You are on page 1of 10

-

Pamantasang De La Salle – Dasmariñas


Dalubhasaan ng Edukasyon

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. Layunin
Sa loob ng 30 minuto, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
a. nailalahad ang kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng
talakayan;
b. natutukoy ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan
ng paggawa ng meme; at
c. nabibigyang diin ang kahalagahan ng pangangailangan higit sa kagustuhan gamit
ang pagsulat ng isang sanaysay.

II. Nilalaman
A. Paksa: Aralin 4 - Ang Pangangailangan at Kagustuhan

B. Kagamitan: mga larawan patungkol sa pangangailangan at kagustuhan, salitang


kagustuhan at pangangailangan, Powerpoint presentation, marker, papel,
kartolina, visual aid, at ballpen.

C. Sanggunian: Baylon, E., Daroni, C., Macaraeg, J. at Samson, M.C. (2019). Siglo:
Ekonomiks. Pahina 47-50. Rex Bookstore.

III. Pamamaraan
A. Panimulaing Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Panalangin
“Magsitayo ang lahat at ating isaisip
na tayo ay nasa banal na presensya ng (Ang mga mag-aaral ay tatayo para
Diyos. sa panalangin.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng


Espiritu Santo, Amen.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ipagpapatuloy ko po O Diyos, ang
lahat ng aking mga gawain, lakip ang
pagmamahal sa Iyo.
San Juan Bautista ng La Salle,
Ipanalangin mo kami!
Hesus, manatili Kang buhay sa aming
mga puso.
Magpakailanman!
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng
Espiritu Santo, Amen.”

2. Pagtatala ng liban
“Faith, sino ang lumiban sa klase sa “Wala po.”
araw na ito?
“Mabuti at walang liban sa araw na ito.

3. Pagganyak
“Bago tayo tumungo sa ating paksa, (Itataas ng mga mag-aaral ang
maaari ninyo bang kunin ang pinaka- mga pinaka-importanteng bagay na
importanteng bagay na makikita ninyo sa makikita nila sa kanilang bag. May mga
inyong mga bag? magtataas ng mga pitaka, cellphone,
aklat, at iba pa.)
Tatawag ng dalawa hanggang tatlong
estudyante para tumayo at sagutin ang
katanungan:

Sa mga kagamitan na inyong itinaas,


tukuyin ito kung pangangailangan o isa
lamang kagustuhan?

(Tatayo ang estudyanteng natawag


“Salamat sa inyong kasagutan.” at sasagutin ang katanungan.)
B. Paglalahad
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Ang gawaing ito ay may kinalaman
sa paksa na tatalakayin natin sa araw na
ito. Patungkol ito sa pangangailangan at
kagustuhan.

“Ano ang ating paksa? Sabay-sabay “Pangangailangan at Kagustuhan.”


basahin.”

“Mahusay. Handa na ba kayo upang


ating alamin ito?”

C. Pagtatalakay
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Magsimula tayo sa kahulugan ng mga
salita:

“Ano nga ba ang ibig sabihin ng


Pangangailangan?”
“Ma’am pagkain, damit at bahay.
“Tama kaya? Ating alamin.”

“Ito ang mga bagay na dapat mayroon


ang tao sa araw-araw upang mabuhay. At
ito ay ang pagkain, damit at bahay.”

“Tumpak ang sinabi niyo. Mahusay!”

“Ito ang mga bagay na pawang


pangunahing kailangan ng tao na alinman
dito ang mawala ay maaaring maging
sanhi ng pagkasakit na maaaring mauwi
sa kamatayan ng tao. Nagkakaiba ang
pangangailangan ng tao batay sa
kapaligiran, sitwasyon at kita nito.”

“Ano naman ang Kagustuhan?” “Ma’am ito ang mga bagay na hindi
talaga kailangan ng tao.”
“Alamin natin ang kahulugan.”
“Ito ang mga bagay na nakatutulong sa
tao upang mapagaan ang kanyang buhay.
Mga bagay na kadalasan nagdudulot ng
kasiyahan sa tao. At ibig sabihin nito ang
pagkakaroon nyo ng cellphones ay
kagustuhan lamang.”

“Eh paano kaya itong halimbawa ko:


Junk food? Diba pagkain siya?
Pangangailangan o kagustuhan? Ano ang
sagot nyo?” “Pagkain nga siya Ma’am pero hindi
naman talaga siya kailangan ng tao.
“Tumpak! Ang husay mo.” Dahil nagbibigay saya lamang siya.”

“Madalas ang kagustuhan ng tao ang


nagdudulot ng kasamaan sa katawan.”

“Puwede ba kayong magbigay ng


halimbawa?
(Mag-iisip ang mga mag-aaral.)

“Mga cosmetic products Ma’am na


“Tama ang sinabi mo! Ang mga hindi muna inaalam bago gamitin.”
palamuti sa katawan ay isa sa mga yun.”

“Sabay-sabay ninyong pagmasdan ang


mga larawan sa pisara. Inyong tukuyin
kung ito ba’y isang Pangangailangan o
Kagusuhan lamang. Itaas ang kamay ng
gustong sumagot.”

“Tama, sino ang gustong sumagot sa


ikalawang larawan?” “Kagustuhan po”

“Tumpak, sinong gustong sumagot sa “Kagustuhan po”


ikatlong larawan?”
“Pangangailangan po”
“Tama, sa ikaapat na larawan?
“Kagustuhan po”
“Tama, sinong gustong sumagot sa
ikalimang larawan?”

“Mahusay! Binabati ko kayong lahat


sapagkat natukoy ninyo ng matagumpay
ang mga larawang ito, tayo naman ay
dumako at alamin natin ngayon ang
koneksyon Pangangailangan sa
Kagustuhan.”

“Sabi dito maaaring matugunan ang


pangangailangan ngunit ang kagustuhan
ay hindi sa pagkat walang katapusan ang
kagustuhan ng tao. Sapagkat pagnakuha
mo na ang yung gusto mo, ay may sisibol
nanamang panibagong gusto o luho
hanggang sa magtuloy tuloy na iyan.

Sa aklat na Microeconomics, nina


McConnel, Brue, at Barbiero (2001), ang
kagustuhan ng tao ay nagbabago at
maaaring madagdagan dahilan sa
paglabas ng mga bagong produkto.”

Ngayon naman ay mayroon akong


ihahaing tatlong katanungan tungkol sa
paksa at itaas lamang ang kamay ng nais
sumagot.”

“Si Ana ay nais magpabili sa kaniyang


ina ng tsokolateng mumurahin sa
palengke ngunit siya ay tinanggihan ng
kanyang ina na bumili nito sapagkat hindi
daw ito pasok sa kanyang badyet, ano sa
tingin ninyo ang dahilan kung bakit hindi ito “Dahil ang mga pasok lamang po sa
pasok sa kaniyang badyet?” kanilang badyet ay ang mga
Pangangailangan nilang pamilya, at
ang tsokolate po ay Kagustuhan
lamang ni Ana.”

“Mahusay! Sunod na tanong, magbigay “Bigas, pang-ulam at damit po.”


ng Pangangailangan na maaari nating
mabili sa palengke.”

“Relo, kwintas at cellphone po,


“Tama! Huling tanong, magbigay ng Ma’am.”
Kagustuhan na mayroon kayo ngayon.”

“Binabati ko kayong lahat sa inyong


pagkatuto tungkol sa aralin na ito.
Muli, ano ang ating paksa?” “Pangangailangan at Kagustuhan
po, Ma’am.”
“Tandaan natin na huwag tayong
masisilaw agad sa ating mga kagustuhan
bagkus unahin at pahalagahan ang
pangangailangan.”

D. Paglalahat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Ano ang inyong naging pananaw sa
mga halimbawang ibinigay?”
“Ang pangangailangan ay palaging
mas nakakahigit kaysa sa kagustuhan.”
“Magaling!”

“Ano-ano pa ba maaari ninyong ibigay


na mga halimbawa ng pangangailangan at
kagustuhan?”
“Ang tirahan po ay isang
pangangailangan sapagkat dito tayo
natutulog sa araw araw, Ma’am. At ang
isang halimbawa naman po ng
kagustuhan ay ang mamahaling alahas,
sapagkat kaya natin mabuhay sa araw
araw ng wala ang mga alahas na ito.”

“Mahusay!”

“Bago natin balikan ang ating


tinatalakay gamit ang mga halimbawa sa
unang gawain, may isang katanungan
muna ako. ‘No man is an island’, ang
kataga ba na ito ay tumutukoy sa
pangangailangan o kagustuhan?
Ipaliwanag ang sagot.

Marahil para sa nakakarami, tunay na


pangangailangan ang paggamit ng
cellphone. Dahil madalas natin itong
ginagamit, na naiisip nating imposible
nang mabuhay kung walang cellphone.
Ngunit, sa ating pagbalik sa ating
tinalakay, ang pagkakaroon ng cellphone,
ang paggamit nito, ay kagustuhan lamang.
Na nagbibigay ng sadyang aliw o
kasiyahan. Malinaw ba? (Mag-iisip ang mga mag-aaral ng
kanilang isasagot.)
Kaya huwag nating hayaang sakupin o
talunin ng kagustuhan ang
pangangailangan, dahil sa huli, tayo ang
magsisisi. Natamo man natin ang luho,
ang panandaliang saya, ngunit kapag ikaw
ay kulang sa pangangailangan mo,
hinding hindi ka lalago at aasenso.
Pahalagahan at unahin natin ang
pangangailangan kaysa kagustuhan.
“Opo, Ma’am.”

E. Paglalapat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Ngayong natukoy na natin ang
Pangangailangan at Kagustuhan, may
inihanda akong gawain.

“Ang klase ay hahatiin ko sa apat na (Ang magkakapangkat ay


pangkat. Ito ang una at ikalawang magsasama.)
pangkat.” At dito naman ang ikatlo at ika-
apat na pangkat.

“Ang bawat grupo ay inaatasan na


lumikha ng dalawang meme na
magpapakita ng inyong kaalaman tungkol
sa Pangangailangan at Kagustuhan. Sa
meme na ito ay dapat ninyong maipakita
ang pagkakaiba ng dalawa, at ito ay dapat
maglaman ng orihinal ninyong mga
konteksto at linya. Tandaan na bibigyan ko
lamang kayo ng sampung minuto upang
gumawa at maghanda. Matapos ninyo
itong gawin, ang bawat pangkat ay
pupunta sa harapan at ilalahad ang
kanilang mga meme. Naintindihan niyo ba
ang panuto?”
“Magsisimula ang paglalahad sa unang “Opo.”
pangkat. Kayo ay pumunta na sa harapan
at magsimula.

“Ito po ang nabuong meme ng aming


pangkat. Ang linya na ito ay
nangangahulugan na ang mga tao ay
mas pinipili ang kagustuhan kahit
nahihirapan na sa buhay, kaya naman
gumawa kami ng isa pang linya na
naglalaman ng kung ano ang dapat
tamang gawin sa paggawa ng desisyon
ukol sa Pangangailangan at
Kagustuhan.”

“Ang ibig sabihin ng mga meme na


nilikha namin ay…

IV. Pagtataya
A. Tukuyin ang mga salita. Ilagay ang titik “K” kung ito ay tumutukoy sa mga bagay
na Kagustuhan at “P” kung ito naman ay tumutukoy sa Pangangailangan. (Isang
puntos sa bawat bilang.)
_____1. Damit _____6. XBOX/Playstation
_____2. Iphone _____7. Edukasyon
_____3. DSLR Camera _____8. Bahay
_____4. Tubig _____9. Aklat
_____5. Flatscreen TV _____10. Kotse
B. Sanaysay. Sagutin ang sumusunod na tanong. (5 puntos.)
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan. Isalaysay rin ang
kahalagahan ng araling ito para sa mas matalino at maingat na paggastos.
V. Takdang-Aralin
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng relasyon ng mga bagay na Pangangailangan
at Kagustuhan.
Inihanda nina:

Joshua Derek S. Vergara

Micaela M. Torres

Florence Joy A. Zulueta


Contributions:

Joshua Derek Vergara – Leader of the group and overall editor of all contributions given.
Wrote the objectives, subject matter, preparation, evaluation, and assignment of the
lesson plan. He has been continuously contributing and approaching his groupmates to
complete the task.

Micaela Torres – Tasked to formulate the content of the Generalization and Application.
She also took part on editing and correcting the wrong parts on their work.

Florence Joy Zulueta – Contributed by writing the content of the Discussion in our lesson
plan.

You might also like