ang performans sa pagkatuto ng kanilang

anak sa Asignaturang Filipino.

Sa mga Mag-aaral – Ang Pananaliksik na ito ay makatutulong at mapapalawak

ang kanilang kaalaman ukol sa Distance Learning na siyang gagamitin ng mga mag-aaral

upang mas maintindihan at mapahalagahan ang Distance Learning sa panahon ng

Pandemya. At dahil dito ang pananaliksik na ito ay magsisilbing ding gabay, magbibigay

ng positibong epekto, pamamaraan ng pag-aaral at pagpapaganda ng kanilang

performans level sa pagkatuto ng Wikang Filipino.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap – ang Pananaliksik na ito ay magsisilbing

sanggunian bilang pagtugon sa darating nilang hamon sa pag-aaral ng isang Pananaliksik

ukol sa Distance Learning.

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Tinatalakay sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, instrumento ng

pananaliksik, paraan ng pagbibigay ng halaga sa mga datos tungo sa masusing pag-aaral

Desinyo ng Pag -aaral

Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ito ay pre-experimental na

disenyo ng pananaliksik na may quantitative approach. Ang pananaliksik na ito ay gumamit

ng pre- Experimental na pamamaraan upang makalap ang antas ng performans ng mga

mag-aaral sa Filipino k11 sa Lagtang Night High School Lagtang, gamit ang Audio -

Video na pamamaraan sa pagdaraos ng Distance Learning Modality, Sinabi ni Creswell

(2008:6) na quantitative research ay isang uri ng pananaliksik na pang-edukasyon kung saan

nagpapasya ang mananaliksik kung ano ang pag-aaralan,nagtatanong ng tiyak, makitid na tanong,

nangongolekta ng mabibilang na data mula sa mga kalahok, pag-aralan ang mga numerong ito
13

gamit ang mga istatistika, at isinasagawa ang pagtatanong sa isang walang kinikilingan, layunin

na paraan.

Daloy ng Pag-aaral

Ginamit ng pananaliksik ang System Aproach gaya ng ipinapakita sa Figure 2.

Ang Systems Aproach ay isang pangkalahatang diskarte na kinabibilangan ng pagharap

sa mga problema sa isang diskarte na may disiplina na maparaan at inuuna ang mga

mahahalagang bahagi ng pag-aaral. Ang kahulugan ng sub-system na bumubuo sa

pangkalahatang sistema ay maaaring idisenyo, ilapat, suriin at patakbuhin upang makamit

ang pangkalahatang layunin nang mahusay (Rowntree,1974.) Sinasaklaw nito ay mga

sumusunod bilang:Ang Input, Ang Proseso at ang Kalalabasan.

INPUT

Mga nakalap ng mga


Ano ang propayl ng mga respondante datos, gamit ang isang
batay sa mga sumusunod na aspeto? standardized
Edad; questionnaire,
Kasarian; PROSESO furmulation, validation,
Taon; at
Karangalang Natamo data, tallying tabulasyon
Ano ano ang Epekto ng Distance ng data. pagproseso ng
Learning sa Perfomans ng Mag-aaral datos, paglalahad ng
sa Pagkatuto ng Wika Filipino sa datos, at pagsusuri ng
Panahon ng Pandemya? datos at interpretasyon
Naapektuhan ba ng Distance ng datos
Learning ang Performans ng Mag-
aaral sa pagkatuto ng Wikang
Filipino?
Ang Distance Learning ba na ito ay
nakatutulong sa Performans ng Mag-
aaral gamit ang mga sumusunod: KALALABASAN
Modular Learning; at
Virtual Learning
Gaano kaapektado ang performans
ng mag-aral gamit ang mga Distance
Learning sa pagkatuto sa Wikang
Filipino? Ang Pananaliksik na ito
Batay sa resulta ng pananaliksik, ay naglalayong masuri
anong mungkahing gawaing ang
ang Epekto ng Distance
mabubuo upang patuloy na
mapausbong ang performans ng mag- Learning sa Performans
aaral gamit ng Distance Learning sa ng mag-aaral sa
pagkatuto sa Wikang Filipino? Pagkatuto ng Wikang
Filipino sa Panahon ng
pandemya
14

Kalipaligiran/Lokal ng Pag-aaral
Antas. 2 Daloy ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paaralan ng Lagtang Night High School.

Ang paaralang ito ay matatawag na Large School dahil ang populasyon nito ay nasa isang

libo isang daan at pitongpu’t limang (1175) na mag-aaral. Ang ang mga batang nag-aral

dito ay ang baiting pito (7) hanggang sampu (10) sa Junior High School, habang mayroon

rin itong baiting na Senior High School na kung saan ang papulasyon nito ay aabot sa

isang daan at lima (175) na mag-aaral, tatlongpu’t lima35 na mga Guro at isang (1)

Administrador na namamahala sa paaralan.

Paraan ng Pagpili ng Respondante

Ang mga kalahok ng pananaliksik na ito ay kinabibilangan ng mga piling Mag-


aaral SHS, Guro at Adminstrador ng Paaralan ng Lagtang Night High School at mga
Magulang.

Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Kalahok sa Pag-aaral
Kalahok Bilang ng Kalahok
Mag-aaral 175
Guro 35
Administrador 1
Mga Magulang 20
Kabuuan 231
15

Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral ng baitang 11 at 12 ng SHS at Guro

at Adminstrador ng Lagtang Night High School na taong panunuran 2021 - 2022.

Gayundin ang 10% ng mga magulang ng mga mag-aaral ng SHS sa baitang 11 and 12.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang Instrumentong ginamit ng mananaliksik ay isang Pre-test at Posttest

Isinaalang-alang ng mananaliksik ang dami ng mag-aaral pretest at posttest. Ang

instrumento ng pananaliksik ay isang kasangkapan o pasilidad na ginagamit ng mananaliksik para

sa pagkolekta ng mga datos upang makakuha ng mas magandang resulta o sa iba pasalita, ito ay

maaaring mangyari nang kumpleto at sistematiko. Ang instrumento ay ginagamit ng ang

mananaliksik ay pagsubok. Ang ginamit ng mananaliksik ay Test. Ang layunin ng pagsusulit ay

madalas na pinupuna sa mga batayan na ang mga ito ay mas simple.

Proseso ng pagkalap ng mga Datos

Ang mananaliksik ay gumamit ng iba’t ibang paaraan sa pagkalam ng mga datos

kung saan gumamit ang mananaliksik ng internet, libro at mga unpublished na mga

materiales upang mabuo ang mga teorya at impormasyon na gagamitin sap ag-aaral na

ito. Bago makalap ang mga datos, ang mananaliksik at gumawa ng isang balangkas na

naayon sa gagawing pag-aaral upang mabuo ng maayos ang mga datos. Gumawa rin ang

mananaliksik ng Pre-test at Posttest na siyang magiging batayan sa pagkuha sa magiging

resulta ng pag-aaral na ito. Binuo ito upang makapagpasagot sa mga kalahok. Ang

kasagutan sa talatanungan ay tinipon, inihanay at sinuri upang gawin ang analisis at

pagbibigay-kahulugan o interpretasyon.

Istatistikal na Pagsusuri ng mga datos


16

Sa isinagawang analisis at pagsusuri, ginamit ang mga payak na istadistika upang

mapagtibay, makabuluhan at maging balido ang mga datos na nakalap. Pagkakasunod-

sunod ng bawat aytem batay sa resulta ng pananaliksik tungkol Perfomans ng mga mag-

aaral ukol sa paggamit ng Audio- Video na modality sa Distance Learning sa pagkatuto

ng Asignaturang Filipino sa panahon ng pandemya.

Prosidur ng Pagpupuntos

Ang mga nakalam na mga datos ay iniisa-isa at inalisa. Ang mga ibinigay na

pagpupuntos ay ang four-point scale na iskala ni Lykert

Ang weighted mean ay binigyang-kahulugan batay sa ginamit na iskala ni Lykert.

Opsyun Interbal Berbal na Interpretasyon


4 3.5-4.0 Palagiang ginagamit (PG)
Lubos na Sumasang-ayon (LS)
3 2.5-3.49 Madalas na ginagamit (MG)
Sumasang-ayon (S)
2 1.5-2.49 Paminsan-minsang Ginagamit (PMG)
Hindi Sumasang-ayon (HS)
1 1.0-1.49 Hindi Ginagamit (HG)
Hindi Lubos na Sumasang-ayon (HLS)

Katuturan ng mga Katawagan

Tulad ng nanlalabong mga mata na kinakailangang bigyan ng lunas upang

luminaw pa,ang mga sumusunod na katawagan ay binigyan ng kahulugan batay sa

kanilang pakinabang para sa lubos na ikalilinaw ng pag – aaral na ito.

Behaviorism

Distance Learning – isang pamamaraan kung saan ginagamit ng mga mag-aaral at guro

sa pagpapatupad ng pagtuturo ng hindi nakikita sa loob ng paaralan. Ginagamit din ito


17

bilang pantukou kung anong epekto dulot nito bilang kasangkapan sa pagkatuto ng mag-

aaral sa Wikang Filipino.

Audio – Video na Modality - isang aspeto ng Distance learning na nauuri sa paggawa ng

isang Video kung saan ang guro ay nagrerecord ng Audio para sa talakayan ukol sa

paksa.

Pagkatuto – ito ay ang makikita na resulta sa gagawing pag-aaaral na ito kung mayroon

bang kaalaman na nakukuha ang mga mag-aaral gamit ang mga modalities na ito sa

pagtuturo sa Wikang Filipino ng mga guro.

Pandemya –isang panahon kung saan may kumakalap na sakit na kakakahawa sa boung

bansa at sa mundo. Dito naapektuhan nito ang pag-aaral ng mga mag-aaral at hindi na

makapasok sa paaralan kaya nagpatupad ng mga modalities na panturo dulot ng sakit na

ito.

Performans – ito ang ang gagawan ng pagbabatayan kung gaano makaepektibo ang

pagkatuto ng mag-aaral sa pagpapatupad ng Distance learning sa mga paaralan.

Virtual Distance Learning – pamamaraan na pagtututro upang makuha ang result ana

nakakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral sa Wikang Filipino.

Asignaturang Filipino – isang batayan kung saan malalaman ng guro kung ang mag-

aaral ay mayroon bang pagkatuto sa paksa na ito na ginamitan ng Distance Learning.

Sangunian/Mga kilalang gawa

Sikular

DO_s2020_018 https://www.deped.gov.ph/wpcontent/uploads/2020/08/.pdf

Internet na Sanggunian

Perez, H. (2019) https://depedro1.com/wp-content/uploads


18

https://www.coursehero.com/u/file/81453668/Mga-Kaugnay-na-Literatura-o-Pag-

aaraldocx/?

https://pdfcoffee.com/qdownload/mga-teorya-ng-pagkatuto-ng-wika-1-teoryang-

behaviorist-pdf-free.html (TEORY)

https://pdfcoffee.com/qdownload/modular-distance-learning-isang-pananaliksik-pdf-

free.html

Alternative Delivery Mode Learning Resource Standards


https://www.academia.edu/28116984/KATUTURAN_NG_MGA_TALAKAY
(katuturan)

https://www.scribd.com/document/356168279/Ang-Teoryang-Behaviorism-Ang-
Dominanteng-Teorya-Para-Sa-Teknolohiyang-Pang
https://www.deakin.edu.au/__data/assets/pdf_file/0003/179013/Modules_1-

4_Using_audio_and_video_for_educational_purposes-2014-02-28.pdf

https://www.teacherph.com/deped-learning-delivery-modalities/

http://repo.iain-tulungagung.ac.id/4272/4/CHAPTER%20III.pdf

Apendesis

Liham sa School Division Superintendent

Liham sa Paaralan School Principal

Formulasyon sa Statisdikal na Pag-aaral

Pre-test at Posttest na mga katanungan


19

Kurikulum Vitae

MERIE GRACE N. RANTE


Z-6 393A Greenville
San Isidro Talisay
meriegrace.rante@deped.gov.ph

PERSONAL DATA

Age : 38
Birthday : March 24, 1984
Civil Status : Single
Height : 5”0
Nationality : Filipino
Place of Birth : Quezon Province
Religion : Roman Catholic

EDUCATIONAL BACKGROUND

Highest Educational Attainment


Tertiary Level: Bachelor in Secondary Education Fil major
Secondaty Level: East Visayan Academy
Elementary Level: Tabunoc Central School

SEMINARS/TRAINING.WORKSHOP ATTENDED
AWARDS
WORKING EXPERIENCE

You might also like