You are on page 1of 13

Paaralan: CIT Colleges of Baitang: 3

Paniqui
Foundation Inc.
Guro: Trixie De Asignatura: MTB-MLE
Guzman
Oras ng May 23, 2023 Kwarter: 3rd
DETAILED Pagtuturo: (9:00 – 10:00)
LESSON PLAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naihahayag kung paano gamitin ang mga
panimulang pangungusap sa pag bibigay ng
opinyon
B. Pamantayan sa Pagganap Natutukoy ang mga panimulang pangungusap
sa pagbibigay ng opinyon
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapag-bibigay ng opinyon at reaksyon sa
pamamagitan ng paggamit sa mga panimulang
pangungusap
MT3C-IIIa-i-2.6
II. PAKSANG ARALIN “PAKI-REACT NGA!: Pagbibigay ng
Reaksyon at Personal na Opinyon sa mga Isyu
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro K to 12 Curriculum Guide (MTB-MLE)
Pg. 138 - 145
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang mag-
aaral
3. Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource (LR)
B. Cartolina, Pental Pen, Shadow Theatre, at Mga
Larawan
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain

• Panalangin

“Bago tayo mag imula sa ating talakayan, tayo


muna ay manalangin. Maari mo bang
pangunahan ang ating panalangin sa araw na
ito, Michell.” “Opo Ma’am, sa ngalan ng ama, ng anak at ng
espirto santo Amen...”

Diyos na Banal,
Maraming salamat po sa pagkakataong ibinigay
ninyo sa aming lahat upang makapag-aral.
Salamat po sa pagbibigay ninyo sa amin ng
isang guro na matiyagang hinuhubog ang aming
isipan sa araw-araw. Salamat din po sa aming
mga magulang sa patuloy na pagkakaloob sa
amin ng aming mga pangangailangan. Amen.

• Pagbati

“Magandang umaga mga bata!” “Magandang umaga din po Ma’am Trixie!”

• Pagtala ng Liban/Pag-ayos ng klase

“Bago tayo may simula maari niyo bang


pulutin ang mga papel o basura sa ilalim ng “Yes/Opo Ma’am!”
inyong mga lamesa’t upuan? “

(Tatawagin ng Guro ang class monitor)

“May lumiban ba sa araw na ito?” “Wala po Ma’am!”

“ Magaling! Kung walang lumiban sa klase


natin ngayon, bigyan niyo ng tatlong bagsak
ang inyong mga sarili! “

B. Panlinang na Gawain

• Pagganyak
(Magpapakita ng mga larawan ang Guro)
“Mga bata, ano ang nakikita niyo sa “Dalawang batang babae po!”
larawan?” “Magkamukha pong babae!”
“Magkapatid na babae po!”

“Ano kaya ang ginagawa nila?” “Nanonood po ng TV!”


“Nag aaway po sila!”
“Nag uusap po Ma’am!”

“Magagaling! Napakahusay mga bata!”

“Para higit nating maunawaan ang mga


nangyayari sa larawan, tayo ay may
babasahing kwento na pinamagatang ”Ang
Magkapatid” na isinulat ni Genelyn B.
Doron”

“Handa na bang makinig ang lahat?” “Opo Ma’am!”

“Bago makinig sa kwento, basahin muna natin


ang mga dapat isaalang-alang habang
nakikinig sa kwentong babasahin”
1. Ano ang pinag-aawayan ng dalawang
batang babae?

2. Paano natigil ang away nila?

3. Pumayag ba si Maymay sa pakiusap ng


Ina?

4. Tama ba na palaging mag-aaway ang


mag kakapatid? Bakit?

5. Ano sa palagay mo ang maaaring


manyari kung hindi tayo makarinig o
maupdate sa mga balita sa paligid?

“Ngayon, uumpisahan na natin ang kwento


“Ang Magkapatid” (Makikinig at manonood ang mga bata)

(Babasahin ng Guro ang kwento sa mga mag-


aaral sa pamamagitan ng Shadow Theatre
Play)

Ang Magkapatid
ni: Genalyn B. Doroon

Isang umaga, napalingon ako sa ingay ng


dalawang batang babae na si Ading at si
Maymay. Ang dalawang magkapatid ay
palaging nag-aaway at nagbabangayan sa
lahat ng bagay lalong-lalo na sa kanilang mga
gusto.

Lumapit ako at kinausap sila, “Bakit kayo


nag-aaway?” “Kasi po mama ayaw ni Ading
ipahiram ang remote sa ating tv”, sagot ni
Maymay. “Gusto kasi ni Ate na ilipat sa ibang
channel ang pinanood naming balita!” sabi ni
Ading. “Huwag na kayong mag-away”.

“Ate May maaari ba na manonood muna tayo


ng balita sa tv? Kailangan nating malaman
ang sitwasyon natin sa paligid at hindi tayo
nahuli sa mga balita. Lalo na ngayon, na hindi
tayo pwedeng lalabas ng bahay dahil sa
pandemya. Okey lang ba sayo?” “Opo,
Mama”, tugon ni Maymay. Natigil ang away
ng dalawa at sabay silang nanuod ng balita sa
tv.
“Sila po ay nag-aagawan ng remote!”
“Mga bata, anu-ano ang inyong masasabi sa “Ang dalawang magkapatid po ay nag aaway!”
dalawang mag kapatid?”

“Tama! Mahusay mga bata!”

“Ngayon, balikan natin ang mga tanong


tungkol sa binasa nating kwento. Sagutan ang
mga sumusunod na tanong base sa mga
pangyayari sa kwento. Ilagay ito sa malinis na
papel.”
“Opo Ma’am! Naintindihan po!”
“Naintindihan ba mga bata?”
“Ang pinag-aawayan ng dalawang magkapatid
1. Ano ang pinag-aawayan ng dalawang ay ang remote ng TV”
batang babae?
“Natigil ang kanilang away nang dumating ang
2. Paano natigil ang away nila? kanilang Ina at pinagsabihan niya ang dalawa”

“Opo/Oo”
3. Pumayag ba si Maymay sa pakiusap ng
Ina?
“Hindi po, dahil masama po yon at
4. Tama ba na palaging mag-aaway ang kinakailangan nating magmahalan”
mag kakapatid? Bakit?
“Hindi po natin malalaman kung ano po ang
5. Ano sa palagay mo ang maaaring mangyayari sa ating paligid kung hindi po tayo
manyari kung hindi tayo makarinig o manonood o maupdate sa mga balita”
maupdate sa mga balita sa paligid?

C. Paglalahad ng Paksa

“Balikan natin muli ang pang limang


katanungan. Napansin niyo ba na ito ay “Yes/Opo Ma’am!”
humihingi ng personal na opinyon o
reaksyon?”

“Kung ito ay humihingi ng sariling opinyon, “Ang salitang Sa Palagay Mo!”


anong salita ang dapat kong guhitan?”

“Mahusay!”
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto
#1
“Pagbibigay ng Reaksyon at Personal na
“Ang inyong mga sagot ay tumpak at ang Opinyon”
ating aralin ngayon ay?”

“Magaling mga bata!”


“Ang Reaksyon ay siyang damdamin ng isang
“Ano ang inyong mga ideya patungkol sa mga tao ukol sa isang isyu o problema”
salitang reaksyon at opinyon?”

“Tama! Napakahusay!”
“Ang Opinyon na tinatawag ding kuro-kuro ay
ang iyong sariling pananaw tungkol sa mga
bagay-bagay o pangyayari”

“Tumpak mga bata!”

“Ang Reaksyon at Opinyon ay ginagamit para


maipahayag ng isang tao ang kanyang
pananaw, paniniwala at damdamin sa isang
isyu or problema”

“Makakapag-bigay tayo ng Opinyon at


Reaksyon kung susundin ang nasa graphic
organizer:”

“Pansin niyo na kinakailangan ng Karanasan


mo, Nalalaman mo, at Naramdaman mo kapag
tayo ay nag bibigay ng opinyon at reaksyon sa
isang bagay”

“Isa din sa kinakailangan na sundin ay ang


mga katanungan na:”

A. Ano ang isyu?


B. Ano ang iyong reaksyon o opinyon?
C. Ano ang iyong basehan sa iyong
reaksyon?

“Susunod naman ay ang mga ginagamit na


panimulang salita kapag tayo ay nagbibigay
ng opinyon at reaksyon ay ang mga
sumusunod;

A. Sa aking palagay...
B. Naniniwala ako na...
C. Sa aking opinyon...
D. Para sa akin...”
(Magbibigay ang mga bata ng kani-kanilang
“Ngayon magbigay ng pangungusap na mga sagot)
ginagamitan ng Sa aking palagay...”

“Naniniwala ako na...”

“Paano naman sa panimulang salita na Sa


aking opinyon?”

“Paano naman sa Para sa akin?”

“Magaling mga bata!”

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto


#2

“Ngayon mga bata ay papangkatin ko kayo sa


dalawang grupo. Ang dalawang grupo ay
makikinig sa 3 balita at sisipiin ang
napakinggan mga balita sa isang talata.

Isa hanggang tatlong talata lamang at


kinakailangang magamit ang mga panimulang
salita na ;

➢ Sa aming palagay
➢ Naniniwala kami na
➢ Sa aming opinyon
➢ Para sa amin

“Isulat ang talata sa malinis na papel”


Halimbawa: “Sa aming palagay dapat ng
tanggalin ang K to 12 curriculum dahil ito ay “Opo/Yes Ma’am! “
gastos lamang sa mga magulang”

“Tapos na ba mga bata?” (Tatayo ang lider ng unang grupo at babasahin


niya ang kanilang isinulat)
“Kung tapos na, pakinggan nga natin ang
opinyon at reaksyon ng unang grupo sa mga
balitang inyong napakinggan “

“123, 123, Very Good, Very Good, Very


Good!”

“Mahusay Pangkat 1! Bigyan natin sila ng


Aling Dionisia Clap!” (Tatayo ang lider ng pangalawang grupo at
babasahin niya ang kanilang isinulat)
“Sunod naman natin ang pangalawang
grupo!”
“1,2 Ang Galing, 1,2 Ang Galing, 1,2 Ang
Galing Galing!”

“Magaling Pangkat 2! Bigyan naman natin


sila ng Ang Galing Clap!”

F. Paglilinang sa Kabihasnan

“Ngayon naman tayo ay mag lalaro ng


“Anong Reaksyon Mo?!”

“May kahon ako dito na pagpapasa-pasahan


niyo. Sa bawat gilid ng kahon may nakadikit
na mga katanungan o talata na dapat sagutan”

“Habang pinagpapasa-pasahan ang kahon


tutugtog ang awit na Gypsy in my Mind.
Kapag huminto ang tugtog, ang mag-aaral na
nakakuha ng kahon ang sasagot sa tanong”

Halimbawang Katanungan: “Sa iyong “Yes/Opo Ma’am!”


palagay, paano nakakatulong ang katulad mo
sa komunidad?”

“Naintindihan ba mga bata?”


G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-
araw na buhay

“Ngayon naman mga bata, tayo’y makikinig


sa isang maikling kwento na pinamagatang
“Sa Aming Bakuran”. Ang kwentong ito ay
walang wakas dahil nakabase sa dalawang
grupo kung ano ang magiging wakas ng
kwento.”

“Ipaliwanag din kung bakit sa inyong palagay


ang sinulat niyong wakas ay dapat maging
wakas ng kwento. Bibigyan ko kayo ng
sampung minuto para isulat ang wakas.
Isusulat niyo ito sa malinis na papel”

“Opo Ma’am!”

“Yes na Yes Ma’am!”


“Naintindihan ba mga bata?”

“Handa na ba kayo?”

“Mahusay! Simulan na!” “Yes/Opo Ma’am!”


“Done na po Ma’am!”

“Tapos na ba mga bata?”


(Tatayo ang lider ng Group 2 at
“Kung tapos na ang lahat, mauunang sasabihin/ipapaliwanag nila ang wakas ng
magpapaliwanag ng kanilang wakas ay ang kwento na kanilang ginawa)
Pangkat 2!”

“1,2 twit, 1,2 twit 1,2 twit,twit,twit”

“Napakagaling Group 2! Bigyan natin sila ng


Bird Clap!” (Tatayo ang lider ng Group 1 at
sasabihin/ipapaliwanag nila ang wakas ng
“Sunod naman nating pakinggan ay ang kwento na kanilang ginawa)
Group 1!”
“1,2,3 1,2,3 May Tama Ka!”

“Napakahusay Group 1! Bigyan naman natin


sila ng May Tama Ka Clap!”

H. Paglalahat ng Aralin “Ito ang iyong saloobin o damdamin sa isang


isyu, problema o bagay-bagay"
“Ngayon na natapos na natin ang aktibidad,
ano ang ibig sabihin na ulit ng reaksyon?”
“Ito ay ang ating sariling pananaw sa isang
bagay o isyu”
“Mahusay! Ano naman ang opinyon?”
• Sa aking palagay
• Naniniwala ako na
“Magaling! Ano ano ang mga ginagamit na • Sa aking opinyon
panimula sa pag susulat o pagsasabi ng • Para sa akin
opinyon at reaksyon?”

“Tumpak mga bata! Ang huhusay!”

I. Pagtataya ng Aralin

“Okay mga bata kayo ay may susuriing mga


isyu o problema sa ating paligid. Ang mga
isyu at problema na ito ay isusulat ko sa
pisara. Gamitin ninyo ang apat na panimulang
pangungusap. Basahin at intindihing mabuti.
Isulat niyo ang inyong mga sagot sa isang
malinis na papel.”

1. Ang mga kabataan ay dapat


gabayan ng mga magulang sa
tahanan, sa kanilang aralin at sa
araw-araw na gawain.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
2. Pinapaalalahanan tayo palagi na
maging maingat sa pagpopost ng
personal na mga impormasyon sa
social media.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
____________________________________

3. Ang pag-aaral ng mga bata ay hindi


maaaring maantabay.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________ “Opo/Yes Ma’am!”
_____________________________________
“Tapos na ba mga bata?”
“Opo/Yes Ma’am!”
“Mahusay! Maria maari mo bang kolektahin
ang kanilang mga papel?”

“Salamat!”

J. Karagdagang Gawain para sa


Takdang Aralin

Panuto: Isulat sa isang papel ang iyong


reaksyon tungkol sa isyu na ito. Pumili
lamang ng isa sa apat na panimula sa pag-
sagot sa talatang binigay”

• Para sa akin
• Sa aking palagay
• Naniniwala ako na
• Sa aking opinyon

“Ang mga Ina ay hindi na dapat nag


tratrabaho sa mga gawaing bahay tuwing
Sabado at Linggo”

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
____________________________________
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha _ of learners who earned 80% in the evaluation
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na _ of learners who require additional activities
nangangailangan ng iba pang for remediation who scored below 80%
gawaing remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? _Yes _No

_ of learners who have caught up with the


Bilang ng mga mag-aaral na lesson
nakaunawa ng aralin
D. Bilang ng mag-aaral na _of learners who continue to require
magpapatuloy sa remediation remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo Strategies used that work well
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong? _Group collaboration
_Answering preliminary activities/exercises
_Think-Pair-Share (TPS)
_Rereading of Paragraphs/Poems/Stories
_Differentiated Instruction
_Discovery Method

Why?

_Complete IMs
_Availability of Materials
_Pupils’ eagerness to learn
_Group member’s cooperation in doing their
tasks

F. Anong suliranin ang aking _Bullying among pupils


naranasan na solusyunan sa tulong
ng aking punong guro at _Pupils’ behavior/attitude
supervisor?
_Colorful IMs

_Unavailable Technology Equipment


(AVR/LCD)

_Additional Clerical Work


G. Anong kagamitang pangturo ang Planned Innovations
aking na dibuho na nais kung
ibahagi sa mga kapwa ko guro? _Localized videos

_Making big books from views of the locality

_Recycling of plastics to be used as


instructional materials

Prepared by:
Trixie De Guzman
BEED II-A

Checked by:
Mrs. Zenaida S. Papilla
INSTRUCTOR

You might also like