You are on page 1of 14

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA

ARALING PANLIPUNAN 6
Inihanda ni: John Andrei T. Delos Reyes
I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang kahulugan ng bawat kulay at simbolo na makikita sa pambansang bandila ng
Pilipinas
b. napapahalagahan ang bandila ng Pilipinas bilang sagisag ng bansa; at
c. naipapakita ang paggalang at pagpapahalaga sa pambansang bandila ng Pilipinas bilang sagisag ng
bansa.

II. Paksang-Aralin
Paksa : Ang Pambansang Bandila ng Pilipinas
Sanggunian: Araling Panlipunan 6, Pilipinas isang sulyap at pagyakap, (Batayang Aklat) I.
2006.Pp.123-126.
Kagamitan: Panturong biswal, laptop, ppt, larawan, marker, lapis, krayola, pisara, yeso.
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat panalangin .
( Magtatawag ang guro ng mag-aaral para
pangunahan ang panalangin)

Sa ngalan ng ama, ng anak at ng n gat santo.


2. Pagbati O Panginoong makapangyarihan….
Magandang umaga mga bata!

Magandang po Ginoong Andrei.


Kamusta kayo ?
Okay lang po!
Nag-agahan naba kayo?
Opo!
Mabuti naman kung ganun! Lagi nating tandaan,
bago tayo pumasok sa paaralan dapat ugaliing
mag-agahan para mapanatili ang ating kalusugan
at ganado tayong makinig sa talakayan.
Naintindihan mga bata?

Opo!
Okay! Mukhang ang iba sa inyo ay inaantok pa.
Kaya para mawala yan, magkakaroon tayo ng Wala po
pampasigla. Gusto niyo bay yun?
Opo!
Okay! Ngayon ay gagawin natin ang laro na
pinamagatang “bato, bato-bato, batotoy”, alam
niyo ba yun?
Hindi po
Okay, ganito lang yun. Kapag sinabi kong bato,
ilalagay niyo ang inyong kamay ulo; kapag sinabi
kong bato-bato, ilalagay niyo ang inyong kamay
sa balikat; at kapag sinabi kong batotoy, ilalagay
niyo ang inyong kamay sa dibdib. Naintindiha?
Opo!
Okay! Subukan nga natin.

3. Pagtatala ng Liban

Ngayon ay gusto kong malaman kung mayroon


bang liban sa araw na ito. Class monitor may la
liban ba sa ating klase?
Wala po.
Magaling! Ako’y nagagalak dahil nandito
kayong lahat. Dahil diyan bigyan natin ang ating
sarili ng limang bagsak!

4. Pagtatakda ng Kasunduan

Bago tayo dumako sa ating susunod na gawain,


nais ko munang ipaalala sa inyo ang ating mga
kasunduan sa klase. Ano nga ang una nating
kasunduan?
Umupo ng maayos
Tama. Ang lahat ba ay nakaupo ng maayos?

Magaling! Ano nga uli ang inyong gagawain Opo!


kapag may nagsasalita sa harap?
Makinig ng mabuti
Tama! Dapat makinig ng mabuti. Bakit
kailangang makinig ng mabuti?
Para po maintindihan ang ating paksang
Tama! Kailangang makinig ng mabuti para mas tatalakayin.
lalo pa ninyong maunawaan ang ating paksang
tatalakayin. Naintindihan?
Opo!
Paano naman kung gusting ninyong sumagot?
Ano nga ulit ang gagawin? Itaas ang kamay.

Tama! Kung gusto niyong sumagot o kung may


katanungan kayo, itaas lang iyong kamay para
maiwasan natin ang anumang ingay na
nagdudulot ng kaguluhan. Naintindihan? Opo!

At kapag mayroon tayong pangkatang gawain,


ano nga ulit ang gagawin? Makilahok at makipagtulungan

Mahusay! Dapat makilahok at makipagtulungan.

Magaling! Ako ay nagagalak dahil hindi ninyo Opo!


nakalimutan ang ating mga kasunduan sa klase.
At sana sundin niyo palagi ito para mag-karoon
tayo ng maayos na talakayan. Naintindihan? Opo!

Mabuti kong ganon.

5. Pagwawasto ng takdang-aralin
Mayroon ba akong ibinigay na takdang –aralin sa
inyo? Wala po

At dahil wala akong ibinigay na takdang-aralin,


ay dadako na tayo sa ating susunod na gawain.

B. Pagganyak

Ngayon ay maglalaro tayo. Gusto niyo ba yun? Opo!

Ang hina naman, parang hindi ko marinig. Gusto


niyo bang maglaro? Opo!

Okay, ngayon ay may lalaruin tayo. Pero bago


yan ay papangkatin ko muna kayo sa tatlo.
( Papangkatin ng guro ang mag mag-aaral sa
tatlo)

Ang lalaruin natin ngayon ay bugtong-bugtong.


Pamilyar ba kayo sa larong ito? Opo!

Magaling! Ang kailangan niyo lang gawin ay


huhulaan kung ano ang ibig sabihin ng mga
bugtong pagkatapos, isusulat niyo ang inyong
sagot dito sa cardboard at mag-uunahan kayo sa
pagtaas ng inyong mga sagot. At para patas sa
lahat, bibigyan ko kayo ng mga numero.

( Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga


numero)

Lahat ng number 1, kayo ang sasagot sa unang


bugtong, number 2, sa ikalawa ,number 3 sa
ikatlo, number 4, sa ikaapat, number 5 sa
ikalima, at number 6 sa ikaanim na bugtong.
Naintindihan?
Opo!

Ang unang pangkat na makapagtaas ng tamang


sagot ay makakatanggap ng puntos. At ang
pangkat na may pinakamaraming puntos ay
tatanghaling panalo. Handa naba kayo?
Opo!
Kung handa na kayo,sabihin niyo handa na kami.
Pangkat una, handa na kayo?
Handan a kami
Pangkat ikalawa, handa na kayo?
Handan a kami
Pangkat ikatlo, handa na kayo?
Handan a kami

Okay, mukang handa na ang lahat. Kapag sinabi


kong go, tsaka niyo isusulat ang inyong sagot
Pero paalala lang, ayusin ang pagkasulat dahil
kapag hindi ko maintindihan awtomatikong
invalid ang inyong sagot. Naintindihan? Opo!

Kung ganon ay simulan na nating ang ating laro.

1. Sa kalangitan ako’y namamayagpag, sa dagat


ako’y malalim at malawak. Kapag ako’y
iyong tinitigan, kapayapaan ang iyong
mararamdaman. Ano ako?
Kulay Asul

2. Sa damit, ako’y karaniwang nakikita, sa


papel, ako’y walang bahid na anumang kulay.
Kapag ako’y marumi, madaling mapapansin,
pero kapag akoy malinis, kahanga-hanga’t
maganda rin. Ano ako?
Kulay Puti

3. Sa dugo ng puso, akoy sumisibol, sa rosas at


mga bunga, ako’y namumukadkad. Kapag
ako’y nakikita, pagsinta’y nag-aalab, sa init
at pag-ibig ako’y naglalagablab. Ano ako?
Kulay Pula

4. Sa tuwing umaga, umaakyat ako, malakas na


liwanag ang dala-dala ko. Ako ay nakikita sa
lawak ng kalangitan,ngunit madalas ako’y
iniiwasan ng karamihan. Ano ako?
Araw

5. Sa umaga ako’y hindi nakikita, ngunit sa gabi


ako’y nagniningning. Malayo man ang aking
kinaruruonan, naaaninag mo parin. Ano ako?
Bituin

6. Mayroon akong tig-tatlong panig, sa itaas, sa


gitna, at sa ibaba. Ako’y isang hugis na
matatagpuan, sa lipunan at kalikasan. Ano
ako?
Tatsulok

C. Paglalahad

Narito, ang mga sagot sa mga bugtong kanina.


Basahin ng sabay-sabay.
Kulay asul, kulay puti, kulay pula, araw,
bituin, at tatsulok.
Ngayon mga bata, alam niyo ba na ang lahat ng
ito ay makikita natin sa isang bagay lamang?
Hindi po.

Oo, ang lahat ng ito ay makikita natin sa iisang


bagay lamang at yun ang pag-aaralan natin
ngayong umaga. Sino ang may ideya kung anong
anong bagay ang tinutukoy ko? Yes Reggie?
Watawat ng Pilipinas

Watawat ng Pilipinas nga ba? Okay, malalaman


natin mamaya kung tama ba ang iyong sagot.
Sino pa ang may ideya? Yes Ela?
Pambansang Watawat ng Pilipinas
Maari. Sino pa ang may ideya? Yes Cindy?
Bandila ng Pilipinas po
Okay, ngayon ay aalamin natin kung tama ba ang
inyong mga sagot. Ang paksang tatalakayin natin
ngayong araw ay tungkol sa Bandila ng Pilipinas.
Ang sagot ni Reggie, Ela, at Cindy ay tama kaya
bigyan natin sila ng ang galing clap. Alam niyo
ba yun?
Hindi po.
Ganito lang yun. 1,2,3 ang galing, 1,2,3 ang
galing, 1,2,3 ang galing galing. Sabay-sabay.
1,2,3 ang galing, 1,2,3 ang galing, 1,2,3 ang
Ang pag-aaralan natin ngayong araw ay tungkol galing galing.
sa Pambansang Bandila ng Pilipinas. Pero bago
tayo tumuloy sa ating talakayan, sabay-sabay
mona nating basahin ang mga layunin sa ating
aralin ngayong araw.
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:

a. Natutukoy ang kahulugan ng bawat


kulay at simbolo na makikita sa
pambansang bandila ng Pilipinas
b. Napapahalagahan ang bandila ng
Pilipinas bilang sagisag ng bansa; at
c. Naipapakita ang paggalang at
pagpapahalaga sa pambsang bandila ng
Pilipinas bilang sagisag ng bansa.

At yun ang mga layunin na dapat nating makamit


sa katapusan ng ating aralin. Matutulungan niyo
ba ako sa pagkamit nito?
Opo!
Mabuti naman kung ganon.

Ngayon ay dadako na tayo sa ating talakayan.

D. Talakayan

Ang watawat ng Pilipinas ay isang mahalagang


simbolo ng bansa. Alam niyo ba yun?
Opo!

Ito ay binubuo ng tatlong magkakasunod na


pambansang kulay: pula, puti, at asul. Hindi lang
yan, mayroon pang ibang na makikita sa ating
pambansang watawat, ito ay ang araw, tatsulok at
tatlong bituin. Kaya ngayong umaga ay ating
tatalakayin, at aalamin kung ano ang ibig sabihin
ng mga kulay at simbolo na makikita sa
pambansang bandila natin. Handa naba kayong
makinig?
Opo!
Mabuti kung ganun. At para mas maging
nakakainganyo ang ating talakayan ay sasabayan
natin ito ng pag-awit . Alam niyo yung kantang
Leron Leron Sinta? Opo!

Aawitin ninyo iyon habang pinapasa ang bola sa


inyong katabi. At pag huminto ng kanta, kung
sino yong may hawak ng bola, ay may sasagutin
siyang isang katanungan. Naintindihan?
Opo!
Okay, handa na ang lahat?
Opo!

Kung gayon ay simulan na natin.


(Ipapatugtug ang kanta)
Ito ay simbolo na makikita sa bandila ng
Pilipinas na sumasagisag sa demokrasya,
liwanag at pag-asa para sa bansa. Ano ito?
Araw po
Tama! Ito ay ang araw. Ito ay sumasagisag sa
demokrasya at nagpapakita ng liwanag at pag-
asa para sa ating bansa. Naintindihan? Opo!

(Ipapatugtug ang kanta)

Anong ibig sabihin ng 8 sinag ng araw sa bandila


ng Pilipinas? Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag
sa walong unang probinsya na unang nag-
alsa laban sa espanyol.

Tama!Ang walong guhit ng araw ay


kumakatawan sa mga lalawigan na unang sumapi
sa Katipunan noong panahon ng himagsikan
laban sa mga Kastila. Ano-ano nga ba ang mga
lalawigan na iyon?
Ang mga lalawigang iyon ay Batangas,
Bulacan, Cavite, Laguna, Manila, Nueva
Ecija, Pampanga, at Tarlac.
Tama! Ang mga lalawigan na unang sumapi sa
katipunan noong panahon ng himagsikan laban
sa kastila ay ang Batangas, Bulacan, Cavite,
Laguna, Manila, Nueva Ecija, Pampanga, at
Tarlac. Naintindihan?
Opo!
Magaling. Ipasa ang bola.
( Ipapatugtug ang kanta)

Ano ang sinasagisag ng tatlong bituin sa


pambansang bandila ng Pilipinas?
Ito po ay sumasagisag sa Luzon, Visayas, at
Mindanao.
Tama!Ang bawat bituin ay kumakatawan sa
pangunahing rehiyon ng Pilipinas, na
nagpapahiwatig ng pagkakaisa at pagkakabuklod
ng mga mamamayan. Ang unang bituin ay
sumasagisag sa Luzon, ang pinakamalaking pulo
at rehiyon sa bansa. Ang ikalawang bituin ay
sumasagisag sa Visayas, ang gitnang rehiyon ng
Pilipinas. Ang ikatlong bituin naman ay
sumasagisag sa Mindanao, ang pinakamalaking
pulo sa timog ng Pilipinas. Naintindihan?
Opo!
Ano nga ulit ang sinasagisag ng tatlong bituin sa
ating pambansang bandila?
Luzon, Visayas at Mindanao.
Magaling. Ipagpatuloy ang pagpasa ng bola.
(Ipapatugtug ang kanta)
Ito ay kulay ng bandila ng Pilipinas na
sumasagisag sa kalayaan, kapayapaan at hustisya.
Kulay asul po!

Tama! Ito ay kulay asul. Sa konteksto ng bandila


ng Pilipinas, ang kulay asul ay nagpapakita ng
hangarin ng bansa para sa kalayaan mula sa
kolonyalismo at opresyon. Ito rin ay
nagpapahiwatig ng hangarin ng bansa para sa
isang mapayapang lipunan at mundo. Ito rin ay
nagpapakita ng hangarin ng bansa para sa isang
lipunang may hustisya at katarungan.
Naintindihan?
Opo!
Ano nga ulit ang sinasagisag ng kulay asul sa
bandila ng Pilipinas?
Ito ay sumasagisag sa kalayaan, kapayapaan
at hustisya.
Magaling. Ipasa ang bola.
( Ipapatugtug ang kanta)

Ito ay kulay ng bandila ng Pilipinas na


sumasagisag sa pagkamakabayan at kagitingan.

Kulay pula po.


Tama! Ito ay kulay pula. Ito ay nagpapakita ng
matinding damdamin, pagmamahal at pagnanais
na protektahan at ipagtanggol ang bansa. Ito rin
ay sumasagisag sa kagitingan ng mga bayaning
Pilipino nakikipaglaban para sa kalayaan ng
bayan. Naintindihan? Opo!

Ano nga ulit ang sinasagisag ng kulay pula sa


ating pambasang bandila?
Ito ay sumasagisag sa pagkamakabayan at
kagitingan.
Magaling! Ipagpatuloy ang pagpasa ng bola.
(Ipapatugtug ang kanta)

Ito ay isang hugis na makikita sa bandila ng


Pilipinas na sumasagisag sa katipunan.
Ang puting tatsulok po!

Tama! Ito ay ang puting tatsulok. Ito ay


sumasagisag sa katipunan, ang organisasyon na
nanguna sa Himagsikan laban sa Espanya noong
1896. Ito rin ay sumasagisag sa pagkakaisa,
pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran – mga
prinsipyong pinahahalagahan at ipinaglaban ng
Katipunan. Naintindihan?
Opo!
Ano nga ulit ang sinasagisag ng puting tatsulok
sa bandila ng Pilipinas?
Ito ay sumasagisag sa katipunan.
Tama!
(Ipapatugtug ang kanta)

Anong kulay sa bandila ng Pilipinas na


sumasagisag sa kalinisan at pagkakapantay-
pantay?
Kulay puti po

Tama! Ito ay kulay puti. Ito ay nagpapakita ng


pagiging malinis at walang bahid ng anumang
kasamaan o karahasan. Sa konteksto ng watawat
ng Pilipinas, ang kulay puti ay nagpapahiwatig
ng hangarin na magkaroon ng isang lipunang
malinis at mapayapa. Ang kulay puti rin ay
sumasagisag sa pagkakapantay-pantay ng lahat
ng mamamayan. Ito ay nagpapahiwatig ng
prinsipyo ng pantay na pagtingin sa lahat ng tao,
anuman ang kanilang kasarian, lahi, relihiyon, o
katayuan sa lipunan. Naintindihan?
Opo!
Ano nga ulit ang sinasagisag ng kulay puti sa
bandila ng Pilipinas?
Ito ay sumasagisag sa kalinisan at
Tama! pagkakapantay-pantay?
(Ipapatugtug ang kanta)

Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang


paggalang at pagpapahalaga sa ating pambansang
bandila?
Sa pamamagitan po ng pag-awit ng Lupang
Hinirang habang nakatayo ng matuwid at
Ano pa? nakalagay ang kanang kamay sa dibdib.

Sa pamamagitan po ng tamang pag-aalaga


Ano pa? nito para hindi masira.

Sa pamamagitan ng paghinto habang


naglalakad sabay harap sa bandila na
nakalagay ang kanang kamay sa dibdib,
nakatayo ng matuwid sabay awit sa ating
Magaling! Lahat ng inyong sinabi ay tama. pambansang awit.
Narito ang mga paraan upang ipakita ng
paggalang at pagpapahalaga sa ating pambansang
bandila.

Una, paki-basa ___.

1. Pag-alala sa mga patakaran: Mahalagang


sundin ang mga patakaran at protocol sa
paggamit at pagtrato sa pambansang
Salamat! Maipapakita natin ang paggalang at bandila.
pagpapahalaga sa ating pambansang bandila sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran
tulad ng hindi paglalagay ng ibang mga bagay sa
ibabaw ng bandila, hindi paggamit nito bilang
kasangkapan sa anumang uri ng pambabastos, at
pag-iwas sa paglalagay ng bandila sa mga
maruming lugar. Naintindihan?
Opo!

Ikalawa, paki-basa ____.


2. Pagsasagawa ng tamang pag-aalaga:
Dapat nating pangalagaan ang
pambansang bandila sa pamamagitan ng
pag-iwas sa pagkakalat o pagkasira nito.
Salamat! Maipapakita natin ang paggalang at
pagpapahalaga sa ating pambansang watawat sa
pamamagitan ng tamang pag-aalaga nito. Ito ay
maaaring isagawa sa pamamagitan ng wastong
paglalagay, pagkakatupi, at pag-iimbak ng
bandila kapag hindi ginagamit. Naintindihan?
Opo!
Susunod, paki-basa ____.
3. Pagsasagawa ng tamang ritwal: Sa mga
pagkakataon tulad ng pag-akyat at
pagbaba ng bandila, mahalagang sundin
ang tamang ritwal.
Salamat! Ang ritwal ng ating pambansang
watawat ay ginagawa kasabay ng pag-awit sa
ating pambansang awit. Alam niyo ba kung ano n
gating pambansang awit?

Opo, Lupang Hinirang.


Ano bang ginagawa natin kapag inaawit natin
ang lupang Hinirang?
Nakatayo po ng matuwid, nakalagay ang
kanang kamay sa dibdib saby awit ng
Lupang Hinirang.
Tama! Paano naman kung kayo ay naglalakad
tapos nakita niyo na tinataas ang ating watawat?
Ano ang inyong gagawin?
Hihinto tapos nakalagay ang kanang kamay
sa dibdib saby awit ng Lupang Hinirang.
Tama!

Ikaapat, paki-basa ___.


4. Pagpapakita ng pagmamalasakit: Ang
pagpapahalaga sa pambansang bandila
ay hindi lamang tungkol sa mga
seremonya o espesyal na okasyon. Dapat
nating ipakita ang pagmamalasakit sa
bandila sa araw-araw na pamumuhay.

Salamat!Dapat rin nating ipakita ang ating


mamalasakit sa bandila sa araw-araw na
pamumuhay. Paano ba natin ito maipapakita?
Maipapakita natin ito sa pamamagitan ng pag-
aalaga sa kapaligiran, pagiging disiplinado, at
pagtulong sa kapwa Pilipino. Alam niyo kung
bakit?
Hindi po!

Kasi ang watawat ng Pilipinas ay hindi lamang


tungkol sa mga seremonya o espesyal na
okasyon, ito ay sagisag ng ating bansa at
kabilang na ditto ang ating kapaligiran, at an
gating kapwa. Kaya upang maipakita natin ang
malasakit sa ating pambansang watawat ,
mahalagang magkakaroon tayo ng disiplina sa
sarili, sa ating kapaligiran at dapat tumulong tayo
sa ating kapwa. Naintindihan?
Opo!

At yun ang mga paraan para maipapakita natin


ang paggalang at pagpapahalaga sa ating
pambansang watawat. Ano nga ulit ang mga yun?
Pag-alala sa mga patakaran, Pagsasagawa ng
tamang pag-aalaga, Pagsasagawa ng tamang
ritwal, Pagpapakita ng pagmamalasakit..
May mga katanungan paba kayo bago tayo
magpatuloy?
Wala na po.

Kung gayon ay tutuloy na tayo sa ating


pangkatang gawain.

E. Paglalapat

Ngayon ay papangkatin ko kayo sa tatlo.


(Papangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral)
Kung makikita niyo sa monitor, mayroong apat
na kulay; puti, dilaw, asul, at pula. Bawat kulay
ay may katumbas na Gawain. Gusto kong pumili
ang bawat pangkat ng isang kulay para inyong
Gawain.

(Ibabahagi ng guro ang mga kagamitan)

Bago kayo magasimula ay gusto kong malaman


niyo na bibigyan ko kayo ng puntos base sa mga (Pipili ang bawat pangkat ng isang kulay)
sumusunod na pamantayan. Basahin ng sabay-
sabay

Rubriks

15 puntos 10 Puntos 5 Puntos

Ang poster,
Ang poster, Ang poster, role role play,
role play, play, slogan, at slogan at tula
slogan, at tula tula ay ay hindi
ay nagpapahayag naipahayag
nagpapahayag ng inaasahang ng maayos
ng inaasahang mensahe, ngunit ang
mensahe, hindi inaasahang
malikhain at masyadong mensahe,
nakakapukaw nakakapukaw kulang sa
ng pansin. ng pansin at kahusayan at
kulang sa hindi
pagkamalikhain. nakakapukaw
ng pansin.

Maari na kayong magsimula!. Bibigyan ko kayo


ng pitong minuto para maghanda. Maari na
kayong magsimula.

F. Paglalahat

Dahil tapos na ating mga gawain, ngayon gusto


kung malaman kung anong natutunan niyo sa
ating aralin ngayong araw.Sino ang
makapagbabahagi ng kanyang natutunan?

Magaling! Sino pa?

Natutunan ko po kung ano ang ibig sabihin


ng mga kulay at simbolo ng watawat ng
Mahusay! Bilang isang Pilipino, paano natin Pilipinas.
maipapakita ang pagalang at pagpapahalaga sa
ating pambansang bandila? Natutunan ko po na dapat nating igalang
pangalagaan ang ating bandila sa
Mahusay! Ako ay nagagalak dahil marami sumasagisag ito sa ating bansa.
kayong natutunan sa ating aralin ngayong araw.
May mga katanungan paba kayo?

Kung wala na ay kumuha ng Isang-kapat na Sa pamamagitan po ng pagiging disiplinado


papel para sa pagsusulit. sa sarili, kapaligiran, at pagtulong sa kapwa.

Wala na po.

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung mali. Isulat ang sagot sa patlang.

____1. Ang ginintuang araw sa bandila ng Pilipinas ay sumasagisag sa demokrasya. Ito ay


nagpapakita ng liwanag at pag-asa para sa bansa.
____2. Ang walong guhit ng araw ay kumakatawan sa walong lalawigan na unang sumapi sa
Katipunan noong panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila.
____3. Ang mga lalawigan na unang nag-alsa laban sa mga kastila ay Batangas, Bulacan, Cavite,
Laguna, Manila, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac.
____4. Ang tatlong bituin sa watawat ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon ng Pilipinas,
Luzon, Visayas, at Mindanao.
____5. Ang kulay pula ng bandila ng Pilipinas na sumasagisag sa kalayaan, kapayapaan at hustisya.
____6. Ang kulay asul ng bandila ng Pilipinas na sumasagisag sa pagkamakabayan at kagitingan.
____7. Ang puting tatsulok sa bandila ng Pilipinas ay sumasagisag sa katipunan, ang organisasyon
na nanguna sa Himagsikan laban sa Espanya noong 1896.
____8. Ang kulay puti sa bandila ng Pilipinas na sumasagisag sa kalinisan at pagkakapantay-pantay.
____9. Habang naglalakad Si Dave, nakita niya na itinataas ay bandi ng Pilipinas, kaya huminto siya
sa paglalakad, tumayo ng matuwid, inilagay ang kamay sa dibdib at sabay awit ng Lupang Hinirang .
Ang ginawa niya ay?
____10. Maipapakita natin ang paggalang at pagpapahalaga sa ating pambansang bandila sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili, pangangalaga sa kapaligiran at pagtulong sa
kapwa.
Answer Key:
1. T 6. M
2. T 7. T
3. T 8. T
4. T 9. T
5. M 10. T

V. Takdang-aralin
Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa ating pambansang
bandila. Kayo ay bibigyan ng puntos base sa mga sumusunod na pamantayan:

20 Puntos 15 Puntos 10 Puntos 5 Puntos


Ang poster ay kaakit- Ang poster ay kaakit- Ang poster ay Ang poster ay kulang
akit sa paningin, may akit sa paningin at nagpapahayag ng sa kaakit-akit na
malikhain na disenyo, nagpapahayag ng inaasahang mensahe disenyo, kahusayan, at
at epektibong inaasahang mensahe, ngunit kulang sa hindi epektibong
nagpapahayag ng ngunit maaaring kaakit-akit na disenyo o nagpapahayag ng
inaasahang mensahe. magkaroon ng ilang kahusayan. inaasahang mensahe.
pagpapabuti sa disenyo
o kahusayan.

You might also like