You are on page 1of 6

Isang Masusing Banghay-Aralin sa FILIPINO 4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman (CS)

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa ibat ibang uri ng teksto para mapalawak ang
talasalitaan.

B. Pamantayan sa Pagganap (PS)

Nakapagbubuod ng binasang teksto

C. Pamantayan sa pagkatuto:
a. Nakikilala kung opinion o katotohanan ang isang pahayag;
b. Nakapagbibigay ng halimbawa ng isang opinyon at katotohanan;
c. Nagagamit ang ibat ibang parirala sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon.
LC code: F4PB-IVd-19
II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Pagsusuri kung ang pahayag ay Opinion o Katotohanan
Sangunian: K-12 CG Grade 4
Kagamitang pampagturo: kuwaderno,laptop, larawan

III. PAMAMARAAN

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin. yeli, maaari mo (mananalangin ang mga bata)
bang simulan ang ating
panalangin?

2. Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw maam! Magandang
classmate.
3. Pagsasaayos sa loob ng silid-
aralan
Bago kayo umupo, pulutin ang
mga kalat sa inyong paligid at
ayusin ang inyong upuan. (magpupulot ng kalat at aayusin ng
mga bata ang kanilang upuan.)
4. Pagtatala ng mga liban sa
klase
Mayroon bang lumiban sa
ating klase ngayong araw?

Mabuti naman at walang Wala po maam.


lumiban sa ating klase ngayon.

B. BALIK-ARAL
Mga bata mayroon ako ritong dalawang magic
box. Ang isa ay naglalaman ng inyong mga
pangalan at ang isa naman sa loob nito ay may Tungkol po sa uri ng pang-abay
mga pangungusap, Bawat isa sa inyo ay maam.
bubunot rito at kung nabunot ang inyong
pangalan, sasabihin niyo kung anong uri ng
pang-abay ito.
Maam, ito po ay pang-abay na
Ano ba yung tatlong uri ng pang-abay? pamanahon, pamaraan at panlunan.

Mahusay!! Ito ay ang pamanahon, pamaraan at


panlunan.

Handa na ba kayo mga bata? Ang unang


bubunot ay si CJ.

(magsisimulang maglaro ang mga bata) (makikinig ang mga bata)

C. PAGGANYAK .

Opo, maam.

Mga bata, sino ang naguusap sa dayalogo na


ating binasa?

Tama ! Opo maam.

Sino ang kanilang pinaguusapan? ( gumagawa ang bawat pangkat)

Ano- ano ang mga sinabi ni josh tungkol kay


mira? Opinion maam.

Alin sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan?


Sino naman ang nagpapahayag ng kaniyang
opinion? Katotohanan maam.

Mahusay mga anak!

PAGLALAHAD NG ARALIN (papalakpak ang mga bata)


Mayroon akong babasahin na isang pahayag
tungkol sa paparating na bagyo. Pansinin ang
may salungguhit.

Ayon sa PAG-ASA report, may paparating


na bagyo ngayong lunes na pinangalanang
“Auring” sa Pilipinas. Maaaring
maapektuhan ang lugar ng leyte sa naturang
bagyo.
Pinapayuhan ang publiko na maghanda at
magingat.

Sa tingin ko, malakas ang bagyong Auring (makikinig ang mga bata)
at maaaring makasira sa ating kapaligiran.

Batay sa inyong nakalipas na Gawain at sa


nasalungguhitan sa aking binasa ano sa tingin
niyo ang ating tatalakayin sa araw na ito?
Maam, tungkol sa opinion at
Magaling !! katotohanan.

Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay


patungkol sa kung paano masusuri kung ang
isang pahayag ang katotohanan o opinion
lamang.
E. PAGTALAKAY

Masusuri ang isang pahayag kung opinion o


katotohanan sa pamamagitan ng mga salita o
parirala.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng katotohanan?

Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring


mapatunayan ng mga ebidensya. Ito ay
nagsasaad ng ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na totoo. Ito
ay hindi nagbabago at maaaring mapatunayan
at sinusuportahan ng pinagkunan.

Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala (makikinig ang mga bata)


tulad ng:
 Batay sa
 Pinatutunayan ni
 Mula kay
 Tinutukoy sa/ ni
 Mababasa sa
 Ayon sa

Halimbawa:
Batay sa tala ng Department of Education, (makikinig ang mga bata)
unti-unting nababawasan ang mga out-of-
school youth.

Ang pahayag na ito ay isang katotohanan dahil


sa pariralang batay sa.

Naiintindihan ba mga bata?


Kung gayon, maaari ba kayong magbigay ng
isang pahayag na katotohanan?
Opo, maam.
Mahusay!!! Dumako naman tayo sa opinion. (magtataas ng kamay ang mga bata)
Ano naman ang opinion? (magssagot ang mga bata)

Ang opinion ay isang pananaw o paniniwala ng


isang tao o pangkat. Ito ay saloobin o
damdamin, ideya o kaisipan at hindi maaaring
mapatunayan.

Ito naman ay ginagamitan ng mga salita o


parirala tulad ng:
 Sa aking palagay
(makikinig ang mga bata)
 Sa tingin ko
 Sa nakikita ko
 Sa pakiwari ko
 Kung ako ang tatanungin
 Para sa akin

Halimbawa ay:

Para sa akin si lala ang pinakamaganda sa


grade 4.

Sa nakikita ko, maraming nagkakagusto kay


Alonzo.
(makikinig ang mga bata)
Sa aking palagay, mas mabait ako kaysa kay
maam Camille.

Naiintindihan niyo ba mga bata kung ang isang


pahayag ay opinion lamang?

Mahusay! Ngayon maaari ba kayong magbigay Opo. Maam.


ng isang pahayag na opinion lamang?
(magtataas ng kamay ang mga bata)
Magaling!!! (sasagot ang mga bata)

F. PAGLALAHAT
Mga bata ano ulit ang katotohanan?

Ano-ano ang mga pariralang ginagamit upang Maam, Ang katotohanan ay mga
matukoy na ang isang pahayag ay pahayag na maaaring mapatunayan
katotohanan? ng mga ebidensya

Magaling!!! Sino ang gustong magbigay ng Maam , batay sa, pinatutunayan ni,
halimbawa nito? mula kay, ayon sa

Ang galing galing!!! (magtataas ng kamay at sasagot ang


mga bata)
Ano naman ang opinion?

Ito ay saloobin o damdamin, ideya o


Ano-ano ang mga parirala- na pwedeng kaisipan at hindi maaaring
gamitin upang masabi na ang pahayag ay isang mapatunayan.
opinion?
Maam, sa aking palagay, sa nakikita
Magbigay ka nga ng halimbawa nito? ko, para sa akin, sa pakiwari ko
Magaling! Ano pa?

Magagaling ! Talaga ngang nakinig kayo sa (magtataas ng kamay at sasagot ang


aking pagtalakay. mga bata)
G. PAGLALAPAT
Mga bata, ilabas ang inyong kwaderno sa
Filipino at sagutan natin ito.
(maglalabas ng kwaderno ang mga
PANUTO: Basahin ang mga pahayag sa bawat bata)
bilang iguhit sa patlang ang masayang mukha
kung ito ay katotohanan at malungkot na
mukha naman kung opinion lamang.

Maliwanag ba mga bata?


Kung gayon ay simulan na ninyo, bibigyan ko
kayo ng sampung minuto upang gawin ito. Opo, maam

____1. Para sa akin,lechon ang pinakamasarap


na pagkain.
____2. Maganda raw ang Bulkang Mayon
ayon kay Maxeen.
____3. Batay kay Melanie ang kanyang
kapatid ay tatlong taon na.
____4. Sa aking palagay, mas maganda si Pia (magsasagot ang mga bata)
kaysa kay Catriona.
____5. Batay sa DOH, dumadami ang Covid
cases sa buong mundo.
____6. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko
ang maging guro kaysa pulis.
____7. Sa nakikita ko, mabait siya.
____8. Ukol sa tv patrol, walang pasok
ngayon.
____9. Sa aking palagay, matanda na ang
aking kaklase.
____10. Batay kay lily, nagtapos ang kanyang
kuya sa kolehiyo noong nakaraang araw.

IV. EBALWASYON

Ipapangkat ang klase sa dalawa at bibigyan ang bawat isa ng stick card. Itataas ang mga ito
kung ang pahayag na mabubunot ng kanilang kaklase ay isang katotohanan o opinion
lamang. Ang bawat tamang sagot ay may kaukulang puntos.

V. TAKDANG ARALIN

Magsulat ng limang pahayag na katotohanan at limang pahayag na opinion lamang. Isulat ito
sa isang malinis na papel.
INIHANDA NI:
RONQUILLO, JONALYN C.

You might also like