You are on page 1of 8

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY

Biglang Awa St., Corner Catleya St., EDSA, Caloocan City


COLLEGE OF EDUCATION

Detalyadong Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao II

Inihanda nina: Elixir Cyan Ebuenga, Daphne Leanna A. Moreno, at Josiella Mekaira P. Salenga

I. Paglalarawan:

Paksa: Modyul 3: Mga Magalang na Pananalita


Baitang: Ikalawang baitang
Markahan: Ikalawang Markahan

II. Most Essential Learning Competency:


Nakagagamit ng magalang na pananalita sa kapwa bata at nakatatanda (EsP2P- IId – 8)

III. Mga layunin:


1. Nakikilala ang mga magalang na pananalita sa tulong ng mga bidyo at paglalahad ng guro
2. Naisasagawa ang wasto at tapat na pakikitungo at pakikisalamuha sa kapwa sa pamamagitan ng
pagsasadula sa pangkatang gawain
3. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging magalang sa kilos at pananalita sa
pamamagitan ng mga larawan at paglalahad ng guro

IV. Paksang Aralin:

A. Sanggunian:
∙ Elemento, E.A. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao. (1st ed.).
∙ Flexy Bear. (2021, March 17). Ang Batang Magalang [Video]. Youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=HOniFF7oBBk&list=RDHOniFF7oBBk&start_radio=1
∙Teacher Jenny’s TV. (2021, February 14). Magagalang na Pagbati - Motivation Song (Filipino)
[Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=RCl5O8wnS0E

B. Kagamitan: Visual Aids, mga larawan, bidyo, laptop, projector

V. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

“Mga bata, tayo’y tumayo para sa ating

1|Page
panalangin. Ipikit ang mga mata, iyuko ang (Sila’y tatayo, pipikit, yuyuko, at tahimik na
ating mga ulo at manalangin ng tahimik.” magdarasal.)

2. Pagbati

“Magandang umaga sa inyo mga bata!” “Magandang umaga rin po, Bb…..!”

“Kamusta kayo?” “Mabuti naman po kami, Bb….”

“Masaya akong kayo ay mabuti at tayo’y (Sila’y mauupo na sa kanilang mga silya)
nagkita muli. Maari na kayong umupo”.

3. Pagtala ng liban

“Ngayon mga bata, dumako muna tayo sa


pagtatala kung sino ang mga nakaliban at sino
ang mga nandito ngayon sa klase. Pag (lahat ng mga mag-aaral ay magbibigay ng kani-
binanggit ko ang inyong pangalan, sabihin kanilang paboritong palabas sa telebisyon)
ang paborito niyong palabas sa telebisyon.” (kumpleto ang lahat ng mag-aaral)

“Magaling!, kayo ay kumpleto at walang


lumiban ngayong araw.”

B. Motibasyon
“Mga magagalang na pananalita”
“Ngayon naman, may inihandang bidyo si (Ang mga bata’y manonood at sasabayan ang
teacher inyong panoorin at sabayan ang kanta)
kanta.”

C. Balik-aral
“Bago tayo dumako sa ating bagong talakayan (magtataas ng kamay si Kieven)
tayo muna ay magbabalik-aral. Sino ang “pinag-aralan po natin yung tungkol sa iba’t ibang
makapagbibigay kung ano ang ating kalagayan ng ating kapwa at paano makitungo sa
tinalakay noong nakaraang biyernes?” kanila.”

“Magaling, Kieven!”

“Magbigay naman ng halimbawa kung paano (magtataas ng kamay si Kristel)


natin maipapakita ang pagmamahal natin sa “Kapag may nakasabay po akong malabo ang
kapwa na may ibang kalagayan?” paningin habang tumatawid, siya po ay aalalayan
ko.”

2|Page
“Mahusay, Kristel!”

(gagawin ng lahat ang “Ang galing clap”)


“Bigyan nga natin ng “Ang galing Clap” ang
mga sumagot.”

“Natatandaan niyo pa nga ang nakaraan nating


pinag-aralan, napakahusay!”

D. Paglalahad ng paksa

“Ngayon, bago tayo magsimula ilalahad ko


muna kung ano ang mga layunin natin sa
talakayang ito.”

“Pagtapos ng ating talakayan, kayo ay


inaasahan na….”
1. Nakikilala ang mga magalang na
pananalita sa tulong ng mga bidyo at
paglalahad ng guro.
2. Naisasagawa ang wasto at tapat na
pakikitungo at pakikisalamuha sa kapwa sa
pamamagitan ng pagsasadula sa pangkatang
gawain.
3. Naipamamalas ang pag-unawa sa
kahalagahan ng pagiging magalang sa kilos at
pananalita sa pamamagitan ng mga larawan
at paglalahad ng guro.

“Yan ang ating mga layunin ngayong


talakayan. Ngayon, may ipapanood ulit akong “Ang batang Magalang”
bidyo sa inyo, panoorin at pakinggan ito at (Sila’y uupo ng mayos at handa ng manood at
kung handa na kayo ay umupo na ng pakinggan ang kanta)
maayos.”

“Sa inyong pinanood na bidyo, ano kaya ang (magtataas ng kamay si Mary)
katangian ng bata?” “Ang bata po ay magalang”.

“Magaling, Mary! ang bata ay magalang.”


Bigyan nga natin si Mary ng “Magaling, (gagawin ng lahat ang “Magaling, Mahusay Clap”)
Mahusay Clap”.

“Ano naman kaya ang ginagamit na salita ng


(magtataas ng kamay si Kate)
isang batang magalang?. Ang batang
“gumagamit ng po at opo.”
magalang ay gumagamit ng…..?”

3|Page
“Mahusay, Kate!, bigyan naman natin si Kate
ng “fireworks clap”. (gagawin ng lahat ang “fireworks clap”)

“Ngayon, ano naman kaya ang (sila’y magtataas ng kamay)


mga magalang na pananalita ang binanggit sa “Maraming salamat po……, patawad po……,
bidyo?” makikiraan po……….., paki-usap po….”

“Mahusay! Lahat ng inyong sinagot ay tama, (gagawin ng lahat ang “Magaling, mahusay clap”)
bigyan nga natin ang bawat isa ng “magaling,
mahusay clap”.

“Ang bidyo na inyong pinanood ay konektado


sa ating paksang tatalakayin at ito ang……”

E. Pagtatalakay ng Paksa

“Mga Magalang na Pananalita”

“Marahil lahat tayo ay nakikipag- usap sa mas (Sila’y sasagot)


matatanda sa atin, magbigay nga kayo ng “Nakakausap po namin ang aming mga
halimbawa ng mga nakakausap natin na mas magulang, kapatid at mga lolo at lola po.”
matatanda sa atin?”

“Tama!, sa pagkausap natin sa kanila ay


may mga ginagamit tayong magagalang na (magtataas ng kamay si Christine)
pananalita. Magbigay nga kayo ng mga “Gumagamit po kami ng “po at opo” sa tuwing
magagalang na pananalitang ginagamit natin?” kumakausap ng mas matatanda sa amin.”

“Magaling, Christine!”
(lahat ay sasagot)
“Ginagamit niyo ba ang mga salitang “Opo, sapagkat ito po ay turo rin ng aming nanay
ito?” at tatay.”

“Mahusay!”

“Ang paggamit ng magalang na pananalita ay


isang magandang kaugalian ng Pilipino na
dapat nating panatilihin at ipamana sa mga
susunod pang henerasyon.”

“At may mga magagalang na pananalita tayo


na ginagamit sa araw-araw katulad ng….

4|Page
1. “maraming salamat” kung nakakatanggap ng
anumang bagay o tulong.
“halimbawa: Binigyan tayo ng ating kaibigan ng
baon niyang pagkain, ito ang maari nating
sabihin “maraming salamat”.

2. “paalam po” kung ikaw ay aalis.


“hal. si Angel ay papasok na sa eskwelehan
bago siya umalis sasabihin niya muna “paalam
po mama aalis na po ako.”

3. “makikiraan po” kung ikaw ay dadaan


at may mga tao sa iyong daraanan.
“hal. Nakatayo sila Rogie at Brice sa dadaanan
ni Aaron, ang sasabihin ni Aaron, “makikiraan
po Rogie at Brice.”

4. “magandang umaga po”, “magandang hapon


po”, at “magandang gabi po” ay ginagamit
sa pagbati.
“hal. Sinabi ni Cherryl sa kanyang guro na
“Magandang umaga po teacher” dahil siya ay
maaga sa klase.”

5. “patawad po o paumanhin po” ginagamit


kung may nagawang kasalanan.
“hal. Si Raiza ay may nagawang kasalanan sa
klase, ang kanyang sasabihin sa kanyang guro
ay “paumanhin po teacher, hindi ko po
sinasadya.”

“Naintindihan ba mga bata?” (sila’y sasagot)


“Opo”

“Sige nga, magbigay ng hal. Ng sitwasyon kung (nagtaas ng kamay si Rogie)


saan gagamit tayo ng salitang “patawad po o “Kapag nakagawa po ako ng kasalanan sa aking
paumanhin po” magulang ang aking sasabihin “paumanhin po
mama hindi ko na po uulitin.”

“Magaling, Rogie!”

6. “kamusta po” ginagamit naman sa


pangangamusta sa ating kapwa.
“hal. Nakasalubong ni Yesha ang kanyang
dating guro, ang sasabihin niya “kamusta po
teacher”.

5|Page
7. “walang anuman po” kung nakatanggap
naman ng salitang “salamat po” galing sa
ating kapwa”.
“hal. Binigyan ni Mary si Kieven ng baon niyang
pagkain, ang sasabihin ni Kieven kay Mary
“Maraming salamat Mary” at ang isasagot
naman ni Mary “walang anuman po Kieven.”

(nagbigay ang guro ng mga halimbawa kada


magalang na pananalita upang lubos na
maunawaan ng mga bata)

“Kailangan din natin maunawaan na sa bawat (magtataas ng kamay si Colllin)


salita natin ay kailangan natin maging magalang “Hindi po, bata man o matanda ay dapat
sa ating kapwa, gumamit ng po at opo sino man iginagalang sa tuwing kausap natin sila.”
ang ating nakakausap. Dapat ba na pinipili
lamang natin kung sino ang ating ginagalang?”

“Magaling!, bigyan nga natin si Collin ng


magaling mahusay clap”

F. Paglalahat

“Sa pakikipag-usap natin sa ating kapwa bata


at nakatatanda, tayo ay gumagamit ng mga
magalang na pananalita gaya ng Magandang
umaga po, makikiraan po, paumanhin po, at
patawad po”.

“Sa paggamit ng mga ito at ng po at opo,


mapapanatili natin ang kapayapaan at
magandang relasyon o ugnayan natin sa ating
kapwa at tandaan hindi lamang sa matatanda
dapat tayo ay gumagalang dapat din sa ating
mga kapwa bata”

“Naintindihan niyo ba mga bata?” (sila’y sasagot)


“opo”

VI. Paglilinang

“Ngayon ay magpapakita ako ng ilang mga


larawan at sabihin ninyo kung anong dapat
ninyong sabihin sa mga pangyayaring ito?”

6|Page
“larawan ng taong dumaraan sa dalawang nag - excuse me po/makikiraan po
uusap”

”bumahing” - excuse me po/paumanhin po

”binigyan ng regalo” - Maraming salamat po

”nangangailangan ng pera/baon” - Pakiusap po

”nagpasalamat sa tao” - walang anuman po

“Magaling! tama lahat ang inyong sinagot.


Naunawaan niyo talaga ang ating tinalakay (gagawin ng lahat ang “Very Good Clap”)
ngayong araw. Bigyan nga natin ang bawat isa
ng “Very Good Clap”

A. Pangkatang Gawain

“Para naman sa ating pangkatang Gawain.” Hahatiin sa dalawang grupo ang mga mag-aaral
at magsasadula kung saan ipapakita
Rubriks para sa pangkatang Gawain ang wastong paggamit ng mga magalang na
(Pagsasadula) pananalita sa kapwa o nakatatanda. Bibigyan ng
5 minutong preparasyon ang bawat pangkat at
Mga Batayan 3 2 1 ang kanilang presentasyon ay hanggang 3
Naipakita ng May kaunting Maraming
minuto lamang.
1. Nilalaman buong husay kakulangan ang kakulangan sa
ang hinihingi ng nilalaman na nilalaman na
itinadang paksa ipinakita sa ipinakita sa
sa pangkatang pangkatang pangkatang
gawain gawain gawain Panuto:
Maayos na Naipakita ang Hindi maayos
Pangkat 1: Ipapakita kung paano nagagamit
2.Presentasyon naipakita ang
daloy ng
daloy ng
pangkatang
ang daloy ng
pangkatang
ang “Magandang Umaga po”, “Magandang
pangkatang
gawain
gawain gawain
Tanghali po”, “Magandang Hapon po”, at
“Magandang gabi po”.
Naipapamalas Naipapamalas Naipapamalas
3.Kooperasyon ng buong ng halos lahat ang pagkakaisa
miyembro ang ng miyembro nng iilang
pagkakaisa sa ang pagkakaisa miyembro sa Pangkat 2: Ipapakita kung paano nagagamit
paggawa ng sa paggawa ng paggawa ng
pangkatang pangkatang pangkatang ang “Maraming Salamat po”, “Patawad po”,
gawain gawain gawain
“Walang anuman po”, “Kamusta po”, at “paalam
4. Takdang
Natapos ang
pangkatang
Natapos ang
pangkatang
Hindi natapos
ang pangkatang po”.
gawain ng Gawain ngunit gawain
oras buong husay sa lumampas sa
loob ng takdang oras
itinakdang oras

7|Page
VII. Takdang Aralin Gumuhit o gumupit ng mga larawan na
nagpapakita ng magagalang na pananalita.

VIII. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng ___Mag-aaral na nakakuha ng 80% pataas


80% sa pagtataya
___Mag-aaral na nangangailangan ng
B. Bilang ng mga mag-aaral na
karagdagang mga aktibidad para sa remidyasyon
nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation?
___Oo
C. Nakatutulong ba ang remedial? Bilang ng ___Hindi
mag-aaral na nakaunawa sa aralin? ___Mag-aaral na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpatuloy sa ___Mag-aaral na patuloy na nangangailangan ng


remediation? remidyasiyon

E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo


Stratehiyang dapat gamitin:
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
___Koaborasyon pangkatang gawain
___ANA/KWL
___Fishbone Planner
___Sanhi at Bunga
___Paint Me A Picture
___Event Map
___Decision Chart
___Data Retrieval Chart 1-Search
___Discussion

Mga Suliraning aking naranasan:


F. Anong suliranin ang aking naranasan na
___Kakulangan sa makabagong
nasolusyunan sa tulong ng aking punongguro
kagamitang panturo.
at superbisor? ___Di-magandang pag-uugali ng mga bata.
___Mapanupil/mapang-aping mga bata.
___Kakulangan sa Kahandaan ng mga bata lalo
na sa pagbabasa.
___Kakulangan ng guro sa kaalaman ng
makabagong teknolohiya.
___Kamalayang makadayuhan.

___Pagpapanuod ng video presentation


G. Anong kagamitang panturo ang aking ___Paggamit ng Big Book
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga ___Community Language Learning
kapwaguro? ___Ang "Suggestopedia"
___Ang pagkatutong Task Based
___Instraksyunal na material

8|Page

You might also like