You are on page 1of 9

Detalyadong Banghay-Aralin sa Estruktura ng Wikang Filipino

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipaliliwanag ang wastong paggamit ng mga bantas ;
B. Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang wastong paggamit ng bantas
bilang bahagi ng komunikasyon; at
C. Nauugnay ang pag-aaral ng mga wastong bantas sa paggamit ng bantas
sa pagbuo ng mga pangungusap.

II. Nilalaman
Paksa: Wastong Paggamit ng Bantas
Sanggunian: https://www.slideshare.net>bantas
https://www.scribd.com>gamit-ng-bantas
Kagamitan: Pantulong biswal

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

 Panalangin
Tumayo na ang lahat para sa ating “Mag siyuko ang lahat at damhin natin
pambungad na panalangin na ang presensya ng Panginoon, sa ngalan ng
papangunahan ni Ginoong Jun… ama, ng anak, at ng Diyos, Espirito santo…

Amen”.

 Pagbati
Magandang Umaga mga bata! “Magandang Umaga rin po!”.

 Pagsasaayos ng Silid-aralan
Bago magsiupo ay iayos muna ang
hanay ng mga upuan at pulutin ang kalat na
makikita sa inyong paligid.
Maaari na kayong maupo. “Salamat po”.
 Pagtatala ng mga lumiban
Binibining kalihim, mayroon bang
lumiban na kamag-aaral ninyo ngayong “Wala po, ma’am”.
araw?
Kung wala ay maraming Salamat.

B. Pagbabalik-aral
Bago tayo tumungo sa ating (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
panibagong aralin, ano muna ang ating
tinalakay o napag-aralan nitong nakaraan?
“Ang atin pong pinag-aralan o tinalakay
Sige, binibining Ariane. noong nakaraan ay patungkol sa Grafema”.

Ano na ang ang patungkol sa Grafema?


“ito po ay isang set o pangkat ng mga
Sige, binibining Rachel. bahagi sa isang Sistema ng pagsulat na
binnubuo po ng Titik at di-titik”

Ano naman ang titik at di- titik?


“ang titik po ay binubuo ng mga letra sa
Sige, Hero. alpabeto na tinatawag na katinig at patinig
samantala naman po ang di-titik ay ang mga
bantas.”

Maraming Salamat! Mukhang kayo


nga ay may natutuhan sa ating tinalakay
noong nakaraang araw.

C. Pagganyak
Bago tayo pormal na tumungo sa ating
panibagong aralin ay mayroon akong
inihandang gawain, ang gawaing ito ay
tinatawag
‘’ AKO NAMAN ANG PILIIN MO” mayroon
akong orasan dito at sa likod ng bawat
numero ay may katumbas na linya galing sa “Opo, malinaw po”.
isang palabas o movie. Ngayon nais ko itong
banggitin Ninyo ng naaayon sa porma ng
mga bantas na ginamit rito. At kinakailangan
ninyong ibigay ang wastong bantas upang
mabuo ang pinapahatid diwa Ng bawat (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
pangungusap.
Malinaw ba at naunawaan ang
gagawain? Kung gayon ay simulan na natin. “Base po sa ating ginawang aktibidad,
ang atin pong susunod na aralin ay patungkol sa
D. Paglalahad ng paksang-aralin Wastong Paggamit ng mga Bantas”.
Base sa inyong ginawang aktibidad,
ano kaya sa tingin ninyo ang ating bagong
aralin na tatalakayin ngayon?

Sige, binibining Rachel

Tumpak! Mahusay! Maraming Salamat sa


iyong tinuran binibini. “Opo”

E. Pagtatalakay
Ngayon ay dadako na tayo sa ating
panibagong aralin, ang Wastong Paggamit
ng mga Bantas.

Handa na bang making ang lahat?

Ang maayos na pagbibigay Ng


kahulugan sa isang, parirala, at
pangungusap, ay mahalagang sangkap para (Mag-aaral)- “Simbolismong ginagamit sa
sa malinaw, at mabisang komunikasyon at pangungusap”
paglalahad ng ideya. Sa paggamit ng iba’t-
ibang marka o simbolismo, higit na
nabibigyang diin ang layunin ng isang
pangungusap. Kaya kinakailangan na wasto
ang paggamit ng bantas sa isang
pangungusap.

Ano ang bantas?


Magaling!

Ang bantas ay tumutukoy sa mga


marka o simbolo na ginagamit upang
ipahayag ang pagtigil, pagtanong, o
pagpapahayag ng damdamin sa isang
pangungusap.

Para matukoy natin kung ano ang


damdaming nais ipahatid ng pangungusap.
Narito ang mga bantas na maaaring gamitin
upang maipahatid ang pangunahing diwa ng  Tuldok (.)
pangungusap  Tandang Pananong (?)
 Tandang Padamdam (!)
Maaari bang pakibasa ng sabay-sabay.  Kuwit o Koma (,)
 Tutldok o kolon (:)
 Kudlit o Apostrofi (‘)
 Panaklong o Parentisis ()
 Panipi o Kotasyon (“”)
 Gitling (-)
 Tuldukuwit (;)

 Tuldok – ginagamit sa pagtapos


ng mga pasalaysay at paturol na
pangungusap.
Halimbawa: Ang daigdig ay isang
tanghalan

 Tandang Pananong – ginagamit


upang magtanong.
Halimbawa: Puwede niyo po bang
ituro ang daan papuntang
simbahan?
 Tandang Padamdam – ginagamit
upang magpahayag ng masidhing
damdamin.
Halimbawa: Naku! naliligaw na
yata tayo.

 Kuwit – ginagamit sa
paghihiwalay ng isang sinipi,
ginagmit din upang mapaghiwalay
ang pagkakasunod sunod na
grupo ng mga salitang
magkakauri, at iba pa.
Halimbawa: Ang saging, pinya, at
mangga ay mga halimbawa ng
mga prutas na madalas makita sa
palengke.

 Kudlit – ginagamit upang palitan


ang isang letra na kinakalatas.
(Siya ay, siya’y)
Halimbawa: Si Mike ay isang
Pilipino ngunit siya’y isinilang sa
Pilipinas.

 Gitling – ginagamit sa mga


salitang inuulit.
Halimbawa: Ang teknolohiya ay
mahalaga sa pang araw-araw na
buhay ng mga tao.

Heto pa ang ang iba pang mga bantas:

 Tutuldok- ginagamit kung may


lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa: Maraming uri ng
gulay ang nakatanim sa hardin
tulad ng: ampalaya, upo, talong,
okra, sitaw, at kalabasa.

 Tuldok-kuwit- ito ay naghuhudyat


ng pagtatapos ng isang
pangungusap na kaagad naman
sinusundan ng isa pang sugnay
nang hindi gumagamit ng
pangatnig.
Halimbawa: Naguguluhan siya sa
kanyang buhay; iniisip niyang
magpakatiwakal na lamang.

 Panipi- inilalagay ito sa unahan at


dulo ng isang salita.
Halimbawa: “Kabataan ang pag-
asa ng bayan”, ayon kay Dr. Jose
Rizal.

 Panaklong- ginagamit na
pambukod sa salita o mga salitang
hindi direktang kaugnay ng diwa (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
ng pangungusap.
Halimbawa: Ang ating
pambasang bayani (Dr. Jose
Rizal) ang may akda ng Noli Me “Ang agos ng ilog ay tila musika sa aking tenga.”
Tangere.

Mag bigay nga kayo ng halimbawa na


pangungusap gamit ang mga nabanggit na
bantas.

Sige, ginoong Christian.

Mag bigay pa ng pangungusap na ginagamitan


naman ng bantas na gitling.

Sige, binibining Charie.

“Ang aking kamag-aral ay maagang pumasok.”


Sige, ginoong Jhestonnie.

“Araw-araw akong pumapasok sa paaralan.”


Mahusay tila naunawaan ninyo ang
wastong paggamit ng mga bantas.

Magaling! Tama lahat ng sinabi ninyo.

F. Paglalahat
Malinaw ba ang naging talakayan ngayong
araw?

Mabuti naman, kung gayon ay


mayroon lamang akong katanungan.

Bakit kailangan gumamit ng


wastong bantas sa isang pangungusap? “Opo, malinaw po”.

Sino ang may nais na magbahagi ng


kanilang sagot?

Sige Hanna, ikaw.

“Ma’am”

Mahusay! Tama ang iyong tinuran binibini.


“Ang wastong paggamit ng bantas sa
Sino pa? pangungusap ay mahalaga upang maayos na
maipahayag ang kaisipan at mensahe ng isang
teksto.”

Okey sige, Jopie.

“Ako po”

Lahat ng sinabi at binahagi ninyo ay


tama! Kinakailangan natin gumamit ng mga
wastong bantas sapagkat ito ay nagbibigay- “Upang tayo po ay mas makapagbahagi ng mas
linaw sa pagkakasunod-sunod ng mga salita maayos na mensahe sa ibang tao."
at bahagi ng pangungusap, na nagtutulong
sa mambabasa na maunawaan nang
maayos ang mensahe ng manunulat. Ito ay
nagbibigay-daan sa pagpapahayag ng mas
malalim at mas kompleksong konsepto sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mga
paghihiwalay na marka sa loob ng teksto. Sa
ganitong paraan, ang wastong bantas ay
nagpapadali sa pag-unawa at pagtanggap
ng mambabasa sa mga kaisipan at
argumento na ibinabahagi ng manunulat.

May mga katanungan pa ba?

Naunawaan nyo ba mga bata?

G. Paglalapat (Pangkatang Gawain) “Wala na po, ma’am”.


Panuto: Hahatiin ko kayo sa tatlong
pangkat at pumili kayo ng isang “Lubos po naming naunawaan”.
representante. Gumawa kayo ng limang
halimbawa ng pangungusap na
gumagamit ng wastong bantas at tukuyin
kung anong uri ng bantas ang ginamit .
Ilalagay ito sa isang buong papel at
maaari ninyo lamang itong gawin sa loob
ng sampung minuto.

Nauunawaan ba?

“Opo! Ma’am naunawaan po namin”.

IV. PAGTATAYA
“Bantas ko, Itama mo!”
Panuto: Sa sagutang papel na ibinigay sa inyo isulat at tukuyin ang mga maling
bantas na ginamit sa teksto at kinakailangang iwasto ang mga maling bantas na
ginamit upang maipahatid ang diwa ng teksto. Gawin lamang ito sa loob ng limang
minuto.
Nakatanggap ako ng sulat mula sa aking kaibigan, at tila mayroon siyang ilang
mga isyu sa paggamit ng bantas. Narito ang teksto:
“Kumusta ka na. Alam mo, kamakailan lang ay nakita ko ang aking dating
kaibigan sa mall at tuwang-tuwa ako. Kumain kami sa paborito naming restawran at
kwentuhan kami ng mga kababalaghan sa aming buhay! Pagkatapos naming
kumain, nag desisyon kami na manood ng sine. Pumili kami ng magandang palabas
at natuwa ako dahil libre lang ang tiket namin. Kaya naman nagpasalamat ako sa
kanya at sabi ko sa kanya na sana ay mas madalas na kami magkita-kita?”

V. Takdang-Aralin
Para sa inyong takdang aralin gumawa ng isang komik strip patungkol sapag-
uusap ng magkaibigan. Gawan ito ng linya gamit ang wastong bantas. Ilagay
ito sa isang bond paper at ipapasa sa susunod na pagkikita.

Halimbawa:

Pamantayan Porsyento
Nilalaman 50%
Paggamit ng mga salita 25%
Pagkamalikhain 25%
Kabuuan 100%

You might also like