You are on page 1of 8

ESP

Learning Area
School Grade Level ONE
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Teacher Led Modality)Learning Area ESP
Teaching Date Quarter THIRD
LESSON
EXEMPLAR Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral ay:


Maipapakita ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at
magalang

A. Pamantayang Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan


Pangnilalaman ng pagiging masunurin, pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at
kalinisan sa loob ng
tahanan at paaralan
B. Pamantayan sa Naisasabuhay ang pagiging masunurin at
Pagganap magalang sa tahanan, nakasusunod sa mga
alituntunin ng paaaralan at naisasagawa nang may
pagpapahalaga ang karapatang tinatamasa
C. Naipapakita ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at
Pinakamahalagang magalang (Esp1PPP-IIIa-1)
Kasanayan sa
Pagkatuto
(MELC) (Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalaga
ng kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Sinusunod at Iginagalang Ko, Nakatatanda at Magulang Ko
III. KAGAMITAN Modyul
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
Page 63
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng https://lrmds.deped.gov.ph/
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN Direct lnsiruction
The TGA Activity
- Tell (Give guidance)
- Guide (Facilitate the process)
- Act (Applv the concept)
A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK
(Panimula) Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Alin dito ang
nagpapakita ng pagiging masunurin at magalang.

BALIKAN
ARALIN
TELL
Ang pagsunod sa mga bilin o utos ng ating mga magulang o ng iba
pang nakatatanda ay isang paraan ng pagpapakita ng iyong
paggalang sa kanila. Ito ay isa sa kagandahang asal na pinamana pa
sa atin ng ating mga ninuno na dapat nating isabuhay at isapuso. Ang
magalang at maluwag sa dibdib na pagsunod sa mga tuntunin at utos
ay nagbibigay ng kasiyahan at kaayusan sa tahanan at paaralan. Ang
batang masunurin sa kanyang mga magulang ay magiging mabuting
huwaran sa pamayanan at sa lipunan.
Basahin ang maikling kuwento sa tulong at gabay ng iyong mga
magulang at iba pang nakatatandang kasama sa bahay.
Si Tonyo ay isang batang masunurin at masipag. Lahat ng inuutos ng
mga nakakatanda ay kaniyang sinusunod nang maluwag sa kaniyang
kalooban. “Anak, aalis kami ng iyong itay. Kayo na muna ang bahala
sa mga naiwang gawaing bahay,” sabi ng nanay ni Tonyo. “Opo,
nanay!” sagot naman ni Tonyo. Hinugasan ni Tonyo ang mga plato at
nagwalis ng kanilang bahay. Nagtungo din siya sa kanilang bakuran
at nakitang maraming nalaglag na tuyong dahon kaya pinulot niya
ang mga ito. Nakita naman siya ng kanyang kuya Rey at tinulungan
siya nito. Pamaya-maya, dumating na ang kanilang magulang.
Laking tuwa nila nang datnan nilang malinis na ang bahay at
nakitang nagtutulungan ang magkapatid sa kanilang gulayan. Nang
matapos na sila sa kanilang ginagawa, niyaya ni Tonyo ang kanyang
kuya Rey na maglaro. Nagpaalam sila sa kanilang nanay at kaagad
naman silang pinayagan at pinagbilinan na bawal silang lumabas
dahil sa Covid -19.

Nalungkot bigla si Tonyo sapagkat wala siyang laruan na maaaring


gamitin sa loob ng kanilang tahanan ngunit bigla siyang nagulat ng
makita ang bitbit ng kanyang Tatay Lito.
Ang malungkot na mukha ni Tonyo ay napalitan ng kasiyahan lalo na
nang makita niya ang hawak ng kaniyang Tatay Lito. “Para po ba sa
akin iyan itay?” “Oo, anak. Alam namin na matagal mo ng gustong
makuha iyan kaya binili namin para sa iyo”.

Naku! Maraming salamat po ang masayang sabi ni Tonyo “Walang


anuman anak. Ipagpatuloy ninyo ang inyong pagiging masunurin
iyan ang gantimpala ninyo sa amin”. “Opo, lagi po naming tatandaan
ang inyong mga bilin. “ Sagutan ang mga sumusunod na tanong
tungkol sa kuwentong iyong binasa. Isulat ang wastong sagot sa
iyong sagutang papel. 1. Ano ang pamagat ng kuwentong iyong
napakinggan? 2. Sino ang Masunuring bata? 3. Sino ang mga
magulang ni Tonyo 4. Bakit umuwing malungkot si Tonyo? 5.
Anong uri ng bata si Tonyo?

SURIIN
GUIDE
B. Development Ang pagiging masunurin ay ang pagsunod sa mga utos, bilin o
(Pagpapaunlad) paalala ng mga nakatatanda o ng iyong magulang. Isapuso ang mga
utos, bilin, at paalala sa iyo ng mga nakatatanda ito ay nararapat
lamang na sundin at gawin. Narito ang ilang halimbawa ng iba’t
ibang paraan kung paano natin maipakikita ang ating pagiging
masunurin at pagmamahal sa ating mga magulang at iba pang
nakatatanda: a. kung ikaw ay inuutusan, iwanan ang ginagawa at
sumunod kaagad sa inuutos nang nakangiti. b. Kung ikaw ay
tinatawag dapat kaagad kang sumagot, huwag magbingibingihan. c.
Kung may mga tungkulin na ibinigay sa iyo katulad ng pagdidilig ng
mga halaman, gawin ito ng may kusa at hindi na kailangan pang
utusan.

PAGYAMANIN

Gawain 1 Lagyan ng tsek () kung ginagawa mo ang isinasaad ng


pangungusap at ekis (x) kung hindi mo ginagawa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Sinusunod agad ang utos ng mga nakatatanda
2. . 2. Umuuwi agad pagkalabas ng paaralan.
3. Sumasagot kaagad kapag tinatawag ng
nanay at tatay.
4. Kailangan pang bigyan ng pera kapag
ginawa ang bilin ng mga magulang.
5. Iniiwasang gawin ang mga bawal.
AP NTEGRATION

ISAISIP
HEALTH INTEGRATION
Ngayon alam mo na ang pagpapakita ng iba’t ibang paraan ng
pagiging masunurin at magalang ay nagdudulot ng kasiyahan at
kagalakan sa pamilya. Tandaan na ang batang masunurin ay malayo
C. Engagement
(Pagpapalihan) sa disgrasya. Makaiiwas ka sa mga mapanganib na kalagayan at
aksidente.

ISAGAWA
Pag-aralang mabuti ang larawan. Punan ng wastong tugon ang bawat
speech bubble. Humingi ng paggabay sa iyong mga kasama sa bahay.
D. Assimilation
(Paglalapat)

PAGSUSULIT
Isulat ang letrang D kung ang pangungusap ay nagpapakita na ito ay
dapat gawin at HD kung hindi dapat gawin.
1. Sumusunod agad ako sa utos ng aking mga magulang.
2. Sinasabi ko sa aking mga magulang na iba na lang ang utusan
nila.
3. Ako ay nagbibingi-bingihan sa mga paalala ng aking Nanay.
4. Umiiwas ako kapag alam kong mayroong ipag-uutos ang Nanay.
5. Sinusunod ko ang ipinagagawa sa akin ng aking magulang nang
bukal sa aking puso.

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like