You are on page 1of 5

PANGASINAN STATE UNIVERSITY

ASINGAN CAMPUS
ASINGAN PANGASINAN
____________________________________________________________________________________
Submitted to: Louie Casaclang
Banghay aralin 4 sa Filipino

I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nalalaman ang kahulugan ng pandiwa.
2. Natutukoy ang tatlong sangay ng pandiwa o salitang kilos.
3. Napapahalagahan at naisasapamuhay ang kahulugan ng pandiwa at tatlong sangay nito.

II. Paksang aralin:


a. Paksa: Pandiwa
b. Sanggunian: Alab Filipino (pahina 56-61)
c. Kagamitan: laptop (visual aids)
d. Estratehiya: Gamit ang salitang pandiwa

III. Pamamaraan:

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang Gawain:

1.) Panalangin:
2.) Pagbati:
3.) Pagtala ng liban:

B. Panlinang ng gawain:

1.) Pagganyak:
 Kanilang sasagutan ang mga larawang aking
ipapakita. (Four pics one word)

Ngayon mga bata bago ninyo sagutan ang mga “Opo mahal na guro”
larawang aking ipapakita. Nais ko munang
ipaalam sa inyo ang aking alituntunin sa klase.

ALITUNTUNIN:
1. Makinig at huwag magsasalita kapag ang guro ay
nagtuturo.
2. Kapag may mga katanungan o gustong magsagot,
huwag mahihiyang pindutin ang raise hand o
magtaas ng kamay.
3. Huwag mahihiyang magpaalam sa guro kapag
may importanteng gagawin.

Ngayon atin nang sagutan ang mga larawang aking


ipapakita.
(Unang larawan) “Naghuhugas po”

(Pangalawang) “Naglalaba po”

(Pangatlong larawan) “Nagtatanim”

(Pang-apat na larawan) “Nagluluto po”

2.) Paglalahad ng paksa:


“Mga bata batay sa mga larawang aking ipinakita, anu- “Mga nagtatrabaho po”
ano ang inyong mga napapansin?” “Mga gumagalaw po”
“Mga taong kumikilos po”
“Magaling!”

“Kung gayon may ideya ba kayo kung ano ang maaring “Opo”
paksa natin sa araw na ito?” “Ito po ay Pandiwa po o salitang kilos”

“Tama!”
“Magaling”

“Ang paksa natin sa araw na ito ay walang iba kundi ay


Pandiwa.”

3.) Pagtatalakay:
“Ano nga ba ang kahulugan ng Pandiwa”

“Sinong may gustong magbasa?” “Pandiwa – ito ay nagsasaad ng kilos o galaw batay sa
isang pangungusap.”

“Tama!”
Halimbawa:
 Naghuhugas
 Naglalaba
 Nagtatanim
 Nagluluto

“Ngayon subukan naman nating gamitin sa pangungusap


ang mga sinabing halimbawa.”

“Sino sa inyo ang gustong magbigay nang pangungusap “Si Leni ay naghuhugas kasama ang kanyang mga
gamit ang naghuhugas.” kaibigan.”

“Magaling!”

“Gamitin naman natin sa pangungusap ang salitang “Si Andrew ay naglalaba ng kanyang mga damit.”
naglalaba, sinong may gustong magbigay?”

“Tama!”

“Paano naman gamitin ang salitang nagtatanim sa “Si Tina ay nagtatanim ng puno”
pangungusap?”
“Magaling”

“paano naman sa nagluluto?” “Si Juan ay nagluluto ng sopas.”


Ngayon alam niyo na kung ano ang kahulugan ng pandiwa “Opo mahal na guro.”
at kung paano ito gamitin sa pangungusap?”

“Mabuti kung ganon.”

“Alamin naman natin ang tatlong sangay ng pandiwa o


salitang kilos.”

“Ito ay ang:”
1. Nagawa/Ginawa
2. Ginagawa
3. Gagawin

“Unahin natin ang unang sangay ng pandiwa o salitang


kilos.”

1. Nagawa/Ginawa
“Ano nga ba ang kahulugan ng nito.”

 Ito ay salitang kilos na nagpapakitang natapos na “Ah ito pala ang kahulugan nito.”
itong gawin.

Halimbawa: Si Ana ay nagtanim ng talong sa kanilang


bakuran noong isang araw.

“Alin diyaan ang salitang kilos na nagpapakitang nagawa “Ang salitang nagtanim po.
na?”

“Magaling”

“Dumako naman tayo sa pangalawang sangay ng pandiwa “Opo”


o salitang kilos.”

2. Ginagawa
“Ano kaya ang kahulugan ng salitang ginagawa.”

 Ito ay salitang kilos na nagpapakitang ginagawa


ang isang bagay sa pangungusap.

Halimbawa: Si ana ay kasalukuyang nagtatanim sa


kanilang bakuran.

“Maaari ba ninyong tukuyin kung alin diyaan sa “Salitang nagtatanim po.”


pangungusap ang nagpapakita ng salitang kilos na
ginagawa pa lamang?”

“Tama!”

“At para naman sa panghuling sangay ng pandiwa o


salitang kilos ay.

3. Gagawin:
“Ano naman ang kahulugan nito?”

 Ito ay salitang kilos na nagpapakitang gagawin


palang ang isang bagay sa pangungusap.

Halimbawa: Si ana ay magtatanim ng talong sa susunod


na linggo doon sa kanilang bakuran.

“Ngayon para mas maging malinaw ang ating tinatalakay,


aking inilagay ang tatlong sangay ng pandiwa o salitang
kilos kasabay narin ng mga ginamit na kilos sa
halimbawa.”

“Malinaw naba mga bata?” “Opo mas malinaw na po.”

4.) Paglalahat:
“Balikan natin!”
“Ano na ulit ang kahulugan ng Pandiwa?” “ito ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw.”

“Anu-ano naman ang tatlong sangay ng pandiwa o “Ito ay ang:”


salitang kilos?” 1. Nagawa/Ginawa
2. Ginagawa
3. Gagawin

5.) Paglalapat:
Panuto: Paunahang tukuyin kung anong sangay ng
pandiwa o salitang kilos ang ginamit.

1. Si Aleng Juaning ay nagluto ng pinakbet kanina. “Nagawa/Ginawa”

2. Si Juan ay kumakain sa kanilang silid-aralan. “Ginagawa”

3. Si Karding ay mag-iigib palang ng tubig sa “Gagawin”


kabilang bahay.

4. Si Isiang ay nagsusulat ng liham para sa kanyang “Nagawa/Ginawa”


kapatid noong isang araw.

5. Si Mang Isko ay nagluluto ng bulalo. “Ginagawa”

IV. Pagtataya:
 Sumulat ng tig-lilimang halimbawa ng pangungusap gamit ang tatlong sangay ng pandiwa o salitang
kilos.
V. Takdang aralin:
 Kumain at matulog nang maaga para hindi antukin sa susunod na klase.

Inihanda ni: Benjo T. Baquirin

You might also like