You are on page 1of 21

6

Filipino
Kuwarter 1-Modyul 4, Linggo 4:
Magalang na Pananalita
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 1 - Modyul 4: Magalang na Pananalita
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte Tagapamanihala


ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO-V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6

Manunulat: Apriil Rose M. Macahibag at Emerita M. Daitano Illustrator


and Layout Artist: Liza Mae A. Berezo
Proofreader, In-House Content and Language Editors:

Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Mary Ann M. Allera


Assistant Schools Division Superintendent

Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief


Monisa P. Maba, Ph.D., EPS-Filipino
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Joselito C. Epe, Ed.D., PSDS
Justina Sanchez, School Principal
Lawanun Mohammad, School Principal
Editha Tawantawan, School Principal
Anisa D. Sarip, PhD, School Principal
Sahanidah Makiin, PhD, School Principal
Regional Evaluator: Bendee Nancy M. Orlanda, Malaybalay City Division
Lourdes O. Pucot, Malaybalay City Division

Inilimbag sa Pilipinas ng ______________


Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del
Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109 E-mail
Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Filipino
Kuwarter 1-Modyul 4, Linggo 4:
Magalang na Pananalita

Ag modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling guru,


punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa
Departamento ng Edukasyon-dibisyon ng Lanao del Norte. hinihikayat ang
lahat ng guro at mga stakeholders sa edukasyon sa pam amagitan ng pag-
email sa kanilang mga puna, komento o mungkahi sa Deped-Lanao Division at
lrmdsldn@gmail.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina

COVER PAGE
COPYRIGHT P
AGE
TITLE PAGE
TABLE OF CO
NTENTS

Aralin 1– Pagh
ih
Pamilyar at D inuha, Magalang na Pana
-P
i amilyar nalita,Pangh
alip Panao,

Tuklasin Alamin
Subukin
Balikan 1
1
Suriin 3
Pagyamanin 4
Isaisip 5
Isagawa 6
Notes to the 8
Teacher
Tayahin 8
Karagdagang
Gawain
8
10
Sanggunian

12
Aralin

1 Magalang na Pananalita

Alamin

Magandang Araw! Handa ka na bang matuto? Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa
Filipino! Kagigiliwan mo ngayon ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, ika-apat na
Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay
sa pag-aaral sa mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pag-unawa sa napakinggan.

2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng


sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

Pamantayan sa Pagganap:

1. Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasaadula ang isang paksa


mula sa tekstong napakinggan.

2. Nakakasali sa isang usapan tungkol sa isyu.

Kasanayang Pampagkatuto:

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;

1. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa kwentong


napakinggan.

1
2. Nagmumungkahi ng iba pang pangyayari na maaaring maganap sa binasang
teksto.

3. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagpahayag ng saloobin.


4. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip panao sa pakikipag-usap sa iba’t
ibang sitwasyon.

5. Nakapagbibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa


pamamagitan ng gamit sa pangungusap

6. Nakasusulat ng kuwento

Subukin

Panuto 1: Unawain at sagutin ang mga tanong sa sumusunod na pagungusap. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno.

____1. Si Sophia ay mahilig sa matatamis at minsan lang kung magsipilyo. Ano kaya ang
pwedeng mangyari sa kanya?
a. tataba c. sasakit ang ngipin
b. magkakaroon ng diabitis d. gaganda ang boses

____2. Ang magkapatid na Vergara ay sikat sa kanilang paaralan at paborito ng kanilang


mga guro. Bakit kaya kilala ang magkapatid sa kanilang paralan?
a. mayaman c. guwapo
b. maangas at kinatatakutan d. talentado at magalang

____3. Sa baryo San Antonio ay napapabalitang nahuhuli o nakikita ang mga ahas sa mga
kabahayan. Ano kaya ang dahilan ng pagkakahuli ng mga ahas?
a. nasira na ang kanilang tahanan c. maraming pagkain sa kabahayan
b. naghahanap ng pagkain. d. naglalaro ito sa loob ng bahay

___4. Binilhan ka nang iyong tatay ng dalawang lobo. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Bakit dalawa lang? c. Ayoko niyan!
b. Maraming salamat po. d. Hindi ko gusto ang kulay.

2
____5. Pupunta ang iyong ate sa palengke. Ano ang iyong sasabihin?
a. Paalam! Mag-iingat ka c. Huwag ka ng umuwi ate
b. Bumili ka nga ng mansanas. d. Sasama ako sa iyo

____6. Nabali mo ang lapis na iyong hiniram. Ano ang sasabihin mo sa taong iyong
pinaghiraman?
a. Pasensya na. Hindi ko sinasadya c. Itapon mo na yan
b. Bakit mabilis mabali ang lapis mo? d. Ang ganda ng nabali mong lapis

____7. Binigyan mo ng keyk ang iyong kuya at nagpasalamat siya sa iyo. Ano ang isasagot
mo sa kanya?
a. Hindi na kita bibigyan ulit. c. Gusto mo pa bang kumain
b. Bayaran mo yan mamaya d. Walang Anuman

Panuto 2: Buuin ang pangungusap. Piliin ang titik ng angkop na salita sa ibaba.

____8. Ang pangalan ko ay Karina. ____________________ ang presidente ng Dance Club


sa aming paaralan.
a. ako b. siya c. sila d. amin

____9. Sina Jessica at Paula ay magaling magsayaw. ____________________ ay sasali sa


Dance Club ngayong taon.
a. ako b. sila c. siya d. naming

____10. “Jessica, ikaw at ako ay dapat na mag-ensayo. ____________________ ay mag-


aaudition para sa Dance Club mamayang hapon,” ang paalala ni Paula sa kanyang
kaibigan.
a. Ako b. siya c. Sila d. tayo

Balikan

Sa nakaraang leksyon ay natutunan mo ang pag-analisa at pag-unawa sa iyong


binasa upang sagutin ang mga tanong sa tekstong pang-impormasyon. Kaya ngayon ating
balikan sa pamagitan ng pagsagot ng nasa ibaba.

Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Pagkatapos sagutin ang mga sumunod na
katanungan.

3
Paggawa ng Pataba o Abono sa Halamanan

Narito ang mga paraan o hakbang:

1. Gumawa ng hukay sa likod-bahay. Itabi ang lupang hinukay.


2. Ilagay sa hukay ang mga basurang nabubulok tulad ng mga dahong tuyo,
pinaglinisan ng isda, karne, balat ng anumang gulay, at iba pa.
3. Takpan ang mga basura.
4. Diligan ng tubig paminsan-minsan.
5. Kung nabubulok na ang mga basura, ihalo ito sa lupang kinalalagyan.
6. Ibilad sa araw upang mamatay ang mga mikrobyong kumapit dito.
7. Maaari na itong gawing abono. Ihalong mabuti sa lupang pagtatamanan.
Landas sa Wika p. 127

Mga Tanong:

1. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng pataba o abono?


2. Ang mga sumusunod ay mga basurang nabubulok maliban sa isa.
a. balat ng gulay o prutas b. mga dahon
c. bote ng catsup d. pinaglinisan ng isda
3. Ano ang dapat mong gawin sa mga nabubulok na basura?
4. Paano mapapadali ang pagpapabulok ng basura?
5. Bakit kailangang ibilad sa araw ang pinaghalong nabubulok na basura at lupa?

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kwento at unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot mo
ang mga sumunod na tanong.

Si Jose ang batang Magalang


ni: Arjohn V. Gime

Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay sabik ng pumasok sa


paaralan. Habang nag-aayos ng gamit si Jose para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na
4
baitang, bigla siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit si Jose sa
kaniyang ina.
“Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga kakailanganin natin para sa
lulutuin kong adobong manok.”
“Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan? tanong ni Jose.

“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni Nanay Lorna kay Jose.

“Sige po Nay! Tugon ni Jose.


Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang Melchor.
“Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng masiglang bata sa may-ari ng
tindahan.

“Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?” tanong ng tindero sa bata.
“Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong paminta, isang bote ng
mantika, suka at toyo.” “magkano po lahat?” tanong ni Jose.
“Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika, sampung piso ang suka at kinse
pesos naman ang toyo. Kaya lahat-lahat ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting
tindero.

”Salamat po, Mang Melchor,” “Walang anuman,Jose!”


Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong naman niya si Aling Helen na
kanilang kapitbahay.
“Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito sana ako na lamang ang
pinabili ninyo para hindi na kayo napagod.”
“Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking lulutuing pananghalian. O di ba may
pasok ka na bukas?”
“Opo kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at hindi muna ako
nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing
titigil sa paaralan at hindi na makatutulong sa tanghali. Sige po mauna na ako.”
“Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna kayo,” ang kaniyang bati sa
kaibigang abala sa pag-aayos ng kaniyang sirang tricycle, sabay kaway. “Uy,
Ben.Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at mainit na ang sikat ng araw. Pasukan
na natin bukas. Sige ka ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis, mo ang mga mangyayari sa
unang araw ng pasukan natin, Ang paalala ni Jose sa kaniyang kaklase na abala sa
pagbibisikleta malapit sa kanilang bahay.
At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May ngiti sa labi dahil nakatulong siya
sa kaniyang nanay at nakita niya at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso. Sa isip
niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga taong kaniyang nakita sa pagbili niya sa
tindahan ni Mang Melchor.

Mga Tanong:
1. Anong katangian meron ang ating pangunahing tauhan?
2. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?
3. Anong uri na kaibigan si Jose kay Ben?
4. Ano naman siyang uring anak sa kanyang magulang?
5. Kung ikukumpara natin si Jose sa kabataan ngayon. Ano ang pinagkaiba?
5
Suriin

1. Balikan ang kwentong “Si Jose ang Batang Magalang”. Mula sa nabasang kwento, ibigay
ang mga sumusunod at isulat sa sagutang papel
a. Mga panghalip panao na ginamit sa kuwento.
b. Mga magagalang na pananalita na ginamit sa kuwento.

2. Kung sakaling hindi sumunod si Jose sa utos ng kanyang ina at sumama sa kaibigang si Ben
sa pagbibisiklita. Ano ang mangyayari?

3. Anu-ano ang may salungguhit na mga salita sa mga pangungusap?

4. Ano ang kahulugan ng bawat isa?

5. Ano ang iyong pinagbatayan ng pagpapakahulugan sa mga ito?

Pagtatalakay

Ang hinuha ay saloobing pandamdamin sa binasa o pagbuo sa sariling palagay, pasya o


kalalabasan ng pangyayari batay sa detalyeng inilahad.
Nangangailangan ito ng pag-unawa sa binasa upang makapagbigay ng wastong hinuha.

Wastong Paggamit ng Likas na Katangian


Landas sa Wika 6, pp 3-4

Magalang ang mga Pilipino. Ito ay likas na katangian ng lahing hinahangaan ng


marami. Naipapakita ang pagiging magalang ng mga Plilipino sa iba’t-ibang paraan.
Sa ating pagsasalita, gumagamit tayo ng po at opo; ho at oho. May mga pantawag
din tayo sa matatanda tulad ng lolo, lola, apo, impo, inang at tatang. Ang mga
nakatatandang kapatid ay tinatawag nating kuya, ate ingko, diko, ditse, singko at sanse Isa
ring kaugalian at tanda ng paggalang ang pagbati ng “Magandang umaga po” o “Magandang
gabi po” sa tuwing makakasalubong ang isang nakakatandang nakikilala o taong
nakakataas.
Ang mga nakakabatang mga kasapi ng mag-anak ay nagmamano sa mga matatanda
tuwing orasyon pagdating sa bahay o kapag galing sa pagsisimba.

Paano magbigay ng kahulugan sa pamilyar at di- pamilyar na salita?


6
1. Basahin at unawain ang binabasa.
2. Pansinin ang mga salitang ginamit sa pangungusap.
3. Ang mga salitang ginamit (context clue) ang magbibigay tulong upang higit na
maiintindihan ang pamilyar at di-pamilyar na salita.

Panghalip Panao-ang tawag sa salitang ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao


I. Kaukulang Palagyo
Panghalip na Panao na nasa kaukulang Palagyo – ito ay ginagamit bilang simuno ng
pangungusap

II.Kaukulang Paari

Panghalip na Panao na nasa Kaukulang Paari - ito ay ginagamit na pamalit sa mga


pangngalang nag-aari.

III.Kaukulang Palayon o Paukol

Panghalip Palayon o Paukol - ito ay ginagamit bilang layon o pinaglalaanan sa


pangungusap.

Pagyamanin

Gawain I
Panuto: Ibigay ang angkop na wakas ng bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. May exam si Cara sa susunod na lingo. Tuwing gabi ay naglalaan siya ng dalawang
oras para mag-aaral. Kumakain siya ng mga masustansyang pagkain at natutulong
ng maaga.
2. Overweight ang anak ni Mang Kaloy. Mahilig naman magluto ng matatamis ang
kanyang asawa.
3. Laki sa layaw ang magkapatid na Diane ay Trixie. Nang maaksidente ang kanilang
mga magulang ay tumira sila sa kanilang kamag-anak sa probinsya.
4. Inutusan si Tina ng kanyang ina maglaba. Dumaan ang kanyang mga pinsan na
maliligo sa ilog. Dahil sa hindi pa siya nakakaligo ay sumama siya.
5. May mahabang buhok si Rachell. Hindi siya mahilig maligo at kalimitang nakabilad
sa araw sa paglalaro.

Gawain II
7
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung alin dito ang gumagamit ng
magagalang na pananlita sa pamamagitan ng paglalagay ng (√) tsek kung Oo at (X) ekis
kung Hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. “Maari po ba akong makahingi ng tubig?” ______2.


“Bakit Lolo? Ano ang nangyari?”

______3. “Magandang umaga po, Bb. Marissa.”


______4. “Paraan nga dyan, Gio!”

______5. ”Tumabi ka nga dyan.”

______6. ”Pakiabot naman po iyong tinapay.”

______7. ”Pakikuha naman ng aking aklat.”

______8. ”Maaari nyo po ba akong turuan magluto?”

______9. ”Gusto ko nang tsokolate.”

______10.”Bayad po.”

Gawain III
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at hanapin ang tamang kahulugan nga
sinalungguhitang salita.

1. Binabagtas ng delivery van ang bayan ng Baroy at Tubod upang maibigay ang relief
goods.
a. linalaktawan b. iniiwan c. dinadaanan d. iniikotan

2. Ang mga produktong ginagawa ng mga etnikong Bagobo ay iisa lamang at walang
kapara.
a. kapareho b. kulay c. sira d. halaga

3. Nagkukumahog na umalis si Cora papuntang paaralan dahil mahuhuli na siya.


a. nagmamakaawa b. naglulupasay c. nanggigigil d. nagmamadali

4. Natutulog na kami nang may naulinigan akong kumakaluskos sa likod ng bahay.


Bumangon si Itay.
a. nasunog b. tumaho c. narinig d. tumawa

5. Hindi ko masindihan ang lampara dahil kinuha ni Lolo ang kasapwego.


a. lighter b. gaas c. posporo d. baterya

Gawain IV
Panuto: Piliin ang angkop na panghalip sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1.Si Aling Lorna ay butihing ina. (Ako, Siya, Ikaw) ay may tatlong anak.

8
2. Maaga pa ay handa na sa pagpasok sina Ela, Mario at Rey. (Sila, Kami, Tayo) ang mga
anak ni Aling Lorna.
3. Maging ang mga kapitbahay ay natutuwa sa (nila, kanila, siya).
4. “(Ako, Kami, Siya) ang pinakamatanda sa aming magkakapatid,” ang wika ni Ela.
5. “(Siya, Kami, Sila) ay tumutulong sa mga gawaing-bahay,” ang sabay-sabay na wika ng
mga anak.

Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot ayon sa tinatalakay.

Ang ______ ay ang saloobing pandamdamin sa binasa o pagbuo sa sariling palagay,


pasya o kalalabasan ng pangyayari batay sa detalying inilahad.
Ang _______ ay mga salita hindi natin madalas ginagamit sa pang-araw-araw nating
pakikipag-usap sa ibang tao.
Ang ______ at ______ naman ay ilan sa mga magagalang na pananalita na ginagamit ng
mga Pilipino. Isa sa mga Katangiang hinahangaan sa atin na sanay manatli kasama ng iba
pa nating kaugalian.
Samantalang _________ ang tawag sa salitang ginagamit na panghalili sa pangalan
ng tao. Ito’y ginagamit sa tatlong kaukulan na ________ para sa panghalip na ginagamit
bilang simuno ng pangungusap. At kaukulang ____ para sa panghalip na ginagamit pamalit
sa pangngalan ng nagmamay-ari. At ang panghuli ay ang kaukulang _______ para sa
panghalip na ginagamit bilang pinaglalaanan sa pangungusap.

Isagawa

Sumulat ng isang kuwento gamit ang komik istrip na nagpapakita nang paggalang sa
mga nakakatanda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

9
Mensahe para sa Guro
Sa pagwawasto ng pagsulat ng isang komik istrip sa Isagawa, kailangang
ito ay may pamantayang sinusunod o rubrics.

Tayahin

Gawain I

Panuto: Unawain at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Pagod sa kakalinis ng bahay ang ina. Pagdating ng hapon umuwi ang kanyang mga anak
na galing sa paglalaro buong araw. Ano ang magiging reaksyon ng ina?
a. magagalit c. matutuwa
b. mahihiya d. madidismaya

2. Bata pa lang adik na sa gadgets ang bunsong anak ni Mang Marlon. Ano ang maaaring
mangyari sa kanyang mata katagalan?
a. matalino c. di mautusan
b. nasira ang mata d. nagkasakit
Gawain II

Panuto: Punan ang patlang. Isulat ang tiitk ng tamang sagot.

1. Ako si Andrea Salome. Sikat ____ sa paaralan dahil sa aking ganda.


a. ako b. siya c. ko d. sila

2. Abala ang mag-anak sa paparating na piyesta kaya naman pagod na ____ sa buong
maghapong ginawa.
a. kami b. sila c. tayo d. kayo

3. Alice, ___ ba ang boyfriend mo? Pakilala mo naman ___ sa ___.


a. ako, siya, kanya c. siya, ako, kanya
b. kanya, ako siya d. kami, siya, kayo

Gawain III
Panuto: Basahin ang pangungusap at ibigay ang kahulugan ng sinalungguhitang salita.
Isulat ang tamang sagot sa inyong papel.

10
1. Hindi magaslaw at pino sa pagkilos si Kang kaya ang tawag sa kanya ay
"dimakabasag-pinggan."
(Tamad, mahinhin, mabuti, mabigat)

2. Nang tinanggap ni Kang ang pag-ibig ni Laon ay itinakda na ang kanilang "pag-
iisangdibdib, pagtataling-puso, o mahabang-dulang." (pagkakaibigan, pagkakatipan,
kasalan, handaan)
3. "Hindi magkamayaw" ang lahat ng mamamayan upang tumulong at maihanda ang
masaganang pagkain at inumin sa piging nang maitakda ang pagtataling-puso ng
magkasintahan.
(abalang-abala, pagod na pagod, galit na galit, gutom na gutom)
4. "Nagngangalit ang bagang" ni Datu Dungadong nang malaman niyang
magpapakasal sa iba si Kang at hindi sa kanya.
(ngipin ay masakit, umiiyak sa sakit, nasasaktang lubos, galit na galit)

5. Nalungkot ang lahat nang "bawian ng buhay" ang butihing Datu Kamion, Kang, at
DatuLaon.
(lumaban sa kaaway, lumisan sa barangay, mamatay, magkasakit)

Gawain IV
Panuto: Gumawa ng isang liham gamit ang magagalang na pananalita.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa kuwentong pinamagatang Ang Kuneho At
Ang Pagong. Isang kuwentong pabula hango sa The Tortoise and the Hare ni Aesop.

Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong.


Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang
mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa.
Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na
nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo
ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan.
"Nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa tuktok ng bulubunduking
iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.

11
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni
Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto
niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si Matsing ang nagbilang para sa
paguumpisa ng paligsahan.
"Handa na ba kayo".
Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".

"Isa..Dalawa..Tatlo.!. takbo", sigaw ni Matsing.

Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan.


Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na
siya sa paanan ng bundok. Nang lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang
agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang
pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya
ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si Pagong sa
kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong.
Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis,
ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal
nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa
marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na
natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad
hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Nang magising naman si
kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong.
Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat
niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa tuktok ng bundok. Naunahan na pala siya.

I. Mga Tanong:
1. Anong katangian meron sina Pagong at Kuneho?
2. Ano ang dahilan bakit hinamon ni Pagong si kuneho magkarera?
3. Bakit natalo sa karera si Kuneho?
4. Anong meron kay Pagong na wala kay Kuneho?
5. Anong aral ang makukuha sa kuwento?

II. Isulat ang mga panghalip panao na ginamit sa kuwento.


III. Basahin ang mga kalagayan sa Hanay A at hanapin sa Hanay B ang tugmang
paghingi ng pahintulot. Isulat ang tamang sagot sa sagutang pael.
12
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
https://buklat.blogspot.com/2017/12/ang-kuneho-at-ang-pagong-pabula.html

https://drive.google.com/file/d/0B9ErwJkQyXJJYVRjeGdHOXpuZXc/view

https://drive.google.com/file/d/0B9ErwJkQyXJJdDA5VktrM1FBaTg/view

https://depedclub.com/short-stories-download-reference-materials/

Landas sa Wika 6, pp 3-

Landas sa Wika p. 127

13
Para sa karagdagang katanungan, maaaring sumulat o tumawag:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound, Pigcarangan,
Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

You might also like