You are on page 1of 15

Balik-aral:

• Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na


paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang
katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Ano ang Pinagkukunang-Yaman?


• Anumang bagay, may buhay man o wala, ay nagiging
pinagkukunang-yaman (resources) sa sandaling malaman
ng tao ang pakinabang nito upang mapunan ang kanyang
pangangailangang ekonomiko.
• Ano mang bagay na ginagamit ng tao upang tugunan ang
kanyang pangangailangan at kagustuhan.
Ano ang Pinagkukunang-Yaman?
• Walang hanggan ang pagtuklas sa iba’t ibang
pinagkukunang yaman. Siya ay patuloy na nakalilikha ng
paraan upang magamit ang mga bagay sa kanyang paligid
para sa ikabubuti ng kanyang kalagayan.

Uri ng Pinagkukunang-Yaman
• Likas-Yaman
• Yamang Tao
• Yamang Kapital
Likas Yaman
• Lahat ng bagay na may pakinabang sa tao na mula sa
kalikasan.
• Pinakagamit sa lahat ng uri ng pinagkukunang-yaman.

Yamang
Lupa
Uri ng Likas Yamang
Yaman Tubig

Yamang
Mineral
Yamang Lupa
• Ang Pilipinas ay biniyayaan ng iba’t ibang anyong lupa. Mula rito
nagmumula ang iba’t ibang mga yamang likas na ginagamit sa pang
araw-araw na pamumuhay.
• Ang mga lupain sa bansa ay nauuri bilang alienable and disposable,
lupaing kagubatan at pampublikong lupain.

Alienable and Disposable Land


• Tumutukoy sa mga lupaing may titulo ay maaring ariin at ipagbili
upang pagtamnan, pagtayuan ng bahay o gusali o gamitin sa iba pang
layunin.
• Tinatayang 47% ng lupain sa bansa ay kabilang sa ganitong uri.
• Ito ay nauuri bilang residensyal, komersyal, industryal at agrikutural.
Pampublikong Lupain
• Tumutukoy sa mga lupaing pag-aari ng pamahalaan at hindi
maaring angkinin o ipagbili.
• Kabilang dito ang mga lupaing sakop ng kalsada, daungan,
pampublikong gusali, parke at iba pa.

Lupaing Kagubatan
• Tumutukoy sa mga lupaing natatakpan ng kagubatan. Ito hindi
maaring angkinin ng pribadong tao o samahan ngunit maaring
pakinabangan ng sinuman kung may pahintulot ng pamahalaan.
• Tinatayang 18% ng mga lupain ng bansa ay kabilang sa ganitong uri.
Malaking bahagi nito ay matatagpuan sa MIMAROPA, Lambak ng
Cagayan, Davao Region, CARAGA at CAR.
Yamang Tubig
• Ang bansa ay may 220 milyong ektarya ng katubigang teritoryal
(territorial waters), 12% ay katubigang baybayin (coastal waters) at
88% ay katubigang karagatan (oceanic waters).
• Maliban dito, ang Pilipinas ay nagtataglay rin ng 132 malalaking ilog
(river basin) at 59 lawa (inland water).

Yamang Mineral
• Ang mga mineral ay itinuturing na yamng hindi napapalitan
(non-renewable). Ang mga deposito nito at nauubos pagdating
ng panahon.
• Ang industriya ng magmimina ay pinagmumulan ng malaking
kita ng bansa (48 bilyong piso, 2005).
• Ang yamang mineral sa bansa ay nahahati sa dalawang uri:
metal at di-metal.
Uri ng Yamang Mineral

METAL DI-METAL

Precious Metals Fuels


• Gold, Silver • Natural Gas, Coal

Base Metals Non-Fuels


• Copper, Iron, • Limestone, Silica
Nickel Sand
Pagpapahalaga sa mga Likas Yaman

Artikulo XII, Saligang Batas ng Pilipinas


• Ang lahat na likas na yaman ng bansa ay pag-aari ng
estado. Ang paggamit, paggalugad at pagpapaunlad nito ay
nasa ilalim ng kontrol at superbisyon ng estado. Maaaring
magkatuwang sa pakikipagsapalaran sa mga gawaing ito
ang mga Pilipino at korporasyon na 60 bahagdan ng
pamumuhunan ay pag-aari ng estado.
Kahalagahan ng Pangangalaga sa Kalikasan

• Konserbasyon
– maingat at makatwirang paggamit ng iba’t ibang yaman ng
bansa
• Halimbawa ng mga Suliraning Pangkalikasan
– Landslide
– Mine tailings
– Red tide at fish kill
Likas-kayang paggamit (sustainable use)
• Tumutukoy sa paggamit ng mga yamang likas sa paraang
makapagbibigay ang mga ito ng lubos na kapakinabangan
ngunit hindi manganganib na maubos
– Biological resource
– Biological diversity

World Conservation Union


 Isang pandaigdigang organisasyon na nagpapahayag ng
pagkilala na ang kultura, ekonomiya at kapakanan ng tao
ay nakadepende sa kalikasan
 Pangunahing layunin nito na mahikayat at matulungan
ang iba’t ibang bansa na mapangalagaan ang kalikasan sa
pamamagitan ng likas-kayang paggamit o sustainable use
Mga Batas Pangkapaligiran
• Republic Act 9003 (Ecolological Solid Wastes
Management Act)
– nagtatakda sa pagbuo ng isang solid wastes management
program
• Republic Act 6969 (Toxic Substances, Hazardous and
Nuclear Wastes Control Act)
– nagtatakda ng pagpigil sa pagtatapon ng mga nakalalasong
bagay lalo na ang mga tinatawag na nuclear wastes
Mga Batas Pangkapaligiran

• Presidential Decree 1160


– direktang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga kapitan ng
barangay na mahigpit na ipatupad ang pollution and
environmental control laws
• Presidential Decree 1067 (Water Code Act)
– dikretong nagtatakda ng water code, nagsasaayos ng batas
hinggil sa pagmamay-ari ng tubig na ginagamit sa mga
tahanan, pampubliko at pangkomersyo, at nagbibigay ng
proteksyon sa yamang tubig ng bansa
Mga Batas Pangkapaligiran

• Republic Act 8749 (Clean Air Act)


– nagtatakda ng isang komprehensibong air pollution control
policy
• Republic Act 8550 (Philippine Fisheries Act)
– nagtatadhana ng pagpapaunlad, pamamhala at
konserbasyon ng pangisdaan at lamang dagat
• DENR Administrative Order, Series of 2000
– pagtatakda ng tamang pag-aani at paggamit ng produktong
kagubatan sa loob ng community-based forest management
areas
Mga Batas Pangkapaligiran
• Republic Act 9147 (Wildlife Resource Conservation and
Protection Act)
 nagtatakda ng pamantayan at proteksyon sa mga
Philippine Wildlife Resource
• Executive Order 370
 Nagpalakas sa Philippine Council for Sustainable
Development
Mga Batas Pangkapaligiran
• Executive Order No. 15
 Lumikha ng Philippine Council for Sustainable
Development
 isang multi-sectoral body na naatasang gampanan at
isakatuparan ang pangako ng Pilipinas sa United Nations
Conference on Environment Development

You might also like