You are on page 1of 7

Learner’s Activity Sheet

MAPEH Music (Ikalawang Markahan – Linggo 1)

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ________________


Guro: _______________________________________ Petsa:______________________________
Paaralan: ________________________________________________________________________

Mahal kong mag-aaral,

Magandang araw!
Sa linggong ito, matututunan mong makikilala ang kahulugan at gamit
ng F-clef sa staff (MU5ME-IIa-1) at makikilala ang mga pitch name ng bawat
linya at espasyo sa F-clef (MU5ME-IIa-2)

Sa Paksang ito, ang integrasyon ay ang pagpapahalaga sa elemento ng


musika.
Ang iyong guro

Ang Pagbabasa ng Nota sa Piyesa at Pagtutukoy sa mga Pitch


Name sa Bawat Linya at Puwang sa F-clef staff

Gawain 1 Gawin Natin!

Gawain 1.1:
Panuto: Masdan at pag-aralan ang nakikita sa larawan.

Gawain 1.2:
Panuto: Pagmasdan ng mabuti ang ipinapakita sa larawan.

1 5
Gawain 2 Isaisip Natin!

Gawain 2.1:
Panuto: Punan ang mga kahon ng mga nawawalang sofa silaba sa bawat
staff ng G-Clef at F-clef. (8 puntos)

Gawain 2.2:
Panuto: Lagyan ng sofa-silaba ang bawat kahon na may Hand Signals. (8
puntos)

Gawain 3 Isulat at Alamin Natin!

Panuto: Kopyahin sa inyong kwaderno ang nakasaad sa aralin sa Gawain 3.

Tingnan ang note na may kulay. Ano ang so-fa syllable nito? Bakit
magkapareho ang kulay nito sa clef na nasa kaliwa, may kaugnayan ba ang
dalawa?

2
C D E F G A B C

DO RE MI FA SO LA TI DO

Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng staff. Ang staff ay isa sa


pinakapangunahing simbolo ng musika na kailangan muna nating
matutunan. Ito ay binubuo ng limang guhit na pahalang. Sa pagitan ng mga
guhit ay may puwang o space.
__________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Ang mababang staff ay maaaring hatiin sa maliliit na bahagi na
tinatawag na measures. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglagay ng
mga bar line.

1 measure 1 measure 1 measure 1 measure

Ang Clef ay isang simbolo sa musika na matatagpuan o makikita sa


pinakakaliwang bahagi ng staff. Ito ay tumutukoy sa eksaktong lokasyon ng
bawat tono o pitch sa staff.
Mayroong iba’t-ibang uri ng clef pero ang pinakamadalas na gamitin
ay ang G-Clef at F-Clef. Ang F-Clef ay isang simbolo ng musika na
tinatawag ring bass clef. Ang pagguhit nito sa staff ay nagsimula sa ika-
apat na linya at mayroong dalawang dot sa tabi nito. Ang gamit nito ay para
maipakita na ang nota ay F. Ibig sabihin na ang pitch name sa pang-apat na
linya ng staff ay F o Fa. Kung kantahin ito, dapat ang pang-apat na linya ay
mapangalanang Fa.

3
Ang nasa ibaba ay halimbawa ng F-Clef.

Pagtutukoy sa mga Pitch Name sa Bawat Linya at Puwang sa


F-clef staff
Bawat linya at puwang sa staff ay mayroong iba’t-ibang pitch name. Tingnan
ang larawan sa ibaba.

Ang iyong nakita sa itaas ay ang mga pitch names na (C-E-G-B) sa


staff. Madali mong matatandaan ang mga ito kung gagamitin ang acronym
na Cage Every Good Boy. Samantalang ang nasa ibaba na (do – mi – so - ti)
ay ang pangalang so-fa syllables. Bawat pitch name ay nagsisimula sa
ikalawang puwang sa ibaba, sinundan naman ng pangatlong puwang, pang-
apat at ang puwang sa pagitan ng panlimang linya at ng ledger line.

Ngayong alam mo na ang mga pitch names sa bawat puwang o space sa


staff, pag-aralan naman natin ang mga pitch names na makikita sa bawat
linya ng staff.

Tingnan at pag-aralan ang nasa ibaba.

4
Ang iyong nakikita sa itaas ay ang mga pitch names (D-F-A-C) na
makikita sa bawat linya ng staf fsa F-Clef. Madaling matandaan kung
kabisaduhin ang acronym Dog Food At Cage. Samantalang ang nasa ibaba
nito na (re – fa – la – do) ang mga pangalang so-fa syllables.

Ang unang pitch name ay nagsisimula sa pangatlong linya sa ibaba at


sinundan ng pang-apat na linya, panglima at ang pinakamataas na pitch na
nasa ledger line.

Gawain 4
Isagawa Natin!

Gawain 4.1
Panuto: Tingnan ang F-clef sa itaas na may 4/4-time signature at sagutin
ang mga tanong. (6 puntos)
1. Ilan ang mga notang makikita sa unang measure ng F-Clef?
_______________
2. Ilang beat mayroon ang pangalawang measure? ___________________
3. Pangalanan ang mga pitch name ng bawat nota na nasa pangalawang
measure ng F-clef _______________________.

Gawain 4.2:
Panuto: Ibigay ang mga sofa siliba ng bawat pitch name. Pagtambalin ang
Hanay A sa Hanay B at Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang. (5
puntos)

Hanay A Hanay B

1. E a. so
2. B b. fa
3. G c. mi
4. D d. ti
5. F e. re
f. la
Gawain 4.3:
Panuto: Isulat sa loob ng mga notang mga pitch name sa Bawat puwang at linya
ng F-clef staff. (8 puntos)

5
Gawain 5 Tayahin Natin!

Gawain 5.1:
Panuto: Kilalanin at tukuyin ang mga pangalan, kahulugan, at gamit ng F-
Clef sa staff. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba at
isulat ito sa bawat linya na nasa kanang bahagi. (5 puntos)

1. Ito ay simbolong musika na nakalagay sa kaliwang bahagi ng staff.


___________
2. Ilan ang mga linya na makikita sa staff? ___________
3. Ito ay pangunahing simbolo ng musika na binubuo ng mga limang
pahigang linya. ____________

4. Ito ay tinatawag ding bass clef na iginuhit sa pang-apat na linyang staff


na mayroong dalawang dot sa tabi nito. ____________
5. Ito ay ang proseso sa pagpapaikli at paghahati ng staff gamit ang mga
patayong linya o bar. ____________

6
Gawain 5.2:
A. Panuto: Iguhit ang F-Clef sa staff at lagyan ng mga pitch name at so-
fa syllable ang bawat puwang nito. (8 puntos)

B. Panuto: Iguhit ang F-Clef sa staff at lagyan ng mga pitch name at so-
fa syllable ang bawat linya nito. (8 puntos)

Sanggunian
1. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
2. Halina’t Umawit at Gumuhit 5. pahina 24-29
3. Downloaded Module

KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang lahat ng
mga gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.

_______________________________________________ ____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa ng Paglagda

You might also like