You are on page 1of 4

PANGASINAN STATE UNIVERSITY

ASINGAN CAMPUS
ASINGAN PANGASINAN
____________________________________________________________________________________
Submitted to: Louie Casaclang

Banghay aralin 4

I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nalalaman ang kahulugan ng panghalip.
2. Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng panghalip.
3. Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito.

II. Paksang aralin:


a. Paksa: Panghalip
b. Sanggunian: laman at lahi ng wika at pagbasa ng mga mag-aaral (pahina 78-84)
c. Kagamitan: laptop (visual aids)
d. Estratehiya: Gamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip.

III. Pamamaraan:

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral

A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban

B. Panlinang ng Gawain:
1. Pagganyak:
 Paunahang isulat ang tamang baybay
na aking sasabihin.
“Ngayon mga bata paunahang isulat ang baybay ng:
 Panghalip (Sinusulat ang tamang baybay)
 Panghalip panao
 Panghalip panaklaw
 Panghalip pamatlig
 Panghalip pananong

“Magaling!”
“Mahusay!”

2. Paglalahad ng paksa:
“Mga bata, batay sa inyong mga ginawa kanina. Anu- “Pagsulat ng tamang baybay po?”
ano ang inyong mga napansin?” “Puro Panghalip po”

“Kung gayon mga bata, may ideya ba kayo kung ano


ang maaaring paksa natin sa araw na ito?”
“Panghalip po”

3. Pagtatalakay:
“Ang aitng paksa sa araw na ito ay walang iba kundi ay
Panghalip”

Ano nga ba ang kahulugan ng panghalip? “Ito ay sang mga salitang ginagamit na pamalit o
panghalili sa pangalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at
pangyayari.”
“Tama!”

Halimbawa:
1) Si Arnold ay magaling sumayaw. Siya ang
pambato ng paaralan.
2) Lahat tayo ay kailangang magkaisa para sa
bayan.
3) Sino si Rachel sa buhay mo?
4) Iyon ang silid na sinasabi nilang may multo.

“Mga bata may mga napansin ba kayo sa mga salitang


nasalunguhitan?” “Opo”
“Marami po”
“Iba-iba po”

“Magaling”
“Tama, ito ay mga salitang humahalili lamang sa isang
pangungusap.”

“Mayroon tayong apat na uri ng Panghalip.”


Ito ay ang:
 Panghalip panao
 Panghalip panaklaw
 Panghalip pananong
 Panghalip pamatlig

“Unahin natin ang Panghalip panao.”


“Ano kaya ang kahulugan nito?” “Mula sa salitang tao kaya’t nagpapahiwatig na para
sa tao o pang tao.”
“Tama!”

Halimbawa:
 Si Donna ay magaling kumanta. Siya ay
lalaban para bukas.

“Isunod naman natin ang panghalip panaklaw.”


“Ano ang panghalip Panaklaw?” “Mula sa salitang saklaw kaya’t nagpapahiwatig na
pang-saklaw o pangsakop.?
“Tama”
Halimbawa:
 Bawat isa ay may kanya-kanyang tungkulin.
“Pangatlo naman ay ang Panghalip pananong.”
“Ano naman ang Panghalip pananong?” “Mula sa salitang tanong kayat may kahulugang
pagtatanong.”
“Tama”
Halimbawa:
 Sino ang iyong napupusuan?

“Panghuli naman ay walang iba kundi ang Panghalip


pamatlig.”

“Ano ang kahulugan ng Panghalip pamatlig?


“Inihahalili o ipinapalit sa pangangalang itinuturo.”
“Mahusay!”
Halimbawa:
 Iyon ang bahay na lilipatan nila Susan.

“Naintindihan niyo ba mga bata?”


“Opo”
4. Paglalahat:
Balikan natin!
“Anu-ano na ulit ang apat na uri ng panghalip?”
“Panghalip panao, panaklaw, pananong at pamatlig.”
“Anu-ano na ulit ang mga gamit nito?”
“Panao para sa tao”
“Panaklaw para sa lahat”
“Pananong para sa pagtatanong”
“Pamatlig para sa itinuturo”

“Anu-ano naman ang mga kahalagahan nito?


“Upang matukoy kung anong uri ng panghalip ang
“Mahusay!” ginamit.”

5. Paglalapat:
Panuto:
Tukuyin ang mga salitang panghalip at sabihin kung
anong uri ng panghalip ang ginamit.
(Salitang Panghalip) (Uri ng Panghalip)
1. Si Jen ang nagpapatibok ng aking puso. Siya
ang babaeng natitipuhan ko. Siya Panao

2. Kilala mo ba yung babaeng iyon?


Kilala Pananong
3. Magkaisa tayong magtanim.
Magkaisa Panaklaw
4. Iyan ang pagkaing binili ng aking lola.
Iyan Pamatlig
5. Doon kami kumain sa bahay.
Doon Pamatlig
IV. Pagtataya:
 Gumawa ng tig-iisang halimbawa ng pangungusap gamit ang apat na uri ng panghalip.

V. Takdang Aralin:
 Makinig ng maayos sa susunod na klase.

You might also like