You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADE 10- MAGSAYSAY


DISYEMBRE 7, 2022, MIYERKULES
10:00-11:00 A.M

I. Layunin

Sa pagtatapos ng apatnapu’t limang ( 45 ) minuto ng talakayan, walumpung porsiyento (80%) ng mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang kahalagahan at katuturan ng Teoryang Pampanitikan;
b. Nakikilala ang mga lumikha ng akdang pampanitikan; at
c. Nakasusuri ng mga isyu sa pamamagitan ng paggamit ng mga Teoryang pampanitikan na tinalakay sa aralin.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Teoryang Pampanitikan ( Marxismo, Klasiko, Realismo, Modernismo, Imahismo)


b. Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/92845127/NPC-MODYUL-21-Panunuring-Pampanitikan-2020-2021docx/
c. Kagamitan: Kartolina, Pentel pen, Kahon, Larawan, Laptop
d. Pagpapahalaga: Nababatid ang kahalagahan sa pagtuturo ng mga teoryang pampanitikan.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

Panimulang Gawain:

 PANALANGIN

Tinatawagan ko ng pansin si Bb. _________, upang


pangunahan tayo ng panalangin sa araw na ito.

Panginoon po naming Diyos, Salamat po ng napakarami,


Dahil ligtas mo po kaming tinipon sa dakong ito Upang
makapag-aral po kami ngayon.

Sana linisin mo po anuman ang nakita mong hindi mabuti


sa aming mga puso. Patawarin mo po kami sa aming mga
kasalanan. Ihanda mo ang aming pag-iisip sa pagtanggap
ng mga karunungan Upang lalo naming maunawaan ang
ituturo sa amin ngayon

Lalo mo pong tulungan ang aming mahal na guro


Pagpalain mo po siya sa kanyang walang sawang
pagmamalasakit sa amin Magiging masaya nawa siya sa
kanyang pagtuturo At kami naman ay handang makinig sa
kanyang ituturo

Ingatan mo po kaming lahat sa buong panahon ng pag-


aaral Sa inyo po lahat ng kapurihan Hinihingi po namin ang
lahat ng ito Sa pangalan ni Hesus na aming Dakilang
Tapapagligtas. Amen
 PAGBATI

Magandang umaga mga mag-aaral.

Magandang umaga po Ginoo.


Magsi-upo na kayo.

(Uupo ang mga mag-aaral)


 PAGTALA NG LIBAN

Bb._____ maari mo bang itala sa ating klase kung sino ang


lumiban sa araw na ito.

Wala pong lumiban sa ating klase Ginoo.


Mahusay! Ako’y nagagalak sapagkat walang lumiban sa ating
klase.

 PAGLALAHAD NG ALITUNTUNIN

Bilang kaayusan ng ating klase, nais kong isaulo niyo ang aking
mga alituntunin gamit ang code na aking sasambitin

Klas, kapag sinabi kong UNO, ibig sabihin ay: Huwag maingay
kapag ang guro ay nagsasalita.

Kapag sinabi kong DOS, ibig sabihin ay: Itago ang mga
nakakasagabal na gamit sa talakayan at umupo ng maayos.

At kapag sinabi kong TRES, ibig sabihin ay: Huwag makikipag-


usap sa katabi at ituon ang atensyon sa harapan.

Maliwanag ba klas?

Opo Ginoo.

 PAGSASANAY

Narito ang mga salitang ating napag-aralan nang nakaraang


talakayan. Maari niyo bang basahin ng malakas, malinaw at
mabilis.

Mahusay!

 BALIK-ARAL

Bilang pagbabalik-aral ay may inihanda ako sa pisara na


“Hanay A” at “Hanay B” ang inyo lamang gagawain ay hanapin
o tukuyin ang tamang kahulugan ng nasa Hanay A at ang
tamang sagot ay matatagpuan sa Hanay B. Kapag nahanap
ninyo ang tamang sagot ay pagtambalin niyo ito.
Upang malaman natin kung sino ang sasagot ay bubunot ako
ng mga pangalan na nasa kahon.
Maliwanag ba klas?
Maliwanag po Ginoo.

Simulan na natin

HANAY A HANAY B

- ito ay tumatalakay sa mga


LGBTQ+

- nakapokus sa paglilnaw n
Sikolohikal gating pag-iisip tungkol sa
kahulugan o katuturan ng
Simiotika senyas.

Sosyolohikal - hindi ang akda o teksto


ang pinagtutuunan ng
Queer pansin kundi ang konsteksto
nito at ang impluwensya na
nagbibigay hugis ditto.

- layunin ng panitikan ay
ipaliwanag sa pamamagitan
ng pagpapakita ng mga
salig sa pagbuo ng naturang
behavior sa isang tauhan sa
kaniyang akda.

Bb. ____, ikaw ang unang sasagot, tumayo at pumunta sa


harapan.

G. ____, ikaw ang pangalawang sasagot.

Bb. ____, ikaw ang pangatlo.

At ang panghuling sasagot ay si G. ____.

Tama ba lahat ng nasagot ng inyong mga kaklase, klas?

Opo Ginoo.
Magaling! Palakpakan niyo sila.

(Palakpakan)

 PAGHAWAN NG SAGABAL

Ngayon naman klas ay may ipapakita ako sa inyo na iilang


larawan ng tao, sa ilalim nito nakasulat ang kanyang pangalan
ngunit may mga titik na nawawala at ang iilang nawawalang
titik ay halos patinig, nais kung tukuyin ninyo kung ano ang titik
na nawawala at kapag nahulaan ninyo maari na ninyong
sambitin ang buong pangalan nito sa ating klase.
Naiintindihan ba klas?

Unang larawan
Opo Ginoo.

K_RL H_INR_CH M_RX

Pangalawang larawan KARL HEINRICH MARX


T.E H_LM_

T.E HULME

B_EN_V_NTUR_ M_DIN_, JR.


BUENAVENTURA MEDINA, JR.

EZR_ PO_ND
EZRA POUND

Mahusay!
Palakpakan ang inyong mga kaklase klas.

 PAGGANYAK

Ang nakikita niyo sa pisara ay tinatawag na “Paper Bridge”


pumili kayo ng inyong magiging kapareha sa larong ito.
Ngayon na nakapili na kayo ng inyong kapareha ituon ang
tingin sa pisara, mapapansin ninyo ang paper bridge ay
may siyam na hakbang sa kaliwa at kanan bubunot kayo
rito sa kahon na aking inihanda upang malaman ninyo
kung anong hakbang kayo pupwesto. (Bubunot ang
magkapareha)
Ngayon na nalaman na ninyo kung saang hakbang kayo
pupwesto, pag-usapan naman ninyo ng inyong kapareha
kung aling pwesto nyo gusto sa kanan ba o kaliwa, ang
bawat pwesto ng kanan at kaliwa ay mag nakasulat na
“LIGTAS” at “LAGLAG” kung ikaw ang nakapili sa pwesto
ng ligtas ikaw ay ligtas at kapag napili mo naman ang
pwesto na laglag ikaw ang bubuo ng salita gamit ang mga
alpabetong may numero.

Naiintindihan ba klas?
Opo Ginoo.
Kung gayon ay simulan na natin.
Unang magkapareha ay sina Bb. Mabalot at Bb. Burton
Ang napiling pwesto ni Bb.Mabalot ay kanan at kay Bb.
Burton ay kaliwa, buksan na niyo ang unang hakbang.
Si Bb. Burton ang ligtas at Laglag si Bb. Mabalot ibig
sabihin siya ang bubuo ng salita gamit ang mga
alpabetong may numero.

13 1 18 24 9 19 13 15

MARXISMO
Pangalawang Magkapareha
Bb. Portin at G. Callorina
Ang ligtas ay si Bb. Portin kaya naman G. Callorina buuin mo
ang salita

11 12 1 19 9 11 15

KLASIKO
Pangatlong magkapareha pumunta na sa harapan.
Bb. Tacadena at Bb. Bautista sa kanilang dalawa ang laglag ay
si Bb. Bautista kaya naman buuin ang salita.

18 5 1 12 9 19 13 15

REALISMO
Pang-apat na magkapareha ay sina Bb. Dalaten at G.
Sandoval, ang laglag ay si G. Sandoval.

13 15 4 5 18 14 9 19 13 15

Panglima na magkapareha ay sina Bb. Fernandez at Bb. MODERNISMO


Moreno, ang laglag ay si Bb. Moreno.

9 13 1 8 9 19 13 15

IMAHISMO

Mahusay! Maraming salamat sa inyong partisipasyon


Palakpakan ang inyongmga srili, klas.

(palakpakan)

 PAGLALAHAD NG ARALIN

Ngayon, Batay sa aking ipinagawa sa inyo, ano sa tingin ninyo


ang magiging paksa natin sa umagang ito?

Bb. Mosada

Tungkol sa Panitikan
Ano pa G. Callorina?

Sa tingin kop o ang magiging paksa natin sa umagang ito


Ginoo ay patungkol sa teorya ng pampanitikan.
Mahusay! sa umagang ito ay tatalakayin ko ang Teoryang
pampanitikan.

 PAGTALAKAY SA ARALIN

“Aklat ng Karunugan”

Marxismo
 Ang Marxismo ay isang pandaigdigang pananaw at
pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at
hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng
materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan,
at diyalektang pananaw ng pagbabago ng lipunan.

Klasiko
 Ang Teoryang klasiko ang nagbibigay-diin sa pagiging
maayos ng isang akda. Binibigyang diin dito ang
wastong gamit ng wika at ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga konsepto at mga
pangyayari.

Realismo
 Katotohanan kaysa kagandahan. Ito ang ipinaglalaban
ng dulog na realismo. Sinumang tao, anumang bagay at
lipunan ayon sa mga realista ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.

Modernismo
 Ito ay modernismo o makabagong pananaw namay
radikal na pagkakaiba sa mga naisulat nahindi magiging
larawan lamang ng realidad ang sining kundi ng bisyon
ng mundo.

Imahismo
 Layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na
higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan,
ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka
na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit
lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan
at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong
ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.

 PAGLALAHAT

May katanungan ba sa aking itinalakay ngayong araw?

Kung gayon ako ang magtatanong upang mabatid ko kung kayo


ay nakinig sa ating isinagawang talakayan.

Bb. Dalaten, Ano ang paksang ating tinalakay ngayong araw?

An gating tinalakay sa umang ito Ginoo ay patungkol sa


Teoryang pampanitikan
Mahusay!

G. Sandoval, Ano ang ibig sabihin ng Realismo?


Ang teoryang realism ay nakabatay sa totoong nangyayari
Ginoo.
Tama!

Bb. Abalos, bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?

Mahalagang pag-aralan ang panitikan Ginoo dahil marami


tayong nakukuhang kaalaman at impormasyon tulad ng
kasaysayan, agham, atbp

Mahusay! Batid kong naintindihan ninyo ang aking itinuro sa


araw na ito.
Palakpakan ang inyong mga sarili.

 PAGLALAPAT

Ngayon naman ay may mga inihanda akong isyu o mga bagay


na pinag-uusapan sa ating mundo, nais kung pumili kayo ng
isang paksa at inyong suriin kung ito ay nabibilang sa
imahismo, realismo, modernismo, klasiko at marxismo at inyo
itong ipapaliwanag.

Naiintindihan ba klas?

Opo Ginoo.

Covid-19 Pandemic, Noli Me Tangere, Mga Santo sa


Simbahan, Raliyista

Magsimula tayo kay Bb. Burton, ano ang iyong napili?

Covid-19 Pandemic po Ginoo ito ay Realismo sapagkat


totoo poi tong nangyari sa mundo, maraming tao ang
nagkasakit at namatay.

Ikaw naman G. Callorina Opo Ginoo!

Mga Santo Ginoo ito po ay Imahismo ito ay simbolo sa


pananampalataya ng ibang tao.
Maraming salamat.
Ikaw naman Bb. Tacadena

Noli Me Tangere po Ginoo ito ay realismo dahil ang mga


pangyayari sa nobela na ito ay sumasalamin sa totoong
buhay. Inilalarawan nito kung paano namuhay ang mga
Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng espanya.

Paghuli naman ay si Bb. Abalos

Raliyista po Ginoo dahil sila ay mga aktibista na


pinaglalaban ang kanilang hangarin sa ninanais na
pagbabago.
Maraming salamat palakpakan ninyo ang inyong mga sarili klas!

(palakpakan)
 PAGPAPAHALAGA

Klas, mahalagang napag-aaralan natin ang iba’t ibang teoryang


pampanitikan upang mas mabatid natin at maunawan ang
pinagmulan ng ating kasaysayan na makatutulong sa
pagpapalawig ng ating kaalaman.

IV. PAGTATATYA

A. IDENTIPIKASYON
Panuto: Ilagay ang tamang sagot na hinihingi ng bawat pahayag.( 2 puntos)

____1. Ito ay nagbibigay-diin sa pagiging maayos ng isang akda.


____2. Ito ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng
lipunan.
____3. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad..
____4. Makabagong pananaw namay radikal na pagkakaiba sa mga naisulat nahindi magiging larawan lamang ng realidad
ang sining kundi ng bisyon ng mundo.
____5. Layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka.

V. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik sa mga halimbawa ng Pagtatangka sa pagsusuri sa ilang piling akda.

Inihanda ni:

Autor,Phillip A.

Isinumite kay:

G. Mar Motas

You might also like