You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

Inihanda ni: Angelica D. Cabuyadao


I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahan nang;
1. Nakikilala ang Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
2. Nakabubuo ng pangungusap sa bawat uri ng pangungusap ayon sa gamit
3. Nagagamit sa maayos ang mga uri ng pangungusap sa pasulat man o pasalita.
II. Paksang Aralin
PAKSA: Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 5, Wika at Pagbasa sa Elementarya sa pahina 78-
79
KAGAMITAN: Kartolina, Pentlepen, Manila Paper
III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan at
pagpulot ng mga kalat

-Magandang Umaga Klas! -Magandang Umaga din po Ma’am


Angelica!
B. Pagganyak
-Mayroon akong inihandang mga
pangungusap na inyong babasahin.
-Mayroon ba kayong mga napansin sa -Ma’am meron po, sa dulo ng bawat
mga pangungusap klas? pangungusap po.
-Tama! Okay ating basahin ang mga
pangungusap.
- MGA PANGUNGUSAP
 Ilan hain ng gulay at prutas ang
iminumungkahing kainin araw-
araw?
 Kumain ka ng prutas at gulay
araw- araw.
 Ang gulay at prutas ay mainam sa
ating katawan.
 Wow, ang sarap ng mga pagkain!
-(Tatanungin ang mga mag- aaral sa
pagkakaiba ng mga pangungusap na
kanilang nabasa.)

C. Pagtalakay sa Aralin
-Ang ating mga binasa ay mga
pangungusap.
-Ngayong araw ay ating tatalakayin ang
mga Uri ng Pangungusap ayon sa gamit.
May apat na uri ang pangungusap ayon sa
gamit, ito ay ang Paturol o Pasalaysay, -Paturol o Pasalaysay – pangungusap na
Patanong, Pautos, at Padamdam. na nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang
-Jing, pakibasa nga ang ibig sabihin ng paksa. Ito ay nagsasalaysay at nagtatapos
Paturol o Pasalaysay. sa bantas na tuldok (.).
-Salamat Jing. Ito ay nagsasaad sa paksa.
Halimbawa ay Ang mga damit sa mall ay
napakamahal ngunit napakaganda. Tama -Opo Ma’am.
ba na ito ay nagsasaad ng sa paksa na
gulay at prutas?
-At dapat kailangang nagtatapos ito sa -Opo Ma’am.
bantas na tuldok.
-Naintindihan na ba ang Paturol Klas? -Ma’am Ang mga libro ay napakahalaga
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay sa pag- aaral.
ng halimbawa tungkol sa Paturol? Mae. -Ma’am Ang mga bata ay nakikinig sa
kanilang guro.
-Tama! Ano pa?

-Napakahusay! Ngayon ay dumako na -Patanong- pangungusap na naghahanap


tayo sa pangalawang uri, ito ay ang ng kasagutan. Nagtatapos ito sa tandang
Patanong. Pakibasa nga ang ibig sabihin pananong. (?)
nito Jay?

-Salamat Jay. Ito ay dapat may sagot. Ang


pangungusap na ito ay nagtatanong. At -Opo Ma’am.
dapat nagtatapos sa tandang pananong. -Opo Ma’am.
Halimbawa ay Ano ang mga proyektong
binigay ng ating guro? Tama ba na ito ay -Ma’am, Bakit napakabigat ng bag mo?
pangungusap na nagtatanong? -Ma’am Nagawa mo na ba ang ating
-Naintindihan na ba ang Patanong? takdang aralin?
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa pananong? Riza
-Tama! Ano pa? -Pautos – pangungusap na nagsasabi na
gawin ang isang bagay. Nagtatapos ito sa
-Magaling! Dumako na tayo sa tuldok (.).
pangatlong uri, ito ay Pautos. Pakibasa
nga ang ibig sabihin nito John?

-Salamat John. Ito ay nagsasabi na gawin


mo ang bagay na kanyang sinasabi. At ito -Opo Ma’am.
rin ay nagtatapos sa tuldok gaya ng -Opo Ma’am.
Paturol. Halimbawa ay Pakibigay nga kay
Jenny ang panyo na hiniram ko sa kanya. -Ma’am, Pakiabot nga kay Jane ang lapis
Tama ba na ito ay pangungusap na nag- na ito.
uutos? -Ma’am, Huwag kang kumain ng
-Naintindihan niyo na ba ang Pautos? Junkfood dahil hindi maganda sa katawan.
- Kung gayon, maaari ba kayong
magbigay ng halimbawa tungkol sa
Pautos? -Padamdam – pangungusap na nagsasaad
matinding damdaming gaya ng galit,
-Mahusay! Ano pa? tuwa, inis o gigil. Ito ay nagtatapos sa
tandang padamdam (!).
-Napakagaling! Dumako na tayo sa
panghuling Uri at ito ay Padamdam.
Pakibasa nga ang ibig sabihin nitoTroy?

-Salamat Troy. Ito ay mga pangungusap -Opo Ma’am.


na ating sinasabi kapag tayo ay masaya, -Opo Ma’am.
naiinis o nagugulat. Ito ay nagtatapos sa
Halimbawa ay Wow, ang daming pagkain
sa lamesa! Tama ba na ito ay -Ma’am, Yahoo, napakasaya ng araw na
nagpapahayag ng matinding damdamin? ito!
-Naintindihan niyo na ba ang Padamdam? -Ma’am, Yehey, walang pasok bukas!
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa padamdam?
Anna

-Mahusay! Ano pa?


-Napakagaling! Ayon sa inyong mga -Ma’am mga Uri po ng Pangungusap
kasagutan ay naintindihan niyo na ang Ayon sa Gamit.
ating aralin ngayon. -Ma’am Paturol o Pasalaysay po
D. PAGLALAHAT -Ma’am Patanong po
-Klas, ano nga uli ang ating aralin -Ma’am Pautos po
ngayong araw? Janine -Ma’am Padamdam po.

-Tama! Ano ano naman ang mga uri nito? -Ma’am ito ay para magamit namin sa
-Magaling! Ano pa? pang- araw- araw naming pakikipag- usap
-Mahusay! Ano pa? at maaari din sa pagsusulat.
-Napakagaling! At ang panghuli?
-At ano nga ba ang kahalagahan ng ating -Opo Ma’am.
tinalakay ngayong araw?

-Tama! Ngayong tapos na nating


natalakay ang ating aralin ay handa na ba
kayo sa maikling pagsusulit?

IV. Pagtataya
Isulat kung ang pangungusap ay pasalaysay, pautos, patanong, o padamdam. Isulat ang
sagot sa patlang.
_____________1. Mahilig ka bang kumain ng JunkFood?
_____________2. Iwasan mo ang ganyang uri ng pagkain.
_____________3. Makabubuti kung masustansiyang pagkain ang iyong binabaon sa
paaralan.
_____________4. Huwag kang magpupuyat sa gabi para hindi ka inaantok sa paaralan.
_____________5. Ang sarap bumangon sa umaga kapag kompleto ang iyong tulog.
_____________6. Yehey, makikita ko na naman ang aking mga kaklase!
_____________7. Wow, ang sarap ng almusal ngayon ha!
_____________8. Sino ang naghanda ng mga iyan?
_____________9. Pakiabot mo nga ang matamis na saging para sa panghimagas.
_____________10. Hindi ako pumapasok sa paaralan nang hindi nag- aalmusal.

V. Takdang Aralin
Basahin ang susunod na aralin.

You might also like