You are on page 1of 10

Pebrero 20, 2017

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

I. Layunin
Sa loob ng animnapung (60) minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makamit ang 75% bahagdan ng pagkatuto sa mga sumusunod:
1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga manggagawa sa bansa
2. Nabibigyang halaga ang gampanin ng isang manggagawa sa bansa
3. Nakapagsasagawa ng isang Mannequin Challenge ukol sa paraan ng
manggagawa sa alitan sa paggawa

II. Nilalaman
A. Paksa: Sektor ng Paglilingkod: Larawan ng Paggawa sa Pilipinas
B. Sanggunian: Kayamanan IV
ni Consuelo M. Emperial et al.
pahina 288-294

Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral


ni Bernard R. Balitao et al.
pahina 410-428

http://www.slideshare.net/GesaMayMargaretteTuz/sektor-ng-
paglilingkod
C. Kagamitan sa Pagkatuto
- kagamitang biswal - larawan
- yeso - pisara
- lobo - picture Chart
-placard - cartolina
- pentel pen - illustration board
D. Istratehiya:
 Putukan na!
 Character Impersonation
 Ideya mo! I-Concept Map Natin!
 Tukoy-Larawan
 I-Venn Diagram mo!
 Hugot Problems
 Mannequin Challenge

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Lumiban
4. Pagtatama ng Takdang Aralin
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

5. Balik-Aral
“Putukan na!”

Panuto: Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral na


puputok at sasagot sa tanong na nakapaloob sa lobo.

Tanong:
1. Siya ang kinikilalang ama ng mga
Unyong Pangkalakalan sa Pilipinas
2. Pinakamababang sahod na itinakda ng
pamahalaan
3. Nagsasaad na ang babae na magsisilang
ng sanggol ay may karapatan na
tumanggap ng sahod
4. Nagsasaad na ang bawat ama ay
pagkakalooban ng pitong araw na
bakasyon kapag nagsilang ng sanggol ang
kanyang asawa
5. Batas na kilala bilang Workmen’s
Compensation Act
Sagot:
1. Isabelo delos Reyes
2. Minimum Wage
3. Maternity Leave
4. Paternity Leave
5. Batas Republika Blg. 771

6. Pagganyak
“Character Impersonation”

Panuto: May mga piling mag-aaral na mag-


iimpersonate ng iba’t ibang manggagawa.

B. Presentasyon

Sa inyong palagay, ano ang uri ng trabaho ng mga


taong nasa inyong harapan?

 Magsasaka
 Jeepney driver
 Construction worker
 Teacher
 Factory Worker
Tama! Ano kaya ang tawag sa mga taong ito?

Manggagawa po.

“Ideya mo! I-Concept Map Natin!”

Panuto: Ang mga mag-aaral ay iisip at magbibigay


ng salitang maglalarawan sa manggagawa at isusulat
sa pisara. Mula sa mga salitang ibinigay ay
makakabuo kung ano ang kahulugan ng
manggagawa.

Ang manggagawa ang gumagawa ng mga produkto


at nagbibigay ng serbisyo sa taong bayan. Kapag
sinabing manggagawa, ito ay laging kaugnay ng
paggawa. Isa sa mahalagang salik ng produksiyon ay
ang paggawa o labor.

Ano ang paggawa?


Ito ang paggamit ng lakas, kakayahan at talino ng tao
upang makatulong sa produksiyon.

Sa madaling salita, gumagamit ang mga


manggagawa ng kanilang lakas, kakayahan at talino
upang makalikha ng mga produkto at makapagbigay
ng serbisyo upang maisakatuparan ang mga gawaing
pang-ekonomiya. May dalawang klasipikasyon ng
manggagawa, ang manggagawang pisikal at
manggagawang mental. Ang manggagawang pisikal
ay nabibilang sa blue collar job.

Ano ang blue collar job?


Ang blue collar job at tumutukoy sa gawain ng
manggagawang mas higit na ginagamit ang kanilang
lakas at enerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo.
Tama. Samantala, ang mga manggagawang mental
naman ay nabibilang sa white collar job.

Ano ang white collar job?

Ang white collar job ay tumutukoy sa gawain ng


manggagawang mas ginagamit ang mental na
kapasidad at kaisapan.
“Tukoy-Larawan”

Panuto: Magpapakita ang guro ng mga larawan ng


manggagawa. Tutukuyin ng mga mag-aaral kung ano
ang uri ng trabaho ng mga manggagawa na nasa
larawan at aalamin kung ito ba ay nabibilang sa blue
collar job o white collar job na ilalagay sa picture
chart.

Magsasaka Guro Factory Worker

Manager Construction Worker Doktor


Ang manggagawa ay tumatanggap ng kabayaran
bilang kapalit sa nagawang produkto at serbisyo.

Ano ang tawag sa kita na tinatanggap ng isang


manggagawa?
Sahod at suweldo po.

“I-Venn Diagram mo!”

Panuto: Magpapakita ang guro ng Venn Diagram.


Isusulat ng mga piling mag-aaral at pagkakaiba ng at
pagkakapareho ng sahod at suweldo.

Paano nagkaiba ang sahod at suweldo?

Sahod Suweldo

Ang suweldo ay ang


Ang sahod ay pagbabayad sa
kabayaran ayon sa Kita manggagawa ng
oras ng buwanan na maaaring
pagtatrabaho kinsenas at katapusan
Tama! Ang ganitong paraan ang ginagamit sa mga
empleyado ng pamahalaan at iba pang tanggapang
pribado. Ang sahod ay kabayaran ayon sa oras ng
pagtatrabaho, piraso o pakyang produkto, kontrata,
arawan o lingguhan samantala ang suweldo naman
ay pagbabayad sa manggagawa ng buwanan na
dalawang beses sa isang buwan. Karamihan sa mga
manggagawa sa industriya ay “No work, no pay.”
Mayroon ding tinatawag na nominal wage at real
wage.

Paano nagkaiba ang nominal wage at real wage?


Ang nominal wage ay tumutukoy sa halaga na
tinatanggap na kabayaran, sahod o suweldo man mula
sa ginawang produkto at serbisyo samantalang ang
real wage ay tumutukoy sa halaga ng produkto at
serbisyo na mabibili mula sa kitang tinanggap.

Magaling! Sa kasalukuyan, alam natin na karamihan


sa mga manggagawa ay hindi sapat o kulang ang
kinikita upang matustusan ang kanilang
pangangailangan kaya may mga manggagawang
gumagawa ng mga paraan sa tulong ng kanilang
unyon upang iparating sa mga namamahala at
pangasiwaan ang kanilang karaingan.

Pangkatang Gawain: “Mannequin Challenge”

Panuto: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng


Iphonuto na naglalaman ng paraan ng manggagawa
sa pagpapahayag ng kanilang karaingan at bibigyan
ito ng Hugot Problems. Matapos nito, magsasagawa
ang bawat grupo ng isang Mannequin Challenge
upang maipakita ng bawat pangkat ang gawaing
naiatang sa kanila at ang lider ng bawat grupo ang
siyang magpapaliwanag sa isinagawang Mannequin
Challenge. Mayroon lamang limang (5) minuto
upang pag-usapan ang gawain.
Group 1
Boykot – Ang mga konsyumer ay
pinakikiusapan ng mga manggagawa
na huwag bilhin ang mga produkto ng
kanilang kompanya. Ang boykot ay
pagpapakita ng hayagang pagtanggi na
bilhin ang produkto ng kompanya.
Group 2
Picket – Ang picket ay isang paraan ng
panghihikayat sa mga ibang
manggagawa na lumahok sa welga at
sa mga konsyumer para huwag
tangkilikin ang naturang kompanya. Ito
ay isinasagawa sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga placard at banner
kung saan nakasulat ang mga mensahe
na nais iparating ng mga manggagawa
sa mga kapwa manggagawa at
pangasiwaan.
Group 3
Welga – Isinasagawa ang welga sa
iba’t ibang paraan, ngunit may iisang
hangarin na nais matamo, ang
maiparating sa kinauukulan ang
kanilang mga karaingan. Ang welga ay
pansamantalang pagtigil sa trabaho ng
mga manggagawa. sila ay sabay-sabay
at sama-samang humihinto sa paggawa
upang maipaabot sa pangasiwaan ang
kanilang mga karaingan at
kagustuhanng mangyari.
Group 4
Sabotahe – ito ay isang lihim na paraan
na ginagawa ng mga manggagawa na
nakaaaapekto sa produksiyon at
kompanya. Isinasagawa nila ang
pagpapabagal sa paglikha ng mga
produkto upang di-makapag-supply at
malugi ang kompanya. May
pagkakakataon na humahantong ito sa
pagwasak at pagsira ng mga
pangunahing kagamitan, makinarya, at
pasilidad ng kompanya bilang bahagi
ng kanilang pag-aalsa.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang inyong ipinapakita sa Mannequin
Challenge?
2. Papaano ito isinasagawa?
3. Bakit nila ito isinasagawa?
4. Naaayon ba ang mga paraang ito upang
maiparating ang mga ninanais sa
pangasiwaan?

C. Pagpapahalaga

Bakit mahalaga ang mga manggagawa sa isang


bansa?
Mahalaga ang mga manggagawa sa isang bansa dahil
sila ang nagpoproseso ng hilaw na materyales,
nagpapaandar ng makinarya, lumilikha ng produkto at
lumilinang ng likas na yaman.

Kayo naisip niyo na ba kung anong uri ng


mangagawa ang kabibilingan niyo? Bakit?

(Inaasahang sagot ng mga mag-aaral)

D. Paglalahat

Paano mas malilinang o mapapaunlad ng isang


manggagawa ang kanyang kakayahan at kasanayan
upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa?

Upang mas mapaunlad pa ng isang manggagawa ang


kanyang kakayahan at kasanayan ay kailangan niyang
mas magsanay, magmasid, magpaturo, at magbasa
upang maging isang produktibong manggagawa.
IV. Ebalwasyon (1/4 sheet of paper)

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik lamang.

a. Sabotahe b. White Collar Job c. Suweldo d. Welga

e. Blue Collar Job f. Manggagawa g. Boykot h. Picket

i. Nominal Wage j. Paggawa

1. Hayagang pagtanggi na bilhin ang produkto ng kompanya.


2. Tumutukoy sa halaga na tinatanggap na kabayaran, sahod o suweldo man mula sa
ginawang produkto at serbisyo.
3. Ito ang paggamit ng lakas, kakayahan at talino ng tao upang makatulong sa
produksiyon.
4. Tumutukoy sa gawain ng manggagawang mas ginagamit ang mental na kapasidad
at kaisapan.
5. Gumagawa ng mga produkto at nagbibigay ng serbisyo sa taong bayan. –
6. Paglalagay ng plakard at bandera kung saan nakasulat ang mga nais iparating sa
manggagawa at pangasiwaan.
7. Pansamantalang pagtigil sa trabaho ng mga manggagawa.
8. Tumutukoy sa gawain ng manggagawang mas higit na ginagamit ang kanilang
lakas at enerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo.
9. Tinatanggap ng isang manggawa bilang kapalit sa ginawang produkto at serbisyo
na maaaring kinsenas at katapusan.
10. Pagpapabagal sa paglikha ng produkto upang malugi ang kompanya.

V. Takdang-Aralin (Notebook)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anu- ano ang mga paraan ng pangasiwaan upang labanan ang mga hakbang
ng manggagawa?
2. Ano ang Collective Bargaining?
3. Anu-ano ang mga uri ng Collective Bargaining?
VI. Mga Tala

VII. Pagninilay

Inihanda ni:

DIANA LYN MATANGAL


Practice Teacher

Iniwasto ni:

JAYSON SOLIMAN
Cooperating Teacher

Ipinagtibay:

EMERITA ROMERO
Principal
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG
MANNEQUIN CHALLENGE

PAMANTAYAN 5 3 2 Puntos Nakuhang Puntos

Maayos na Hindi Hindi


naipakita masyadong naipakita
Presentasyon ang paraan naipakita ang paraan
ng ang paraan ng
manggagaw ng manggaga
a sa alitan manggagaw wa sa
sa paggawa a sa alitan alitan sa
sa paggawa paggawa

Malinaw Hindi Hindi


ang masyadong malinaw
Pagpapaliwanag ginawang malinaw ang
pagpapaliw ang ginawang
anag sa ginawang pagpapaliw
paraan ng pagpapaliw anag sa
manggagaw anag sa paraan ng
a sa alitan paraan ng manggaga
sa paggawa manggagaw wa sa
a sa alitan alitan sa
sa paggawa paggawa

You might also like