You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY


The Premier University in Zamboanga del Norte
Gov,Guading Adaza St,.Sta Cruz,Dapitan City
Province of Zamboanga del Norte
COLLEGE OF EDUCATION
PAARALAN:Jose Rizal Memorial State University GRADE LEVEL:
GURO: Rizalen A.Saldon LEARNING AREA: Filipino
PETSA: QUARTER: UNA
ORAS:

INIHANDA NI:Jimboy John B.Samson

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin na ito,ang mga mag- aaral ay may kakayahang
A. Makikilala ang ibat-ibang Uri ng Pangungusap.
B. May kakayahang makapagbuo ng pangungusap sa bawat uri ng pangungusap ayon sa gamit.
C. Magagamit sa maayos ang mga uri ng pangungusap sa pasulat man o pasalita.
D. May kakayahang makigpag ugnayan gamit ang kanilang natutunan sa aking tinalakay na aralin at
E. Makapagbuo ng sariling halimbawa at gamit sa mga uri ng pangu-ngusap.
II. Paksang Aralin
PAKSA: Mga Uri ng Pangungusap.
SANGGUNIAN: Aklat sa Wika Filipinoat sa Elementarya.
KAGAMITAN: Kartolina, Manila Paper,Pentlepen.
III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Excercise
- Pagsasaayos ng mga upuan at
pagpulot ng mga kalat

-Magandang Umaga Mga Bata!


-Magandang Umaga din po Sir Jimboy!
B. Pagganyak
-Mayroon akong inihandang mga
pangungusap na inyong babasahin.
-Mayroon ba kayong mga napansin sa
mga pangungusap klas? -Sir,meron po, sa dulo ng bawat
pangungusap po.
-Tama! Okay ating basahin ang mga
pangungusap.
- MGA PANGUNGUSAP
 Si Ana ay tumatakbo.
 Magdilig ka ng halaman.
 Maari ba akong humiram ng
lapis?
 Nasaan naba ang aking apo?
 Nako!Ang daming insekto!
-Ok klas!Anu ang pagkakaiba ng mga
pangu-ngusap na nabasa ninyo?
-Sir,may tuldok po at saka question mark”
-Tama!Anu pa?Jeylyn
-May bantas po sir’
-Magaling!Anu pa?Joy
-May padamdam po sir”
-Mahusay!
-Palakpakan natin ang ating sarili”
C. Pagtalakay sa Aralin
-Ok mga bata,ang ating mga binasa ay
mga pangungusap.
-Anu ba ang pangungusap klas?
-Lipon ng mga salita na buo ang diwa sir
at binubuo ito ng panlahat na sangkap,ang
simuno at panag-uri.
Magaling!

-Sa araw ito ay ating tatalakayin ang mga


Uri ng Pangungusap ayon sa gamit. May
apat na uri ang pangungusap ayon sa
gamit, ito ay ang Paturol o Pasalaysay,
Patanong, Pautos, at Padamdam.
-Maria, pakibasa nga ang ibig sabihin ng
Paturol o Pasalaysay. -Paturol o Pasalaysay – pangungusap na
na nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang
paksa at naglalahad ng katotohanan o
pangyayari. Ito ay nagsasalaysay at
-Salamat Maria. Ito ay nagsasaad sa nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
paksa. Halimbawa ay ang, Puti ang kulay
ng bulaklak ng sampaguita.
-Tama ba na ito ay nagsasaad ng paksa?
-Opo Sir.
-At dapat kailangang nagtatapos ito sa
bantas na tuldok.

-Naintindihan na ba ang Paturol Klas?


-Opo Sir.
-Mahusay”

-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay


ng halimbawa tungkol sa Paturol? Kikay. -Sir,Ang mga libro ay napakahalaga sa
pag- aaral.
-Tama! Ano pa?

-Anu pa,Ranz? -Sir Si Rodrigo Duterte ang pangulo ng


Pilipinas.
-Sinu pa ang mkapagbibigay ng
halimbawa?Kristine. -Sir, Ang mga bata ay nakikinig sa
kanilang guro.

-Napakahusay!

-Ngayon ay dumako na tayo sa


pangalawang uri, ito ay ang Patanong.
Pakibasa nga ang ibig sabihin nito Dexter, -Patanong- pangungusap na naghahanap
ng kasagutan. Nagtatapos ito sa tandang
-Salamat Dexter. pananong. (?)
-Ito ay dapat may sagot. Ang
pangungusap na ito ay nagtatanong. At
dapat nagtatapos sa tandang pananong.
Halimbawa ay Ano ang mga proyektong
binigay ng ating guro?
-Tama ba na ito ay pangungusap na
nagtatanong?
-Opo Sir.
-Naintindihan na ba ang Patanong?
-Opo Sir.
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa pananong?
Jeddah -Sir, Bakit napakabigat ng bag mo?
-Tama! Ano pa?
-Sir,Nagawa mo na ba ang ating takdang
-Magaling!Anu pa? Baby aralin?
-Tama! - Maghahanda po ba tayo?
Dumako na tayo sa pangatlong uri, ito ay
Pautos. Pakibasa nga ang ibig sabihin nito -Pautos – pangungusap na nagsasabi na
John? gawin ang isang bagay o nagpapahayag
ng obligasyong dapat gawin. Nagtatapos
-Salamat John.napakahusay,palakpakan ito sa tuldok (.).
natin si John mga bata.
Ito ay nagsasabi na gawin mo ang bagay
na kanyang sinasabi. At ito rin ay
nagtatapos sa tuldok gaya ng Paturol.
Halimbawa ay Pakibigay nga kay Cristel
ang panyo na hiniram ko sa kanya. Tama
ba na ito ay pangungusap na nag- uutos? -Opo Sir.

-Naintindihan niyo na ba ang Pautos?


-Opo Sir.
- Kung gayon, maaari ba kayong
magbigay ng halimbawa tungkol sa -Sir, Pakiabot nga kay Jane ang lapis na
Pautos? ito.

-Mahusay! Ano pa?


-Sir, Huwag kang kumain ng Junkfood
-Sinu pa ang gustong magbigay ng dahil hindi maganda sa katawan.
halimbawa?
-Sir, magsibak ka ng kahoy.
-Napakagaling!
-Dumako na tayo sa panghuling Uri at ito
ay Padamdam. Pakibasa nga ang ibig -Padamdam – pangungusap na nagsasaad
sabihin nitonAzly? ng matinding damdaming gaya ng galit,
tuwa, inis o gigil. Ito ay nagtatapos sa
-Salamat Azly. tandang padamdam (!).
-Ito ay mga pangungusap na ating sinasabi
kapag tayo ay masaya, naiinis o
nagugulat. Ito ay nagtatapos sa tandang
padamdam.
-Halimbawa,Ay Wow, ang daming
pagkain sa lamesa!
Tama ba na ito ay nagpapahayag ng
matinding damdamin? -Opo Sir.

-Naintindihan niyo na ba ang Padamdam?


-Opo Sir.
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa padamdam?
Roselyn -Sir, Yahoo, napakasaya ng araw na ito!

-Mahusay! Ano pa?


\ -Sir,Bilisan mo!umulan na!
-Anu pa?
-Sir, Yehey, walang pasok bukas!

-Napakagaling!
-Ayon sa inyong mga kasagutan ay
naintindihan niyo na ang ating aralin
ngayon.
-Naintindihan naba mga bata?
D. PAGLALAHAT -Opo Sir!
-Klas, ano nga ulit ang ating tinalakay na
aralin ngayong araw? Cidy. -Sir mga Uri po ng Pangungusap Ayon sa
Gamit.

-Tama! Ano ano naman ang mga uri nito?


-Sir Paturol o Pasalaysay po.
-Magaling! Ano pa?

-Sir Patanong po.


-Mahusay! Ano pa?

-Sir Pautos po.


-Napakagaling! At ang panghuli?

-Sir, Padamdam po.


-At ano nga ba ang kahalagahan ng ating
tinalakay ngayong araw?Mechille -Sir ito ay para magamit namin sa pang-
araw- araw naming pakikipag- usap at
maaari din sa pagsusulat.
-Tama! Ngayong tapos na nating
natalakayin ang ating aralin ay handa na
ba kayo sa maikling pagsusulit?

E.PAGLALAPAT
-Ngayon mga bata,magkakaroon tayo ng
pangkat”
-Papangkatin ko kayo sa dalawang groupo
at bawat groupo ay magbibigay ng tig-
iisang halimbawa sa mga uri ng pangu-
ngusap”
Ang sino mang may tamang mga
kasagutan ay may gantimpalang
makukuha sa akin”
-Ayos ba iyon mga bata?
-Opo Sir!

-Mahusay”
IV.Pagtataya Basahin ang susunod na aralin.
Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong),
PD (padamdam), PU (pautos), at PK (pakiusap).
____ 1. Aray, ang sakit!
____ 2. May kumagat ba sa iyo?
____ 3. Kinagat yata ako ng langgam.
____ 4. Huwag kang tumayo riyan.
____5. Pakikuha nga ang gamot sa loob ng bahay.
____ 6. Bakit ka ba nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga?
____ 7. May hinahanap po akong pugad ng ibon.
____ 8. May nakita po kasi akong sisiw malapit sa puno.
____ 9. Aba, kailangan maibalik natin ito sa inahin!
____ 10. Huwag mong saktan ang sisiw.
____ 11. Mukhang hindi pa ito marunong lumipad.
____ 12. Pakisabi po sa akin kung may nakita kayong pugad.
____ 13. Ipasok mo muna ang sisiw sa loob ng bahay.
____ 14. Umaambon na po ba?
____ 15. Ay, mababasa ang mga sampay ko!
____ 16. Bilis, pumasok na tayo sa loob!
IV. Takdang Aralin
Basahin ang susunod na aralin.

You might also like