You are on page 1of 13

22

Standard Lesson Plan (Panitikan)

I. Layunin
Sa pagkatapos ng 45-minutong na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Nakikilala ang mga katangian ng mga tauhan sa alamat na “Saging at Unggoy, Saan
Nagsimula?”
b) Nakahihinuha ng personal na repleksyon sa naging katangian ng mga tauhan sa alamat
na “Saging at Unggoy, Saan Nagsimula?”; at
c) Nakalilikha ng isang islogan patungkol sa katangian ng mga tauhan sa alamat na “Saging
at Unggoy, Saan Nagsimula?”.

II. Paksang Aralin


a) Paksa: Saging at Unggoy, Saan Nagsimula?
b) Sanggunian: Aklat: Sikhay 7: Batan at Sanayang Aklat sa Wika at Panitikan, Ephesians
Publishing Inc., 151 Road 20, Proj. 8, Brgy. Bahay Toro Quezon City, Philippines
c) Kagamitang Pampagtuturo: Visual aids, smart tv, powerpoint presentation, at printed
materials
d) Pagpapahalaga: Ang pagiging pinuno ay hindi lamang isang kapangyarihan, kalakip din
nito ang malaking pananagutan.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN

Panalangin

Estratehiya: Salitang Dasal

Teknik: Ang guro ay hihikayating tumayo ang


klase upang manalangin na pangungunahan ng
isang mag-aaral.

Tumayo ang lahat at tayo’y humingi ng gabay sa


ating Panginoong Diyos para sa araw na ito.
Inaanyayahan ko si G.Subido na magtungo rito sa
harapan upang pangunahan ang ating panalangin.

Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay


ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay
matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip
upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin
at maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa
amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

Maraming salamat, G.Subido.

Bago kayo umupo ay pulutin niyo muna ang mga kalat


sa ilalim ng inyong upuan.

Siguraduhin ding maayos ang inyong mga upuan.


Pagtala ng Liban
Estratehiya: Bucket Ikaw
Teknik: Ang bucket ay pagpapasa-pasahan
ng mga mag-aaral upang lagyan ito ng papel
na naglalaman ng kanilang pangalan bilang
tanda ng kanilang pagdalo.

Ngayon naman ay may inihanda akong isang


bucket at bago mag-umpisa ang ating klase ay
mayroon akong idinikit na isang papel na hugis
popcorn sa inyong mga upuan. Kailangan niyo
lamang isulat ang inyong pangalan sa papel at
ihulog ito sa bucket bilang tanda ng inyong
pagdalo. Ang bucket na ito ay tatawagin nating
“bucket ikaw?” at ito ay magsisilbing palabunutan
para sa pangalan ng mga magbibigay kasagutan
sa aking mga katanungan sa araw na ito.

Malinaw ba ang aking panuto, klase?

Opo, guro!

Mahusay! Ngayon ay simulan na nating paikutin ang


bucket.

(Sisimulan nang paikutin ng mga mag-aaral ang


bucket.)

1. Paglatag ng Alituntunin
Estratehiya: 4Panuntunan
Teknik:Ipaalala ng guro ang 4P’s bilang mga
alintuntunin sa oras ng talakayan.

Nakikita ko sainyong mga mata na kayo ay


masaya at kayo ay handa na para sa ating
talakayan sa araw na ito.

Ngunit bago ang lahat ay narito muli ang ating 4P’s


bilang mga alituntunin sa ating klase.

Ano nga ulit ang unang P?

P-agtikom ng bibig kung walang


mahalagang sasabihin.
Ang pangalawang P naman ay?

P-akikinig sa talakayan upang lumawak ang


Ano naman ang ikatlong P? kaalaman.

P-agtataas ng kanang kamay kung may nais


ibahagi.
Ano naman ang pang-apat na P?

P-anatilihin ang pagpapakita ng respeto sa bawat


isa.

Maaasahan ko ba ang inyong pagsunod sa ating 4P’s?

Mainam kung ganoon. Oo naman po, guro.

2. Pagsasanay

Estratehiya: Susi ng Kahulugan

Teknik: Bubunot ang mag-aaral ng salitang hugis


susi at gagamitin niya ito upang buksan ang
nakakandadong kahulugan.

Klase, mayroon ako ritong inihandang tig-apat na


susi at kandado. Upang malaman ninyo ang dapat
gawin ay narito ang panuto. Maari mo ba itong
basahin, Bb. Joana?
Sa bawat susi ay may nakasulat na salita
samantalang nakakubli naman ang mga
kaparehong salita nito sa likod ng bawat kandado.
Alamin kung alin sa mga ito ang magkaparehas
ang nilalamang salita. Bilang clue, sa kaliwang
bahagi ng kandado ay may mga nakasulat na
deskripsyon na naglalarawan sa salitang nakasulat
sa kandado.

Naintindihan niyo ba ang panuto?


Naintindihan po, guro!

Mahusay! Narito naman ang mga clue, muli pakibasa ito


nang sabay-sabay. Kuwento ng pinagmulan o pinanggalingan ng isang
bagay o hayop.

Uri ng panitikan kung saan ang mga hayop o mga


bagay na walang buhay ang gumaganap na mga
tauhan.

Kuwentong piksyon tungkol sa buhay at karanasan


ng mga Diyos at Diyosa.

Maikling salaysay na nangangaral at kalimitang


hinahango sa bibliya.

Handang-handa na po, guro.


Magaling! Handa na ba ang lahat?

Mahusay! Kung ganoon ay bubunot na ako sa ating


bucket ng apat na pangalan at sila ang hahanap sa
kandadong kapares ng kanilang mapipiling susi.

Narito na ang unang pangalan. Bucket ikaw ang aking


nabunot, Bb.Rochele?

Ikalawang pangalan, bucket ikaw ang aking nabunot,


G.Jeric?

Ikatlong pangalan, bucket ikaw ang aking nabunot, Bb.


Shela?

Ikaapat at pang-huling pangalan, bucket ikaw ang aking


(Magtutungo sa harapan ang mga mag-aaral na
nabunot, G. Jansen?
nabunot upang pumili ng susi na siyang ilalagay sa
tapat ng angkop na kandado)

1. Alamat
2. Pabula
3. Mito
4. Parabula
Mahusay! Nahanap niyo ang angkop na susi ng bawat
kandado. Palakpakan niyo ang inyong mga sarili.

3. Paghawan ng Sagabal
Estratehiya: Talasalitaan
Teknik: Tukuyin ang kasingkahulugan ng
salitang nasalungguhitan sa pangungusap.

Bago natin tuluyang basahin ang isang


halimbawa ng kuwentong bayan ay bibigyang
kahulugan muna natin ang mga salitang
maaaring makasagabal sa ating talakayan.

Mayroon tayo ritong limang pangungusap at


bawat isa rito ay may salitang
nasalungguhitan. Kailangan lamang intindihin
ang diwa ng pangungusap upang matukoy
ninyo ang kasingkahulan ng mga salitang ito
na nasa telebisyon.

Pakibasa ito nang malakas at malinaw.


______1. Lalong rumangya ang kanilang
pamumuhay dahil sa kanilang negosyo.
______2. Lahat ng ipinararatang niya sa
akin ay kabalintunaan.

______3. Sa gabi ay isang sulo ang


nagbibigay liwanag sa aming tahanan.
______4. Si Jaime ay walang sawa sa
kaniyang panunuyo kay Ana.

Ngayon naman ay muli akong bubunot ng (Magtutungo sa harapan ang mga mag-aaral na
mga pangalan sa ating bucket. mabubunot at itatapat ang tamang
kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan)

Gumarbo

Kasinungalingan

Gasera

Panliligaw
Napakahusay! Tama ang inyong mga
kasagutan. Kung ganoon ay maaari na tayong
magpatuloy.

B. PAGLINANG NG GAWAIN

1. Pagganyak
Estratehiya: Puzzle
Teknik: Ipabubuo ng guro sa mga mag-aaral
ang mga magkakahiwalay na bahagi ng
dalawang larawan.

Upang magkaroon kayo ng hinuha sa Alamat


na ating tatalakayin ay narito ang mga
magkakahiwalay na bahagi ng dalawang
larawan. Kailangan niyo itong buuin upang
malaman kung kanino patungkol ang Alamat
na ating aalamin sa araw na ito.

Magtatawag ako ng dalawang pangkat na


pupunta rito sa harapan upang buuin ang mga
larawan.

(Magtutungo sa harapan ang dalawang pangkat


upang buuin ang mga larawan)

Mahusay!

2. Paglalahad
Estratehiya: Kilalanin mo!
Teknik: Pagmamasdan ng mga mag-aaral
ang nabuong larawan at kikilalanin kung
anong bagay o hayop ang mga ito.

Ngayon naman ay pagmasdan niyo ang mga


larawan.

Ano ang ipinakikita ng unang larawan, Bb.


Gray? Isang puno ng saging po, guro.

Tumpak! Ano naman ang ipinakikita ng


ikalawang larawan, Bb. Liza? Guro, ang nasa ikalawang larawan ay isang
unggoy.

Mahusay! Ngayon, may ideya na ba kayo sa


pamagat ng alamat na ating babasahin
ngayong araw?
Marahil ay patungkol po ito sa Alamat ng Saging at
Unggoy, guro!

Magaling! Ang pamagat ng alamat na ating


tatalakayin sa araw na ito ay “Saging at
Unggoy, Saan Nagsimula?”
Gabay na Tanong
Estratehiya: Jigsaw Reading
Teknik: Magkasalitang babasahin ng
dalawang mag-aaral ang mga gabay na
tanong.

Ngunit bago ang lahat, narito ang mga gabay


na tanong na dapat nating bigyang pansin.
Nais kong tumayo kayo at basahin ito nang
salitan, Bb. El Jane at Bb. Trixia?

MGA GABAY NA TANONG:

1. Bakit labis na minahal ng kanyang mga


nasasakupan ang prinsesa?

2. Bakit ayaw mag-asawa ng prinsesa?

3.Bakit binuyo ng kanyang pinsan ang isa sa mga


manliligaw nito?

4.Makatwiran ba ang ipinakitang sakripisyo ng


prinsesa?Pangatwiranan.

5.Kung ikaw ang prinsesa, gagawin mo rin ba ang


kanyang ginawa?Bakit?

Maraming salamat! Maaari na kayong umupo.


3. Pagtalakay
Estratehiya: “Katangian ko, banggit mo!”
Teknik: Magkasalitang babasahin ng
magkabilaang hanay ang mga talata ng
kwento. Pagkatapos ay babanggitin ang mga
katangian ng mga tauhan na nababakas sa
kwento.

Simulan na nating basahin ang kwento. Para sa unang


hanay, basahin niyo ang pulang talata. Sa ikalawang
talata naman, kulay asul ang inyong babasahin.

Isang napakagandang prinsesa ang namumuno


raw noon sa isang kaharian sa Lanao. Mahal siya
ng kanyang nasasakupan dahil sa kanyang
kabutihan at matalinong pamamahala.

Base sa inyong nabasa, ano ang katangiang ipinakita ng


Prinsesa? Ang mga katangian ng Prinsesa na mababakas sa
unang talata ng kuwento ay ang pagiging mabuti at
matalinong pinuno.

Tama! Tunay na mabuti at matalinong pinuno ang


Prinsesa kaya naman minamahal siya ng kaniyang mga
nasasakupan.

Dumako naman tayo sa mga susunod na talata.


Ikalawang hanay, pasuyong pakibasa.
Dahil sa mabuting pamamalakad ng Prinsesa ay
nagkaisa ang kalalakihan sa kaharian na
puspusang magtrabaho upang magkaroon ng
masaganang ani ang mga taniman at palayan. Ang
mga kababaihan ay nagkaisa naman sa
pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang
tahanan at paligid. At ang mga kabataan ay
nangakong magbabait at mag-aaral nang mabuti.

Tinupad ng mga tauhan ng prinsesa ang kanilang


mga pangako. Sinira ng kalalakihan ang kanilang
sabungan at mga pasugalan. Umaraw at humapon
ay nasa kanilang taniman sila. Ang mga
kababaihan ay naging abala sa mga gawain sa
kanilang tahanan. Araw-araw ay nasa paaralan
naman ang mga bata at nagsisipag-aral. Tuwang-
tuwa ang prinsesa sa kaniyang nakita.
Ano ang mga ipinakitang katangian ng mga
nasasakupan ng Prinsesa?

Ang mga katangian na ipinakita ng mga


nasasakupan ng Prinsesa ay ang pagkakaroon ng
paninindigan dahil pinanindigan at tinupad nila ang
kanilang pangako sa Prinsesa.

Mahusay! Ang mga ito ay may paninindigan dahil


tinalikuran nila maging ang kanilang mga bisyo para
lamang tuparin ang kanilang pangako sa Prinsesa.

Pakibasa naman ang mga susunod na talata.

Nagdaan ang maraming taon at ang kaharian ng


magandang Prinsesa ay lalong rumangya. Ang
kanyang kabaitan at mabuting pamamalakad ay
nabalitaan sa iba't ibang lupain. Maraming prinsipe
ang nanuyo sa prinsesa ngunit ganito ang sinasabi
ng prinsesa sa kanila:

"Kung iibigin ko ang isa sa inyo, magdadamdam at


magagalit ang iba.Maaaring magkaroon ng
digmaan. Higit sigurong mabuti na ako ay
manatiling isang dalaga upang mapangalagaan
kong mabuti ang mga mamamayan sa aking
kaharian."
Ano naman ang ipinakitang katangian ng Prinsesa sa
bahaging ito? Sa bahaging ito ay nagpakita ang Prinsesa ng
pagiging mapagmalasakit. Ito ay dahil mas pinili
niya ang maging dalaga at pangalagaan ang
kaniyang kaharian kaysa mag-asawa subalit ang
kapalit naman nito ay isang digmaan.

Tama! Tunay nga na mapagmalasakit ang Prinsesa


dahil mas pinili niyang maging mapayapa ang
pamumuhay ng kaniyang nasasakupan kaysa
makapangasawa siya ng makapangyarihan Prinsipe.

Pakibasa na ang susunod na talata.


Ngunit may isang taong hindi nasiyahan sa
maunlad na pamamahala ng prinsesa. Ito ay ang
mainggiting pinsan niya. Ibig nitong makuha ang
palasyo at kapangyarihan ng mabait na prinsesa.

Isa sa mga manliligaw ng prinsesa ay iniibig ng


kanyang mainggiting pinsan. Binalak nito ang isang
masamang pakana. Kinausap niya ang manliligaw
na ito at ganito ang kanyang sinabi:
"Iniibig ka ng aking pinsang prinsesa ngunit hindi
ka niya matanggap dahil sa natatakot siyang
lusubin ng mabibigong manliligaw ang kanyang
kaharian. Ang mabuti pa, dalhin mo rito ang iyong
kawal at pagpapatayin mo ang iyong mga kaagaw
na manliligaw at ang mga guwardiya ng Prinsesa.
Pasukin mo ang kanyang kaharian."

Ano naman kaya ang ipinakitang katangian ng pinsan


ng Prinsesa? Ang mga katangiang ipinakita ng pinsan ng
Prinsesa ay ang pagiging mainggitin at sinungaling
po, guro.

Tama! Ang pinsan ng Prinsesa ay naging mainggitin at


ang katangian niyang iyon ang naging sanhi ng
kaniyang pagsisinungaling sa Prinsipe.

Dumako na tayo sa susunod na talata.


Naniwala ang manliligaw sa kabalintunaan ng
mainggiting pinsan ng Prinsesa. Tinipon niya ang
kanyang mga sundalo at sama-sama silang
nagsadya sa kaharian ng Prinsesa.

Sa puntong ito, ano naman ang ipinakitang katangian ng


Prinsipeng mangliligaw ng Prinsesa?
Ang manliligaw ay naging mapagpaniwala sa mga
sinabi ng pinsan ng Prinsesa.

Nakuha mo! Ang Prinsipe ay naging mapagpaniwala sa


kasinungalingan ng pinsan ng Prinsesa.

Basahin naman natin ang mga sumusunod na


pangyayari.

Samantala, isang engkantadong ibon ang


nagsadya sa mabait na Prinsesa. Ibinalita nito ang
masamang balak ng isa sa kanyang manliligaw sa
kagagawan ng kanyang mainggiting pinsan.
Kaagad niyang tinawag ang lahat ng kaniyang mga
kawal at ang mga nasasakupan. Magsilikas kayo
ngayon din!

Madali! Umalis kayo sa kahariang ito, utos ng


Prinsesa. Huwag muna kayong babalik dito.

Nagtaka ang mga tao. Ngunit hindi nila masuway


ang utos ng kanilang mahal na prinsesa. Mabilis
silang nagsipaghanda at noon din ay sama-sama
silang umalis sa kanilang kaharian.

Anong katangian naman ang ipinakita ng mga kawal at


-Ang katangiang ipinakita ng kaniyang mga kawal
kaniyang mga nasasakupan?
at nasasakupan ay ang pagiging masunurin.

Tama! Ang mga kawal at nasasakupan ay naging


masunurin sa kaniyang utos na sila ay umalis sa
kaharian kahit pa naguguluhan sila sa nangyayari.

Susunod naman na talata Nang makaalis na ang mga tao at kawal ay dali-
daling ikinandado ng prinsesa ang lahat ng pintuan
ng kaharian. Pati ang mga trangkahan ng kanyang
palasyo ay kanyang sinarahan.

Kumuha siya ng isang sulo at pumasok siya sa


kanyang silid. Ilan pang sandali ay sinindihan niya
ang kurtina ng kanyang silid at mabilis na kumalat
ang apoy. Napansin ito ng kanyang nasasakupan
at wala silang magawa dahil hindi sila makapasok
sa kaharian.

Sa bahaging ito, ano naman ang mababakas na


katangian ng Prinsesa? Mababakas po rito ang kaniyang pagiging
mapagsakripisyo, guro.

Tama! Hanggang sa huli ay hindi pa rin naging


makasarili ang Prinsesa. Bagkus ay isinakripisyo niya
ang kaniyang sariling buhay para sa kaligtasan ng
kaniyang nasasakupan.

Ngayon ay alamin na natin kung paano nagwakas ang


kwento. Dumaan pa ang maraming araw, nagbalik sa
kanilang kaharian ang mga tao. Hinanap nila ang
mabait na Prinsesa ngunit hindi nila ito makita. Sa
halip, napansin nila ang isang halaman. May
bunga ito tulad ng mapagpalang kamay na kulay
ginto na sa dulo ay may nakabiting puso. Napansin
din nila ang isang hayop na kahawig ng tao. Ito ay
may dalawang mata, kamay, paa at mayroon itong
buntot. Hawak nito ang gintong hugis kamay at
kaniyang kinain.

Ito siguro ang puso at mapagpalang kamay ng


ating mabait na Prinsesa, ang sabay-sabay na
nasabi ng mga tao. At ang hayop na may buntot na
kumakain ng kanyang bunga ay ang mainggiting
pinsan ng prinsesa.

Ang halamang ito at ang hayop na kahawig ng tao


ay siyang pinagmulan ng saging at ang unggoy.

At doon nagtatapos ang alamat ng Saging at Unggoy.


Opo, guro!
Naintindihan niyo ba ang naging daloy ng kwento?

Kung ganoon ay ating balikan ang mga gabay na


tanong.
Para sa unang katanungan, pakibasa at sagutan, Bb.
Jennifer.
1.Bakit labis na minahal ng kaniyang mga
nasasakupan ang Prinsesa?

Ito po ay dahil ang Prinsesa ay mabuti at


matalinong pinuno.

Tama! At bukod pa riyan, ang Prinsesa ay


mapagmalasakit at mapagsakripisyo para sa kaniyang
mga nasasakupan.

Pakisagot naman ang ikalawang tanong, Bb. Airah. 2. Bakit ayaw mag-asawa ng Prinsesa?
Dahil maaari itong maging dahilan ng digmaan.

Tama! Mas gusto na lamang maging dalaga ng Prinsesa


kaysa magkagulo sa pagitan ng mga Prinsipeng
nanunuyo sa kaniya.

Dumako naman tayo sa ikatlong gabay na tanong, Bb.


Jodel.
3. Bakit binuyo ng kaniyang pinsan ang isa sa mga
manliligaw nito?

Ginawa niya ito dahil sa nais niyang makuha ang


palasyo at kapangyarihan ng mabait na Prinsesa.

Tama. Ang lahat ng pakana ng pinsan ng Prinsesa ay


nag-ugat sa pagkainggit. Kaya naman klase, iwasan
ninyo ang ganoong ugali dahil masama iyon.

Para naman sa ikaapat na katanungan, Bb. Rosalia

4.Makatwiran ba ang ipinakitang sakripisyo ng


Prinsesa? Pangatwiranan.

Para sa akin, tama lamang ang ginawang


sakripisyo ng Prinsesa sapagkat bilang pinuno at
gampanin niyang protektahan ang kaniyang
Magaling! May katwiran ang iyong punto. nasasakupan kahit pa buhay niya ang maitaya rito.
Ngayon naman ay dumako tayo sa panghuling
katanungan.
Pakibasa at sagutan, Bb. Myka.
5.Kung ikaw ang Prinsesa, gagawin mo rin ba ang
kaniyang ginawa? Bakit?

Kung ako ang Prinsesa ay akin ding gagawin ang


kaniyang ginawang pagsasakripisyo. Mas pipiliin
kong iligtas ang buhay ng maraming tao kaysa sa
aking sariling buhay. Hindi ko hahayaang
mapahamak ang mga taong naging tapat sa akin
dahil lang sa aking pagiging makasarili.

Mahusay! Napakaganda ng inyong mga punto.


Nababakas kong kayo ay magiging mapagmalasakit na
pinuno kapag nagkataon.

4. Paglalahat
Estratehiya: Story Sequence
Teknik: Isasaayos ng mga mag-aaral ang
tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
sa kwento.

Bilang paglalahat, narito ang ilang mga


pangyayari sa kuwento at inyo itong isasaayos
sa tamang pagkasusunod.
•Maraming Prinsipe ang nanuyo sa Prinsesa
•Binuyo ng mainggiting pinsan ng Prinsesa
ang isa sa kaniyang mga manliligaw.
•Ibinalita ng isang engkantadong ibon ang
masamang balak ng Prinsipe
•Sinindihan ng Prinsesa ang kurtina ng
kaniyang silid at mabilis na kumalat ang apoy.
•Nagkaroon ng halaman at hayop na tinawag
na saging at unggoy.
Mahusay!

5. Paglalapat
Estratehiya: Islogan Making
Teknik: Maglilikha ang mga mag-aaral ng islogan
patungkol sa katangian ng mga tauhan sa alamat na
“Saging at Unggoy, Saan Nagsimula?”.

Panuto: Lumikha ng islogan making patungkol sa


katangian ng mga tauhan sa Alamat na ‘Saging at
Unggoy, Saan Nagsimula?”. Bibigyan ko lamang kayo
ng limang minute upang gawin ito.

Halimbawa: Ang taong inggit, sa paninira kumakapit


Alisin ang inggit sa katawan, para ang buhay ay maging
masaya at magaan.

IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng (/) ang sa gilid ng bilang kung ang katangian ay ipinamalas na ugali ng
prinsesa. Lagyan naman ng (x) kung ito’y katangiang ipinamalas ng kaniyang pinsan. Gawin ito
sa sangkapat na papel.

1. mainggitin
2. mabait
3. mapag-imbot
4. taksil
5. mapagmalasakit
6. mapagsakripisyo
7. sinungaling
8. matalino
9. mapanlinlang
10. relihiyoso

Susi sa pagwawasto:
1. mainggitin x
2. mabait /
3. mapag-imbot x
4. taksil x
5. mapagmalasakit /
6. mapagsakripisyo /
7. sinungaling x
8. matalino /
9. mapanlinlang x
10. relihiyoso /

V. Takdang-Aralin:
Panuto: Magbigay ng kaugnay na salita ng mga sumusunod na katangian. Gawin ito sa
kapirasong papel.
Ang tao ay maituturing na relihiyoso kung:

1.
2.
3.
4.
5.

Ang tao ay mainggitin kung:

1.
2.
3.
4.
5

You might also like