You are on page 1of 4

ANG MALIKHAING PAGSUSULAT

Ang pagsulat ay isang malikhaing hilig at gawain na mahirap pangatawanan at


pangyarihin. Sinasabing ito’y hilig dahil kusang nag-uudyok o nag-uutis sa sinuman para
magtangkang sumulat ayon sa anumang nasumpungang pansariling kadahilanan. Datapwat,
kahit ituring itonglikas, ang pagsasagawa ay hindi pa rin nagiging madali at ganap. Dumaraan
ito sa puspusang pag-iisip, sa pagsubok at pagkakamali. Ano pa kaya kung ang isamg
magtatangka ay walang kahilig-hilig magsulat?

Sinasabi rin itong isang malikhaing gawain. Malikhain dahil sa kauna-unahang


pagkakataon ay maingat, maayos at magandang tutuklasin at bibigyang kahulugan at kabuluhan
ang mga bagay, ang mga karanasan, ang mga pangyayari o teksto na sisusubukang maihayag
para maibahagi ang sarili sa gayon maiintidihan ng iba. Sa pagpapatindi lamang ng manunulat
at sa pagkakaunawa naman ng mambabasa magkakaroon ng kaganapan ang akda at
magkakamit ng kahalagahan ang pagsusulat.

Sa malikhaing pagsusulat, kalimitan, sa umpisa pa lamang,nakikita na ang kahirapan sa


nararanasang pagkalito at pagdududa. Naitatanong sa sarili bago sumulat: “Ano ba talaga ang
isusulat ko?” Magkaminsan hindi malaman ang sasabihin hanggat hindi matapos ang mismong
sulatin. Nangangahulugan ito ng paulit-ulit na pagbasa at pagsulat.

Sa pagsusulat, laging may ideyang sasabihin. Bugso kung dumating ang mga ito sa
simula ngunit habang nagpapatuloy maaring unti-unting mawala ang daloy ng mga ito, o di
kaya’y lalong sumigasig ang iba pa na hindi naisip sa umpisa.

Sa patuloy na pagsulat, lumilinaw ang sulatin. Dito lumilitaw pa ang ibang ideya at
pumapaimbabaw na ang talagang intension. Sa muli at muling pagbasa at pagsulat
natutuklasan ang mga ito. Sa pamulit-muli pang paghahayag ng mga kaisipan, pagrerebisa ng
mga teksto, ang binalak na kalalabasan ay nagiging kasiya-siya.

Mangyari pa, dahil sa isang gawain, ang pagsulat ay isang proseso na ang pagsasagawa
ay binubuo ng mga pamamaraan para mapanyari at mayari itong ayon sa kahulugang gusting
iparating at sa kabuluhang gusting ipaangkin sa mambabasa. Hindi magiging kumpleto ang
kahulugan ng pagsusulat kung an akda ay hindi makabuluhang nababasa ng kainauukulan. Ang
kabuluhang ito ay matatagpuan sa pagtutugma ng tekstong binabasa sa mga pansariling
kaalaman at mga personal na karanasa ng mambabasa. Ang kalawakan ng pang-unawa sa
binabasa at ang kaliwanagan ng pag-unawa sa mga kabatirang nakuha ay nakakamit sa
pamuli’t-muli ring pagbabasa.

Ang malikhaing pagsulat, samakatuwid, ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng


sarili tungo sa epektibong pakikipag-ugnayang sosyal.
Kahalagang Panterapyutika

Maraming tao ang nagsusulat dahil may kahinaan silang pansarili na naglilimitasa
kanilang kakayahang pasalita. Ang kakulanan o kawalan ng pasalitang ekspresyon, kadalasan,
ay nagdudulot ng mga sitwasyong pansikolohikal. Para mapagaan ang dalahing-loon at
mapayapa ang isip, ang mga hindi masabi ay mausisiwalat sa pagsulat. Mabasa man o hindi ng
kinauukulan, ang mahalaga, naihiga ito sa papel.

Kahalagang Pansosyal

Maraming tao ang nagsusulat dahil may namamagitang katahimikan o bagay na


naglalayo sa anumang relasyon, at ang pakikipagrelasyon ay likas sa tao. Nagkakatampuhan and
magkasintahan. Nagkakahiwalay ang mag-asawa. Nangingibang bayan alinman sa anak o
magulang, o ang alinman sa magkakaibigan. Para magkaliwanagan at muling magkasundo and
hindi magawa nang harapang pag-uusap ay maisusulat. Para magkabalitaan at muling
magkaugnay ang kahirapan sa personal na paglalapit ay maisusulat. Matagalan man itong
maihatid, ang mahalaga’y naiparating sa papel ang sasabihin.

Gayundin ang mga taong may kamalayang-sosyal, ang mga nararanasang kamalian sa
lipunan, katiwalian sa gobyerno, kawalang katiyakan sa buhay ay maisisiwalat at malulunasan
sa kapangyarihan ng sandatang panulat.

Kahalagahang Pang-ekonomiya

Maraming tao ang nagsusulat dahil talagang hilig. Lahat ng paraan ay ginagawa
makapagsulat lang. Kumukuha ng kursong dyornalismo o literature at pag nakatapos,
hanapbuhay na ang pagsusulat. Trabaho itong pinagkakakitaan kaya mahalagang maisulat ang
mga karanasan.

Kahalagahang Pangkasaysayan

Maraming tao ang nagsulat na noong mga nakaraang pabahon para sa kasalukuyan at
marami pang tao ang nagsusulat para sa hinaharap. Madali kasing makalimutan ang mga
kaalamang berbal na inihahayag at hindi naisusulat. Samakatuwid, para mapareserba ang mga
karunungan ng pana-panahon ang pagsulat ng mga ito’y testamento’t dokumentong
maipamamana sa mga salinlahi.
Ang Proseso ng Pagsulat

Isang proseso ang pagsulat. Prosesong may dalawang direksyon: una, para tuklasin sa
sarili ang kakayahang makapagpahayag ng mga ideya na ito’y hindi pala isang trabahong
mekanikal na basta agarang lalabas ang alam pag gustong sabihin anumang oras; pangalawa,
para makabuo ng sulating naayon sa tamang pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng
mga kaisipan. Ang proseso ng pagsulat ay may 3 yugto ng pagsasagawa:

Una, ang paglalalahad ng susulatin. Sa panahong ito, isinasaisip at pinaplano ang


susulatin sa gayon makapangalap ng mga impormasyong may kinalaman sa nabuong ideyang
susulatin.

Pangalawa, ang unang pagsulat o pagkokrokis. Kapag malinaw na ang mga kaisipang
gustong sulatin, isinasaporma at itatama ang inaakalang mga kamalian sa nilalaman at kayarian.

Pero sandaling tandaan na ang mga yugtong ito ay hindi isang patakarang pangka-
ayusan na dapat pagkaobserbahan dahil sa pagsulat may kani-kaniyang pagtuklas ng proseso
ang bawat isa . Sa pagsulat, ang pinauunlad ay ang kasanayan para lalong maging epektibo ang
anyo at nilalaman ng akda at hindi ang pagsunod sa pormula.

Ang Unang Yugto ng Pagsusulat


a. Ang paghahanda ng sulatin
Nahahati sa dalawang bagay na Gawain ang yugtong ito: una, paglalagay ng sarili sa
isang malinaw na direksyon ng pagsulat ayon sa mga sumusunod na kaparaanan:
1. Pumili ng paksa. Magtala ng marami. Ito’y magagawa mag-isa o pwedeng may kasama.
Huwag intindihin kung ang paksa ay katawa-tawa o kakatwa o hindi angkop. Hayaan lang ang
sarili.
Sa mga nakalistang paksa, pumili ng isa o dalawa na inaakalang makatawag-pansin at posibleng
sulatin. Isulat ito sa taas ng susulatang papel. Simulang magtala. Isipin ang kakailanganing haba
o sulatin at ang panahong gugugulin. Kitiran o lawakan ang paksa ayon sa tinatayank sukat ng
sulatin.
Itala ang dinisisyunang paksa.

2. Alamin ang tiyak na layunin sa pagsulat at ang tiyak na babasa nito.

You might also like