You are on page 1of 1

Unang Sanaysay

Ang Pangulo sa Gitna ng Krisis ng ating Bansa

Krisis, kapag ito ay ating naririnig noon naiisip agad natin na ito ay isang napakalaking
dagok o problema ng buong mundo. Ang kalimitang naaalala natin sa tuwing ito ay
isinasalita ng mga tao ay korupsyon, pagnanakaw, mga rebeldeng may kanya kanyang
Agenda at paniniwala, paglobo ng populasyon at pagbagsak ng ekonomiya. Hindi na din
ito nakakapagtaka dahil na rin sa napakarupok na sistema ng gobyerno sa ating bansa.
Ngunit minsan ay agad akong napaisip, kung dati ay ito ang mga krisis ng bansa ano
naman sa panahon ng ating pangulong Rodrigo Roa Duterte?

Simulan natin sa panahong lumaganap ang rebelyon o terorista sa Marawi. Kung eto ay
babasahin mo ng buo sa Wikipedia malalaman mo na napakalaki ng kasalanan ng ASG o
Abu Sayaf Group o sa mas kilalang Maute Group. Ang grupong ito ang responsibilidad sa
pangingidnap at pagpapasabog noon sa Butig, Lanao Del Sur at sa Davao City. Tinangka
din ng grupo na ito na pugutan ng ulo si Duterte, kidnapin si Kris Aquino at si Manny
Pacquiao. Ngunit kahit na nagparating ng mensahe ang Maute Group hindi nagpasindak
rito si Duterte dahil unang-una sa lahat ayaw niyang makipagpatayan dahil sila ay mga
katulad nating Filipino. Sunod na krisis ng ating bansa ay ang di natin malilimutan na mga
bagyo, lalong lalo na ang Odette noong Disyembre 12 hanggang Disyembre 22, 2021 na
kumitil ng libo-libong Pilipino sa isang kurap lang. Nangyari ang paghagupit ng bagyong
ito sa nalalabing probinsya ng Visayas at Mindanao. Sa kalagitnaan ng krisis na ito
inanunsyo ni Pangulong Duterte na hihingi siya ng tulong o uutang siya sa WBO (World
Bank Organization) ng napakalaking pera para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Kung akala niyo na natatapos na ang krisis ng ating bansa nag kakamali kayo. Umusbong
ang taong 2020, kung natatandaan niyo na napakasaya ng ating buhay noon ngunit sa
isang iglap nagkaroon tayo ng pandemya. Ang pandemyang ito ay nanggaling sa Wuhan,
China at kinalaunang lumaganap sa buong mundo – ang tawag dito sa COVID 19
Pandemic. Nang dahil sa pandemyang ito naubusan tayo ng pera, nawalan tayo ng trabaho
at lalong lalo na ng buhay ng ating mha minamahal. Nang dahil din sa pandemyang ito
halos lahat ng Filipino ay nawalan ng trabaho’t hindi makaahon agad sa buhay. Ang
Pangulong Duterte na rin ang nagsabi na hangga’t mayroong pandemya mahihirapan
tayong makaahon muli sa dati nating buhay. Agad namang nasolusyunan ang pandemyang
ito ng ating bansa ngayong 2023 dahil unti-unting nagamot ang kalahati ng ating
populasyon dahil sa vaccine na ibinigay sa atin ng iba’t-ibang bansa lalong lalo na ng
Europa. Kung patuloy ang pandemyang ito tuluyan ng babagsak ang ating ekonomiya
sabayan mo pa ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ang lahat ng krisis na ito ay dumaan sa ating bansa at kung iisipin natin ang bansa natin
ay isa sa mga nakakaranas ng problema. Sana sa susunod na Pangulo mabigyan at
makayanan niya sana ang mga sumusunod na krisis ng ating bansa hanggang sa
kinabukasan ng mundo.

You might also like