You are on page 1of 25

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Republic of the Philippines


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS VISAYAS
Philippine Normal University Visayas
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG
PANGGURO
The National Center for Teacher Education
LUNGSOD NG CADIZ
City of Cadiz

ISANG MASUSING
BANGHAY-ARALIN
SA ARALING PANLIPUNAN 9

Inihanda nina:

Melissa V. Marabe
Rehmie M. Lobiogo
Gurong Mag-aaral

Ipinasa kay:

G. Joevy Niño D. Delos Reyes


Gurong Tagapatnubay

Taong Pang-akademiko 2023-2024


I. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag- aaral sa ika-siyam na


baitang ay inaasahang:

a. Nasusuri ang mga gampanin ng mga sektor at pamilihan na bumubuo sa paikot na


daloy ng produkto at serbisyo;
b. Nabibigyang-halaga ang ugnayan ng mga sektor at pamilihan sa pag-unlad ng
ekonomiya sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling sanaysay.
c. Nakabubuo ng modelo ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo.

INTEGRASYON:
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
• Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.
(EsP9PL-Ie 3.1)
• Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya.
(EsP9PL-Ie-3.2)
ENVIRONMENTAL PRINCIPLES
• Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay.
• Ang kalikasan ay may hangganan.
• Ang kalikasan ay maganda at tayo ang tagapangasiwa ng lahat na nilikha
ng Diyos.

II. NILALAMAN

a. Paksa:
Ang Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo
b. Konsepto:
Ang paikot na daloy ng produkto at serbisyo ay ang payak na paglalarawan ng
mga kaganapan sa buong ekonomiya. Ipinapakita sa paglalarawang ito ang mga
gampanin at ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal sa tulong ng iba’t-ibang
pamilihan.
c. Sanggunian:
• Ekonomiks 9 sa Batayang Aklat ng Araling Panlipunan, pahina 225-228
• Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya, Unang
Edisyon, 2020 (https://shorturl.at/prwIT)
• Tooty Ta Song (https://shorturl.at/lpvKW)
d. Kagamitan:
Laptop, TV, Cartolina, Nametags, Mga Larawan, Kahon at iba pa
e. Pagpapahalagang Moral:
Paggalang at Pasasalamat sa Isa't-Isa: Pahalagahan ang Paggawa at ang mga
Manggagawa
III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Paunang Gawain

1. Pambungad

Magandang hapon, ika-siyam na baitang! Magandang hapon po, Binibini!

(Panalangin)
Manatiling nakatayo para sa ating
panalangin na pangungunahan ni Niño. (Inaasahang ang mga mag-aaral ay
magsisitayo para sa panalangin.)

Bago kayo umupo ay ayusin ninyo muna


ang inyong mga upuan at kunin ang mga
pirasong papel, plastik, o anumang basura
na makikita ninyo sa sahig. Sampu, siyam,
walo, pito… (Inaasahang ang mga mag-aaral ay susunod
sa utos ng guro.)

Maaari na kayong umupo.

(Pagbati at Pagpapakilala)
Bilang pormal na pagpapakilala, ako si
Binibining Melissa Marabe at kasama ko
ngayong hapon si Binibining Rehmie
Lobiogo. Kami ang magiging guro ninyo sa
hapong ito.

Sa uulitin, magandang hapon, mga mag-


aaral sa ika-siyam na baitang! Magandang hapon po, Binibining Marabe at
Binibining Lobiogo!

(Pagtala sa mga Lumiban)


Kalihim ng klase, Zoe, pakitala ng mga
lumiban sa hapong ito at ibigay mo sa akin
mamaya. Maraming salamat! Sige po!

(Pagpapa-alala sa mga Alituntunin sa Silid-


Aralan)
Bago tayo magpatuloy ay may nais lang
akong ipaalala sa inyo upang mapanatili ang
kaayusan at katahimikan sa loob ng silid-
aralan. Sabay-sabay nating basahin ang mga
alituntunin. Isa, dalawa, tatlo… handa…
basa! 1. Una, panatilihing maayos ang
pagkakaupo at iwasang mag-ingay.

2. Pangalawa, makinig nang mabuti at


makilahok sa talakayan. Kung nais
sumagot o kung may mga katanungan,
ipaalam ito sa pamamagitan ng pagtaas ng
kamay. Iwasang sumagot o magtanong
nang sabay-sabay upang ang lahat ay
magkaintindihan.

3. Pangatlo, hinihikayat ang lahat na


gumamit ng Wikang Filipino.

4. Pang-apat, itago ang mga kagamitan na


hindi kakailanganin. Halimbawa, ang mga
cellphones o gadgets, maaari lamang
itong gamitin kung may pahintulot ng
guro o kung may emergency.

Klaro ba tayo rito, ika-siyam na baitang?


Naiintindihan ba? Opo, Binibini!

Mabuti! Maraming salamat!

(Pampasigla)
Siya nga pala, bibisita sa atin ngayon ang
mga kaibigan ko na galing pang ibang
planeta. Tuturuan nila tayo ng isang sayaw.

Magsitayo ulit ang lahat. Inaasahan ko na


kayong lahat ay sasayaw. Handa na ba
kayo? Handa na po kami!

(Inaasahang ang mga mag-aaral ay


magsisitayuan at magsasayawan.)

Ang huhusay n’yo pa lang sumayaw!


Maraming salamat, ika-siyam na baitang!

Magsi-upo na ang lahat.

2. Pagbabalik-Aral

Sa pagpapatuloy, naaalala n’yo pa ba ang


natalakay ninyo kahapon? Opo, Binibini!

Ano nga ulit ang tinalakay ninyo kasama si


Binibining Tenebroso? Mga Estruktura ng Pamilihan po.
Tama! Kahapon ay natalakay ninyo ang
tungkol sa estruktura ng pamilihan.

Kung ganoon, ano ang pamilihan? (Nakadepende sa mga mag-aaral ang sagot.)

Tama! Natalakay n’yo rin kahapon ang


unang estruktura ng pamilihan. Ito ay
ang…? Ganap na Kompetisyon po!

Tumpak! Sino ang makapagsasabi kung ano


ang ganap na kompetisyon? (Nakadepende sa mga mag-aaral ang sagot.)

Magaling! At kung naaalala n’yo pa,


mayroong limang katangian ang ganap na
kompetisyon. Anu-ano ang mga ito?
Magbigay ng isa. Sige, Alexa! • Marami ang mamimili at tindera ng
produkto.
• Magkakatulad ang mga produkto.
• May sapat na kaalaman at impormasyon.
• May kalayaan sa paglabas at pagpasok sa
negosyo.
• Malaya ang paggalaw ng mga salik ng
produksiyon.
Napakagaling! Ako ay nagagalak dahil
nakinig talaga kayo sa naging talakayan
kahapon. Bigyan ninyo ng isang masigabong
palakpakan ang inyong mga sarili.

3. Pagganyak

Bago ko nga pala makalimutan, may


ipapakilala ako sa inyo. Siya si Pepe, at
aalamin natin ang kanyang kuwento.

Si Pepe ay isang magsasaka. Sa kanyang


lupain ay may marami siyang pananim na
__________, isa sa mga sikat na likas na
yaman dito sa Pilipinas. Huhulaan ninyo kung
ano ang pananim ni Pepe sa tulong ng
“Kaholaman ni Pepe.”

Nasa loob ng kahon ang pananim. Kailangan


ko ng isang boluntaryo upang hulaan kung
ano ang nasa loob ng kahon. Ako po! Ako po, Binibini.
Sige, Dean, pumunta ka rito sa harap at ipasok
mo ang iyong kamay sa kahon. Mayroon kang
sampung segundo upang hulaan ito. Kapag
sigurado ka na sa iyong sagot ay ibahagi ito sa
klase. (Inaasahang mahuhulaan ng mag-aaral kung
ano ang nasa loob ng kahon.)

Ito po ay niyog!

Tingnan natin kung tama ba ang naging hula


ni Dean. Tama, niyog! Maraming salamat,
Dean.

Si Pepe ay naka-ani ng napakaraming niyog.


Kaya naman ay napag-desisyunan ni Pepe na
ang kalahati ng kanyang ani ay gagamitin
n’ya sa pang-araw-araw habang ang kalahati
ay ibebenta niya sa kompanyang
nangangailangan ng niyog.

Ano sa tingin ninyo ang mangyayari sa mga


niyog na ibinenta ni Pepe sa kompanya? Ito po ay gagamitin ng kompanya upang
lumikha o gumawa ng iba pang mga produkto.

Tama! Ipoproseso ng kompanya ang mga


niyog at hahaluan ng iba pang mga sangkap.
Kaya ang niyog ay magiging… Shampoo
Coconut Biscuits

Tama! Ang mga produktong ito ay ipapadala


sa iba’t-ibang lugar katulad ng isang
convenient store.

Ngayon naman, makikita natin na si Pepe ay


pupunta sa grocery store. Bumili siya ng
iba’t-ibang produkto at kabilang na rito ang
shampoo, at coconut biscuits. Sa pagtatapos
ng kuwento, makikitang nakangiti si Pepe
dahil may naalala siya habang nakatingin sa
kanyang mga nabili.

4. Paglalahad

Pamprosesong Tanong: Kung kayo si Pepe,


ano ang una ninyong maiisip kung makikita
ninyo na ang shampoo, at biscuits na inyong
nabili ay may sangkap na niyog? Ako po! Iisipin ko po na maliit lang talaga
ang mundo dahil ang niyog na inani at
ibinenta ko ay babalik sa akin sa anyo ng
shampoo, coconut oil, at coconut biscuits.

Magaling! Iba pang mga opinyon. (Iba pang mga kasagutan)


Maraming salamat sa inyong mga kasagutan!

Nasabi ninyo na bumalik kay Pepe ang niyog


sa anyong shampoo, at coconut biscuits. Ano
ang maaari nating iugnay na salita kapag ang
isang bagay ay nagmula sa iyo, napunta sa
iba’t-ibang lugar, at muling nagbalik? Cycle po!

Umikot po! Umikot ang niyog ni Pepe!

Tumpak! Base sa kuwento ni Pepe at sa


inyong mga naging sagot sa mga katanungan,
may ideya na ba kayo kung ano ang ating
panibagong tatalakayin ngayong hapon? Pag-ikot po ng mga produkto!

Malapit na ang iyong sagot! Ano ang


kadalasang kasama ng produkto? Serbisyo po!

Pag-ikot ng produkto at serbisyo!

Tama! Ang tatalakayin natin ngayong hapon


ay ang paikot na daloy ng produkto at
serbisyo.

Sa aralin ding ito ay mapag-aaralan natin ang


daloy ng salapi at daloy ng pag-iimpok at
pamumuhunan na makikita sa paikot na
daloy ng produkto at serbisyo. Aaaah!

Pero bago ang lahat ng iyan, aalamin muna


natin ang mga layunin sa araling ito. Sabay-
sabay nating basahin ang mga layunin. Isa,
dalawa, tatlo, basa!

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang
mga mag- aaral sa ika-siyam na baitang ay mga mag- aaral sa ika-siyam na 7ap ag7 ay
inaasahang: inaasahang:

a. Nasusuri ang mga gampanin ng mga a. Nasusuri ang mga gampanin ng mga
sektor at pamilihan na bumubuo sa paikot sektor at pamilihan na bumubuo sa paikot
na daloy ng produkto at serbisyo; na daloy ng produkto at serbisyo;
b. Nabibigyang-halaga ang ugnayan ng mga d. Nabibigyang-halaga ang ugnayan ng mga
sektor at pamilihan sa pag-unlad ng sektor at pamilihan sa pag-unlad ng
ekonomiya sa pamamagitan ng pagsulat ekonomiya sa pamamagitan ng pagsulat
ng maikling sanaysay. ng maikling sanaysay.
c. Nakabubuo ng modelo ng paikot na b. Nakabubuo ng modelo ng paikot na daloy
daloy ng produkto at serbisyo. ng produkto at serbisyo.

Maraming salamat, ika-siyam na baitang!


Nandiyan pa ba kayo? Opo!
Aalamin nating kung mataas pa ba ang
enerhiya ninyo.

Hephep! Hooray!

Mahina ang inyong pagtugon. Gusto ko ay


iyong malakas talaga. Ulit! Hephep! Hooooray!

Talagang hooray dahil tumaas na ang inyong


enerhiya.

B. Paglinang na Gawain

1. Aktibidad

Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain na pinamagatang
“Modelo: Suriin, at Punan Mo Ako.”

Paalala muna, manatiling nakaupo at


makinig sa ibibigay kong panuto bago kayo
tumayo o gumalaw sa inyong upuan.
Maliwanag ba, ika-siyam na baitang? Opo, Binibini!

Mabuti.

Ang klase ay hahatiin sa tatlo. Tingnan at


kunin sa ilalim ng inyong mga upuan ang
kapirasong papel na naglalaman kung anong
pangkat kayo – Adler, Orca, o Lang.

Ang bawat pangkat ay bibigyan ko ng tig-


iisang cartolina na may nakaguhit na hindi
kumpletong modelo at isang sobre na
naglalaman ng larawan ng isang modelo,
kapirasong papel na may nakasulat na talata,
manila paper at marker.

Sabay-sabay nating basahin ang panuto.


Handa… basa! Panuto:
Babasahin at uunawain ninyo ang ibinigay na
talata at base rito, kukumpletuhin ninyo ang
modelo na nakaguhit sa cartolina sa
pamamagitan ng pagsulat ng tamang sagot sa
mga patlang. May larawan ng modelo ang
bawat pangkat at gagamitin ninyo ito bilang
gabay sa pagsagot. Isusulat n’yo rin ang talata
sa ibinigay kong manila paper.

Bibigyan ko lamang kayo ng anim (6) na


minuto para buoin ang modelo at maisulat
ang talata.

Paalala, magtulungan kayong lahat na nasa


iisang pangkat dahil limitado lamang ang
oras natin. Maaari na habang nag-iisip ang
iba sa kung ano ang isasagot sa patlang, ang
iba naman sa inyo ay magsusulat ng talata.

Ang pangkat Adler ay sa kanan, ang pangkat


Orca ay sa gitna, at ang pangkat Lang ay sa
kaliwa.

Maliwanag ba, ika-siyam na baitang? Wala


na bang mga katanungan? Maliwanag po, Binibini!

Maaari na kayong magsimula. (Inaasahang ang mga mag-aaral ay pupunta


sa kani-kanilang grupo.)

Pangkat Adler

Talata:
Ang sambahayan ang
pinanggagalingan ng mga salik ng
produksiyon katulad ng lupa,
paggawa, kapital, at entreprenyur.
Ang mga ito ay dinadala sa pamilihan
ng mga salik ng produksiyon na siya
namang gagamitin ng bahay-kalakal
upang makalikha ng mga produkto at
serbisyo. Ang mga produkto at
serbisyong ito ay dadalhin sa
pamilihan ng mga yaring produkto, at
ikokonsumo ng sambahayan.
Pangkat Orca

Talata:
Sa panlabas na daloy na nagmumula
sa bahay-kalakal, makikita na ang
kabayaran ng bahay-kalakal sa mga
salik ng produksiyon sa halagang ₱40
milyon ay salapi sa anyong upa,
sahod, interes, o tubo. Ito ay
tatanggapin ng sambahayan bilang
kita. Ang kita ng sambahayan na
nagkakahalaga ng ₱40 milyon ay
ginagastos sa pagkonsumo at
pagbayad sa mga yaring produkto
mula sa bahay-kalakal. Ang
kabayarang ito ay siya namang
tatanggapin ng bahay kalakal bilang
kita.

Pangkat Lang

Talata:
Ang kita ng sambahayan na
nagkakahalaga ng ₱40 milyon ay
nababawasan dahil sa pag-iimpok.
Ang pera para sa pag-iimpok ay dapat
ilagay sa institusyong pampinansyal
katulad ng pamilihan ng kapital. Dahil
sa pag-iimpok, ₱35 milyon na lamang
ang ipangbabayad ng sambahayan sa
pagkonsumo ng mga produkto at
serbisyo, at ang perang ito ay siya ring
matatanggap ng bahay-kalakal bilang
kita. Upang maibalik ang salapi na
lumabas sa paikot na daloy,
mamumuhunan ang bahay-kalakal ng
₱5 milyon mula sa institusyong
pampinansiyal. Ang puhunang ito at
ang ₱35 milyon kita ng bahay-kalakal
ay magiging ₱40 milyon na siyang
gagamitin upang maisagawa ang
produksiyon.

(Inaasahang ang mga mag-aaral ay


matatapos sa paggawa sa loob ng anim na
minuto.)

Tapos na ang anim na minuto. Maaari n’yo


nang ilagay sa harap ang inyong mga nagawa
at pagkatapos ay magsibalikan na kayo sa
inyong upuan. (Inaasahang nailagay na ng bawat pangkat
ang kanilang gawa sa harap.)

Palakpakan naman ninyo ang inyong mga


sarili at ka-pangkat dahil natapos ninyo ang
ating pangkatang gawain. (palakpakan)

2. Analisis

Ngayon ay aalamin natin kung tama kayo sa


pagbuo ng modelo. Uunahin natin ang
pangkat Adler. Ang kanilang modelo ay ang
modelong nagpapakita ng paikot na daloy ng
produkto at serbisyo. Pangkat Adler

Sabay-sabay nating basahin ang nakasulat na


talata tungkol sa unang modelo. Isa, dalawa,
tatlo… handa… basa! Talata:
Ang sambahayan ang
pinanggagalingan ng mga salik ng
produksiyon katulad ng lupa,
paggawa, kapital, at entreprenyur.
Ang mga ito ay dinadala sa pamilihan
ng mga salik ng produksiyon na siya
namang gagamitin ng bahay-kalakal
upang makalikha ng mga produkto at
serbisyo. Ang mga produkto at
serbisyong ito ay dadalhin sa
pamilihan ng mga yaring produkto, at
ikokonsumo ng sambahayan.

Base sa talata, tama ba ang mga sagot ng


Pangkat Adler? Opo!

Sige, iisa-isahin natin ang mga ito.

Bakit sambahayan ang tamang sagot para sa


patlang na ito? Dahil ayon po sa talata, ang sambahayan ang
pinanggagalingan ng mga salik ng
produksiyon katulad ng lupa, paggawa,
kapital, at entreprenyur.

Magaling! Para sa karagdagang kaalaman,


basahin ang kahulugan. Isa, dalawa, tatlo…
handa… basa! Ang sambahayan ay kumakatawan sa mga
taong nagmamay-ari ng mga lupain at kapital,
gayundin ang mga tao na may talino at
kakayahan upang lumikha.

(Ang guro ay magbibigay ng halimbawa o


sitwasyon.)

Para sa pangalawang patlang naman, tama ba


ang pangkat Adler sa kanilang naging sagot
na pamilihan ng mga salik ng produksiyon? Tama po, Binibini!

Bakit? Balikan ang talata upang masagutan


ninyo ang tanong ko. Nakasaad po sa pangalawang pangungusap
na, “Ang mga ito ay dinadala sa pamilihan ng
mga salik ng produksiyon na siya namang
gagamitin ng bahay-kalakal upang makalikha
ng mga produkto at serbisyo.”

Tama! At nakasaad din sa pangungusap na


iyan na ang mga salik ng produksiyon ay
gagamitin ng bahay-kalakal upang makalikha
ng mga produkto at serbisyo. Kaya naman,
ang sagot ng pangkat Adler sa pangatlong
patlang ay… tama o mali? Tama po!

Tama. Ngayon ay basahin ng sabay-sabay


kung ano ang bahay-kalakal. Handa… basa! Ang bahay-kalakal naman ay binubuo ng mga
kompanya, prodyuser, at negosyante na
gumagamit ng mga salik ng produksiyon
upang makalikha ng mga produkto at
serbisyo na kailangan ng ekonomiya.

(Ipagpapatuloy ng guro ang ibinigay niyang


halimbawa o sitwasyon.)

Para sa panghuling patlang, tama ba ang


pangkat Adler? Tama po, Binibining Marabe.

Tama. Ang mga produkto at serbisyong ito


ay dadalhin sa pamilihan ng mga yaring
produkto, at ikokonsumo ng sambahayan.

(Ipagpapatuloy ng guro ang ibinigay niyang


halimbawa o sitwasyon.)

Tama lahat ang sagot ng pangkat Adler!


Bigyan natin sila ng apat na bagsak at isang
fireworks. Alam niyo ba kung paano ito
gagawin? Hindi po!

Ganito lang iyon. Isa, dalawa, tatlo,


apat…psssssh, boom.

Sa uulitin, bigyan natin ng apat na bagsak at


isang fireworks ang pangkat Adler. Isa, dalawa, tatlo, apat…psssssh, boom.

Ngayon ay alam n’yo na kung paano umiikot


ang daloy ng produkto at serbisyo. Tandaan
na sa ganitong interaksiyon ng dalawang
sektor, ang sambahayan at bahay-kalakal, ang
ekonomiya ay nagiging balanse.

At kapag balanse ang ekonomiya, masasabing


mabuti rin ito. Alam n’yo ba ang mga
katangian ng isang mabuting ekonomiya?
(Integrasyon: EsP9PL-Ie 3.1) Opo!

Maaari ninyo ba itong mailahad sa buong


klase? (Mga maaaring maisagot ng mga mag-
aaral.)
• Maunlad na bansa.
• Nasusuportahan at natutugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan.
• Pantay-pantay na prebilihiyo at Karapatan
para sa lahat.
At marami pang iba…

Kung trabaho naman ang pag-uusapan, ano


sa tingin ninyo ang mangyayari kapag ang
isang bansa ay may mabuting ekonomiya? Maraming oportunidad at trabaho para sa
mga mamamayan.

Hindi bababa sa minimum wage ang sahod ng


mga manggagawa.

Maganda ang kondisyon ng pinagtatrabahuan


ng mga manggagawa.

(Pagpapahalagang Moral)
Tama! Subalit dito sa Pilipinas, laganap pa rin
ang problema na kinakaharap ng mga
manggagawang Pilipino. Kasama na rito ang
unemployment, hindi makatarungan at
mababang sahod, at iba pa.

Kaya naman, mga mag-aaral sa ika-siyam na


baitang, nais kong ipaalala sa inyo na maging
magalang sa mga manggagawa at bigyan sila
ng importansiya dahil sa likod ng daloy ng
ating ekonomiya, malaki ang ginagampanan
ng mga manggagawa.

Bilang isang mag-aaral at mabuting


mamamayan ng Pilipinas, paano mo
maipapakita ang iyong paggalang at
pasasalamat sa mga manggagawa? (Nakadepende sa mga mag-aaral ang
kanilang mga kasagutan.)
Tama! Marraming salamat sa inyong mga
kasagutan.

Ngayon naman ay susuriin natin ang gawa ng


pangkat Orca. Narito si Binibining Lobiogo
upang magpatuloy sa ating talakayan.

Sa pagpapatuloy, tingnan ang pangalawang


modelo na nakumpleto ng pangkat Orca.
Malinaw na mayroong nadagdag sa ating
unang modelo papunta dito sa ating
pangalawang modelo.
Pangkat Orca

Sino ang makapaglalahad ng mga kung anu-


ano ang mga ito? Kita po.

Kabayaran.

Pagkonsumo.

Makikita rin po ang upa, sahod, interes, at


tubo.

Ngayon ay aalamin natin kung tama ang mga


sagot ng pangkat Orca. Sabay-sabay nating
basahin ang nakasulat na talata tungkol sa
pangalawang modelo. Isa, dalawa, tatlo…
handa… basa! Talata:
Sa panlabas na daloy na nagmumula
sa bahay-kalakal, makikita na ang
kabayaran ng bahay-kalakal sa mga
salik ng produksiyon sa halagang ₱40
milyon ay salapi sa anyong upa,
sahod, interes, o tubo. Ito ay
tatanggapin ng sambahayan bilang
kita. Ang kita ng sambahayan na
nagkakahalaga ng ₱40 milyon ay
ginagastos sa pagkonsumo at
pagbayad sa mga yaring produkto
mula sa bahay-kalakal. Ang
kabayarang ito ay siya namang
tatanggapin ng bahay kalakal bilang
kita.

Iisa-isahin din natin ang mga naging


kasagutan ng pangkat Orca.

Sa panlabas na daloy, ibig sabihin,


pagtutuunan natin ng pansin ang daloy na ito
(ipakita sa mga mag-aaral).
Sa panlabas na daloy na nagmumula sa
bahay-kalakal, makikita na ang kabayaran ng
bahay-kalakal sa mga salik ng produksiyon
ay nagkakahalagang ₱40 milyon.

Ang kabayarang ito ay maaaring maging


ano? Upa, sahod, interes, o tubo po.

Tama! Kaya naman ay tama ang naging


sagot ng pangkat Orca. Tama po, Binibining Lobiogo!

Tingnan ang direksiyon ng panlabas na


daloy. Ang upa, sahod, interes, at tubo ay
mapupunta sa anong sektor ng ekonomiya? Mapupunta po sa sambahayan.

Tama! At ito ay tatanggapin ng sambahayan


bilang ano? Kita!

Tumpak. Kung kayo ay napapabilang sa


sambahayang sektor, ano ang gagawin ninyo
sa inyong kita base sa nabasang talata? Gagastusin po namin ang pera.

Ipangbabayad po sa mga yaring produkto.

Kung ganoon, tama ba na pagkonsumo ang


sagot sa pangatlong patlang? Opo!

Tama. Ang kita ng sambahayan na


nagkakahalaga ng ₱40 milyon ay ginagastos
sa pagkonsumo.

Tingnan ulit ang direksiyon ng daloy. Ang


₱40 milyon na nagastos sa pagkonsumo at
ipinangbayad sa mga yaring produkto ay
tatanggapin ng anong sektor? Bahay-kalakal po!

Magaling. Ang ₱40 milyon na kabayaran ay


tatanggapin ng bahay-kalakal bilang ano?
Balikan ang talata para malaman kung ano. Kita po, Binibining Lobiogo.

Tumpak. At dahil tama ang lahat ng sagot ng


pangkat Orca, bigyan natin sila ng apat na
bagsak at isang fireworks. Isa, dalawa, tatlo, apat…psssssh, boom.

Sa pangalawang modelo ay makikita natin


ang paikot na daloy ng salapi.

Para maunawaan nang mabuti, magbibigay


ako ng halimbawa.
Halimbawa, ang pamilya ni Reynald ay
pinanggagalingan ng dalawang salik ng
produksiyon – lupa at paggawa. Sila ay
napapabilang sa anong sektor? Sambahayan po!

Tama! Nagtratrabaho bawat miyembro ng


pamilya at nagpapaupa rin sila ng kanilang
lupain. Ano sa tingin ninyo ang matatanggap
ng pamilya ni Reynald? Tatanggap po sila ng kita.

Tama! Sa anong uri o anyo? Upa, sahod,


interes, o tubo? Sahod po sa kanilang trabaho at upa naman
po dahil sa kanilang lupain.

Magaling! Ngayon ay basahin nang sabay-


sabay. Ang mga salik… handa… basa! Ang mga salik ng produksiyon ay may
kabayaran mula sa bahay-kalakal. Ang
manggagawa ay tatanggap ng sahod, ang may-
ari ng kapital ay interes, ang entreprenyur ay
tubo, at ang may-ari ng lupa ay upa. Ito ang
kita ng sambahayan.

At ang mga kinita ng pamilya ni Reynald ay


ang kanilang gagamitin upang bilhin ang
mga pangangailangan na inaalok ng bahay-
kalakal, ang mga produkto o serbisyo.

Ibig sabihin, balanse pa rin ang ekonomiya.


Basahin ang dahilan kung bakit balanse pa rin
ang ekonomiya. Handa, basa! Magkakaroon ng balanse sa ekonomiya kung
ang kinita ng sambahayan ay gagastusin lahat
sa pagkonsumo ng mga yaring produkto na
nagsisilbing kita ng bahay-kalakal. Sa
ganitong sitwasyon ay matatamo ang
ekilibriyo sa ekonomiya at patuloy na
magagawa ang mga gawaing
pamproduksiyon at distribusyon sa
ekonomiya.

May posibilidad ba na maging hindi balanse


ang paikot na daloy ng ekonomiya? (Nakadepende sa mga mag-aaral ang sagot.)

Malalaman natin ang kasagutan mula sa ating


panghuling talakayan.

Pero bago tayo magpatuloy, okay pa ba ang


lahat? Nakikinig pa ba? Opo!

At kapag hindi, hindi ninyo masasagot


mamaya ang pagsusulit. Kaya makinig at
huwag mag-ingay habang nagsasalita ako dito
sa harap. Maliwanag ba? Maliwang po!

Sige.

Sumasang-ayon ba kayo na hindi sa lahat ng


pagkakataon ay gagastusin ng sambahayan
ang kanilang kinita? Opo!

Tama! Halimbawa, ikaw Wesley, kapag


sasahod ka ng ₱200,000, gagastusin mo ba
itong lahat? Hindi po, Binibini. Iiponin ko po ang
kalahati.
(depende sa sagot ng mag-aaral)

Tama! Iyan ang ginawa ng sambahayan sa


pangatlong modelo. Nagsisimula na silang
mag-impok. Dahil diyan, mayroon ng
panibagong pupuntahan ang kita kaya
nagsisimula ng maging hindi balanse ang
daloy ng ekonomiya.

Ngayon, maaari bang maibalik ang balanse ng


ekonomiya? (Magkaiba ang sagot ng mga mag-aaral.)

Malalaman din natin iyan sa pamamagitan ng


pagsusuri sa gawa ng pangkat Lang.
Pangkat Lang

Basahin ang nakasulat na talata. Isa, dalawa,


tatlo… handa… basa! Talata:
Ang kita ng sambahayan na
nagkakahalaga ng ₱40 milyon ay
nababawasan dahil sa pag-iimpok.
Ang pera para sa pag-iimpok ay dapat
ilagay sa institusyong pampinansyal
katulad ng pamilihan ng kapital. Dahil
sa pag-iimpok, ₱35 milyon na lamang
ang ipangbabayad ng sambahayan sa
pagkonsumo ng mga produkto at
serbisyo, at ang perang ito ay siya ring
matatanggap ng bahay-kalakal bilang
kita. Upang maibalik ang salapi na
lumabas sa paikot na daloy,
mamumuhunan ang bahay-kalakal ng
₱5 milyon mula sa institusyong
pampinansiyal. Ang puhunang ito at
ang ₱35 milyon kita ng bahay-kalakal
ay magiging ₱40 milyon na siyang
gagamitin upang maisagawa ang
produksiyon.

Batay sa modelo at talata, ano ang kaibahan


ng ito sa mga natalakay na modelo? Ano ang
nadagdag? Mga Institusyong Pampinansyal po.

May pera na rin po para sa pag-iimpok at


pamumuhunan.

Tama ka riyan! Sa pangatlong modelo, may


dumagdag institusyong pampinansyal o ang
pamilihan ng ano? Kapital po.

Tama! Ngayon, base sa inyong binasang


talata, may mali ba sa mga naging kasagutan
ng pangkat Lang? (Nakadepende sa sagot ng mag-aaral.)

Talaga? Ngayon ay ating susuriin ang


kanilang gawa.

Tama ba ang sagot ng pangkat Lang sa halaga


ng pera para sa impok?

(Magtatawag ng isang representante sa


pangkat.) Opo, dahil ayon sa talata, ₱40 milyon ang
kita ng sambahayan at nabawasan ito dahil sa
pag-iimpok. Nakasaad din sa talata na dahil
sa pag-iimpok, ₱35 milyon na lamang ang
para sa pagkonsumo. Ang ₱40 milyon, kapag
binawasan ng ₱35 milyon, ay magiging ₱5
milyon.

Tama, dahil sa pag iimpok ng sambahayan sa


institusyong pinansyal ay nabawasan ng ₱5
milyon ang dapat na 40 milyon para sa
pagkonsumo.

Nakasaad din sa talata na ang pamilihan ng


kapital ay isang institusyong pampinansiyal
kaya naman ay tama ang sagot ng pangkat
Lang sa pangalawang patlang.

Sa tingin ninyo, bakit kailangan ng tao na


mag-impok? (Nakadepende sa mga mag-aaral ang
kasagutan.)

Tama! Kailangan nating mag-impok dahil


napaplano at napaghahandaan ng mga tao ang
mga gastusing panghinaharap.

Sige, balikan na natin ang gawa ng pangkat


Lang. Tama rin ang sagot nila sa pangatlong
patlang, ₱35 milyon. Balikan natin ang ₱40
milyon na kita ng sambahayan ay
mababawasan ng ₱5 milyon impok, kaya ng
pagkonsumo ay ₱35 milyon na lamang.

Natanong ko kanina na maaari bang maibalik


ang balanse ng ekonomiya? Ang sagot diyan
ay oo, sa pamamagitan ng pamumuhunan.
Basahing muli ang nakasulat na talata mula sa
“Upang maibalik…” Upang maibalik ang salapi na lumabas sa
paikot na daloy, mamumuhunan ang bahay-
kalakal ng ₱5 milyon mula sa institusyong
pampinansiyal. Ang puhunang ito at ang ₱35
milyon kita ng bahay-kalakal ay magiging
₱40 milyon na siyang gagamitin upang
maisagawa ang produksiyon.

Muli, bakit kailangang mamuhunan ng bahay-


kalakal? Upang maibalik ang salapi na lumabas sa
paikot na daloy po.

Para maibalik ang balanse ng ekonomiya.

Para maraming produkto ang magagawa ng


bahay-kalakal.

Tumpak! Sa madaling salita, ang pag-iimpok


ay nagdudulot ng hindi balanseng ekonomiya
ngunit sa tulong ng mga institusyong
pampinansiyal, maaaring mamuhunan ang
mga bahay-kalakal. Ang pamumuhunan ang
siyang nagbabalik ng balanse.

Sige. Tama lahat ang sagot ng pangkat Lang.


Bigyan din natin sila ng apat na bagsak at
isang fireworks. Isa, dalawa, tatlo, apat…psssssh, boom.
At bigyan din natin ng limang bagsak ang
ating mga sarili. (palakpakan)

3. Abstraksiyon

Ang natalakay natin ay iilan pa lamang sa


mga mahahalagang bagay na may malaking
gampanin sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Ngayon ay tingnan natin ang kabuuan ng
tatlong modelo.

Sa panloob na daloy makikita na ang


sambahayan ay pinanggagalingan ng mga
ano? Salik ng Produksyon

Tulad ng? Lupa


Paggawa
Kapital
Entreprenyur

At ito ay dinadala sa pamilihan ng mga salik


ng produksyon at ang mga salik na ito ay
gagamitin ng anong sektor? Bahay-kalakal po

At anong gagawin ng bahay-kalakal sa mga


salik ng produksyon? Maglilikha na mga yaring produkto po.

Sinong magkokonsumo ng mga yaring


produkto? Sambahayan

Sa nakikita ko naiintindihan n’yo na ang


panloob na daloy. Ngayon ay dumako naman
tayo sa panlabas naman na daloy ng
ekonomiya. Saan nga ito nagsisimula?
Tingnan ang direksiyon ng daloy. Bahay-kalakal

Ang bahay-kalakal ay magbabayad sa


sambahayan sa kaniyang ginamit na mga salik
ng produksyon. At tatangapin ito ng
sambahayan bilang ano? Kita po, Binibini. Ang manggawa ay tatangap
ng sahod, ang may-ari ng kapital ay interes,
and entreprenyur ay tubo, at ang may-ari ng
lupa ay upa.

Ngayon, hindi sa lahat ng pagkakataon ay


gagastusin ng sambahayan ang kanilang kinita
kaya’t natuto na silang mag? Impok po, binibini.
Anong manyayari sa daloy ng ekonomiya? Hindi na po balanse ang daloy ng ekonomiya
dahil sa pag-iimpok.

At para maibalik ang balanse, ano ang


ginagawa ng bahay-kalakal? Namumuhunan po mula sa mga institusyong
paminansiyal. Sa ganitong paraan, maibabalik
ang balanse at makagagawa ng maraming
produkto para sa lahat.

Tama! Napakagaling!

Muli, ika-siyam na baitang, sa likod ng


pagpapa-unlad ng ating ekonomiya ay ang
pawis at hirap ng mga manggagawa. Ano nga
ulit ang paalala ni Binibining Marabe sa inyo
patungkol dito? Maging magalang po sa mga manggagawa at
bigyan sila ng importansiya dahil sa likod ng
daloy at pag-unlad ng ating ekonomiya,
malaki ang ginagampanan ng mga
manggagawa.

Mahusay! At kapag maunlad at maganda ang


ekonomiya, marami itong maidudulot sa mga
mamamayan at sa bansa. Magbigay ng isa!
(Integrasyon: EsP9PL-Ie-3.2) (Nakadepende sa mga mag-aaral ang sagot)

Tama! Kaugnay din sa pag-unlad ng


ekonomiya ay ang kalagayan ng ating
kapaligiran. Bakit nga ba naaapektuhan ng
ekonomiya ang ating kalikasan?
(Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay.) (Nakadepende sa mga mag-aaral ang sagot)

Hindi natin maipagkakaila na may mga


mabubuti at masasamang dulot ang
kagustuhan nating mapaunlad ang ekonomiya
ng bansa. At isa sa pinagkukunan natin ng
salik ng produksiyon ay ang ating Inang? Kalikasan.

Tama! Kaya naman, ika-siyam na baiting,


laging tatandaan na aanhin natin ang
magandang ekonomiya kung wala na tayong
titirhan, diba?
(Ang kalikasan ay may hangganan.)

Ating isaisip at isapuso na bilang mamamayan


di lamang ng Pilipinas kundi ng mundo,
responsibilidad natin na alalahanin at
siguraduhin ang kapakanan ng ating Inang
Kalikasan habang tayo ay tumatahak sa landas
patungo sa kaunlaran ng ekonomiya ng bansa
o ng mundo.
(Ang kalikasan ay maganda at tayo ang
tagapangasiwa ng lahat na nilikha ng
Diyos.)

Naintindihan ba? Opo!

Bago ko tapusin ang talakayang ito, ano ang


masasabi ninyo pa tungkol sa paikot na daloy
ng produkto at serbisyo? Ano ang nais nitong
ipakita sa inyo? At nakita n’yo ba ito? (Nakadepende sa mga mag-aaral ang sagot)

(Konsepto) Ang paikot na daloy ng produkto at serbisyo


ay ang payak na paglalarawan ng mga
kaganapan sa buong ekonomiya. Ipinapakita
sa paglalarawang ito ang mga gampanin at
ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal sa
tulong ng iba’t-ibang pamilihan.

4. Aplikasyon

I-sanaysay Mo Na ‘Yan!

Panuto: Sagutan ang katanungang, “Bakit Mahalaga ang ugnayan ng sambahayan,


mahalaga ang ugnayan ng sambahayan, bahay-kalakal, at mga pamilihan sa pag-unlad
bahay-kalakal, at mga pamilihan sa pag-unlad ng ekonomiya dahil kung wala ang isa upang
ng ekonomiya?” Limitahan ang pangungusap tumulong sa iba, hindi mababalanse and
mula tatlo hanggang lima lamang. Bibigyan daloy ng ekonomiya. At kapag hindi balanse
ko kayo ng limang minuto sa pagsagot. ang ekonomiya, ang produksiyon at
distribusiyon ay maaapektuhan, pati na rin
ang kalagayan ng isang bansa.

Makikita sa likod ng inyong papel ang


pamantayan sa pagsulat.
(huling pahina)

C. PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang


sumusunod na pahayag o pangungusap.
Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung
wasto ang pahayag o pangungusap at
MALI naman kung hindi.

_____1. Ang sambahayan ay ang sektor na


lumilikha ng mga yaring produkto. MALI

_____2. Sa institusyong pampinansiyal


tulad ng bangko inilalagay ng sambahayan
ang kanilang pera para makapag-impok. TAMA
_____3. Kumukuha ng pera ang
sambahayan mula sa pamilihan ng mga
yaring produkto para gawing puhunan. MALI

_____4. Ang bahay-kalakal ay ang sektor


na gumagamit ng mga salik ng produksiyon
upang makalikha ng mga produkto at
serbisyo. TAMA

_____5. Ang pamilihan ng mga salik ng


produksiyon ang siyang pinagdadalhan ng
sambahayan ng mga bagay katulad ng lupa,
paggawa, kapital, at entreprenyur. TAMA

Tandaan, kailanma’y hindi magiging tama


ang mali!

D. TAKDANG ARALIN

Basahin at unawain ang tungkulin ng


pamahalaan at panlabas na sektor sa paikot
na daloy ng produkto at serbisyo (pahina
229-230).
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1

May kaugnayan ang sagot


sa katanungan.

May malinaw at maayos na


pagkasunod-sunod na
impormasyon.

May wastong paggamit ng


salita at bantas.

Kabuuang Puntos

You might also like