You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay-Aralin

sa Filipino 5

I. Layunin

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang kahulugan ng pang-angkop;


b. Nagagamit nang wasto ang mga pang-angkop sa pangungusap;
c. Nasasabi ang kahalagahan sa paggamit ng pang-angkop.

II. Paksang-Aralin

Paksa: Pang-Angkop
Sanggunian: Alab Filipino 5, p. 152
Kagamitan: Powerpoint, Worksheets, Cartolina

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

a. Panimulang Gawain

Magandang umaga mga bata!


Magandang umaga din po Bb. Gaoiran!
Tayo ay magdasal, maaari bang tumayo si
Angelica upang pangunahan ang ating
pagdarasal.
Tayo ay magdasal. Angel of God…
Salamat Angelica.
Bago umupo maaari bang pakitsek kung merong
mga basura sa ilalim ng inyong upuan, pulutin
ito at iayos ang inyong mga upuan.
(Kukunin ng mga bata ang mga papel at uupo
ng maayos sa upuan.)
Ngayon, itse-tsek natin ang inyong attendance.
Sino ang lumiban ngayon?
Wala po.
Mabuti at walang lumiban sa araw na ito.

b. Balik-Aral

Noong nakaraan napag-usapan natin ang tungkol


sa pangatnig.
Ano na nga ulit ang pangatnig? Dave.
Ang pangatnig ay tawag sa mga kataga o
salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.
Magaling!
Magbigay ng pangungusap na ginagamitan ng
pangatnig. Ces.
Ang magkapatid na Clara at Claire ay kapwa
maganda.
Magaling!
Sino pa?
Mahalaga ka sa kanya kaya ayaw niyang
mawala.
Magaling!
Meron pa ba kayong mga tanong?
Wala na po.
Kung wala, maaari na tayong magpatuloy sa
ating susunod na paksa.

c. Pagganyak

Bago natin panoorin ang isang video, ano ang


mga dapat tandaan?
Manood po ng mabuti.
Tama!
Ano pa?
Huwag pong makipag-usap sa mga kaklase.
Tama!
Ano pa?
Umupo ng mabuti at tumingin po sa harap.
Tama!
Ngayon ating panuorin ang tungkol sa Ang Oso
at ang Dalawang Magkaibigan bago tayo
pumunta sa ating tatalakayin. Manood ng maigi
dahil magtatanong ako mamaya gamit ang
hyperlink. Naintindihan ba mga bata?
Opo.
1. Ano ang pamagat ng maikling kwento?
2. Sino ang dalawang magkaibigan?
3. Saan nila naisipang pumunta?
4. Ano ang ginawa ni John upang hindi
siya kainin ng oso?
5. Ano ang natutunan niyong aral
sa maikling kwento?
1. Ang Oso at ang Dalawang
Magkaibigan
2. Si Ron at John
3. Sa kagubatan
4. Nagpanggap na walang buhay
5. Makikilala mo ang tunay na kaibigan
sa oras ng kagipitan.
Magaling mga bata!

d. Paglalatag

Pumunta naman tayo sa ating tatalakayin


ngayon. Ito ay ang mga pang-angkop. Ang
paggamit ng pang-angkop na ng, na at g.

e. Pagtatalakay

May nakakaalam ba sa inyo kung ano ang pang-


angkop?
Wala po.
Ang pang-angkop ay ang tawag sa mga kataga,
pantig o titik na g, ng, at na na ginagamit upang
pag-ugnayin ang isang salita sa iba pang salita sa
pangungusap nang maging tuloy-tuloy at
madulas ang pagbigkas sa mga ito.
Ang pang-angkop na na ay ginagamit sa pag-
ugnay ng mga salitang nagtatapos sa katinig
maliban sa titik n.

Halimbawa:
Masaya at tahimik na namumuhay ang mag-
asawa.
Nakita mo ba ang itim na tsinelas ko?

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng


halimbawa? Brix?
Dahil sa mainit na panahon, lumangoy sila sa
dagat.
Magaling!
MacMac magbigay din ng halimbawa.
Si Fatima ay ang mag-aaral na masipag at
magalang.
Magaling!
Ang pang-angkop na ng ay ginagamit sa pag-
uugnay ng mga salitang nagtatapos sa patinig
(a,e,i,o,u).

Halimbawa:
Ang Bukidnon ay bahagi ng Hilagang
Mindanao.
Ano ang bansang sinilangan ng panauhin natin?

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng


halimbawa? Edison?
Si Jose Garcia Villa ay kilalang makata.
Magaling!
Gian magbigay din ng halimbawa.
Manunulat ng mga maikling kuwento.
Magaling!
Ang pang-angkop na g ay ginagamit sa pag-
uugnay ng mga salitang nagtatapos sa titik n.

Halimbawa:
Ang masunuring bata ay pinupuri ng mga
kapamilya niya.
Dapat magtulungan ang mga mamamayang
Pilipino.

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng


halimbawa? Samantha?
Responsabilidad natin lahat ang itaguyod ang
mga patakarang makatarungan.
Magaling!
Arthur magbigay din ng halimbawa.
Ang masunuring bata ay pinupuri ng mga
kapamilya niya.
Magaling!
Naintindihan ba mga bata?
Opo.
f. Paglalahat

Ngayon kung talagang naintindihan niyo ang


ating aralin ngayong araw sagutin natin ang
nandito sa harap gamit ang developer. Tignan
natin kung ano ang angkop na pang-angkop sa
mga pangungusap. Naintindihan ba mga bata?
Opo guro.
1.Ito ay di-malilimutan_____ karanasan para
kay Nadia.
g po.
2. Nakasulat sa programang ito na ang pangkat
ni Nadia ay ika-apat _____ aawit.
na po.
3. Nais mo rin ba na matuto_____ umawit tulad
ni Ate Nadia?
ng po.
4. Sila ay naghanda at nag-ensayo sa loob ng
tatlo_____ linggo.
ng po.
5. Ang konsiyerto ay tunay _____ tagumpay!
na po.
Magaling mga bata!
g. Paglalapat

Ngayon bago ko kayo pangkatin magbigay ng


mga pamantayan na kailangang sundin kapag
ginagawa ang pangkatang gawain.
Huwag pong maingay.
Ano pa?
Tumulong po sa mga kagrupo.
Ano pa?
Huwag pong makipag-away sa kagrupo o
kaklase.
Magaling!
Papangkatin ko kayo sa tatlo at gagawin ng
bawat grupo ang sumusunod.
I-Gumawa ng 5 pangungusap gamit ang pang-
angkop na na.
II-Salungguhitan ang salita na ang ginamit ay
pang-angkop na ng.
III-Piliin ang salita sa pangungusap na
ginagamitan ng pang-angkop na g.
(Gagawin ng mga bata ang pangkatang ga-
wain.)
Tapos na ba mga bata?
Opo.
Ngayon idikit na ang manila paper sa pisara at
ating tingnan kung tama ang inyong mga
ginawa.
Tingnan muna natin ang ginawa ng unang grupo.
Tama ba mga bata?
Opo.
Ikalawang grupo.
Opo.
At ikatlong grupo.
Opo.
Magaling mga bata!
Bakit mahalaga na gamitin ang pang-angkop?
Mahalaga pong gamitin ang pang-angkop
dahil ito ang nag-uugnay ng mga salita at
nagpapaganda sa daloy ng pangungusap.
Tama!
IV. Ebaluasyon

Panuto: Bilugan ang mga pang-angkop na


ginamit sa pangungusap.

1.Sino kaya ang may-ari ng bakanteng lote?


2. Nakatikim na ako ng hilaw na mangga at
bagoong.
3. Makinig tayo sa makabuluhang kuwento ni
Marlon.
4. Mga modernong kasangkapan ang binili para
sa ating tanggapan.
5. Maasahang kaibigan si Nora kaya mahalaga
siya sa akin.
6. Ang kagubatan ay luntiang paraiso para sa
mga hayop.
7. Isa sa mga paboritong pagkain ko ang pritong
manok.
8. Yari sa totoong ginto ang mga alahas ni
Patricia.
9. Kina Jasmin at Jaime ang malalambot na
unan.
10. Si Carmina ang may itim at mahabang buhok
sa larawan.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Lagyan ng wastong pang-angkop ang


patlang.

Ang klorina na isa_____ kemikal


_____ ipinanlilinis ng inumin_____ tubig ay

mahalaga_____ pantab _____ pagkain ng mga


niyog na makakatulong ng lahi ng ani at
pinangangalagaan ang mga dahon ng niyog sa
impeksyon at pinatitibay din ang halaman_____
ito laban sa tagtuyot.
SARRAT NORTH CENTRAL

SCHOOL

SARRAT, ILOCOS NORTE

DETALYADONG BANGHAY-

ARALIN SA FILIPINO 5

IPINASA NI:

GERLYNN KYLE GAOIRAN

ESTUDYANTENG NAGSASANAY

IPAPASA KAY:

GINANG EMELYN G. AGUSTIN

GURONG TAGAPAGSANAY

February 24, 2020

You might also like