You are on page 1of 22

Video Recording : Alternatibong Paraan ng Paghahatid at Pagtuturo ng Maikling

Kwento sa mga mag-aaral ng Juan G. Macaraeg National High School

INTRODUKSYON

Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Ang edukasyon ay isa sa

pinakamabisang susi upang tayo ay magtagumpay sa buhay. Sa pamamagitan ng

edukasyon tayo ay may natutuhan, nahuhubog at nalilinang ang kaisipan at

nadadagdagan ang ating kaalaman na itinuturo sa atin ng mga Guro. Edukasyon ang

nagsisilbi nating sandata upang tayo ay makahanap ng magandang trabaho at

maiangat ang ating sarili.

Taong 2020 buwan ng Marso, matatandaan na sinuspensyon ang mga klase sa

lahat ng antas dito sa ating bansa. Umusbong ang isang krisis na sa kasalukuyan ay

batid pa rin lalong-lalo na sa sektor ng Edukasyon. Ito ay ang “Corona Virus” dahil sa

pagdami ng bilang ng mga kasong may kinalaman dito ipinagbawal ang face to face

learning na siyang nakasanayang gawin sa mahabang panahon. At dahil sa

nakakahawang Virus na ito ipinatupad ng Department of Education (DepEd) ang

Alternatibong paraan ng pagtuturo, ito ang Distance Learning na kung saan ang mga

mag-aaral ay hindi pisikal na makakasama at makakaharap ang guro ngunit maari pa

ring matuto sa pamamagitan ng Online Platform, Printed Modules at Video Recording .


Ayon kay Jonassen (2008) “Knowledge is embedded in the technology and

technology pesents that knowledge to student”. May kaugnayan din ito sa ipinahayag

nina Halal at Liebowitz (1994) “As the technological key to future education, Multimedia

is defined as “A powerful combination of earlier technologies that constitutes an

extraordinary advance in the capability of machines to assist the educational process”.

Patunay lamang ito na malaki ang naiaambag at naitutulong ng teknolohiya sa mga

guro at sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Ang mga ito ay sadyang ginawa para mas

mapadali ang mga nakaatas na gawain.

Bilang pagtugon sa Alternatibong paraan ng pagtuturo, isa ang Video Recording

na nakatulong sa mga guro upang maisagawa at maihatid ang kanilang mga talakayin

sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito naipapakita ng guro ang kanilang pagtuturo

kahit hindi man sila nakakasama ng mag-aaral at nahahatid pa rin nila ng may husay,

maayos at may dekalidad ang kanilang pagtuturo. Sa pamamagitan ng Alternatibong

paraan ng pagtuturo kagaya ng Video Recording ang mga mag-aaral ay papanoorin

ang isinagawang Video Recording ng guro na kahit hindi man sila nagkikita ng pisikal

ay may aksis pa rin sila sa pagkatuto. May iilang mag-aaral ang walang aksis sa

internet o di kaya’y may trabaho habang nag-aaral kaya malaking tulong ang

isinagawang Video Recording ng guro upang kahit papaano ay hindi mahuli ang isang

mag-aaral sa talakayan, sa pamamagitan kasi ng Video Recording pwede niyang

balikan ang mga itinuro ng guro sa araw na iyon at hindi mahihirapan ang mag-aaral na

humabol sa klase.
Ang mga Guro ng Juan G. Macaraeg National High School ay ilan lamang sa

mga gumagasssmit ng Alternatibong paraan na ito upang matugunan nila ang

pangangailangan ng kanilang mag-aaral sa larangan ng pagkatuto. Hindi makakaila na

malaki ang nabago sa sistema ng paghahatid ng leksyon sa mga mag-aaral ngunit

bilang guro ginagawa nila ang kanilang makakaya upang makahanap ng mabisang

paraan na makakatulong sa isang mag-aaral na matuto kahit nasa bahay lamang ang

mga ito. Ngunit sa kabila ng mga paraang ginagawa ng guro ay may iilan pa rin na

mag-aaral ang hindi nakasasabay sa Alternatiobong paraan na ito. Sa

pagsasakatuparan ng dalawang taon sa online class, naging epektibo nga ba ito upang

mapataas o mapagyaman ang kaalaman ng mga mag-aaral? Naging maayos ba ang

kanilang pang-akademikong perpormans?

Ang pananaliksik na “Video Recording : Alternatibong Paraan ng Paghahatid at

Pagtuturo ng Maikling Kwento sa mga mag-aaral ng Juan G. Macaraeg National High

School” ay isasagawa sa Juan G. Macaraeg National High School sa Binalonan,

Pangasinan. Ang mga respondente nito ay ang mga mag-aaral na nasa Senior High

School. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang mahahalagang naidulot ng

Video Recording sa mga mag-aaral.


ANG PROBLEMA

Ngayong hindi pa ipinatutupad ang pagbabalik ng face to face learning sa lahat

ng sektor ng edukasyon, malaking hamon sa Guro kung sa anong paraan niya

maitatawid ang pagbibigay aral sa kanyang mag-aaral. Sa alternatibong paraan ng

paghahatid ng pagtuturo tulad ng Video Recording maaari niya ng maitawid ang

pagtuturo at makakonekta sa mag-aaral. Ngunit nagiging epektibo ba ito sa mga mag-

aaral upang mas malinang ang kanilang kaalaman at lubusan ba nilang nauunawaan

ang mga itinuturo ng isang guro gamit ang Video Recording?

Samantala, balakid naman para sa mga mag-aaral ang kawalan ng magagamit sa pag-

aaral, katulad na lamang ng cellphone, laptop at ang internet connection na karamihan

sa mga mag-aaral ay walang aksis o di naman kaya’y walang kakayahan na makabili

nito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang kahalagahan ng Video

Recording sa mag-aaral sa panahon ng New Normal na Pagkatuto.

Nilalayon ng pananaliksik na ito na masagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang propayl ng mga mag-aaral batay sa kanilang:

1.1 edad

1.2 kasarian
1.3 uri ng pamumuhay

1.4 teknolohiyang gamit

2. Mayroon bang kaugnayan ang propayl sa paraan ng Pagkatuto at Pagtuturo gamit

ang Video Recording?

3. Naging mabisa bang paraan ang paggawa ng Video Recording para sa pagkatuto ng

isang mag-aaral?

4.Bukod sa Video Recording. Ano pa ang mga mabisa o alternatibong paraan ng

paghahatid at pagtuturo sa mga mag-aaral?

5. Nagkakaroon ba ng interes ang mga mag-aaral na panuorin ang isinagawang Video

Recording ng Guro? Ano ang mga hakbangin upang maging aktibo ang mag-aaral na

panuorin ang Video Recording?

HAYPOTESIS

Sa pagsasagawa ng Video Recording natutugunan ang mga kaalamang nais

ipatamo ng isang guro para sa mga mag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay naglalayong maging kapaki-pakinabang ito sa:


MGA MAG-AARAL. Ang pag-aaral na ito ay gagawing aktibong kasangkot ang mag-

aaral sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto dahil mas maaakit ang kanilang atensyon

kapag ginamitan nila ito ng kagamitang pampagtuturo at bilang resulta, mapapabuti at

mapapaunlad ang kognitibong aspeto ng pagkatuto ng mag-aaral.

Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, malalaman ng mga mag-aaral kung bakit

makabuluhan ang mga kagamitang panturo ng guro kagaya na lamang ng

pagpapanood ng Video Recording.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Alternatibong Paraan ng Paghahatid at

Pagtuturo ng Maikling Kwento sa mga mag-aaral ng Juan G. Macaraeg National High

School sa akademikong pagganap ng Senior High School.

Ang mga datos ay makakalap sa pamamagitan ng talatanungan. Kaya naman ang

paggamit ng I’Ms ng mga guro sa pagtuturo ay mahalaga at may malaking epekto sa

akademikong pagganap ng mga Senior High School ng Juan G. Macaraeg National

High School. Para maiwasan ang bias, random na pipiliin ang mga respondente at

bibigyan ng survey questionnaire.

KAHULUGAN NG TUNTUNIN

Ang mga salita o terminong nasumpungan sa pananaliksik na ito ay binigyan ng

kahulugan kung paano ito ginamit sa pag-aaral sa ikalilinaw ng pag-aaral.


Alternatibo- kadalasang ginagamit ito upang pansamantalang mapalitan ang mga

nakagawiang pamamaraan sa isang mas makabago at pansamantalang gawi.

Video Recording- ang pag-iimbak o pag-iingat ng mga video na maaring panuorin

muli.

Sektor ng Edukasyon- ay tumutukoy sa isang sangay ng gobyerno na kung saan ay

nakafocus lamang sa edukasyon.

Kasarian- ay tumutukoy sa pisikal na pagkakaiba sa pagitan ng tao.

Corona Virus- nakakahawang sakit.

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Kaugnay na Literatura

Ang Video Recording ay isang paraan ng pag-iimbak o pag-iingat ng mga video na

maaaring panuorin muli (Merriam Webster). Dahil nahaharap ang sektor ng edukasyon

sa pandaigdigang pandemya ang Video Recording ay ganap na nakapagbago sa

paraan ng pakikipag-usap sa bawat isa nang ligtas at mula sa malayo. Naging malaki

ang tulong na naiambag ng pagsasagawa ng isang Video Recording sa larangan ng

edukasyon naging mabisang kasangkapan at sandata ito upang maipagpatuloy ang

daloy ng pag-aaral ng mag-aaral kahit pinapanood nya lamang ito.


Ang panonood ay isa sa mga makrong kasanayan na promoproseso sa pagmamasid

ng manonood sa palabas, video recording at iba pang visual media upang magkaroon

ng pag-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito. May mga iba’t ibang uri ng

panonood, nandiyan ang deskriminatibo, kaswal o panlibang, komprehensibo at kritikal,

Kim (2016).

Lokal na Pag-aaral

Ang edukasyon, ayon kay Coombs (1970), ay binubuo ng dalawang bahagi, input at

output. Binubuo ang mga input ng mga mapagkukunan ng tao at materyal at ang mga

output ay ang mga layunin at resulta ng proseso ng edukasyon. Parehong ang input at

output ay bumubuo ng isang dinamikong organikong kabuuan at kung nais ng isa na

siyasatin at tasahin ang sistema ng edukasyon upang mapabuti ang pagganap nito, ang

mga epekto ng isang bahagi sa kabilang bahagi ay dapat suriin.

Ang Availability of teaching and learning resources (TLR) ay nagpapahusay sa bisa ng

mga paaralan dahil ito ang mga pangunahing bagay na maaaring magdulot ng

magandang akademikong pagganap sa mga mag-aaral.

Ipinapalagay ng materyal sa pagtuturo na mayroong direktang ugnayan sa pagitan ng

mga materyal na ginagamit ng mga guro, at mga resulta ng pagkatuto ng mga mag-

aaral. Kasama sa mga resultang ito ang mas matataas na kakayahan upang matuto,

mga de-kalidad na estratehiya para matuto at magsagawa ng mga aktibidad sa silid-

aralan at positibong saloobin sa pag-aaral. Mayroon din itong kapasidad na paunlarin

ang mga intelektwal na kakayahan ng mga mag-aaral habang sila ay malinaw na

naglalarawan at ang hakbang-hakbang kung paano sundin ang mga alituntunin upang
ipaliwanag ang mga konsepto ng pagkatuto na may positibong epekto sa pagsusuri ng

bawat sitwasyon at mga plano na kanilang gagawin upang magkaroon. malaking epekto

sa kanilang akademikong pagganap at magkaroon ng organisadong layunin sa kanilang

pag-aaral.

Lokal na Panitikan

Ang mga materyales sa pagtuturo ay isang generic na termino na ginagamit upang

ilarawan ang mga mapagkukunang ginagamit ng mga guro sa paghahatid ng pagtuturo

nang madali at mas epektibo. Ito ang mga materyal na sumusuporta sa pag-aaral ng

mga mag-aaral at humahantong sa pagtaas ng pagganap sa akademiko.

Ang mga kagamitang panturo ay epektibong idinisenyo para sa mga mag-aaral upang

mapagbuti ang kanilang pagkatuto. Dapat magsimula ang mga guro sa pamamagitan

ng pagsusuri kung ano ang dapat malaman ng mag-aaral sa pagtatapos ng kurso at

kung paano ipapakita ang pagkatuto.

Ayon kay Sims, Sims (1995), ang guro ay dapat magkaroon ng higit na kaalaman at

pag-unawa sa proseso ng pagkatuto, partikular kung paano ang indibidwal na

pagkatuto. Makakatulong ito sa kanila na matuto nang husto sa parehong disenyo at

pagpapatupad ng pagtuturo na nagpapahusay sa pag-aaral.

Ayon kay Robles, sa pagdating ng R.A. 10533, ang Enhanced Basic Education

Curriculum o mas kilala sa tawag na K-12 Curriculum, nadoble ang pangangailangan

para sa mga kagamitang panturo habang ang mga mag-aaral ay nananatili sa mga

pampublikong paaralan sa loob ng dalawang karagdagang taon.


Ang mga guro lamang ang magtitiyak ng epektibo at sapat na paggamit ng mga

kagamitang panturo at sa gayon ay mapadali ang tagumpay. Dahil dito, ang isang guro

na gumagamit ng angkop na mga materyales sa pagtuturo upang madagdagan ang

kanyang pagtuturo ay makakatulong na mapahusay ang makabago at malikhaing pag-

iisip ng mga mag-aaral pati na rin ang makakatulong sa kanila na maging kusang-loob

at masigasig.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kay Ayeni (2011), ang pagtuturo ay isang tuluy-tuloy na proseso na kinabibilangan

ng pagdadala ng mga kanais-nais na pagbabago sa mga mag-aaral sa pamamagitan

ng paggamit ng mga angkop na pamamaraan. Ipinahiwatig ni Adunola (2011) na upang

magdala ng mga kanais-nais na pagbabago sa mga mag-aaral, ang mga pamamaraan

ng pagtuturo na ginagamit ng mga tagapagturo ay dapat na pinakamahusay para sa

paksa. Higit pa rito, pinanindigan ng Bharadwaj& Pal (2011) na ang mga pamamaraan

ng pagtuturo ay gumagana nang epektibo kung ang mga ito ay angkop sa mga

pangangailangan ng mga mag-aaral dahil ang bawat mag-aaral ay nagbibigay-

kahulugan at tumutugon sa mga tanong sa isang natatanging paraan (Chang, 2010).

Dahil dito, ang pagkakahanay ng mga pamamaraan ng pagtuturo sa mga

pangangailangan ng mga mag-aaral at ginustong pag-aaral ay nakakaimpluwensya sa

mga nakamit na pang-akademiko ng mga mag-aaral.

Mga Pamamaraang Nakasentro sa Guro Sa ilalim ng pamamaraang ito, ang mga

mag-aaral ay kumukuha lamang ng impormasyon mula sa guro nang hindi ginagawa

ang antas ng kanilang pakikipag-ugnayan sa paksang itinuturo (Boud&Feletti, 1999).


Ang diskarte ay hindi gaanong praktikal, mas theoretical at memorizing (Teo& Wong,

2000). Hindi nito inilalapat ang pag-aaral na nakabatay sa aktibidad upang hikayatin

ang mga mag-aaral na matuto ng mga problema sa totoong buhay batay sa inilapat na

kaalaman. Dahil kontrolado ng guro ang paghahatid at pagbabahagi ng kaalaman,

maaaring subukan ng lecturer na i-maximize ang paghahatid ng impormasyon habang

pinapaliit ang oras at pagsisikap. Bilang resulta, maaaring mawala ang interes at pag-

unawa sa mga mag-aaral. Upang matugunan ang gayong mga pagkukulang, tinukoy ni

Zakaria, Chin &Daud (2010) na ang pagtuturo ay hindi lamang dapat tumuon sa

pagbibigay ng mga tuntunin, kahulugan at pamamaraan para sa mga mag-aaral na

kabisaduhin, ngunit dapat ding aktibong makisali sa mga mag-aaral bilang pangunahing

kalahok.

Paraan na Nakasentro sa Mag-aaral Sa pagdating ng konsepto ng pag-aaral ng

pagtuklas, maraming mga iskolar ngayon ang malawakang gumagamit ng mga mas

malambot na pamamaraan na nakasentro sa mag-aaral upang mapahusay ang

aktibong pag-aaral (Greitzer, 2002). Karamihan sa mga guro ngayon ay naglalapat ng

diskarteng nakasentro sa mag-aaral upang isulong ang interes, analytical na

pananaliksik, kritikal na pag-iisip at kasiyahan sa mga mag-aaral (Hesson& Shad,

2007). Ang paraan ng pagtuturo ay itinuturing na mas epektibo dahil hindi ito

nakasentro sa daloy ng kaalaman mula sa lektor patungo sa mag-aaral (Lindquist,

1995). Slavin, 1996).


TEORITIKAL NA BALANGKAS

Ayon nina Mc Combs at Shaw’s Agenda Setting Theory at ni George Gebner sa kanya

namang Cultivation Theory, pinapahayag na ang panood ng telebisyon ay may

kaugnayang epekto sa bawat manonood nito lalong lalo na sa mga mag-aaral. Dito nila

nakukuha ang mga kaasalan at mga ugali na nakikita nila sa mga pelikula. Parehong

naglalayun ito na maipahayag na ang panonood ng mga kabataang mag-aaral ay may

malaking empluwensya sa kanilang paglaki. Namumulat ang mga kaisipan ng mga

mag-aaral sa ibang dimension ng buhay. Inihahayag din nito na ang media ay isang

paraan upang makapaghatid ng mga balita at pangyayari sa ibat-ibang lugar sa ating

lugar. Sa bawat mga palabas na pinapalabas sa telibisyon ay may nakukuhang mga

kaalaman ang bawat manonood lalo na ang mga mag-aaral.

Sa pananaliksik na ito binigyang pokus ang teoryang Constructivism ng edukasyon na

napatutungkol sa paggamit ng mga kagamitan sa pagtuturo o mga aktibidad na may

kinalaman sa pagbabago o sa kasalukuyang realidad ng buhay. Ayon kay Senapati

(2012), ang teoryang Constructivism ay pagsabay sa pagbabago ng mundo, ito ay tila

isang spiral na na magsisimula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan. Kasama sa mga

pinunto ng nasabing teorya ang ilan sa mga kagamitan na may kinalaman sa paggamit

ng teknolohiya na lubos na nakatutulong sa pagkamit ng mithiin ng pananaliksik na

malaman ang epekto ng teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Independent na Baryabol Dependent na Baryabol

1. Profayl ng mga mag-aaral 1. Epekto ng panonood ng Video


ayon sa: Recording ayon sa:
a. edad
b. kasarian a. Pagpapahalagang kultural
c. uri ng pamumuhay a. 1. wika
d. teknolohiyang gamit
2. Kagawian ng mga mag-aaral a. 2. sining
sa panonood ng Video Recording
a. 3. kaugalian/saloobin
ayon sa:
a. oras na ginugugol sa b. Pag-aaral ng mag-aaral
panonood ng Video
Recording b. 1. grado
b. uri ng Video Presentation
b. 2. performans sa klase
na pinapanood
c. mga dahilan sa b. 3. panonood ng Video
panonood ng Video Recording
Recording

FIGYUR 1

PARADIM NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Video Recording : Alternatibong Paraan ng

Paghahatid at Pagtuturo ng Maikling Kwento sa mga mag-aaral ng Juan G. Macaraeg

National High School. Upang maging malinaw, isang paradim ang ginamit ng

mananaliksik sa kanyang pag-aaral. Makikita sa itaas ang unang kahon mula sa kaliwa

ay ang Independent na Baryabol, ito ay ang pagtukoy sa mga propayl ng mga mag-

aaral ayon sa edad, kasarian, uri ng pamumuhay at teknolohiyang gamit makikita rin
dito ang kagawian ng mga mag-aaral sa panonood ng Video Recording ayon sa oras na

ginugugol sa panonood ng Video Recording, uri ng Video Presentaion na pinapanood at

mga dahilan sa panonood ng Video Recording, Ang ikalawang kahon sa bandang

kanan ay ang Dependent na Baryabol ito ay ang epekto ng panonood ng Video

Recording sa pagpapahalagang kultural gaya ng sa wika, sining, kaugalian at saloobin,

sa pag-aaral ng mga mag-aaral naman ay nakatuon sa grado, performans sa klase at

pagpasok sa klase
Kabanata III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay inilahad at tinalakay ang pag-aaral na naglalaman ng disenyo ng

pananaliksik, populasyon at lokasyon paraan ng paglikom ng datos at instrumentasyon

na magiging batayan sa paksa ng pananaliksik

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga

mananaliksik na gamitin ang “ Descriptive Survey Research Design “, na gumagamit ng

talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang

mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas

mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga respondent.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng

disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumsasagot sa mga

talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito

sa pag-aaral kung saan maari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon

upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon.

Lahat ng bagay sa mundo, natural man o gawa ng tao ay dumaranas ng tinatawag

nating pagbabago. Sapagkat walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago kaya

sa pagtanda ng panahon, maraming pagbabago na ang makikita ng tao sa halos lahat

ng larangan ng buhay.
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pag-aaral na makakatulong nang malaki sa

ginawang pananaliksik dahil nagbibigay ito ng katotohanan upang mabuo ang

pananaliksik na ito.

PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDANTE

Ang mga napiling respondante ng mga mananaliksik ay mga mag-aaral ng Juan G.

Macaraeg National High School na edad 16-18.

Kasarian Bilang ng kalahok

Babae 30
Lalaki 30

Kabuuan 60

FIGYUR 2

INSTRUMENTO SA PAGLIKOM NG DATOS

Sa pananaliksik ang pagsusuri ng datos ay mahalaga, kaya ang paggamit ng

talatanungan ay may malaking ambag sa isinagawang pag-aaral na ito.

Maisasakatuparan naman ang mithiin ng pananaliksik kung ang instrumentong ginamit

ay tama, maayos at makabuluhan.

Ang ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan (survey questionnaire) sa

pangangalap ng datos upang ang mga katanungan ay mas maunawaan ng mga

tutugon. Ito ay ipinasuri sa isang Guro na nagtuturo ng Filipino mula sa University of

Eastern Pangasinan.
Iskala Deskripsiyon

1 Hindi

2 Bihira

3 Minsan

4 Madalas

5 Palagi

Ang talatanungan ay binubuo ng may tatlong (3) bahagi: A. Biswalisasyon, B.

Estratehiya sa Pagkatuto, C. Pagkakaiba. Ang mga mag-aaral ay pipili sa iskala at

kanila itong lalagayan ng simbolo na tsek (✔)

A. Biswalisasyon 1 2 3 4 5

1. Natututo sa pamamagitang ng

Video Recording .

2. Natututo sa pamamagitan ng mga

larawan at bidyu na naiuugnay sa

aralin ng Maikling Kwento.

3. Higit na nauunawaan ang Maikling

Kwento sa pamamagitan ng isang

aktwal na presentasyon.
4. Nahihirapang intindihin ang

Maikling Kwento sa pamamagitan ng

Video Recording

5. Nahihikayat na mag-aral ng mabuti

kapag nauunawaan ng maayos ang

Maikling Kwento.

FIGYUR 3

B. Estratehiya sa Pagkatuto 1 2 3 4 5

1. Mas madali o magaan ang paraan

ng pagtatalakay ng maikling kwento

gamit ang Video Recording.

2. Madaling na poprosiso ang mga

kaalamang itinuturo sa asignaturang

Filipino.

3. Sistematiko ang paraan ng

pagtuturo ng Maikling Kwento gamit


ang Video Recording.

4. Nakapaglalaan ng oras upang

mapag-aralang muli ang aral ng

Maikling Kwento gamit ang Video

Recording.

5. Madaling maiugnay at mabuo ang

mga ideya ng Maikling Kwento gamit

ang Video Recording.

FIGYUR 4

C. Pagkakaiba 1 2 3 4 5

1. Ang pag-aaral ng Maikling Kwento

ay naging mabisa sa tulong ng Video

Recording.

2. Naging mahusay ang paglalahad ng

guro sa pagtuturo ng Maikling Kwento.


3. Maliwanang kong naiintindihan ang

Maikling Kwento sa tulong ng Video

Recording.

4. Sa pamamagitan ng Video

Recording ako ay natututo kahit wala

ako sa paaralan.

5. Nagkakaroon ng interes sa

panonood ng Maikling Kwento gamit

ang Video Recording.

FIGYUR 5

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ay gumawa ng liham-pahintulot para sa punong-guro ng

paaralan ng Juan G. Macaraeg National High School upang payagang makapagsagawa

ng pananaliksik. Pagkatapos nito ay humingi ng tulong ang mananaliksik sa mga guro

ng Senior High School upang ipasagot ang talatanungan sa bawat respondenteng mag-

aaral na kasali sa pag-aaral. Ipinaliwanag ng mananaliksik ang panuto, layunin at

kahalagahan ng pag-aaral upang maiwasan ang anumang kalituhan, pagkatapos

mapasagutan ang mga talatanungan, ang mga datos ay tinipon, sinuri, inalisa,
kinuwenta, at binigyang interpretasyon sa pamamagitan ng mga istatistikal na panukat

(statistical measure).

Estadistikal na Paglalapat ng Datos

Ang mga nakuhang datos ay sinuri upang mas mapadali ang pagtataya sa mga ito. Ang

mananaliksik ay gumamit ng estadistikal na panukat sa bawat suliraning inilahad sa

pag-aaral.

Mga Mananaliksik:

Autor, Phillip A.

Bautista, Jezta Rei G.

Callorina, Christian

You might also like