You are on page 1of 9

New Era University

No. 9 Central Ave. New Era Quezon City

Pakitang – Turo sa

Filipino

Ikatatlong Baitang

I. Layunin:
Matapos ang pagtatalakay, ang mga bata ay inaasahan na:
a. matukoy ang mga salitang kilos sa tulong ng mga larawan,
b. magamit ang mga salitang kilos sa isang payak na
pangungusap,
c. malaman ang kahalagahan ng pandiwa dahil ito’y kanilang
ginagawa sa araw-araw.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pandiwa
B. Sanggunihan: SIGAY 3 Wika at Pagbasa
Dayo,Benjamin.,Pp.147,207-209
C. Kagamitan: Laptop, projector, wattpad, mga larawan na
nagpapakita ng kilos o galaw
III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtetsek ng liban at
hindi
liban,pagsasaayos
ng loob ng silid-
aralan.
c. Pagbati

1.Pagganyak

“Mga bata, handa na ba


kayong magsimula sa “Opo”
panibago nating aralin
ngayon?”

“Mahusay! Dahil dyan


inaanyayahan ko ang lahat
na tumayo at sabay-sabay
tayo na umawit”

Mga Kilos (Sumabay sa pag-awit)


Lakad, atras
Kaway, kembot
Giling, talon
Ikot, upo

“Mahusay! Maari na kayo (Umupo ang mga bata)


umupo”

“Ngayon nama’y mayroon


akong babasahin sa inyong
isang kwento. Ito ay tungkol
kay Tigre at kay Daga.
Sundan ninyo ang
pagbabasa gamit ang inyong
mga mata at isip”

“Kapag may nagbabasa sa “Opo”


harap ay dapat ba na
makinig?”

(Binasa ang kwento ng Ang (Nakinig ang mga bata)


Tigre at ang Daga)

(Magtatanong sa mga
magaaral habang
nagbabasa)

“Mga bata, Ano ang pamagat “Ang Tigre at ang Daga po ”


ng kwento na ating binasa?
Bb._____”

“Sino-sino ang mga tauhan “Si Tigre at ang dalawang


sa kwento? G._____” Daga po”

“Ano yung ginawa ng Tigre “Minaliit po”


noong una silang nagkita ng
daga? BB.____”

“Mahusay, ngunit kahit na “Tinulungan po ang Tigre”


ganoon ay ano parin ang
ginawa ng Daga nang nahuli
si Tigre sa kagubatan ng
isang lalaki?G.____”

“Ngayon, balikan naman


natin ang kantang inawit
natin kanina”
“Natatandaan nyo pa ba ang “Opo”
mga bagay na ginawa nyo
habang umaawit?”

“Ano-ano ang mga “Lakad po”


iyon?Magbigay ng isa, Bb.
____”

“Mahusay, Ano pa? G. ____” “Atras po”

“Maliban doon ay ano pa? “Kaway po”


G.___“ “Kembot po”
“Giling po”
“Talon po”
“Ikot po
“Upo po”

B. Paglalahad

“ Lahat ng mga ginawa niyo “Mga kilos po”


kanina habang umaawit, sa
tingin ninyo. Ano ang mga
iyon? G.____”

“Tama. Mga kilos o tinatawag


natin na Pandiwa”

“Ano ang Pandiwa? Sabay- (Sabay-sabay na babasahin


sabay ninyo ngang basahin” ang nasa harapan)
“Salitang nagsasabi ng kilos
o galaw”

“Mahusay!”

“Narito ang ilan sa mga


halimbawa ng pandiwa”
(Nagpakita ng mga larawan)

“Ano ang ginagawa ng bata?” “Kumakanta po”

“Ano ang ginagawa ng ibon?” “Lumilipad po”

“Ano ang ginagawa ng isda” “Lumalangoy po”

“Ano ang ginagawa ng “Nagpupulot po ng mga kalat”


bata?”

“Oh, dapat ba nagpupulot “Opo”


tayo ng kalat?”

“Tama. Ngayon
magkakaroon tayo ng isang
pagsasanay. Itataas ninyo
ang masayang mukha kung
tama ang paggamit ng
pandiwa sa pangungusap at
itaas ang ninyo naman ang
malungkot na mukha kung
mali ang paggamit ng
pandiwa sa pangungusap.”

(Nagpakita ng mga larawan


sa harapan)

1. Si Ana ay kumakain (Itataas ang masayang


mukha)
“ Mahusay!”

2. Ang bata ay nagbabasa ng (Itataas ang malungkot na


aklat mukha)

“Mahusay!”

3. Ang mga magsasaka ay (Itataas ang masayang


nagtatrabaho mukha)
“Magaling!”

4. Si Carlo ay natutulog (Itataas ang malungkot na


mukha)
“Magaling!”

5. Si Ate ay kumakanta (Itataas ang masayang


mukha)

“Mahusay! Dahil dyan ay “1,2,3


bigyan niyo ang inyong mga 1,2,3
sarili ng Ang galling galling Ang galling galling ko!”
klap”

C. Pagtalakay sa Aralin

“Ngayon ay hahatiin ko kayo


sa tatlong pangkat at bawat
pangkat ay may nakatakdang
gawain”

(Pinag pangkat-pangkat ang


mga mag-aaral at itinuro ang
kanilang pwesto)

(Ibinigay ang bawat Gawain


ng pangkat)

Pangkat 1 – Bilugan ang (Pumunta sa kanilang pwesto


bawat pandiwa sa at ginawa ang gawain na
pangungusap ibinigay sa kanila)

Pangkat 2 – Gamitin sa
pangungusap ang mga
pandiwa
Pangkat 3 – Pagduktungin
ang larawan sa tamang
pandiwa

“Bibigyan ko lamang kayo ng


limang minuto at pagkatapos
ay pumili ng isang kinatawan
ng grupo upang ipresenta
ang inyong mga gawa”

“Tapos na ang limang (Bumalik na sa kani-kaniyang


minuto, bumalik na kayo sa upuan)
inyong mga upuan”

D. Paglalapat

(Presentasyon ng bawat
grupo)

“Unang magpapakita ng
kanilang ginawa ay ang (Pinakita ang ginawa ng
unang pangkat” Pangkat 1 sa harap ng klase)

“Magaling, bigyan ninyo sila “1,2,3


ng ang galling-galing klap” 1,2,3
Ang galling galling niyo!”

“Susunod ang ikalawang (Prinesenta ang gawain ng


pangkat” Pangkat 2 sa harap ng klase)

“Mahusay, bigyan ninyo sila “1,2,3


ng Mahusay Klap” 1,2,3
Ang husay husay niyo!”
“Susunod ang ikatlong (Ipinakita ang gawa ng
pangkat” Pangkat 3)

“Ang lahat ng pangkat ay “1,2,3


magaling kaya’t bigyan ninyo 1,2,3
ang inyong mga sarili ng “pshh,psshh,psshh,Boom!”
Fireworks klap”

E. Paglalahat

“Ano ang ating napag-aralan “Pandiwa po”


ngayon?”

“Ano ang Pandiwa?Bb.___” “Ang pandiwa po ay


nagsasabi ng mga kilos o
galaw”
“Maaari ka bang magbigay
ng ilang halimbawa ng “Naglalakad,
pandiwa?G.___” Tumatalon,kumakain”

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at tukuyin ang mga Pandiwa sa


bawat pangungusap. Ikahon ang mga ito.

1.)Gumuhit ako ng larawan ng aking nanay.


2.). Si tatay ay nagbabasa ng dyaryo tuwing umaga.
3.)Inimbita ko ang aking mga kaibigan sa bahay.
4.)Kumakain ng pritong manok si Joy.
5)Uuwi kami sa probinsya sa darating na Abril.
V. Kasunduan

Magtala ng limang pandiwa at gamitin sa payak na pangungusap.

Inihanda nina: Rallos, Hazel


Rendal,Sheila
Reyes,Keith
Rotap,Malene
Santos,Elaine

Ipinasa kay: G. Reynaldo Ramos Jr.

You might also like