You are on page 1of 5

LESSON PLAN IN FILIPINO 6

Quarter 2, Week 1

I. PREPARATION
1. Bago po tayo magsimula ay mag-aalay po tayo ng isang
maikling panalangin..
2. (Call Ezra Comawas to say the prayer.)
- Iyuko po natin ang ating mga ulo at damhin ang
panalangin na bibigkasin ni Ezra Comawas.
3. Greetings:
- Hello po mga bata, kamusta po kayo..
- Una po sa lahat ay babatiin muna natin ng isang
napakagandang umaga ang bawat isa lalong lalo na po
sa ating butihing punong-guro, Maam Josephine Alim
- Ang ating sasabihin ay: “Magandang Umaga po Maam
Alim, magandang Umaga po maam Lumaya, magandang
umaga mga kaklase, MABUHAY!
4. Bago po tayo magsisimula ay babasahin ko muna ang mga
sumusunod na mahalagang paalaala:
- I-off ang ating mga microphones habang mayroong
nagsasalita at buksan lamang ito kung kayo ay tinawag
upang sumagot.
- Kung nais ninyong sumagot sa mga katanungan o kung
mayroon kayong nais itanong, pindutin ang “Raise
Hand” o itaas ang inyong kanang kamay kung ang raise
hand ay hindi applicable sa gadget na inyong ginagamit
- Gumamit ng “Po” at “Opo” kapag kinakausap ng guro o
ng punong-guro.
- Iwasan makipag-usap sa mga kaklase habang
nagpapatuloy ang talakayan upang maiwasan ang ingay
at upang maintindihang mabuti ang aralin.
- Ihanda po ang inyong Learning activity Sheets or LAS na
FILIPINO 6, Quarter 2, Week 1.
5. Handa na po ba kayo sa ating talakayan ngayong umaga?
6. Sa screen ay makikita po natin ang iilang salita. Maaari po
ba natin itong basahin nang sabay? Ready, Read!
- Salamat po mga bata sa inyong pagbasa.
- Gamit ang mga salitang binasa, sino po sa inyo ang
maaaring makabuo ng isang kwento batay sa inyong
karanasan sa buong araw?
- MY KWENTO: Kumain ako nang maaga kahapon ng
umaga dahil marami-rami dn ang nakapilang Gawain na
dapat maisagawa. Pagkatapos kumain ay naglinis ako
nang buong bahay pati na sa aming bakuran.
Pagkatapos kong maglinis ay tumungo ako sa hardin at
nagtanim ng mga gulay. Medyo natagalan ako sa
pagtanim dahil kinailangan ko pang ayusin ang mga
garden plots. Nang matapos ako sa pagtanim, naghugas
ako ng mga kamay at dumeretso na sa aking silid at
naglaro ng ML. Dahil sa pagod, inantok ako kaya
natulog na lang.
- Ano po ang tawag sa kwentong nabuo ni
____________?
- Sino po sa inyo ang mayroong karanasan sa buhay na
kawili-wili o di kayay nakakatawa? Pag-uusapn natin
mamaya ang mga iyan.
7. Ang aralin natin ngayong umaga ay: Pagsagot sa mga
tanong tungkol sa napakinggan/nabasang talaarawan at
anekdota.
8. Maari mo bang basahing muli ang ating araling ngayong
umaga________ (name of child)?
9. Sa puntong ito mga bata, makinig kayong mabuti dahil
babasahin ko ang Susing Konsepto ng ating aralin.
(PAGBASA NG SUSING KONSEPTO NG TALAARAWAN AT
ANEKDOTA)
10. Ngayon, nais kong ipabasa muli sa iilang batang
tatawagin ko ang susing konseto ng aralin upang lubos
natin itong maintindihan.
(TUMAWAG NG BATA ISA-isa NA BABASA MULI NG SUSING
KONSEPTO PER PARAGRAPH.)
11. Narito ang isang halimbawa ng talaarawan. Babasahin
ko po ito sa inyo, Makinig kayong mabuti dahil may mga
katanungan po tayo pagkatapos.
-(pagbasa ng talaarawan at mga katanungan).
12. Dumako po tayo sa pangalawang konsepto na ating
aralin ngayon.
- Uulitin ko po ang isa kong katanungan kanina: Sino po
sa inyo ang may karanasan sa buhay na nakakatawa o
kawiliwili?
- Kung ang karanasang iyon ay inyong isusulat bilang
isang maikling kwento, ito ay ang tinatawag na
anekdota.
- (PAGBASA NG KONSEPTO NG ANEKDOTA)
- (Pagpapabasang muli sa konsepto ng anekdota sa mga
bata per paragraph)
- (PAGBASA NG HALIMBAWA NG ANEKDOTA)
- Makinig nang mabuti mga bata habang babasahin ko
ang isang halimbawa ng anekdota dahil may mga
katanungan ako pagkatapos.
- (Pagsagot ng mga katanungan tungkol sa anekdota)
13. Naintindihan po ba ninyo kung ano ang talaarawan at
anekdota?
- Sino ang makapagsabi muli kung ano ang taalarawan at
anekdota?
14. Ngayon mga bata, tutungo na po tayo sa mga
Pagsasanay upang sukatin ang inyong kaalaman sa ating
aralin.
15. PAGSASANAY 1. (Babasahin ng guro ang panuto at
Taalarawan
- Kunin po ninyo ang inyong activity sheets upang sagutin
ang mga katanungan sa Pagsasanay I
- Habang kayo ay sumasagot sa pagsasanay ay tatawagan
ko po muna ang iba ninyong kaklase na hindi nakasali sa
ating online discussion ngayon..
16. Tapos na po ba tayo sa Pagsasanay 1?
17. Ngayon dadako naman tayo sa pagsasanay 2
- (Pagbasa ng panuto at anekdota)
- Sa inyong mga Learning Activity Sheets ay inyong
sasagutin ang mga katanungan sa Pagsasanay 2.
- Pagtawag ng guro sa mga batang hindi nakasali sa
online discussion.
18. Tapos na po ba tayo sa Pagsasanay 2?
19. Ngayon ay ating i-check ang ating mga kasagutan.
Babasahin ko po ang bawat katanungan at tatawag ako ng
batang sasagot sa bawat tanong. Inaasahan ko po na tayoy
maging tapat sa pagcheck ng ating sariling mga sagot, ok
mga bata?
- (Pagcheck sa pagsasanay 1)
- (Pagcheck sa pagsasanay 2)
- Sino-sino po ang nakakuha ng perfect score sa
pagsasanay 1? Sa pagsasanay 2? Ano-ano po ang mga
scores ng iba?

20. PAGWAWAKAS
- Bago po tayo magtapos sa ating aralin ay magbibigay
ako ng karagdagang Gawain na inyong gagawin sa
inyong kaniya-kaniyang mga tahanan.
A. Gumawa po ng isang linggong Talaarawan mula sa
mga pangyayaring nagaganap sa iyong buhay umpisa
ngayong araw. Lagyan ng petsa, araw, at oras ang
bawat pagtala ng mga pangyayari. Gawin ito sa isang
lumang kwadernong maaari pang gamitin.
B. Sumulat ng maikling anekdota mula sa isang
nakakatawa o kawili-wiling pangyayaring naganap sa
iyong buhay. Gawin ito sa isang used bondpaper na
maaari pang sulatan ang likurang bahagi.
21. Dito po nagtapos ang ating online na talakayan mga
bata, maraming salamat po sa inyong kooperasyon,
maraming salamat dn po sa kooperasyon ng inyong mga
magulang. Hanggang sa susnod po nating pagkikita online,
sana po ay lahat po tayo maka-participate sa susunod na
mga online live activities natin.

Sa muli maraming salamat po sa lahat at akoy


magpapaalam na dahil tatapusin ko pa ang pagtawag sa
iba pa ninyong mga kaklase..

Bye bye po mga bata, stay safe po tayong lahat and God
bless us all.

You might also like