You are on page 1of 10

Julienne Ybañez Grade 12 – ABM

Malikhaing Pagsulat

Buksan

Pansamantalang tumahimik
At buksan ang pandinig
Marami pang maaaring matutuhan
Maliban sa mga lumalabas sa sariling bibig.

Isa sa mga dapat maunawaan,


hindi laging sarili ang dapat na paniwalaan
Ibukas ang mata sa katotohanan,
hindi lahat ay ating nalalaman.

Tumanggap ng mga pagpuna–


Magnasang matuto mula sa iba
Humakot ng bagong karunungan
mula sa kwento ng mga taong nakikilala.

Matutong magpakumbaba
Ang magkamali ay hindi laging masama
Masayang makinig sa pananaw ng iba
Malawak na kaisipan ang siya nitong bunga.
Dyornalistik na Pagsulat

Pagbabago at Limot

Paunland na ng paunlad ang teknolohiya. Bawat araw na lumilipas, may nadidiskubre o naiimbentong
bago. Kaliwa’t kanan ang mga bagong labas na telepono na kamakailan lamang ay nakapaglabas na ng
bago. Wala pang isang taon, samu’t sari na ang nakita nating ibinaba sa merkado. Wala pang isang
taon.

Sa bilis ng pagbabago sa bawat taon na dumadaan, natututunan pa rin ba nating bigyang halaga ang
mga bagay na ginagamit natin? Alam pa rin ba natin ang mga kahalagahan ng bawat piyeas sa isang
kagamitan? Alam pa rin ba natin ang naitutulong nito sa ating mga buhay araw-araw, o wala na tayong
pakielam dahil sa kaunting panahon ay may bagong kagamitan nanaman tayong kagigiliwan?

Simula noong tumuntong ang mga kalendaryo natin sa taong 2000, dito na nagsimula ang malaking
pagbabago sa pamumuhay ng sangkatauhan.

Limang taong gulang lamang ako noon, at wala pang muang sa mundong ibabaw. Ang tangi kong
kasama noon sa buong maghapon upang makaramdam ng saya ay ang aking mga aklat at mga laruan
na manika at mga stuffed toys. Sipa, patintero, piko, taguan, holen, mataya-taya, langit lupa, luksong
baka, nanay tatay, saranggola, bangkang papel at eroplano, at marami pang iba na hindi kinakailangang
mag-akasaya ng kuryente o gumamit ng makina.

Napakapayak at simple lang ang kabataan noon. Kung gusto mo makaranas ng tuwa at paangatin ang
iyong mga pisngi, kailangan mo lang ng papel. Ngayon, nasa atin na ang lahat. Teleponong may
internet, tablet, kompyuter, at iba pang mamahalin na gamit, ngunit ‘di pa rin sila masaya.

Bakit nga ba ganoon? Kung kailan naging moderno at madali na ang mga bagay-bagay sa mundo, saka
natin hindi magawang makaramdam ng kasiyahan at makuntento?

Siguro nga, dahil sa bilis ng pagbabago, nawawalan na tayo nang pagpapahalaga sa bawat bagay.
'Yung maliliit na bagay dati rati na nagbibigay kasiyahan sa'tin sa t'wing nakararamdam tayo ng
kalungkutan, hindi na ngayon sapat upang mapawi ang lahat ng pait. Ngayon, kahit gaano pa kadami
ang mga pangkatuwaang kagamitan ay hindi pa rin natin magawang lisanin ang kalungkutan.

Siguro nga, sa bawat bagay na magkakaroon ka, may kapalit din.

Hindi naman masama ang pagunlad. Madami na itong naitulong. Sa linya ng medikal, pagtuturo,
pagsugpo ng kasamaan. Pero 'yung mga ibang bagay na akala natin nandyan pa, ay tuluyan nang
nilamon ng ating pagunlad.

Aminin man o hindi ng bawat isa sa atin, marami na tayong nakaligtaang pagingatan ngayong
nakakalasap tayo ng sarap mula sa pagbabago. Ang kalikasan, ang kaibigan, ang pamilya, at ang bawat
isa. Unti-unti, nakakalimutan na natin maging tao. Unti-unti, nawawalan na tayo ng pakialam sa totoog
nangyayari sa mundo. Unti-unti, nawawala na tayo mismo, sa mundo.

Maraming bagay pa ang patuloy na magbabago. Hindi magtatagal, kung anu-ano nanaman ang makikita
natin sa paligid na moderno, kakaiba. Sana, sa bawat pagbabago, may itinitira tayong mga bagay. 'Yung
kasagraduhan sa isang bagay, sana'y panatilihin natin.

Ang pagbabago ang tanging permanenteng nangyayari sa mundo. Ngunit hindi naman ibig sabihin nang
pagbabago ay palitan natin at iwaksi ang mga naririto na. Isipin mo kung saan ka nagsimula. Kung saan
tayo unang sumaya. Kung saan tao unang nakaranas ng pakiramdam ng pagiging tao.
Propesyonal na Pagsulat

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. Mga Layunin
 Natutukoy ang angkop na panghalip na pakuol o paari ayon sa kailanan at panauhan nito
 Nasasabi ang kahalagahan ng pagtukoy ng kailanan ng panghalip panao at paari ayon sa
kalianan at panauhan nito sa paikipagtalastasan
 Nagagawa ng sanaysay gamit ng mga pangalip panao at paari ayon sa kailanan at panauhan
nito

Pagpapahalaga: Paggamit ng wastong panghalip tungo sa maayos na pakikipagtalastasan sa kapwa.

II. Paksang - Aralin


Paksa: Kailanan at Panauhan ng Panghalip Panao at Paari
Sanggunian: Guryon : Pagsulong sa Komunikasyon 4 (pahina 184 - 185)
Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation (Kailanan ng Panghalip Panao at Paari), Kartolina at
Manila Paper, White Board Marker at Quiz Sheets
Methodolohiyang Panturo: Methodolohiyang Deduktibo

III. Mga Pamamaraan


Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-Aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
- “Lahat tayo ay tumayo para sa ating panalangin.” - Sasabayan nito ang kanilang guro sa
panalangin.
2. Pagbati
- “Magandang umaga, mga mag-aaral!”
3. Pagtukoy sa mga lumiban - “ Magandang umaga din po guro.”
- “Sino ang lumiban sa araw na ito?”
4. Balik - Aral - Ang kalihim ng klase ang syang magsasabi kung
- “Bago natin simulan an gating aralin ngayong sino ang lumiban sa kanlang klase.
umaga, natandaan nyo ba ang natutunan niyo sa - “Opo, guro”
Panghalip Panao at Paari?” - “Panghalip Panao po guro.”
- “Anong panghalip na naghahalili sa ngalan ng
tao?” - “Panghalip Paari po guro.”
- “Tama! Anong panghalip na tumutukoy sa
anumang bagay na pagmamayari ng tao?”
- “Tama! Bigyan natin ng Ang Galing, Galing!
Palakpak sa mga sumagot.” - “Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
5. Pagganyak Galing! na Palakpak”
- “Mga bata, mayroon akong isang video na nais
ong panoorin at ipapaanta ko sa inyo patungkol sa - “Opo, Guro.”
komunidad. Pagkatapos, mayrong mga
katanungan na iyng sasagutin mamaya. Handa na
ba kayo mga bata? ”
- Ang guro ay ipapalabas ang video clip patungkol
sa komunidad. - Ang mga mag-aaral ay papanoorin at ikakanta
- “Nagustuhan niyo ba ang video na iyong ang kanta na nasa video.
pinanood?” - “Opo, Guro.”
- “Anu-ano ang mga panghaip ang nabangit sa
video?” - “Ako, Ikaw at tayo ang mga panghali na
nabangit po guro.”
- “Tama! Anong uri panghalp ang ako, ikaw at tayo
na nabanggit sa video?” - “Panghaip na Panao po guro”
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak” - “Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Galing! na Palakpak”
B. Panlinang na Gawain
1. Palalahad
- “Mayroon akong isang dialog na iyong babasahin.
Mamaya, mayroon akong itatanong patungkol sa - “Opo, Guro”
mga nasabig dialog. Naintindihan niyo ba ang ating
gagawin mga bata?”
- “Ang mga babae ay gagapmpanan ang pahayag - “Opo, Guro”
ni May at ang mga lalake ay gagamanan ang
pahayag ni Sam. Handa na ba kayo mga bata?”
May: Sam, sa akin ba ang kwaderno na ito?
Sam: Oo, May. Nakita ko lang sa upuan mo.
Magkakroon ba tayo ng maikling pagsusulit sa
Filipino ngayon?
May: Oo naman kaya magreview ka para
makakuha ka ng mataas na iskor sa Filipino.
Sam: Oo, sige. Sana makakuha tayo ng mataas na
iskor mamaya.
- “Mula sa dialog na nasa pisara, bilugan ang mga - Ang mga natawag na mag-aaral ay pupunta sa
panghalip na nabangit. Sinong makapagtukoy ng pisara at tukuyin ang mga pangahalip mula sa
panghalip sa unang pangungusap (hanggang sa dialog na binasa.
ika-apat na pangungusap)?” MGA KASAGUTAN:
May: Sam, sa akin ba ang kwaderno na ito?
Sam: Oo, May. Nakita ko lang sa upuan mo.
Magkakroon ba tayo ng maikling pagsusulit sa
Filipino ngayon?
May: Oo naman kaya magreview ka para
makakuha ka ng mataas na iskor sa Filipino.
Sam: Oo, sige. Sana makakuha tayo ng mataas
na iskor mamaya.
- “Batay sa dialog, sino ang kausap ni May?” - “Si Sam po guro.”
- “Tama! Sino kaya ang tinutukoy ng panghalip na - “Sina May at Sam po guro.”
tayo?”
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Ang Galing! Gaing! na palakpak” Galing! na Palakpak.
2. Pagtalakay
- “Mga bata, naniniwala ba kayo na may mga iba’t- - “Opo, Guro”
ibang gamit ang mga panghalip batay sa
kinakausap at sa dami ng iyong kinakausap?”
- “Tama!” Ang guro ay tatalakayin ang kahulugan
ng mga salitang Panauhan at Kailanan sa
panghalip.
- “Narito ang isang tsart ng mga panghalip ayon sa
panauhan at kalian nito.” Tatalakayin ng guro ang
mga iba’t-ibang panghalip ayon sa panauhan at
kailanan nito.
PANGHALIP NA PANAO
PANAUHAN
KAILANAN
Una Ikalawa Ikatlo
Isahan ako, ko ikaw, siya
ka, mo
Dalawahan kami, kayo sila
tayo
Maramihan kami, kayo sila
tayo - “Kami ay pupunta sa Skyranch.”
- “Magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap
sa unang panauhan kahit sa anong kalian ito
kabilang.” - “Kayo ay maglilinis mamaya sa klase”
- “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikalawang panauhan kahit
sa anong kalianan ito kabilang.” - “Siya ay kasali sa Mini Orchestra sa paaralan.”
- “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikatlong panauhan kahit sa
anong kalian ito kabilang.” - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang Galing! na Palakpak.
Ang Galing! Gaing! na palakpak”
PANGHALIP NA PAARI
PANAUHAN
KAILANAN
Una Ikalawa Ikatlo
Isahan akin iyo kanya
Dalawahan atin inyo kanila
Maramihan atin, amin inyo kanila - “Sa atin ang pagkaing binigay ni Bb. Daisy.”

- “Magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap


sa unang panauhan kahit sa anong kalianan ito - “Ang inyong mga aklat ay ibigay kina John at
kabilang.” Peter pagkatapos ng klase.”
- “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikalawang panauhan kahit - “Sa kanya ang cell phone na hawak mo
sa anong kalian ito kabilang.” kaninang umaga.”
- “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikatlong panauhan kahit sa - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
anong kalian ito kabilang.” Galing! na Palakpak.
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak”

C. Pangwakas na Gawain - “Ang mga Kailanan at Panauhan ng mga


1. Paglalahat Panghalip na Panao at Paari po.”
- “Ano ang natutunan niyo sa ating aralin ngayong - “Isahan, Dalawahan at Maramihan po.”
araw?” - “Una, Ikalawa at Ikatlong panauhan po.”
- “Tama! Anong mga kailanan ng panghalip?”
- “Tama! Anong naman ang mga panauhan ng - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
panghalip?” Galing! na Palakpak.
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak”
2. Paglalapat
- “Narito ang limang pangungusap sa pisara. MGA KASAGUTAN:
Ngayon, tukuyin ang kailanan at panauhan ng 1. Unang panauhan, Maramihan
panghalip na naasalungguhit sa mga sumusunod 2. Ikalawang panauhan, Isahan
na pangungusap.” 3. Ikatlong panauhan, Dalawahan/Maramihan
1. “Sa amin ba ang mga prutas na nakasilid sa 4. Unang panauhan, Isahan
basket?” sabi ni Rosa kasama ang kanyang mga 5. Ikatlong panauhan, Dalawahan/Maramihan
kaibigan.
2. “Sabihin mo kung sino ang nagtapon ng kanilang
mga kalat sa hindi tamang tapunan.” sabi ng G.
Fernandez kay Rudy.
3. “Tayo ang nagwagi sa patimpalak ng sabayang
pagbigkas.” sabi ni Bb. Amelia sa kanyang mga
mag-aaral.
4. Ako ang nagsauli ng pitaka kay Alice.
5. Sumama sina George at Anna sa pagsasanay - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
ng kanilang coach sa volleyball. Galing! na Palakpak.
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak” - “Dahil po magiging tama at mainaw ang ating
3. Pagpapahalaga sinasabi kapag may kausap o tayo.”
- “Bakit kaya natin kinakailangang alamin ang - “Dahil po mas maganda kung alam natin gamitin
panauhan at kailanan ng panghalip?” ang mga angkop na panghalip depende sa
panauhan at kailanan nito para mas malinaw ang
nais natin iparating na mensahe o kapag may
kausap po tayo.”
- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Galing! na Palakpak.
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak”
IV. Pagtataya
Panuto: Ikahon ang panghalip sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa unang patlang ang
kailanan ng panghalip at isulat sa ikalawang patlang ang panauhan ng panghalip na nakakahon.

KAILANAN PANAUHAN
1. Siya ang pangulo sa klase.
2. “Sa inyo ba ang mga gamit pantahi?” sabi ni Clarissa
3. “Ako lang ang nagaos ng mga upuan kanina.” sabi ni
Jed.
4. “Sana ikaw ang Top 1 sa ating klase.” sabi ni Liza kay
Gina.
5. Tayong lahat ay nagtutulungan para sa ikakabuti ng lahat
6. Kayo lamang ang bukod tanging may kusang loob na
gawin
ang lahat ng gawain sa klase.
7. “Sila lang ba ang sasama ng Field Trip sa Maynila?”
tanong ng
guro.
8. Sa kanila an lahat ng mga papel na ating ginamit sa
pagsulat ng
sanaysay.
9. “Ako lang ba ang hindi tapos sa gawain?” tanong ni Ford
sa
klase.
10. “Sabihin mo sa magulang mo na kailangan nilang
pumunta sa
ating pagpupulong sa darating na Lunes.” bilin ni Gng. Lara
kay Jun.

V. Takdang-Aralin

Sa isang buong papel, sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa pagsasama ng inyong pamilya.
Sundin ang mga panuntunan na dapat sundin sa paggawa ng maikling sanaysay:
 Ang sanaysay ay may tatlong talata lamang at sundin ang mga panuntunan sa paggawa ng
maikling sanaysay.
 Hindi lalampas sa 100 na salita at hindi kukulang sa 50 na salita ang kabuuang sanaysay.
 Ang kabuuang sulat kamay ng sanaysay ay cursive.
 Gamitin ang mga panghalip na panao at paari batay sa kailanan at panauhan nito.
 Ipasa ang nagawang sanaysay bukas, sa oras ng ating klase.

BATAYAN SA PAGBIGAY NG ISKOR:


MGA BATAYAN PUNTOS
 Organisasyon ng mga ideya 15
 Pagkagawa sa Kabuuang Sanaysay 10
 Kalinisan at Kaayusan sa Pagsulat 10
 Tamang Paggamit ng mga Panghalip 10
 Pagsumite ng Sanaysay sa Itinakdang Araw at Oras 5
________________
KABUUANG PUNTOS 50
Teknikal na Pagsulat

Feasibility Study of a Proposed Bake Shop

EHEKUTIBONG LAGOM
A. Panimula

Sa pagpapatayo ng anumang klaseng negosyo, mahalagang isipin kung ito ba ay


magiging mabili o magiging patok sa mga mamimili, tulad na lang ng negosyo ng mga
pagkain. Natural sa mga tao ang pagkahilig sa mga pagkain, kaya mas nagiging patok ang
mga negosyong tulad ng mga kainan at lalo na ang negosyong panaderya.

Ang panaderya ay isa sa mga patok na negosyo, dahil bukod sa bigas isa ang tinapay
sa pinaka mabentang pagkain. Marami mang pagkaing pwede pagpilian, iba’t ibang uri ng
tinapay parin ang babalik-balikan dahil isa ang tinapay sa mga pagkaing madali ihain, at
pwedeng ihanda sa umaga, tanghali, hapon, at gabi, bukod pa roon puno rin ng sustansya
ang tinapay at mainam na pinagkukuhaan ng bitamin at mga mineral na nakakabuti sa
katawan.

Tulad na lang ng pandesal na paborito ng mga Pilipino na kainin tuwing umaga, ito
ang kanilang pinapalit sa kanin dahil bukod sa ito ay mabigat na sa tiyan, ay mas mura pa ito.
Isa rin sa dahilan kung bakit mahalaga ang panaderya ay dahil tuwing may okasyon o kahit
anong selebrasyon ay kadalasang hindi nawawala ang mga cake at cupcake o kahit anong
tinapay sa hapagkainan, kaya sa tuwing panahon ng selebrasyon ay mas nagiging patok sa
mamimili ang mga panaderya.

Dumarami na ng dumarami ang mga panaderya sa pilipinas, ngunit layunin ng


mananaliksik na makilala rin ang kanilang panaderya, di lamang para kumita, kundi para mai-
suplay ang mga masasarap na tinapay na babalik-balikan ng mga mamimili at upang
makapagbigay na rin ng serbisyong kanilang magugustuhan.

B. Pangalan ng Kompanya at Kalikasan ng Negosyo


“Dovunque Bake Shop “
Ang salitang ‘dovunque’ ay nagmula sa salitang italyano, ito ay
nangangahulugang ‘kahit saan’ sa salitang tagalog. Ito ang napagdesisyonan ng mga
mananaliksik na gawing pangalan ng kompanya, sapagkat ang salitang ‘kahit saan’ ay
isa sa mga paboritong linya ng mga magkakabarkada kapag hindi pa mapagdesisyonan
kung saan ang napiling pagkainan. Ang ‘Dovunque Bake Shop’ ay isang tindahan ng
mga iba’t ibang klaseng tinapay. Hindi lamang into isang tindahan ng mga tinapay,
mayroon din itong iba pang produkto katulad na lamang ng iba’t ibang uri ng mga
inumin. Ang larawan na nasa itaas ay nagmula sa logo.designcrowd.com

C. Bisyon at Misyon ng Kompanya


Ang Dovunque Bake Shop ay naglalayong maging isa sa mga tanyag na bake shop sa
pilipinas na kung saan ay maraming bumabalik at tumatangkilik sa produkto at serbisyong
handing ihandog para sa mga mamimili. Sisiguraduhin din maipamalas ang magaling na
paggawa upang maabot ang satispaksyon ng mamimili at makapag bigay saya sa mga
tatangkilik nito. Ang mananaliksik ay sensitibo sa populasyon ng mamimili at magsisilbi sa
kanilang pangangailangan para sa malusog at masarap na mga lutong kalakal.
Reperensiyal na Pagsulat

ISANG PAG-AARAL TUNGKOL SA POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG


STANDARDIZED TESTING SA MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 HUMANITIES AT SOCIAL
SCIENCES

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang mga pag-aaral na nakalap para sa kaugnay na literature ay may pagkatulad sa konsepto at
pamamaraan ng pananaliksik na ito. Sinusuportahan ng mga artikulong ito ang pananaliksik na
ginawa at ito ay binibigyang linaw at pinapalawak ang ideya sa mga nailahad na pananaliksik.
Ayon sa pag-aaral nina Bhattacharyya et. al. na pinamagatang ‘Can you hear us?’ Voices
Raised against Standardized Testing by Novice Teachers (2013), ang konsepto ng paggamit ng
standardized testing sa pag-sukat ng kaalaman ng estudyante ay nag-pipilit ito sa mga guro na
magturo upang makakuha nang malaking marka sa pagsusulit. Ang ideya na magturo upang
maunawa at malaman ng estudyante ang mga importanteng konsepto galing sa matematika,
syensya at iba pa ay napapawalang halaga dahil sa pagtingin na ibinibigay ng standardized
testing sa mga guro at estudyante. Nagpapahayag din ng isang isyu ng cheating ang pag-aaral
nina Bhattacharyyakung saan ang pagbibigay ng standardized testing ay nagpapalaganap sa
isyu.Ipinapaliwanag sa pag-aaral na ito na dahil sa test anxiety at takot na pagkutya galing
sa pamilya, mga kaibigan at mga kaklase ay nagpapamungkahi sa mga estudyante na mag-
cheating upang makakuha ng malaking marka sa resulta ng kanilang standardized tests.Sa
pangkalahatan, nawawalan ang halaga ng edukasyon upang maunawa ang isang estudyante at
tinuturo na lamang kung paano kumuha ng mga malaking iskor sa kanilang mga standardized
tests kagaya ng periodical examinations at marami pang iba.

Sa pag-aaral naman ni Kohn na pinamagatang The case against standardized testing: raising
the scores, ruining the schools (2000), ipinapakita dito na ang madalas na pag-
tangkilik ng mga guro sa paggamit ng standardized testing
ay nagpapalayo sa orihinal na layunin nito na maging isang epektibong instrumento na pag-
sukat sa kaalaman ng mga estudyante.

Nagpapaliwanag din si Kohn na hindi rin tinitiyak ng resulta galing sa standardized tests
ang pagtatagumpay ng mga estudyante sa mga darating na pagsusulit. Ang pokus ng libro ay
ang mga dahil kung bakit hindi epektibo ang standardized testing bilang isang metodo sa pag-
sukat ng kaalaman at pag-hula ng resulta sa mga darating na pagsusulit. Sa pag-alap ng mga
pag-aaral at literatura na ito, sumusuporta ito sa ideya na iprinisenta sa unang kabanata ng
pananaliksik na ito.
Akademikong Pagsulat

Isang Dosenang Pagdalumat-Feminismo sa mga Piling Akda

Abstrak:

Ang papel na ito ay isang pagdalumat sa mga naisagawang pag-aaral hinggil sa papel ng mga
babaeng Pilipina sa iba’t ibang genre ng panitikang Pilipino (i.e. maikling-kwento, sanaysay,
nobela atbp). Pinili ang labindalawang pananaliksik batay sa mga pagsusuring naisagawa na
may kinalaman sa feminismo, partikular ang papel na ginagampanan ng kababaihan sa
lipunang Pilipino; gayundin ang repleksyon ng feminismo sa iba’t ibang genre ng panitikan.
Sinipat sa mga nabanggit na genre kung ano ang sinasabi ng mga teksto sa papel na nararapat
gampanan ng kababaihan sa lipunang Pilipino at madalumat ang istatus ng mga babae sa
pagbubuo ng bansang Pilipino. Tinangka ring dalumatin sa papel na ito ang iba’t ibang papel na
ginagampanan ng mga babaeng Pilipino. Inilahad ang ilang mahahalagang konsepto hinggil sa
labindalawang pananaliksik at sinuri ito. Pagkatapos ay ang pag-classify o pag-cluster sa uri ng
feminismong pinaniniwalaan ng mga Pilipinong awtor. Ang paglalahad sa datos ay inayos nang
paalpabeto (Ardales, Canares, de Roca, Garcia, Lacsamana, Maranan, Marquez, Recto,
Robles, Rosales, Santiago, at Tepace). Pagkatapos, sinagawa ang pagsusuri sa bawat isa.
Tinukoy ang uri ng feminismo sa bawat pag-aaral batay sa kahulugang nakasaad sa iba’t ibang
uri ng feminismo at dinalumat kung ito ay umiral o nangibabaw sa teksto ng pananaliksik.

You might also like