Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahan nang;
1. Nakikilala ang Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
2. Nakabubuo ng pangungusap sa bawat uri ng pangungusap ayon sa gamit
3. Nagagamit sa maayos ang mga uri ng pangungusap sa pasulat man o pasalita.
II. Paksang Aralin
PAKSA: Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 5, Wika at Pagbasa sa Elementarya sa pahina
78-79
KAGAMITAN: Kartolina, Pentlepen, Manila Paper
III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan at
pagpulot ng mga kalat
B. Pagganyak
-Mayroon akong inihandang mga
pangungusap na inyong babasahin.
-Mayroon ba kayong mga napansin sa -Ma’am meron po, sa dulo ng bawat
mga pangungusap klas? pangungusap.
C. Pagtalakay sa Aralin
-Ang ating mga binasa ay mga
pangungusap.
-Ngayong araw ay ating tatalakayin ang
mga Uri ng Pangungusap ayon sa gamit.
May apat na uri ang pangungusap ayon sa
gamit, ito ay ang Paturol o Pasalaysay,
Patanong, Pautos, at Padamdam.
-Rachel, pakibasa nga ang ibig sabihin ng
Paturol o Pasalaysay. -Paturol o Pasalaysay – pangungusap na
nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang
paksa. Ito ay nagsasalaysay at nagtatapos
-Salamat Rachel. Ito ay nagsasaad sa sa bantas na tuldok (.).
paksa. Halimbawa: Ang mga damit sa
mall ay napakamahal ngunit napakaganda.
Ito ba ay pangungusap na paturol?
-At dapat kailangang nagtatapos ito sa
bantas na tuldok.
-Naintindihan na ba ang Paturol mga -Opo Ma’am.
bata?
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa Paturol? April -Opo Ma’am.
-Opo Ma’am.
IV. Pagtataya
Isulat kung ang pangungusap ay pasalaysay, pautos, patanong, o padamdam. Isulat ang
sagot sa patlang.
_____________1. Mahilig ka bang kumain ng JunkFood?
_____________2. Iwasan mo ang ganyang uri ng pagkain.
_____________3. Makabubuti kung masustansiyang pagkain ang iyong binabaon sa
paaralan.
_____________4. Huwag kang magpupuyat sa gabi para hindi ka inaantok sa paaralan.
_____________5. Ang sarap bumangon sa umaga kapag kompleto ang iyong tulog.
_____________6. Yehey, makikita ko na naman ang aking mga kaklase!
_____________7. Wow, ang sarap ng almusal ngayon ha!
_____________8. Sino ang naghanda ng mga iyan?
_____________9. Pakiabot mo nga ang matamis na saging para sa panghimagas.
_____________10. Hindi ako pumapasok sa paaralan nang hindi nag- aalmusal.
V. Takdang Aralin
Basahin ang susunod na aralin.