You are on page 1of 7

Akademiko

ng Pagsusulat

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APATA NA


TAON

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-


aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng
Talavera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas
ng kasanayan sa pagsasalitang mga mag-aaral sa mga sining
pangtanghalan tulad ng pagsalitang pagkukuwento,pagtatalumpating
impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing
limang (15) mga-aaral namga-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang
pag-aaral sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing
pagsalitang pagkukuwento at talumpating impromptu, ekstomperenyo.
Lumabas sap ag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita
ang mga mag-aaral sa pagkuwento at pagtalumpating ekstemporenyo
subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating
impromptu. sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa
kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
Teknikal na Pagsulat

Feasibility Study
PAGLALARAWAN

Ang produktong inilalarawan ng mga mananliksik ay ang mga


hayop katulad ng mga aso,pusa , daga, ibon at iba pa. ang naisip na
panagalan ng mga mananaliksik ay “ Angel’s Pet shop”. Maraming mga
benepisyong matatangap ang mga bibili sa produkto. Ang mga
katangian ng pet shop ay may mga sariling kulungan, lugar kung saan ay
puwesto ang kainan, playgroud at walang timul ang mga ito. Bukod
dito, pagbibili sa petshop ay may mga libreng gamit katulad ng collar,
food dog, shampoo para sa hayop, iba pa.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maipakita sa


mamimili na aari silang mag adopt ng hindi lang bata kundi pati rin ng
mga hayop. Upang narin maipakita kung maayos at masistema ang
pananaliksik na ito patungkol sa nasabing produkto.

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga dahil bago


maisakatuparan at bago lumikha ng isang produkto, ito ay magiging
basehan ng mga toa kung magiging matagumpay sila sa kanilang
negosyo. Ang pag-aaral na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng
pangangangalap ng mga dato na napapanahon at maasahan. Ang
feasibility study na ito ay makakatulong sa mga magnenegosyo upang
malamanang mga dapat gawin at mga kagamitang gagamitin sa
pagsasakatuparan ng pagkakaroon ng isang Pet shop.
Malikhaing Pagsusulat

PANGARAP

Ako ay isang tao na naghahanap


Tagumpay sa pagsubok na ‘king kaharap;
Siguradong pakiramdam ay masarap
Pag abot-kamay na aking pangarap.

Kung ako siguro’y marunong lumipad


Kahit saan sa mundo’y mapapadpad
Upang hanapin ang kapalarang hangad
At lahat ng pangarap ko’y matutupad.
Reperensiyal na Pagsulat

Epekto ng Senior High para sa mga Kabataan

KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ayon sa mga nakalap naming sanaysay tungkul sa aming pananaliksik,


ang isang dahilan kung bakit nagiging Malala ang kakulangan ng
classrooms at guro sa public schools ay maraming mga estudyante sa
private sng lumilipat sa public schools. Sa ngayon, halos 20 milyonang
mga estudyante mula elementary hanggang high school sa public
school. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon na
estudyante. Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumipat ang mga
estudyante sa private sa public schools ay kahirapan. Pataas ng pataas
na ang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat
ng bilihin.
PROPESYONAL NA PAGSULAT

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN
 nabubuo ang sariling wakas ng napapanood na bahagi ng serye/traller ng pelikula
na ang paksa ay may kaugnayan sa binasa.
 Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng nobela.

II. NILALAMAN

A. Paksa- Ang matanda at ang dagat


B. Kosepyo- Ang nobelaay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo
ng pampanitikang tuluyan.
C. Kasanayan- Pagsalita
D. Sanggunian- Modyul sa Filipino 156-168
E. Balyu Pokus- Modyul, manila paper, laptop

III. PROSESO NG PAGKATUTO


A. Panimulang Gawain
1. Pagbalik-aral
Ano ang mga paraan o hakbang sa pagsusuring-basa?
2. Paglalahad
Manood ng isang trailer na walng wakas.

B. Panlinang na Gawain
3. Mga Gawain
Pangkatan Gawain
Una at pangalawang pangkat – magbibigay ng kani-kanilang wakas sa
napanood.
Ikatlo at ikaapat na pangkat-magpapakita ng isang maikling dulamula sa
nobela.
4. Pagtatalakay
Paano mo binigyan ng wakas ang nasabing pelikula?
Ano ang masasabi mo sa dula na ipinakita ng dalawang grupo?

5. Panapos na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang paraan sa pagbibigay ng wakas sa isang napanood?

2. Paglalapat
Bilang mag-aaral, papaano mo bibigyan ng pagpapahalaga ang isang
nobela?
Dyornalistik na Pagsusulat

Bullying, Itigil Na!


Ano ba ang bullying? Anu-ano ang mga dahilan kung bkit
ginagawa nila ito sa kanilang kapwa? Paano natin maiiwasan ang
pagbubullying ?

Ang pagbubullying ay pang-aasar, panloloko o pananakot ng isang


tao sa kanyang kapwa. Karamihan sa mga ito ay estudyante. Linoloko
nila ang kanilang mga kamag-aral upang pahiyain, gantihan at saktan.
Ngunit sa palagay mo, ito ba ay nakabubuti sa ating kalooban?

Kung isaisip at isasapuso natin ang pagbubullying naginagawa sa


atin ng mga taong nakapaligid sa atin, tiyak na masasaktan ang ating
damdamin. Minsan ay maitatanong pa natin sa ating mga sarili kung
bakit ba nila ito ginagawa sa mga taong walang kalaban-laban at isa pa
bakit ba natin ito ginagawa sa mga inusenting tao? Para lang ba
pagkatawa, paglibangan ? hindi naman natin kailangan gawin ito
sapagkat marami namang paraan oara malibang at masaya. Maari
naman nating gamitin ang mga material na bagay upang maglibang.
Ngunit ang kapwa natin ay hindi natin maaring paglaruan sapagkat tao
rin sila na katulad natin at maaring din silang masaktan.

Kaya mga kamag-aral at mga kaibigan, tigilan na natin ang


panloloko sa mga taong nakapaligid sa atin. Marami pang bagay ang
maari nating gawin na mas kapakipakinabang kaysa sa bullying, wala
anaman tayong mapapala kung gagawin natin ito. Kung titigilan ang
ganitong pag-uugali ay hogit na mas mayos at payapa-ugnay nating sa
ating kapwa.

You might also like