You are on page 1of 2

Ang Kinakaharap ng mga Mag-aaral sa Online o Modyular na Klaseng Edukasyon 2022

Ang edukasyon ay mahalaga sa paghubog ng kakayahan at katauhan ng isang tao upang


magkamit ng maganda at maayos na kinabukasan. May mahalaga itong papel na ginagampanan
sa pagbabago at pag-unlad, hindi lamang ng sarili kundi maging ng bansa. Ngunit, sa hindi
inaasahang pangyayari, lumaganap ang isang hindi pangkaraniwang sakit na humantong sa
isang pandemya. Nagdulot ito ng pagkabahala at takot sa mga tao, at nagdulot din ng malaking
epekto sa ekonomiya, lipunan, at higit lalo sa edukasyon.

Ayon sa Manila Today, Sa pagsisimula ng pasukan, iba’t ibang emosyon ang


nararamdaman ng mga kabataan. Ang ilan ay lubos ang pagkasabik na muling
makasalamuha birtwal ang kani-kanilang mga kaibigan at kamag-aral, ngunit hindi
maiiwasan na may iilang mas pipiliin pa ring magbakasyon at hindi pa handa sa
pasukan. Bakit nga ba? Dahil a ng pagsisimula ng pasukan ay napakalaking pagbabago
sa lahat. Panibagong gising sa umaga, at panibagong mga hamon na naman ang ating
kinakaharap. Subalit hindi rin naman natin maitatangi ang mga alaala at masasayang
pangyayaring naipon natin noong nakaraang pasukan. Sa pagpasok sa paaralan ay
makakabuo tayo ng mga bagong kaibigan, mga kaibigang makakasama sa hamon ng online
learning. Hindi man ito kagaya ng mga karanasan bago ang pandemiya, maituturing pa rin
natin itong mga masasayang alaala na mabitbit habambuhay. Hindi na bago sa atin ang
kahalagahan ng edukasyon maging online man o pisikal.

Ayon sa Deped, pinaghahandaan pa rin ng ilang paaralan ang pagbubukas ng mga


limitadong face-to-face classes para sa mga lugar na may mababa o wala ng kaso ng virus.
Dahil dito, mas tumaas ang pag-asa ng karamihan na muling makadalo sa pisikal na klase.
Kasabay ng pagtaas ng mga nabakunahan ay mas magiging posible ang pagsisimula ng
face-to-face classes. Naglunsad din ng modular learning bilang alternatibo sa online
classes. Sa kabila ng mga preparasyon para rito, tila ba marami pa ring pagkukulang at
pagkakamali ang napuna sa mga modyul. Ilang isyu ng typographical error at maling
impormasyon ang nakita at nahanap sa mga printed modules mula sa Department of
Education na ginagamit sa pampublikong paaralan.

Ang mga guro rin ay naghanda noong mga nakaraang linggo upang magpatuloy
nang maayos ang edukasyon sa bansa. Ilang araw rin silang sinabak sa online training.
Maliban sa karaniwang mga kagamitan sa pagtuturo, kailangan pa nilang iangkop ang
kapaligiran sa bahay at siguraduhin na maayos ang kanilang internet connection. O ‘di
kaya’y pumasok pa rin sa paaralan at doon kumunekta sa online class. Ang mga
responsibilidad na kinakailangan gampanan ng mga guro lalo na sa panahong ito tulad ng
pagbuo ng mga kakailanganing modyul, pagpasok sa eskwelahan upang kunin ang mga
learning materials at pagbibigay ng mga kagamitan sa mga mag- aaral ay batbat ng
panganib dahil sa banta ng virus.

Ang edukasyon ay responsabilidad ng bawat isa – hindi lamang ng mga mag-aaral, guro, at
magulang kundi ng isang komunidad na handang sumuporta at gumabay sa pangarap ng isang batang
nag-aasam na makapag-aral. Noon pa man ay masasabing buhul-buhol na ang mga problema sa
edukasyon sa ating bansa. Gayunpaman, kung patuloy lamang tayong magtutulungan at magkakaisa sa
isang adhikain, hindi malabong mangyari na ang inaasam nating magandang bukas para sa bata at para
sa bayan ay atin nang makamit sa gitna man ng pandemyang COVID-19.

Ika nga ng kanta ng the Queen “ We are the champions my friend and we keep on fighting till
the end We are the champions, we are the champions
No time for losers, 'cause we are the champions of the world “

Kaya hinihikayat ko ang lahat na mag patuloy pa din tayo sa pag aaral sapagkat
tatandaan natin na ang edukasyon ay susi sa ating kinabukasan walang sino o ano man ang
makakahadlang sa ating mga pangarap

You might also like